watch now

Author Topic: BEST DRIVING SCHOOL Thread 2  (Read 360321 times)

belle_v2g

  • Guest
Re: BEST DRIVING SCHOOL Thread 2
« Reply #420 on: July 22, 2015, 03:20:33 pm »
Congratulations shygirlme, i wanna learn manual too. Ang mahal kasi dito ng bayad, $55/hour. That's why nung mag aral ako ng a/t, 5 hours lang kinuha ko. Kaso mukhang matatagalan pa next vacay namin sa manila. Sabagay, wala pakong plan bumili ng manual car ngayon haha!!

shygirlme

  • Guest
Re: BEST DRIVING SCHOOL Thread 2
« Reply #421 on: July 22, 2015, 03:52:03 pm »
^thanks sis! hay naku mag matic ka nalang i told my husband matic bilhin namin hindi ko kaya manual nakakapagod hehe

belle_v2g

  • Guest
Re: BEST DRIVING SCHOOL Thread 2
« Reply #422 on: July 22, 2015, 05:10:10 pm »
Ang tipid kasi ng manual sis, tapos galing na galing nga ako sa mga girls na marunong sa manual!! So I think you've done really well!!

shygirlme

  • Guest
Re: BEST DRIVING SCHOOL Thread 2
« Reply #423 on: July 22, 2015, 05:22:08 pm »
^thank you sis! pag uwi mo here mag enroll ka nalang kahit 3hrs lang. sa clutch ka lang naman mahihirapan.

belle_v2g

  • Guest
Re: BEST DRIVING SCHOOL Thread 2
« Reply #424 on: July 24, 2015, 06:38:30 pm »
sis shygirlme, will do sis! mga 2017 pa kami next uuwi, tatry ko nga enroll sa A1 ng manual. i am planning to buy SUV na next pero manual like i've said para tipid, so we can use it for long distance travels, pero good luck sa pagod hahahhah! i am so atat na to learn! buti kapa!!

crzysxycl

  • Guest
Re: BEST DRIVING SCHOOL Thread 2
« Reply #425 on: July 24, 2015, 08:37:16 pm »
Hi sisses! Feedback naman po sa smart saka globe driving schools. Ito lang kasi nakikita kong malapit sa area namin. Sa A1 ang mahal kasi haha.

SarSi_Em

  • Guest
Re: BEST DRIVING SCHOOL Thread 2
« Reply #426 on: August 05, 2015, 12:02:24 pm »
ay naku bad trip nakuha ko instructor, pwede ba i post ang name ng driving school?

5 hrs kinuha ko sa kanila
hindi ako naturuan ng parking,
madaldal ang instructor mega kwento
matagal ang yosi break
kapag tinanong ko asan na kami, di nya masagot ang name ng street,
night driving mahina daw mata nya, so, kinabahan ako first time ko mag drive sa gabi tapos un instructor nabubulagan din pala
may mga sinasabi sya terms na di ko lam, sabihin nya ganito un naituro ko na sayo pero wala naman sya tinuro,
lagi nya sinasabi ayaw nya sa work nya pinilit lang daw sya, wala sya gana na, wala rin sya tulog.

at higit sa lahat, tinanong nya ko san ko gusto mag punta sinabi ko sa kanya, tpos papunta na kami, bigla, malapit na daw kami maubusan ng gas, so need namin bumalik sa school kahit ang usapan dretso pa kami dahil late na sya ng 10 mins, + 20mins nya yosi break.

sobrang nadaya ako, nireklamo ko naman, kesyo bigyan daw ako ng one hour free para maturuan ako sa parking, wala naman binigay na sched ikaw pa tatawag para lang paalala un free mo, so di ko na kinuha kaysa mag init pa ulo ko, mag youtube na lang ko pano mag parallel parking.

wala rin classroom lecture, o mga posts dito na tinuruan sila magpalit ng gulong etc etc

akala ko inalis na nila un instructor, ayun nakita ko pa rin sya, nagtuturo pa rin.  >:( >:(



« Last Edit: August 05, 2015, 12:05:41 pm by SarSi_Em »

crzysxycl

  • Guest
Re: BEST DRIVING SCHOOL Thread 2
« Reply #427 on: August 05, 2015, 12:24:12 pm »
^ang sakit naman sa bangs nyan. parang nag dalawang isip tuloy ako kung mag driving school pa ako o paturo nalang ako kay hubby. pwede mo ba pm sa akin name ng school sis? :)

einjhel

  • Guest
Re: BEST DRIVING SCHOOL Thread 2
« Reply #428 on: August 05, 2015, 07:49:28 pm »
sis Sarsi_Em saang driving school yan at sino instructor mo? pls papm mo naman sakin. balak ko pa naman magenroll, baka diyan ako mapunta

SarSi_Em

  • Guest
Re: BEST DRIVING SCHOOL Thread 2
« Reply #429 on: August 05, 2015, 09:32:22 pm »
sissies, di ko kasi ma post name dahil nakita ko sa fb nila kinuha nila mga posts dito about sa school nila at nilagay sa album nila ng reviews.

feeling ko nga sila sila din yun nagpost dito kasi now ko lang napansin less lang posts nila at lahat dito lang.

in all fairness. ok yung isang instructor nila humawak sa kaibigan ko, nataon lang talaga sa tamad ako napunta.

ggss pa yung instructor ko.  ;D

shygirlme

  • Guest
Re: BEST DRIVING SCHOOL Thread 2
« Reply #430 on: August 05, 2015, 09:40:58 pm »
^sikat ba yan sis?

grasyia

  • Guest
Re: BEST DRIVING SCHOOL Thread 2
« Reply #431 on: August 25, 2015, 10:20:01 pm »
Hi mga sis may nakapagtry na ba sa inyo sa Reyes Driving School? I'm torn kasi between Reyes, Smart and Gear 1 silang tatlo kasi yung malapit sa amin and medyo affordable. Ang mahal na kasi ng A1.

anhing

  • Guest
Re: BEST DRIVING SCHOOL Thread 2
« Reply #432 on: August 27, 2015, 10:35:16 am »
nakaka 6 hours na ko. so far problema ko is manibela and pag lumiliko

sis pareho tayu, problema ku din ang pagliko. pero mas okay saken ang traffic, kase mabagal lang ang takbo, kaya kahet madame sasakyan, okay lang. ahahha

shygirlme

  • Guest
Re: BEST DRIVING SCHOOL Thread 2
« Reply #433 on: August 27, 2015, 10:40:56 am »
^mas bet ko din traffic. Medyo matagal ako natigil mag drive kasi nagbakasyon ako. Ayoko pasahero mom ko naistress ako magdrive haha!

cl1995

  • Guest
Re: BEST DRIVING SCHOOL Thread 2
« Reply #434 on: September 13, 2015, 06:18:52 pm »
Ako nag driving school lang ako for 2hrs/day for 7 days (14hrs) na manual. Pero dito lang sa amin sa province hehe nag highway agad kami. Pero yung kuya ko hindi nadala... na total wrecked yung isang car namin ng dahil sa katakawan niya hahaha ;D

Ahim de Famille

  • Guest
Re: BEST DRIVING SCHOOL Thread 2
« Reply #435 on: September 16, 2015, 02:48:02 pm »
Sa A1 ako nag driving school. 7 hours lang kinuha ko tska manual. Ok naman nakakapagtakbo naman ako ng sasakyan, parking tapos tamang pag preno etc. hehe. Halos araw araw ang pasok ko dun kasi kung once a week ka lang para mag hands on back to zero ka na naman. Tsaka ang ginagawa ko after nang driving lesson, nagppractice din ako sa bahay kasama ko yung driver namin. Kaya ayun natuto ako. Kasi kung di ka rin mag practice sa bahay after ng hands on mo sa school makakalimutan mo din. Kaya tip ko lang magpractice sa bahay after ng driving lesson sa school.

grasyia

  • Guest
Re: BEST DRIVING SCHOOL Thread 2
« Reply #436 on: September 29, 2015, 05:46:33 pm »
I'm done na sa driving school. Okay naman sya sa Reyes Driving School ako. 2 instructor yung nagturo sa akin. Yung isa medyo malakas ang loob and pinababayaan ako on my own hindi nanghahawak ng manibela yung isa naman mahilig manita so hindi ko alam kung kanino ako mas natuto hehe... pero both naman magaling magturo pero mas nakakalakas lang ng loob yung first instructor ko kasi feeling ko diskarte ko talaga yung nagagamit kasi kahit bumilis yung takbo ko okay lang go pa din kami.

Yung 2nd instructor naman more on defensive driving sya inshort by rules talaga. So ang kinalabasan medyo naging balance yung driving ko. Sa ngayon practice practice pa din sa loob ng subdivision and medyo okay na I think makakalabas na ako by next week sa real road. Good Luck sa akin at sa mga nasa likuran ko haha...

I agree with sis Ahim, dapat may follow-up practice after the lessons para hindi makalimutan.

agape

  • Guest
Re: BEST DRIVING SCHOOL Thread 2
« Reply #437 on: October 02, 2015, 06:10:56 pm »
Hindi pala pwede mag enroll today na tomorrow na agad ang Rush Refresher Course...huhuhu. Need to practice sana before travelling.

shygirlme

  • Guest
Re: BEST DRIVING SCHOOL Thread 2
« Reply #438 on: October 02, 2015, 06:18:15 pm »
^yes. Schedule pa din

blackroseMD

  • Guest
Re: BEST DRIVING SCHOOL Thread 2
« Reply #439 on: December 03, 2015, 04:23:57 pm »
I feel I need to share this. I had my driving lesson at sm marilao a1 driving school. I know that they have a good reputation. However, not all of their instructors have the qualities of a driving instructor. This "sir nelson" is the regular instructor at that branch. At our first session, I can feel that he is easily irritable. Di ko pinansin, wala naman siyang sinabing off. Then I had my 2nd and 3rd lesson with 2 other different instructors. Ok naman. Then kanina, I had my 4th lesson. Nung patapos na kami, he was teaching me hanging. Gusto nya mapahinto ko ang car ng clutch lang. Pano daw kaya yun? Tas super nakaka intimidate ng tono nya. Then nung pinapractice ko na (I must admit that Im having a really hard time) sabi nya "Hindi mo yata kaya eh" tas sabi ko nalang in a low voice, mahirap eh. So natapos yun. nung pababa na, malapit na sa parking, he asked me when will be my next driving lesson, sabi ko bukas 7 to 10am. Sabi nya, ang aga, di mo ba alam kung anong oras kami gumigising? (in a frustrated tone). Dun talaga nagpanting tenga ko. Wala akong pake kung anong oras ka gumigising trabaho mo yan. Kung ayaw mo na edi mag quit ka. Napaka unprofessional.

I think modus yang A1 na yan, aasarin nila ang estudyante para mag quit, (same case sa cousin ko) so di naman pede irefund yung pera.
kung gusto talaga nila na mas dumami ang students, di dapat ganun. Inaasar nila para makuha nila yung pera without providing the service...  A1, kaching kaching kayo sakin. Di nako papasok sa last 3 hours ko. Dito nalang ako sa kotse namin.

Kung mag A1 kayo, please lang wag sa SM marilao baka ma encounter nyo si Nelson.

Ok sakin si sir raymond ng sm valenzuela he is very patient and detailed.
Or better, mahpaturo nalang kayo sa relatives nyo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close