watch now

Author Topic: my future SIL -- problem in the making!!!  (Read 18174 times)

cati

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #40 on: October 12, 2010, 10:42:54 pm »
mas magandang tumira sila sa ibang bahay, rent na lang sila muna, bahay nyo naman yan pag ayaw nyo isang tao may karapatan naman kayong wag papasukin.

chengkii

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #41 on: October 13, 2010, 03:24:45 am »
Since nasa ganyang stage na pala ang parents mo, sis. Maganda na din gatungan mo na huwag na sila patirahin sa house. Assuming, kinailangan talaga, kung titira diyan dapat meron lang timeline. Meaning, on the 6th month hanggang manganak, Ibig sabihin, dapat by the 8th month, meron na nahanap na tirahan ang brother mo and girl. Sila na bahala sa buhay nila.
And kung hindi man mapigilan na diyan tumira temporarily, there should be rules for the girl. Meaning, may responsibilities siya at may off limits na lugar for her such as your baby's nursery.
Pero ako, IMO, don't let her stay there na. Kasi pag nanganak iyan, baka mag soften ang heart ng magulang mo mas hindi pa mapaalis sa house...at lumaki pa lalo ulo ni girl.

PINKAHOLIC

  • Guest
LOVE MY HUB =)
« Reply #42 on: October 19, 2010, 02:20:44 am »
Kung mkaasta naman yung girl. .
Tutal dun sya ti2ra sainyo, ipakita mo na mas maldita ka skanya, na pwde kang maging kontrabida to the point na kalbuhin mo sya.
Ipamukha mo kung ano LANG sya sa bahay nyo- isang babaeng inanakan lang e sobra na ang kaepalan. .
Tapang ng hiya, kagigil.
She's really get under my naaaaiiiiLsss. . .

ms. independent

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #43 on: October 19, 2010, 04:57:30 am »
nung unang line ng post mo sis sasabihin ko sana sayo na hindi naman ikaw ang pakikisamahan at hindi naman ikaw ang pakakasalan kaya no need to make a big issue out of it then nung binasa ko na the rest of your post parang gusto kong ako mismo ang magconfront sa gf ng bro mo. grabe naman yun.. bakit nga pala sis kailangan talaga pakasalan? since you mentioned din na bata ba bro mo? di ba nowadays naman hindi na basehan ang pagbubuntis para magpakasal?

ysa.belle

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #44 on: October 22, 2010, 10:36:03 am »
@sis dylanxxvi, anong ng balita sa magaling na gf ng bro mo?

lilmissprettydiva

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #45 on: October 22, 2010, 10:43:32 am »
uu nga any updates?

sydxoxo

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #46 on: October 25, 2010, 03:59:12 am »
to the highest level ang attitude ng SIL mo dylanxxvi. may kilala din akong ganyan, SIL ng friend ko:

Her brother got his gf pregnant so sympre nagpakasal sila (yeah, stupid guy). Hinala namen nagpabuntis talaga yung girl para hindi na siya makabalik sa parents niya. Alam kasi namen galit siya sa parents niya kasi lagi sila nag-aaway (pano ba naman super gastos tong girl e wala naman siyang stable job, never siyang tumagal sa work. papalit-palit ng work. pinakamatagal niya ata was 6 or 8 months). e yung brother nya works abroad so sympre pagnagpakasal sila pwde siya kumuha ng dependent pass, true enough ganon nga nangyari. alam namin na gustong-gusto talaga mag-abroad ni girl kaya jackpot talaga siya sa brother niya. hilig bumili ng branded/designer stuff e wala naman siya work. for us, ok lang bumili ng branded/designer stuff as long as you have your OWN money. kahit mag-asawa kayo dapat luho mo, sagot mo. tapos we found out pa na ultimate cheater pala si girl. lahat ng past BFs niya niloko niya.  dami niya nakakaaway, pati "friends" niya inaaway nila. she claims that she graduated with a degree from an international school, yun pala hindi niya natapos. she barely passed her classes from that school. i'm sure kaya lang niya sinasabi yan para masabi na "angat" siya sa iba. USER, POSER and SOCIAL CLIMBER to the highest level!  hindi siguro masaya childhood niya kaya may attitude problem (haha!) i felt bad for my friend, na-pollute na yung utak ng brother niya. now nag-aaway sila because of that girl. if he only knew what kind of girl he married. feeling niya siguro "angel from above" yung wife niya.

[-c-h-a-]

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #47 on: October 25, 2010, 05:05:46 am »
your future SIL doesn't have manners... masyadong matapobre and very blatant pa in doing that

I know mahirap iignore yan.. pero let your brother deal with her. He liked her enough to get her pregnant, tapos ikakasal pa sila. O edi sya magdusa sa ugali nyang magiging asawa nya.

sydxoxo

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #48 on: October 25, 2010, 05:11:36 am »
^hi cha. for me ba yung post mo? if yes, he's not my brother po, brother ng friend ko. just sharing my friend's experience and kasal na sila nung girl. i wonder if alam ni guy yung history ng girl, if so, talagang love is blind. yeah, goodluck na lang sa kanya talaga. i feel bad lang kasi kinda nasira yung family nila because of that girl. sana lang magbago yung girl and prove niya sa friend ko and her parents na nagbago na siya.

[-c-h-a-]

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #49 on: October 25, 2010, 05:34:23 am »
^no.. for the threadstarter :)

sydxoxo

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #50 on: October 25, 2010, 05:41:32 am »
^oh ok. my mistake, sorry.

[-c-h-a-]

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #51 on: October 25, 2010, 05:46:19 am »
^absolutely no problem at all! :)

xoxocathy

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #52 on: October 25, 2010, 07:24:35 am »
GRABEE naman sa feeling yan! lol

I agree! Sounded mean pero its true ... mahirap man ignore kasi kapatid mo siya he has to suffer for the consequences! He is now learning his lesson in a hard way ;D

Clearly (@ sydxoxo) your brother's friend's wife used her brains lolllll and your brother's friend used his heart!

plumpolka

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #53 on: May 04, 2011, 10:22:44 am »
I think the girl sees your brother as an OPPORTUNITY para maimprove ang buhay nya. And based sa family history nya na sinabi mo (2 jobless siblings), I can already see na gagatasan lang nyan kayo. Hindi naman masama tumulong pero kung nakikita mong nageefort talaga pero di sapat, yun yung mga "worthy" tulungan.

Best thing to do is sabihin mo sa brother mo na kung papakasalan nya [textspeak!] girl, tumira siya sa ibang bahay. Siya ang magtaguyod ng sarili ng pamilya para makita niya kung anung problema ang pinasok nya. one big factor daw ng pagiging bad mother (look for the article of askmen.com) is pagiging materialistic. I think that girl is a jealous-social climber-opportunistic-gold digger b!tch...

hahaha! affected much?

maplesyrup

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #54 on: June 11, 2011, 03:10:53 pm »
Glad to have read these posts, been longing to share this for a long time kaya lang wala akong mapag-share-an....If I may share.. I have a somewhat baliktad naman na experience....
I have a SIL, ako yung wife ng bro nya, my problems with her is shes soooooo social climber or well I really think so and UUUUUBER TAMAD....here's the scenario:
Wala na silang parents, so she had to live with us. Their mom died last december, I think I wrote it all here when we were having financial crisis and all na lahat naka asa sa amin when I was so ready to break down. Their mom had a tumor... matagal na way before my hubby and I met. So came 2008 year na lumaki yung tumor cuz she hasn't gone back to the doctor... thus she retired early. So literally everything was on us except that she recieves something from SSS and their father's pension.

her daughter masyado maluho, san ka ba naman nakakita bili ng digi cam bili ng mahal na phone, ang bahay na binabayaran nila sa pag ibig di na nababayaran nakiki-ride pa sa credit card ang mom nila just to buy her stuff when she was working pa. What's worst is pinayagan pa nya mag enroll and anak sa private school with a 37k tuition per sem immagine (that was in 2007)....AT ang katwiran ng SIL kasi from elementary to HS public na raw sya at she has this selos long long selos with her bro. Kasi way before pa mas ok ang buhay nila when his dad was alive pa her bro kasi puro private school from elementrary to coll. But the situation was clear!!! hindi na ganon ang buhay nila and her mom was sick in 2008 pa lang and her bro was pamilyado na. Actually we do not have a problem supporting them but sometimes its just too much....when their mom was alive lagi nya snasabi bat ganon si kuya ganyan etc. parang nagpapaawa....so there... but take note when their mom got sick wala na sya, lagi nasa barkada nasa friends ang lagi nagaalaga ang hubby ko... B*****it! Ang kapal ni hindi nya masamahan sa doctor and sa church yun mom nya at eto pa nung malapit na mamatay ang mom nya P.I. immagine may exam daw sila.... at mas gusto pa nya pumasok at hindi lang yun... eto na at the wake and nung 40 days... nung andyan ang mga classmate eto entertain (sa mga classmates lang ha) pero when they left nawala rin natulog, hanep talaga! Pra akong katulong linis, hugas...Para bang puro relatives ko yun... haaay Sorry guys ha baka medyo naguguluhan kayo medyo marami na kasi kaya halo halo na.
Tapos before she was to go to college nag stop sya kasi nga ayaw nya public hindi kaya ng money nila, so nag work sya for one year...(thinking na yun kinita nya hopefully para sa pag aaral nya, hindi pala, para lang sa luho nya) wala rin naman eh, yung mga kulang sa tuition kami pa rin....and baon nya....

When their mom died inasikaso namin sa pag ibig thinking na may makukuha, dun namin nalaman na wala na pala kasi kinuha na nila ng daughter nya and went shopping. Immagine we were suppose to raise at least 700k to release her documents from the hospital to the payment of her wake....Although malaki ang natulong ng relatives ng dad nila...but its not even half....malaki din sana ang makukuha nila sa sss ng mom nya, but its not enough para sa tuition nya for the whole year this year... so kami pa rin...immagine savings na sana namin yun mga binayad sa hospital.... how sad...and i was thinking kung nakapag patingin regularly yun mom nila saving from what she gets sa pension and her sss, kasi kami rin naman lahat ng gastos sa house, I think she would have been alive....

So for the TAMAD moments naman nya...ganito sya... when she eats kung ano lang yung ginamit nya yun lang huhugasan nya...kahit may ibang gamit sa sink...sometimes pag nakita nyang marami, lalo na syang hindi naghuhugas...
When she cooks rice hindi na hinuhugasan ang kaldero...(grabeh no!) saing na kaagad at ang bigas nagkalat sa lababo...pag nagwalis halos humagis na ang walis sa pagwawasiwas (once in two weeks maglinis). After punasan ang table hindi nilalabhan ang basahan... at marami pang iba.... sinanay kasi sya ng mom nya na ganyan, parang walang pinag katutuhan if there's such a word....grabeh hindi sya naglalaba ng underwear nya, hindi sya marunog magluto magtahi lahat actually...pag nandito yung sis ng mom nila isa pa yun spoiler eh syempre lalong walang ginagawa si SIL immagine naglalaba yun while SIL is facebooking or texting then come lunch inaantay ko sya mag prisinta to wash the dishes, still nada! ako or si tita pa rin... grabeh sagad sa buto ang katamaran nya... I clean the house not very often our room mostly cause want her to do her share, wash dishes (lagi), nagpapa laundry kami, I dont cook though...take care of my kid do my home based business and help my husband with his work. We have a small design studio kasi. So immagine what's left for her to do? Kasi my hubby cooks...

I wasn't brought up that way, although may katulong kami growing up hindi ako naging ganyan. I was raised in a catholic private school pero mas maarte pa sya sa akin, I can do all chores except cooking, I can bake though...when I married him tinanggap ko their not well off...pero super sipag ni hubby, we're in the middle of a transition pa lang kasi... sana when she graduates she moves out and learn the lessons of life na hindi nya maabsorb absorb... I got to a public school in college pero as a scholar (I was bad then in HS, ayaw ko sana mag aral ng college, wanna join a band) so I got late in all the private schools and yung may opening benilde na lang and we cant afford (wanted sana to take production design there) but too expensive, so ok lang. But one thing that strucj me is andun talaga sila to study... walang bulakbol they were all really nice people with a goal. Kaya I really appreciate na nag aral ako sa public school although both my siblings were in private throughout wala akong naramdaman na jealousy... haay naku

I couldnt share this to my friends kasi eh kilala nila para bang I don't wana say anything to anybody kung galit or inis or pangit ang sasabihin ko. Ewan ko... ganon gako eh parang if you've got nothing to say but bad things better not talk... pero I know I have to let this all out and vent it...at least may annonimity....

what to do what to do!!!!





j27

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #55 on: June 11, 2011, 04:32:10 pm »
^maplesyrup, nabasa ko kasi na naiinis ka sa sil mo dahil yung pinagkainan lang niya ang hinuhugasan niya. my situation naman, I & hubby (and our 2kids) live with his parents here abroad (kahit nung nasa pinas pa kami, nakikitira pa rin kami sa kanila).

walang katulong dito, kami kami lang ang nagtutulong tulong sa household chores. nung una, since hindi naman mabigat ang paghuhugas ng pinggan, sige ako na. palaging may tambak sa kitchen. pagkatapos ng breakfast, lunch, dinner, ako na automatic ang magliligpit nun, since sila naman ang mahilig magluto. para akong naging katulong na taga linis ng kalat nila.

pero nung nagtagal, nakahalata na ako, talagang hindi sila nagwawash ni mil at sil (nasanay kasi na may gumagawa ng lahat para sa kanila). hindi ko nga hinugasan yung mga tambak nila, instead, yung mga ginamit ko lang ang nilinis ko. ayun na po, super dabog na po silang dalawa.
dumating pa sa time na nagpaparinig si mil sakin (hindi niya ako madiretso dahil wala naman siya maireklamo sakin), sabi niya, kung sino daw ang gumamit ng kitchen, linisin din. speak for yourself! e sila nga ni sil ang hindi makasunod sa patakaran niya.

simula nun, kalat ko, linis ko ang naging drama ko. though pag magkakasabay naman kami sa dinner or lunch, walang sabisabi, ako na nagpiprisinta. other than those times, bahala na sila ni sil at mil kung sino magliligpit ng kalat nila.

minsan hindi ko matiis, gusto ko hugasan yung mga ginamit nila para walang kalat. pero naisip ko, baka bumalik nanaman sa dati na para silang nagkaron ng instant dish washer. keber kung san sila kumain, dun nila iiwan pinagkainan nila.

other than hugasan ng pinggan, may mga issues din ako sa mil at sil ko, since sila ang may kulo ng dugo sakin. bukod sa pakialamera na mil ko (yan ang consequence ng nakikitira sa inlaws), nakikitag team pa kay mil si sil. though, nakikisama naman ako sa kanila, alam ko naman kung san ako nakalugar. pero never ako makikipag plastican sa kanila. pag hindi maganda araw ko sa kanila, nagkukulong lang ako sa kwarto.

maplesyrup

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #56 on: June 14, 2011, 09:18:58 pm »
HI j27 yeah, actually some may say oo napaka liit na chore but pag ikaw na yung nakaka experience grabeh ano... immagine breakfast wash on top of the other things you should take care of like my son, my homebased business and all tapos wala ka pa halos nagagawa lunch na, eh bago mag lunch pag nagluto pa lang tambak na yun di ba tapos meryenda tapos in a little while dinner na... it may seem simple to others pero sa mga nakaka experience like us ng ganon...right? buti nga kung ganon lang yung kinatatamaran ng SIL ko eh sa lahat ng bagay tamad sya eh... text ng text never ending....

this evening nga eh...medyo naipit kami ni hubby ng mga clients na hindi pa nagbabayad eh need namin to pay someething... so we opted na sana kuhanin yung makukuha sa sSS pension of my in law, sabi ba naman ni SIL "sige pahiramin ko kayo ng pera ni mama" haller!!! as if hindi anak ang asawa ko at di ba nya naisip na kahit pagsama samahin yun mahkukuhang pension eh kulang pa sa mga binayad namin sa hospital... kainis!!! pahiram raw oh! as if kanya!!!!

j27

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #57 on: June 14, 2011, 09:30:15 pm »
^ako, kung may mahihiraman naman na iba, hindi ako hihiram lalo na sa inlaws. ipapamuka pa sayo nun na minsan ka nilang tinulungan. utang na loob mo pa. haha!

madali lang naman maghugas ng pinggan, pero kung ang huhugasan mo naman e yung ginamit ng buong bayan, wag na! walang pakundangan. kamuka kagabi. nauna kami kumain ng mag anak ko at nila mil at [textspeak!]. e nung dumating si sil at hubby niya, tapos na kami kumain, so winash ko na lahat habang sila naman ang kumakain. aba naman, nung bago ako matulog, nakita ko sa lababo yung pinagkainan nilang mag asawa. iilan na nga lang hindi pa hinugasan man lang.

tapos nadidinig ko si mil, siya nagligpit nung mga tirang ulam, hindi rin niligpit ni sil na sila naman ang huling kumain. tapos lumabas yung hubby ni sil, nakita si mil sa kitchen, sabi niya, "ako na poa dyan", e hindi pa rin humihinto si mil. bumalik sa kwarto nila yung hubby ni sil, tapos sabi niya kay sil, "ikaw nga maghugas dun". sagot ni sil, "bakit, hindi mo ba hinugasan yung pinagkainan natin?".

ayos kako yung dalawang to. in the first place, nakita nilang malinis, linisin na din sana yung ginamit nila. at ito namang sil ko, siya naman ang babae, bakit iuutos pa niya sa asawa niya yung paghugas ng pinggan. o diba napaka senyorita. :-)

switblububbles

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #58 on: June 14, 2011, 09:43:03 pm »
i can't help but comment...grabe may ganitong babae pala? at ang family pa ni guy ang makikisama? wow! sana kaya kong maging ganon hahaha....

kung ako yun gagawin kong miserable ang buhay nya sa bahay namin!!! para sya ang kusang umalis... hahaha :D


sonncza

  • Guest
Re: my future SIL -- problem in the making!!!
« Reply #59 on: June 15, 2011, 07:51:57 am »
ang kapal ng mukha niya, oo social climber siya sis, kung talagang mayaman sila lahat ng isda kinakain niya, kasi marami silang pambili ng lahat ng klase ng isda! hehe  ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close