Day 2:
1. Masarap pa rin ang almusal sa Cordillera inn. highly recommended, ang babait pa ng staff!
2. magtatrike sana kami sa pamamasyal, pero gusto ni hubby magcalesa, never pa kasi nya natry. so naglakad lakad kami hanggang sa tapat ng max's, me lumapit samin. mukhang mabait, saka sabi nya mamasyal daw muna kami sa mga plaza para di na kasama sa metro ng oras nya. hindi sya magulang, so sya na kinuha namin. he even took a picture of us together sa harap ng statue ni leona. tinext namin sya after 30mins na magsawa na kami sa kapipicture sa area ng plaza salcedo at arzobispado.
3. name ng kuchero namin is norbert, at rodman ang horse nya. he is very entertaining, andami nyang alam na facts, lahat ng daanan namin me anecdote sya. he made our vigan tour very enjoyable. ang IT namin ay ito: from the church, we went to bantay, where he took lots of pics, even some trick shots with hubby. donation: 40php
after that we proceeded to pagburnayan, where hubby got to try making a pot by himself. 50php din tip sa nag asssist sa kanyang potter. dito nga pala may nakasabay kaming mga tourist din, party of 3 with a foreigner. so may mga kasabay din pala kami na namamasyal.

crisologo museum naman. amazing ang bahay, pati yung koche na sinakyan ni gov crisologo when someone took a potshot at her andun, with the bullet holes.
baluarte was next, dami kabataan! may 8 buses daw kami na kasabay na namamasyal, sabi ni kuya norbert. andun yung 2, from a QC school. astig, sabi ko. noong HS ako ang field trip namin sa intramuros lang!
last stop was hidden garden. marami halaman, sarap nga sana dalhin mga ate ko dito, matutuwa sila. cute ng cr, may garden sa isang side, separated by glass lang, way cool!
nagpababa kami kay kuya norbert sa palengke, kaso nahilo na kami di namin nakita mga pampasalubong na tshirts, etc. naisip ko kasi makakamura kami. umuwi kami sa CI na luhaan hehe...
we paid kuya 600, with tip na yun, 3hrs ang itinagal ng ride namin. we were so pleased with him. i recommend him kung magkakalesa kayo sa vigan.
4. nagtrike kami to CI, 30 pesos na lang (natuto nako hahahaha). after check out, namili kami ng pasalubong. halos 2K lang nabili namin, nagtitipid.
5. partas bus to laoag, same fare lang. we arrived sa balay de blas ng mga 5pm. maganda yung kwarto, old world ambiance talaga, kaso nasa 3rd floor kami, dahil may mga dumating ata na bisita si mr. sammy so upgraded kami sa double double room.
6. after an hour of resting, nagtrike kami to dap ayan. we had empanadas, bbq'd longanisa and coke. masarap ang empanada ng laoag, pero mas gusto ko yung sa vigan.
7. pasyal ng konti sa tobacco monument then dinner sa la preciosa. wala masyado tao and great ang service. we had bagbagis at dinardaraan. after that pahinga na.
EXPENSES: Day 2
Transpo: 1197
Food:1210
Misc: 1895
Accomm: 500
TOTAL:4802