ay naku bad trip nakuha ko instructor, pwede ba i post ang name ng driving school?
5 hrs kinuha ko sa kanila
hindi ako naturuan ng parking,
madaldal ang instructor mega kwento
matagal ang yosi break
kapag tinanong ko asan na kami, di nya masagot ang name ng street,
night driving mahina daw mata nya, so, kinabahan ako first time ko mag drive sa gabi tapos un instructor nabubulagan din pala
may mga sinasabi sya terms na di ko lam, sabihin nya ganito un naituro ko na sayo pero wala naman sya tinuro,
lagi nya sinasabi ayaw nya sa work nya pinilit lang daw sya, wala sya gana na, wala rin sya tulog.
at higit sa lahat, tinanong nya ko san ko gusto mag punta sinabi ko sa kanya, tpos papunta na kami, bigla, malapit na daw kami maubusan ng gas, so need namin bumalik sa school kahit ang usapan dretso pa kami dahil late na sya ng 10 mins, + 20mins nya yosi break.
sobrang nadaya ako, nireklamo ko naman, kesyo bigyan daw ako ng one hour free para maturuan ako sa parking, wala naman binigay na sched ikaw pa tatawag para lang paalala un free mo, so di ko na kinuha kaysa mag init pa ulo ko, mag youtube na lang ko pano mag parallel parking.
wala rin classroom lecture, o mga posts dito na tinuruan sila magpalit ng gulong etc etc
akala ko inalis na nila un instructor, ayun nakita ko pa rin sya, nagtuturo pa rin.
