watch now

Author Topic: eldest child ginagawang breadwinner  (Read 158471 times)

lilmissprettydiva

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #20 on: October 26, 2010, 11:27:55 am »
I think it depends... kasi I'm also eldest but my parents don't force me to give or share in the house. Unang una they want me to be independent and enjoy my salary. Siguro binabawi ko nalang pag I got bonus and I treat them once a while. Actually, my dad still provides me allowance since may work pa sya.

Minsan lang nag aaway kami ng mom ko kasi daw di ako nagbibigay sa bahay. I don't live in our house anymore and I'm paying my own house amortization plus other bills. Minsan para ma-appease I just provide groceries nalang sa bahay. But my dad is vehement na ipunin ko nalang daw yung salary ko para di ako manghingi by the time my dad will retire.

phurple0515

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #21 on: October 26, 2010, 03:19:22 pm »
Ako naman, they are my family kaya I support them.  Like in the case of my parents, di na namin sila paingwork ng sister ko kasi nga all their lives nagwowork sila for us kahit nong nagstart kami ng sister ko magwork.  Nong una, si Papa lang di na nagwork.  Tapos naging 'house-bund' na lang siya.  Sabi ko, ok sa bahay na nga lang siya.  Then nong nakapag-abroad ako, nagkaron naman ng misunderstanding mama ko at sis niya (kung san siya namamasukan).  E grabe naman work ni mama don, walang off, di man lang kami mapuntahan sa kabilang bahay at masabayan ng pagkain to think as in magkatabi lang bahay namin.  I advised her then to stop working na rin.  kaya ngayon silang 2 nasa bahay lang, inaalagaan sister ko na nagwowork sa call center at 3 aso namin, hehe.   Sister ko naman incharge sa groceries at utilities.

Masarap na isipin na you are giving back to your parents.  Masarap yong feeling na nabibigay mo yong dating di nila maibigay sa yo because of financial constraints.   

pumpkin13

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #22 on: October 26, 2010, 06:54:49 pm »

Masarap na isipin na you are giving back to your parents.  Masarap yong feeling na nabibigay mo yong dating di nila maibigay sa yo because of financial constraints.   

i attest to this sis.  :)

phurple0515

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #23 on: October 27, 2010, 08:33:55 am »
Kasi dati nong kami ng sister ko, pag me gusto kami, shempre mga bata pa, alam mo yong pag di nabigay, magtatampo tayo sa parents natin.  ngayon, alam ko na kung bakit, mahirap kumita ng pera.  I asked my parents to just stay at home and relax hehe), kasi me and my sis are working naman na.  Nakakataba ng puso yong alam mo na napapasaya mo sila, masarap. 

sistah!

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #24 on: October 27, 2010, 02:00:33 pm »
there is absolutely nothing wrong in helping out your family. BUT i think it should not be the only source of income for the family naman. i mean, parang when the eldest graduates, i think it's okay for part of her income to go to the family para mabawasan din ang problema ng parents. but the parents shouldn't stop working and depend on the one child to handle everything. san ka pa naman, nagpalaki ka ng anak na naging atm mo?pwede ba yun?

my parents were obliged by my grandparents to support them when they started working kaya na-realize nila na mahirap magsimula ng sarili mong buhay. so when my sibling and i graduated, they told us to just save, save, save for ourselves. swerte din kami but of course, we are generous with our parents din.

phurple0515

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #25 on: October 27, 2010, 02:12:08 pm »
^ well, depende na rin naman sa parents yan at sa anak.  yong iba talaga, parang nag-anak lang para magwork para sa kanila.  tignan mo na nga lang ang mga bata sa kalye, makikita mo yong bata namamalimos or naglalako ng sampaguita samantalang ang mga magulang nila nagsusugal or nakatambay lang.

yong nanay-nanayan ko na barkada namin, she always tell me na wag na wag kakalimutang mag-abot sa parents kahit maliit lang kasi natutuwa daw sila pag ganon.

CityHunter

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #26 on: November 10, 2010, 08:50:36 am »
Sigh.  Yun ganitong story hindi talaga maganda and ako mismo hindi rin boto na dapat super sacrifice ang eldest child.  Yun nga lang sa squatters area near us yun kid who collects trash from us sometimes obliged to give money to his parents everyday.  Lasengo yun tatay and nagger yun mom according to a neighbor.  Isipin ninyo kids as young as 4 inuutusan magtrabaho o manlimos.  Kaya tutol ako sa plano ni Dinky :P

More so yun sad story ng friend namin whom we visited at her wake.  Ginawa siyang old maid ng mga kapatid niya - as in talagang pinagbawalan magkaroon ng relationship - dahil she had to support them for their schooling.  Know what, napagtapos niya sila but on her hour of need not one came to help her.  Oh yes, mayroon dumating para kunin yun mga ari-arian niya and get her to thumbmark a paper for power of attorney.  Yun royalty niya na hiningi sa publisher so she can buy medicine binawasan pa :P  Even now na patay na siya no one wants to finalize things.  Ang ending pa nito yun katulong lang niya ang talagang nagmalasakit until the end.  Cremation lang ang ending niya and even her remains hindi pa maasikaso.  Mukhang a good friend na lang ang sasagot where itatago yun ashes niya as ayaw maglabas ng funding or even effort yun relatives.  Funds which are actually hers.

Its cases like these that really break my heart and sure wished nagawaan ko ng chart way before this happened para nakontra na noon pa or have left those unworthy persons stupid na lang as at least siguro hindi ganito ang sinapit.

quennna

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #27 on: November 11, 2010, 04:07:15 pm »
im the eldest too..
ang lakas nga ng loob ko..
kasi pagkagraduate nang younger sister ko..
sabi ko sa beloved father ko..
na wag na syang bumalik na saudi..
ako na bahala sa kanila..
eh that time magkano lang ba sweldo
pero talagang pinanindigan ko.. until now..

so far sa utility bills.. hati hati kami ng kapatid..
ako tuka sa house rental and konting grocery..
sis ko sa electricity
cousin ko sa tubig..

pero amaze ako kasi talagang nakakaraos kami eh..
masarap din maging breadwinner..
kung love mo family mo and di sila nag tatake advantage..
basta bottomline.. focus lang sa necessity, saka na luho kung may sobra.. :)

phurple0515

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #28 on: November 11, 2010, 04:38:11 pm »
^ kudos to the eldest na ganyan.  sarap di ba sis ng feeling pag you provide for your family na kung iisipin mo dati ganyan mga parents natin sa atin nong bata tayo :)

blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #29 on: November 12, 2010, 01:22:05 pm »
pansin ko lang karamihan sa mga panganay nagiging breadwinner na ng pamilya nila pag nakapagpatapos na. yung mga pera na nakukuha nila sa work lagi na lang sa parents o sa mga younger siblings napupunta. halos they don't have time for themselves. yung iba naman gusto man mag-asawa hindi magawa kasi pagsasabihan ng parents na "KAYA KA NGA NAMIN PINAGTAPOS PARA MAKATULONG KA SA MGA KAPATID MO TAPOS IIWANAN MO LANG KAMI AGAD."

for me, mali ang ganitong set-up. di naman kasalanan ng eldest kung siya ang eldest di ba. hindi niya naman obligasyon maging breadwinner dahil nandyan naman parents niya. ok lang siguro yung magbigay ng konting budget kahit papano pero ang i-deprive yung eldest na maging financially stable sa career niya at magkaroon ng sariling buhay, MALI na yun ha.

i am the eldest in the family. nangako talaga ako sa sarili ko na di ako magiging breadwinner. magbibigay lang ako ng konti pero ang i-asa sa akin ang buhay ng mga kapatid ko, aba, di na tama.

ano ang tingin nyo sa ganitong sitwasyon?

Sa tingin ko, hindi tama para sa magulang i-obliga ang panganay na tumulong sa kanila. In the first place, hindi sila dapat mag-anak ng marami kung hindi nila kaya ito sustentuhan. 

Kung ako yung magulang, I would feel guilty.  Una una, dinedeprive ko ang panganay ko ng future. Pangalawa, pinapalaki ko ang mga hindi panganay na anak na thinking "okay" lang ang mag-anak ng mag-anak without regard kung kaya pakainin. Pag sila naman ang mag-asawa baka gawin din nila yan sa anak nila.

blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #30 on: November 12, 2010, 01:31:10 pm »
I'm the eldest and breadwinner, as in walang natitira sa sweldo ko, everything goes to my family, allowance lang ang natitira sa akin.

When I was a kid pa lang my parents would always tell me to study hard and always behave kasi ako ang bubuhay sa mga kapatid ko in the future

It was okay, I thought it's every panganay's fate to be the next breadwinner

Imagine I'm 29 and my youngest sibling is only 10. SO by the time she finishes college I'm already almost 40. Wahhhh!

To be honest, there are times na naiisip ko na unfair sa akin yong parents ko, nag-anak sila ng madami tapos sa akin na lang inaasa. I'm the only one working right now.

Pero I feel so guilty when there are times na naiisip ko ayaw ko, na gusto ko na mag-give up. I'm so scared na magsawa ako at iwanan ko sila, I hope hindi mangyari because I love my family so much....

I have also heard of incidents in cases na hindi natupad ang pangarap ng parents na napagtapos ang panganay. Meaning say yung panganay hindi napaaral ang mga kapatid or say nag asawa ng maaga at kelangan din i-prioritize ang sariling family. In these cases, naging malaking kasalanan pa tuloy ng panganay na hindi nakatulong.

Point ko lang, sabihin na natin hindi kasalanan ng parents nagkaron ng maraming anak kaya nila gusto ang panganay magtaguyod sa mga siblings. pero in case, the later did not happen, they should not blame the panganay. Im sure hindi din gusto yun ng panganay. Nagkataon lang din.  Pero most often, ang panganay din nasisisi if hindi natupad yung pangarap ng parents for the whole family (not for the panganay) .

blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #31 on: November 12, 2010, 01:34:08 pm »
Well, some parents do invest more on the panganay  - like sending him/her to the best schools, laging bago yung gamit, sunod ang luho, etc. I think it's okay to give back if you are that favored one lol.

I don't think so. This is the parent's prerogative. Hindi sila inobliga ng panganay ng magbigay ng luho sa panganay lang. Ni hindi sila sinabihan na i-send sa best schools ang panganay para ma "free up" sila sa obligasyon nila sa ibang anak.

In fact, the right way to do it, dapat, hindi ka mag-aanak more than you can raise. Tapos yung school, can be comprised, kasi sino ba nagsabi mag anak kung hindi kaya paaralin. Nasa pagpapalaki ng bata on how the kid/s can cope with not-so-expensive schooling. Sa ganun, pantay-pantay. If need be, ipa scholar, or magloan. But they should have never give way sa mga luho ng panganay.

blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #32 on: November 12, 2010, 01:34:58 pm »
Parenting should never be a give and take thing.  In fact, it is always giving. Kung may maibigay sayo ang mga anak mo, then thank you.  Kung wala, hindi dapat ito dine-demand.

« Last Edit: November 13, 2010, 07:08:06 am by blooming »

blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #33 on: November 12, 2010, 01:47:37 pm »
Ako naman, they are my family kaya I support them.  Like in the case of my parents, di na namin sila paingwork ng sister ko kasi nga all their lives nagwowork sila for us kahit nong nagstart kami ng sister ko magwork.  Nong una, si Papa lang di na nagwork.  Tapos naging 'house-bund' na lang siya.  Sabi ko, ok sa bahay na nga lang siya.  Then nong nakapag-abroad ako, nagkaron naman ng misunderstanding mama ko at sis niya (kung san siya namamasukan).  E grabe naman work ni mama don, walang off, di man lang kami mapuntahan sa kabilang bahay at masabayan ng pagkain to think as in magkatabi lang bahay namin.  I advised her then to stop working na rin.  kaya ngayon silang 2 nasa bahay lang, inaalagaan sister ko na nagwowork sa call center at 3 aso namin, hehe.   Sister ko naman incharge sa groceries at utilities.

Masarap na isipin na you are giving back to your parents.  Masarap yong feeling na nabibigay mo yong dating di nila maibigay sa yo because of financial constraints.

That's nice sis. Buti it turned out okay sa inyo.

Sakin naman, nakita ko all my childhood, laging nagtitipid parents namin.  As in, in everything they do.  oo, wala kaming luho nung mga bata pa kami, pero sila din.  But never, as in never, nila kami inobliga.  When I went on with my masters, I was initially hesitant pa nga. Pero sabi ng mom ko, sige lang, kung gusto ko talaga. She volunteered pa to shoulder, eh nahiya nako kaya partly, nag SSS loan ako at nagpart time work din ako para naman hindi lahat i-asa ko sa kanila.

Ngyon na my sibling and I are stable na, ganun parin sila. ayaw tumanggap ng gifts from us. pag cash, binabalik. Kaya minsan in kind nalang ang gift ko para wala silang magawa.  ;D  Pero kita ko talaga na hindi kami namamasyal nung bata, lahat ng uniforms namin pati gamit/libro luma (pati panganay kasi nakikihiram mom ko sa friends nya na may anak na mas matanda samin). Pero all they have in mind - was mapagtapos kami, makabili sila ng sariling bahay, mabigyan pa nga kami ng mga bahay din eh, and to make sure they wont ask us a single cent for their retirement. Tapos kita ko hanggang ngayon, senior citizen na sila, mas prefer pa nila magcommute, laging bitbit ang senior citizen cards nang makadiscount, etc.

Para sakin, kahit wala kaming masyadong toys or bagong damit nung bata, nakita ko yung focus ng parents ko, to make sure we live our own lives the way we want them without thinking of any obligations.  Naranasan kasi ng dad ko, bilang panganay, na buhayin ang parents nya at mga kapatid nya (yes on top of thinking of his own family's FUTURE too), kaya ayaw nya mangyari yun samin.

Kaya ngayon, feeling ko they have to sell nalang yung mga bahay na gusto nila ibigay samin. Kako ibenta nalang nila at i-enjoy naman nila ang retirement nila. Hindi yung hanggang ngayon, tipid parin sila ng tipid. Eh we are all independent adults na. Ano ba naman yung mag enjoy sila, sa lahat ng pinagpaguran nila. 
« Last Edit: November 12, 2010, 01:52:18 pm by blooming »

phurple0515

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #34 on: November 12, 2010, 01:57:29 pm »
^ naku, oo ganon din parents ko, pinipilit ko pa sila kung ano gusto nila para mabili ko minsan, na alam ko naman nahihiya sila kaya ayaw magsabi.  kaya pag nakakaramdam ako ng hints na gusto nila, ayun tinatry ko bilhin na lang.

swertehan lang talaga tayo sa ganitong mga sitwasyon.

halfasniceasyou

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #35 on: November 13, 2010, 06:31:11 am »
i think this is a really good topic. second eldest ako and yet ako na nagpo-provide s family ko since i was still in college. it was ok with me back then, until magka-family of my own na din ako. i feel like i need to prioritise my own family now. and since living here in australia, na-realize ko na may flaw sa ganung arrangement. kasi ang mga magulang sa pilipinas, umaasa na lang sa anak after awhile. i have seen many old people here still working kasi ayaw nila na maging pabigat sila, they can stand in their own feet. i don't to sound ungrateful, pero for me, having children means loving them, caring for them and providing for them. not, assuming that someday they will be the one to take on their responsibilities as provider for their other children. that's my opinion only. :p

blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #36 on: November 13, 2010, 07:01:20 am »
i don't to sound ungrateful, pero for me, having children means loving them, caring for them and providing for them.

I agree sis. at syempre, providing for them para maging independent adults sila balang araw at hindi nakasandal sayo or sa mga kapatid.

And this includes us, being parents, also thinking about our own retirement.  kung mahal mo talaga mga anak mo, bakit mo sila gusto i-burden sa hindi nila responsibility?  Bakit mo ilulustay lahat ng pinaghirapan mo sa panganay, and REQUIRE them to give it back to you 10-fold?  They are not investments.  They are human beings you brought into this world to live, at hindi para i-sustain ka sa retirement mo. 

« Last Edit: November 13, 2010, 07:04:21 am by blooming »

thebratinella

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #37 on: November 13, 2010, 07:26:47 am »
^i agree. kaya nga nag-anak para alagaan, palakihin ng tama, mahalin at bigyan ng bright future. i'm blessed because my parents have their own jobs, businesses and properties. they never told us to support them after we graduate. lagi nila sinasabi na mag-aral ka nang mabuti para someday magawa mo lahat ng gusto mo at mabili mo lahat ng di namin naibigay. itinatak sa isip namin na marami kaming puede gawin sa buhay namin after college. eldest ako at 8-9 years ang age gap ko sa brothers ko but my parents never asked me to pay for their tuition. ako na lang nagbibigay ng money sa brothers ko for luxuries. ayaw pa nga ng mom ko na bumibili ako ng pricey stuff for my brothers. i have to tell them not to divulge the price dahil mapapagalitan kami. nakita ko rin yung ganitong pagpapalaki sa maternal grandparents ko. lahat ng financial support na nakukuha nila sa mga anak nila hindi hiningi. kusa nagbibigay mom ko and her siblings. lately lang nagstop maghanapbuhay ang grandparents ko kasi may sakit na.

thebratinella

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #38 on: November 13, 2010, 07:32:56 am »
alam ko ang pagsisikap ng grandparents ko para mapag-aral lahat ng kids nila. when i say grandparents kasama dun ang siblings ng lolo ko na unmarried. pati sila tumulong at never nagsabi na suklian niya. happy na sila to see everyone of the offsprings na maayos ang buhay. kaya ako i plan on having just one child. my husband and i have agreed on that. we want to be able to prepare for her future. ayoko dumating yung time na iisipin pa niya kami. happiness ko na to see her have a comfortable life. ayoko ng mentality na mag-anak ng marami kasi baka sila ang magpayaman sa magulang.

freeswan

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #39 on: November 13, 2010, 08:45:49 am »
ito naman ang case ko. although eldest ako, d naman ako naging breadwinner kasi never naman kami inobliga ng parents ko. pero growing up, my parents would really say wag muna mag asawa pagnakatapos ng pag-aaral. even when i was still in grade 6 or high school, my dad would talk me out on getting pregnant at a young age. those were awkward conversations kasi bata pa ako pero now i know why my dad did that. although minsan yung mom ko would mention that "mas maganda" kung ako daw magpapaaral ng mga kapatid ko pero it was never really a serious talk. parang parinig lang si mom. eh ang weird because mom was an eldest daughter pero never siya naging breadwinner kasi well off sila ng grandparents ko. even my papa (lolo) retired hanggang sa kelangan naniya talaga magretire. baliktad naman sa dad ko. yung dad ko ang trinain na magsumikap sa buhay kasi 7 sila and even if middle class sila, the way they were brought up is kelangan talaga paghirapan ang pera. dad din was never a breadwinner.

growing up, si dad lang ang may work. mom was busy taking care of us. 3 kaming magkakapatid. tapos nung lumaki na kami , nagkabusiness yung family ng dad ko and they needed mom's help so nagkawork si mom. ok lang kasi malalaki na kami and i think at that time we really needed extra money kasi mahal na yung gastos sa school. until one day parang dad decided to quit his stable job and go on real estate. so si mom na ang may stable job. then dad was unlucky with his real estate thing. in short, mas naging mahirap ang buhay namin nung malalaki na kami. dito ako parang may tampo sa dad ko. kasi he let my mom shoulder almost all the expenses sa house. kaya minsan relate ako sa investment ang panganay eh kasi i was the one who went to a good school pero never ako naging maluho kasi i was never provided one. yung mga kapatid ko ang nabibigyan ng gusto nila.

high school went i had my first love. chosS! ok naman kami. my ex was really well off. come college, he asked me to marry him (i know, sobrang bata pa kami!). although love ko siya, HINDI PA AKO PWEDENG magpakasal not because i was thinking i was young then pero i was thinking of my siblings. at that time nag-aaral pa sila. yung sumunod sa akin kakastart pa lang ng nursing. in short, naghiwalay kami ng bf ko na yun. that was my biggest  heartbreak ever na even until now naiisip ko what if nagpakasal ako sa kanya nung college kami. I TOLD MYSELF D AKO MAG AASAWA HANGGAT D PA NAKAPAGTAPOS ANG MGA KAPATID KO. that's the promise na inako ko sa sarili. why? kasi gusto ko lahat ng earnings ko mapupunta sa kanila to help my mom.

nung nagwork na ako dito sa manila, i let myself enjoy my salary. gastos dito gastos nun, credit cards, etc.. but at the same time i helped my mom sa schooling ng brother ko na nagnursing. back in our house, kaya pa naman. they can eat normally, pay the bills, konting kain sa labas, etc... so i thought everything is still ok. until one day si mom ko na ang nagtext na nagpapatulong sa mga fees/ seminars ni brother. so ako naman nagpadala. hanggang sa napansin ko napapadalas na ang pagpapadala ko. of course, i didn't mind kasi gusto ko rin naman na tumulong. in fact, i would add some amount tapos itext ko si mommy "nag-add ako ng pang parlor mo" in which my mom would really thank me. yun naman ang pinaka priceless sa lahat. d mababayaran ng kahit anong halaga pag ang mom mo ang magtthank you sayo. so nakapagtapos na si brother ng nursing. at pumasa na rin sa boards. lahat ng mga fees nun ako nagbayad. so i was this ever proud ate. lalo na when he passed the boards, mga kabarkada ko nagcongratulate din sa akin. shortly, nakapagwork na rin si brother and yung younger sister ko rin na naging teacher. so i stopped my support kasi tapos na kaming lahat. nagpapadala na lang ako kay mom pang parlor niya or pang shopping. minsan pag umuuwi ako sa amin, ako naggrocery for the whole month. at this time, i have na my fiance.

so ganito, ang inisip ko kasi since tapos na ang mga kapatid ko sa work, i expect them naman na tumulong sa house namin since sila din naman ang nakatira dun. so eto na, while i was preparing for my wedding, nakabuntis itong si brother. i was really disappointed kasi ang feeling ko, kakatapos lang niya and d man lang niya naenjoy ang career niya tapos eto mag aasawa na. my mom and i talked, umiiyak ang mom ko kasi nung time na nag aaral ang brother ko, loan after loan after loan si mom. kahit hanggang ngayon, d pa bayad ang loan niya sa brother ko. nag usap pala sila ng brother ko before and my brother promised to pay the loan pagnakapagwork na siya. so ngayon, pano pa makapagbayad ang kapatid ko eh nakabuntis na. mas lalong lumalala ang sitwasyon ngayon na nag-asawa na ako. my sister ha, not my mom, would text me na manghihiram ng pera pambayad ng kuryente or tubig dahil mapuputulan na daw sila. taas kilay ako kasi teka lang ha, ang tataas ng sweldo niyo diyan at wala kayong binabayaran na bahay at groceries at kayo pa ang may guts na manghiram sa akin ng pera para sa utilities niyo diyan? kakaimbyerna kasi. tapos malalaman ko na umutang ng laptop, sala set, etc... tapos yung kapatid kong lalaki, gusto ng bonggang binyag kahit walang pera. eh kahit panggatas ng anak niya eh wala siyang pambili eh.

so eto ako ngayon, kung kelan nag-asawa ako, ako ang source ng pamilya ko, not just my parents. ang masaklap pa eh hindi ako nakatira sa bahay namin. matagal na. for 6 years! at ang mga kapatid ko ay may mga disente at high paying jobs but they never give back to my mom. ito minsan nakapagpaiyak sa akin eh. ako naman d naman ako madamot pero i have a house to pay, bills to pay, loans and credit cards to pay. halos wala na matira sa sweldo ko eh. and i feel terrible if d ako nakakatulong sa kanila. d naman sila namimilit. if i say that i don't have money, wala din naman. pero i just feel terrible na d man lang ako nakatulong and what makes it more terrible is BAKIT? bakit na ang mga kapatid ko ay d tumutulong sa bahay.

buti na lang my hubby is very understanding pero minsan nakakahiya din sa kanya. although the money i give to them are my own personal savings, nagtataka siya kasi wala na daw natitira sa akin. sabi ko nga next year bibili ako ng lupa para may farm na ako. eh ang balak ko kasi is to buy a lot tapos si mom na ang ipapamanage ko sa farming tapos sa ani, hati kami. eh si hubby tutulong din sa pagfinance ng farm ko so magiging amin na yung property or business na yun. eh nahihiya ako sabihin kay hubby sa plan ko that i'll give partly to my mom. shucks! huhuhu...

so yun ang kwento ko. i was not a breadwinner pero somehow nainstill sa akin ng magulang ko while i was growing up i should have responsibility over our family. kaya siguro i feel terrible when i can't help. ngayon gusto ko din bayaran yung loan ni mom sa brother ko. ewan ko ba, lahat na lang yata inaako ko for my mom. i know minsan exag kasi d naman humihingi ng tulong ang mom ko pero minsan i feel it's my responsibility. yun lang. tsaka imbyerna pa rin ako sa mga kapatid ko. hmp! ::)

isa din sa reason kaya ayoko pa magbaby is takot ako na madeprive sila sa good things in life tapos lumaki sila na kahit very basic need eh ipapamukha mo sa kanila na hirap na hirap ka to provide for them and ayoko na iobliga sila to provide for us once they grow up. kaya sabi ko kay hubby, ipon muna kami at never kaming gagastos sa pregnancy hanggat d namin afford ang panganganak. kahit gustong gusto na namin talaga, lagi namin iniiisip, d pa natin afford magbaby.  :'(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close