watch now

Author Topic: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9  (Read 127484 times)

sweetbabycakes

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #240 on: October 03, 2011, 01:37:45 pm »
3rd and Final day

1. when we woke up, grabe ang buhos ng ulan. so we said goodbye to the paoay and batac leg of our vacation. nag enjoy na lang kami sa cable tv hanggang check out. nice service, great room, magnificent bathroom (!). mahina lang ang wifi, di tulad sa cordillera inn, saka yung tubig mahina rin. pero very nice ang accomm. next time magtatry naman ako ng ibang place sa laoag. mukhang ok din sa hotel tiffany.

2. after check out, we went to try c&e pizza, malapit lang sya sa balay da blas. masarap ang bagnet pizza nila, two thumbs up! lasagna was so so, and iced tea was just regular iced tea. we had a satisfying lunch, and several hours to waste, since 930pm pa flight namin to manila. we opted to go to robinson's ilocos norte, sayang talaga ang paoay church, gustung-gusto kong mabalikan!

3. 50php ang trike to robinson's. we watched johnny english there (110/pax ang sine, cool, ang mura!). nagshop din ako ng chichirya, chocolates and water sa supermarket, tas sumakay kami ng jeep hanggang laoag, 9/pax, mga 5pm na yun.

4. bumaba kami malapit sa empanadaan, at bumili ng dinner na empanada. after that, pumunta kami sa pila ng jeep na pa-gabu, at yung second jeep ang nasakyan namin, dahil yung una ay di raw papasok sa airport. nagbigay ako ng 50, di nako sinuklian, so i assumed na 25/head. 545pm nasa airport na kami.

5. 630pm nag open ang counter ng cebupac, at una kami sa pila. 40/pax ang terminal fee, and we entered the waiting area. nakakita ako ng mga kumakain ng empanada and I learned na may nabibilhan pala. so i ventured out, nakabili ako, 30/pc lang. binaon namin at kinain the next day. mas masarap yung sa dap ayan, walang itlog yung malapit sa airport, kaya siguro mas mura.

6.on time ang flight, 1030pm nasa airport na kami. dahil late na, wala na kami makuhang taxi na hindi flat rate. nga pala, nakasabay namin sila lucy torres palabas, she was really pretty.  :) napansin agad ni hubby e.

7. hinanap ko yung airport shuttle, and after a few turns, nakita rin namin! 20/pax hanggang edsa taft. winner! kung nagflat rate kami, 650 na tumataginting agad yun! napilitan kami nung galing palawan na sakyan yun dahil marami kami dala. this time 1 bag at 1 maliit na kahon lang so no dice.

8. sa edsa taft pag aagawan ka ng mga taxi, sobrang dami nila dun, sa pagitan ng mcdo at jolibi. 170 inabot hanggang mandaluyong (medyo mabilis metro ni manong, pagsakay namin, wala pang isang minuto, 60+ na! sabi ko parang ambilis, by km daw, pero napansin ko bumagal un metro nung nagcomment ako.) 1130pm house na kami.

EXPENSES: Day 3
Transpo: 420
Food: 1390
Misc: 220
TOTAL: 2030

That concludes our trip. All in all, we spent 15, 424, including airfare. We enjoyed the trip at di kami masyado pagod, dahil sa bagyo.
« Last Edit: October 03, 2011, 01:39:46 pm by sweetbabycakes »

micci

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #241 on: October 03, 2011, 02:08:42 pm »
pa-join po ako..planning to go to laoag on january via plane tapos roadtrip yung pabalik ng manila :) backread ako later for possible itinerary ;)

southpaw

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #242 on: October 04, 2011, 12:06:30 am »
Thanks for sharing sis sweetbabycakes! Very insightful!  ;D

Do you have the room rates for Cordillera Inn? I'm not able to find their website eh. I've seen a multiply account pero wala naman halos laman.

I wanted to stay at Grandpa's Inn sana kaya lang booked na yun Calesa room, yun pa naman ang habol ko.  :-\

sweetbabycakes

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #243 on: October 04, 2011, 10:25:17 am »
Thanks for sharing sis sweetbabycakes! Very insightful!  ;D

Do you have the room rates for Cordillera Inn? I'm not able to find their website eh. I've seen a multiply account pero wala naman halos laman.

I wanted to stay at Grandpa's Inn sana kaya lang booked na yun Calesa room, yun pa naman ang habol ko.  :-\

thanks sis! hope nakatulong sa inyo. 1500/night yung good for 2 nila sis. alam ko nakadampot ako ng brochure sa cordillera. post ko tom. :-D

sweetbabycakes

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #244 on: October 04, 2011, 10:41:58 am »
sis choco chelle, baka kayo nga yun! 26 din kami na 930pm ang flight! dalawa lang kami ng husband ko, sa bandang left kami nakaupo, last row na katapat ng tv na news ang palabas, sa channel 2. kayo ba yung family na may batang lalaki? nagtanong pa ako sa isa sa group na yun kung saan sila nakabili ng empanada. actually nung medyo late na, nakausap ko na rin sila, dahil di maintindihan magsalita yung taga cebu pac, yung nag aannounce. hahahahaha!!! akalain mo yun.  ;D

southpaw

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #245 on: October 05, 2011, 12:27:59 am »
thanks sis! hope nakatulong sa inyo. 1500/night yung good for 2 nila sis. alam ko nakadampot ako ng brochure sa cordillera. post ko tom. :-D

sige sis! antayin ko! :)

electricpink17

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #246 on: October 06, 2011, 04:18:01 am »
@southpaw, try this. http://www.cordillerainn.cjb.net/ and make sure to use internet explorer. the site is not compatible with chrome. im not sure with firefox naman.

« Last Edit: October 06, 2011, 04:22:50 am by electricpink17 »

southpaw

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #247 on: October 06, 2011, 12:01:05 pm »
^ That explains it!  ;D I'm using firefox and it's not compatible with it, too!

I've checked their site now. Thanks sis electricpink17! ;)

Parang mas nice ang interiors ng Grandpa's, i'll probably stick with them. Keber na sa mga friendly spirits doon. Hehe. ;D

rocky

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #248 on: October 06, 2011, 12:56:08 pm »
^wala naman akong kakaibang experience sa grandpa's sis. mapayapa naman yong overnight namin ;)

gulaysk

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #249 on: October 06, 2011, 01:04:48 pm »
Just got back from Vigan. Sayang at sobrang ikli lang ng oras. Ang napuntahan lang namin ay Bantay Church and belfry, Hidden Garden (masarap ang empanada nila!) at Heritage Village. Gusto ko sana talaga mapuntahan ang Burgos Museum kaya lang nagsasara na pala ito ng 430pm.

Next time we'll definitely do the Vigan-Laoag-Pagudpud tour. Mas sulit kasi wala naman masyadong makikita kung sa Vigan lang papasyal.

Alin ba ang mas ok na bus line kapag biyaheng Ilocos, Partas o Florida? Sabi kasi ng iba mas maganda raw ang mga bus ng Florida at mas mura pa.

Partas bus kami papunta at pauwi. Pauwi, sinubukan namin ang Deluxe nila para hindi masyado matagtag sa biyahe. Grabe lang yung kalamigan sa bus! Nakasara lahat ng aircon overhead ng mga pasahero pero ang lakas lakas ng main aircon sa gitna (na halos nasa may ulunan ko lang). Hindi ako makatulog sa buong biyahe! Ngayon tuloy may sipon na ako. Badtrip talaga. Mas ok ba experience niyo sa Florida buses?

sweetbabycakes

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #250 on: October 06, 2011, 05:12:21 pm »
plano ko next time pagudpud naman, with a side trip sa paoay at batac. me sleeper bus papunta pagudpud diba? florida nga ba? how much at comfy naman tulog mo?

gulaysk

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #251 on: October 06, 2011, 06:25:58 pm »
^Para sa akin ba tanong mo, sis? Partas ang nasubukan na namin. Not sure if what you're referring to is the same as what we tried. Lazy boy seats ang sa deluxe ng Partas. Pero may nagbanggit nga sa akin na iba pa ito sa sleeper na meron ang Florida na nahihiga talaga ang seats. Next time I want to try Florida's buses.

Btw mga sis, is it advisable to bring along a kid in Pagudpud? My son is 6 and I was wondering if child-friendly ang beach/tour ng Pagudpud. Kung sa Saud kaya mas maganda at calm ba ang water?

anna2123

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #252 on: October 06, 2011, 10:28:04 pm »
Success ang trip ko to Ilocos  ;) Take note kasagsagan ng Pedring at Quiel na bagyo kami andun! apat dapat kami pero nag back out yung dalawa. pag dating namin ng Laoag nung October 1 makulimlim pero hindi naman umulan. The next day nag DIY tour kami sa Laoag. God loves us kasi kapag na sa jeep kami umaambon kapag andun na sa tourist site biglang araw  ;) The next day we went to Pagudpud, we hired Kuya Lenzer for a trike tour, ang init dahil taas ng araw... parang hindi naman signal number 2... haha..
Nahihiya ako kay Kuya Lenzer kasi dapat van talaga kunin namin for the Laog-Vigan-Pagudpud tour kaso since nag back out ang dalawa sira ang plano. Sobrang natuwa ako kay Kuya Lenzer kasi kahit na na uwi sa trike tour hindi ko naramdaman sa kanya na nainis siya actually concern pa nga siya sa amin dahil nga sa may bagyo... Tapos binigyan ko siya ng tip na 200 ayaw nya pa tanggapin pero pinilit ko talaga sa kanya. Nakaka awa kaya yung driver pag trike tour dahil tagtag talaga katawan nila dahil malalayo ang distance ng bawat isa... Ni recommend ko na si Kuya Lenzer sa mga ka office mates ko :)
Babalik ako ng Ilocos dahil hindi namin napuntahan ang Vigan! Tinamad kasi kami ng partner ko... Natulog kami ng halos isang araw. :P

electricpink17

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #253 on: October 06, 2011, 11:10:55 pm »
@sis anna2123.. si kuya lenzer din nag tour sa amin at ganun din siya, nahihiya kunin ang tip. :)

@sis southpaw.. you\'re welcome! :)

@sis gulaysk.. based sa experience ko, ok naman magdala ng kid basta hindi lang naka-tric for the tour. hehe. mas calm ang water sa saud compared to blue lagoon pero pareho lang sila na medyo malalim.


rocky

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #254 on: October 07, 2011, 09:00:15 am »
^^mas nakakaawa si kuya lenzer nong tinour nya kami gamit din trike. kasi umuulan nong pauwi kami, nababasa sya ng ulan kasi walang bubong yong backride. tapos masakit sa mata yong ulan & malamig pa habang nasa byahe. sabi ko nga lagyan nya ng bubong yon para hindi sya mabasa. sabi naman nya baka daw sya pagtawanan kasi yon talaga uso don, walang bubong. :-\ hehe! ganon talaga si kuya nahihiya syang kunin yong tip. ;D

gulaysk

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #255 on: October 07, 2011, 10:59:33 am »
^^Thanks electricpink! Pag-iisipan ko pa siguro kung dadalhin ko ang anak ko kapag natuloy kami sa Pagudpud next time. Parang natatakot ako sa binanggit mo na malalim ang tubig. Hehe. Biglaan ba ang lalim? Kung malapit sa shoreline malalim na rin agad?

shegothim

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #256 on: October 07, 2011, 11:02:44 am »
summer kayo pumunta sa ilocos sis para di masyadong malakas ang alon. ang alam ko sa saud ang biglang lalim sa maira-ira ang hindi.

gulaysk

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #257 on: October 07, 2011, 11:14:57 am »
^Salamat shegothim. Ireresearch ko ang maira-ira at kung aling part ng Pagudpud ang mas suitable kapag may dalang bata. Kailangan lang siguro kapag summer maagang mapirmi ang dates para maaga rin makapagpareserve ng tutuluyan at kay kuya lenzer. : )

sweetbabycakes

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #258 on: October 07, 2011, 12:06:04 pm »
kahit sino na makakasagot sa question, sis. me nabasa ako na parang hindi lang basta narerecline yung seats, as in me higaan. meron nga ba?

target ko next summer, pagudpud naman. :-) nagpunta kami sa pagudpud ng ofcm8s ko, april, ang lakas ng alon. gusto ko yung hindi ganun kalakas alon sana.

shegothim

  • Guest
Re: Laoag, Vigan and Pagudpud Thread 9
« Reply #259 on: October 07, 2011, 12:33:25 pm »
ang alam kong florida bus na may sleeper ay iyong mga papuntang tuguegarao. im not sure kung meron na ang mga bus papuntang pagudpud. kasi nung pumunta ako doon bus lang na may cr ang meron.

usually malakas talaga ang alon sa pagudpud. salubungan kasi ang dagat, china sea at pacific ocean. hindi tulad sa dagat ng boracay or davao na minsan parang swimming pool lang at tahimik ang alon.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close