ito naman ang case ko. although eldest ako, d naman ako naging breadwinner kasi never naman kami inobliga ng parents ko. pero growing up, my parents would really say wag muna mag asawa pagnakatapos ng pag-aaral. even when i was still in grade 6 or high school, my dad would talk me out on getting pregnant at a young age. those were awkward conversations kasi bata pa ako pero now i know why my dad did that. although minsan yung mom ko would mention that "mas maganda" kung ako daw magpapaaral ng mga kapatid ko pero it was never really a serious talk. parang parinig lang si mom. eh ang weird because mom was an eldest daughter pero never siya naging breadwinner kasi well off sila ng grandparents ko. even my papa (lolo) retired hanggang sa kelangan naniya talaga magretire. baliktad naman sa dad ko. yung dad ko ang trinain na magsumikap sa buhay kasi 7 sila and even if middle class sila, the way they were brought up is kelangan talaga paghirapan ang pera. dad din was never a breadwinner.
growing up, si dad lang ang may work. mom was busy taking care of us. 3 kaming magkakapatid. tapos nung lumaki na kami , nagkabusiness yung family ng dad ko and they needed mom's help so nagkawork si mom. ok lang kasi malalaki na kami and i think at that time we really needed extra money kasi mahal na yung gastos sa school. until one day parang dad decided to quit his stable job and go on real estate. so si mom na ang may stable job. then dad was unlucky with his real estate thing. in short, mas naging mahirap ang buhay namin nung malalaki na kami. dito ako parang may tampo sa dad ko. kasi he let my mom shoulder almost all the expenses sa house. kaya minsan relate ako sa investment ang panganay eh kasi i was the one who went to a good school pero never ako naging maluho kasi i was never provided one. yung mga kapatid ko ang nabibigyan ng gusto nila.
high school went i had my first love. chosS! ok naman kami. my ex was really well off. come college, he asked me to marry him (i know, sobrang bata pa kami!). although love ko siya, HINDI PA AKO PWEDENG magpakasal not because i was thinking i was young then pero i was thinking of my siblings. at that time nag-aaral pa sila. yung sumunod sa akin kakastart pa lang ng nursing. in short, naghiwalay kami ng bf ko na yun. that was my biggest heartbreak ever na even until now naiisip ko what if nagpakasal ako sa kanya nung college kami. I TOLD MYSELF D AKO MAG AASAWA HANGGAT D PA NAKAPAGTAPOS ANG MGA KAPATID KO. that's the promise na inako ko sa sarili. why? kasi gusto ko lahat ng earnings ko mapupunta sa kanila to help my mom.
nung nagwork na ako dito sa manila, i let myself enjoy my salary. gastos dito gastos nun, credit cards, etc.. but at the same time i helped my mom sa schooling ng brother ko na nagnursing. back in our house, kaya pa naman. they can eat normally, pay the bills, konting kain sa labas, etc... so i thought everything is still ok. until one day si mom ko na ang nagtext na nagpapatulong sa mga fees/ seminars ni brother. so ako naman nagpadala. hanggang sa napansin ko napapadalas na ang pagpapadala ko. of course, i didn't mind kasi gusto ko rin naman na tumulong. in fact, i would add some amount tapos itext ko si mommy "nag-add ako ng pang parlor mo" in which my mom would really thank me. yun naman ang pinaka priceless sa lahat. d mababayaran ng kahit anong halaga pag ang mom mo ang magtthank you sayo. so nakapagtapos na si brother ng nursing. at pumasa na rin sa boards. lahat ng mga fees nun ako nagbayad. so i was this ever proud ate. lalo na when he passed the boards, mga kabarkada ko nagcongratulate din sa akin. shortly, nakapagwork na rin si brother and yung younger sister ko rin na naging teacher. so i stopped my support kasi tapos na kaming lahat. nagpapadala na lang ako kay mom pang parlor niya or pang shopping. minsan pag umuuwi ako sa amin, ako naggrocery for the whole month. at this time, i have na my fiance.
so ganito, ang inisip ko kasi since tapos na ang mga kapatid ko sa work, i expect them naman na tumulong sa house namin since sila din naman ang nakatira dun. so eto na, while i was preparing for my wedding, nakabuntis itong si brother. i was really disappointed kasi ang feeling ko, kakatapos lang niya and d man lang niya naenjoy ang career niya tapos eto mag aasawa na. my mom and i talked, umiiyak ang mom ko kasi nung time na nag aaral ang brother ko, loan after loan after loan si mom. kahit hanggang ngayon, d pa bayad ang loan niya sa brother ko. nag usap pala sila ng brother ko before and my brother promised to pay the loan pagnakapagwork na siya. so ngayon, pano pa makapagbayad ang kapatid ko eh nakabuntis na. mas lalong lumalala ang sitwasyon ngayon na nag-asawa na ako. my sister ha, not my mom, would text me na manghihiram ng pera pambayad ng kuryente or tubig dahil mapuputulan na daw sila. taas kilay ako kasi teka lang ha, ang tataas ng sweldo niyo diyan at wala kayong binabayaran na bahay at groceries at kayo pa ang may guts na manghiram sa akin ng pera para sa utilities niyo diyan? kakaimbyerna kasi. tapos malalaman ko na umutang ng laptop, sala set, etc... tapos yung kapatid kong lalaki, gusto ng bonggang binyag kahit walang pera. eh kahit panggatas ng anak niya eh wala siyang pambili eh.
so eto ako ngayon, kung kelan nag-asawa ako, ako ang source ng pamilya ko, not just my parents. ang masaklap pa eh hindi ako nakatira sa bahay namin. matagal na. for 6 years! at ang mga kapatid ko ay may mga disente at high paying jobs but they never give back to my mom. ito minsan nakapagpaiyak sa akin eh. ako naman d naman ako madamot pero i have a house to pay, bills to pay, loans and credit cards to pay. halos wala na matira sa sweldo ko eh. and i feel terrible if d ako nakakatulong sa kanila. d naman sila namimilit. if i say that i don't have money, wala din naman. pero i just feel terrible na d man lang ako nakatulong and what makes it more terrible is BAKIT? bakit na ang mga kapatid ko ay d tumutulong sa bahay.
buti na lang my hubby is very understanding pero minsan nakakahiya din sa kanya. although the money i give to them are my own personal savings, nagtataka siya kasi wala na daw natitira sa akin. sabi ko nga next year bibili ako ng lupa para may farm na ako. eh ang balak ko kasi is to buy a lot tapos si mom na ang ipapamanage ko sa farming tapos sa ani, hati kami. eh si hubby tutulong din sa pagfinance ng farm ko so magiging amin na yung property or business na yun. eh nahihiya ako sabihin kay hubby sa plan ko that i'll give partly to my mom. shucks! huhuhu...
so yun ang kwento ko. i was not a breadwinner pero somehow nainstill sa akin ng magulang ko while i was growing up i should have responsibility over our family. kaya siguro i feel terrible when i can't help. ngayon gusto ko din bayaran yung loan ni mom sa brother ko. ewan ko ba, lahat na lang yata inaako ko for my mom. i know minsan exag kasi d naman humihingi ng tulong ang mom ko pero minsan i feel it's my responsibility. yun lang. tsaka imbyerna pa rin ako sa mga kapatid ko. hmp!

isa din sa reason kaya ayoko pa magbaby is takot ako na madeprive sila sa good things in life tapos lumaki sila na kahit very basic need eh ipapamukha mo sa kanila na hirap na hirap ka to provide for them and ayoko na iobliga sila to provide for us once they grow up. kaya sabi ko kay hubby, ipon muna kami at never kaming gagastos sa pregnancy hanggat d namin afford ang panganganak. kahit gustong gusto na namin talaga, lagi namin iniiisip, d pa natin afford magbaby.
