Author Topic: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!  (Read 116822 times)

pillowski

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #220 on: September 07, 2011, 11:01:42 pm »
MIL - Sana naman kapag nag text kayo ng "Kamusta kayo?" hindi ang kasunod eh, "Padala ka pambili ng gamut ng tatay mo," when infact na check ko na panay vitamins lang naman ang gamut na sinasabi nyo.  Iba po ang gamut, iba po ang vitamins. Then...wag po na mapauwi nyo lang kami sa bahay nyo na ubod ng layo eh lahat ng sasakit sa katawan nyo, like one time, panay ang pa text nyo ke SIL na pauwiin si husband at palagi ka nahihilo, akala mo highblood o kaya need mo bagong salamin nun dalawin ka namin sa bahay, tatawa tawa po kayo at sabi nyo eh dahil lang pala sa late na kayo nakakatulog dahil sa kakapanuod ng "Babaeng Hampaslupa". Gusto nyo ba na nag aalala ang anak nyo? Na kapag kami naman ni husband ang me health problem panay ang isasagot nyo lang eh "dasal lang ang maitutulong namin..." okay lang sa akin kung hindi nyo ako interesadong dalawin sa ospital, pero sana sa sarili nyong anak magpakita kayo ng pagmamalasakit, anyway sya naman bumubuhay sa inyo.  At sana dahil sya ang bumubuhay sa inyo, nagpaaral ng ibang anak nyo, kapag umuuwi kami eh naghahanda man lang kayo ng masarap na pagkain, KUNSUWELO po ang tawag dun.  At kapag nakikita nyo sa fb na nagbabakasyun kami sa ibang tourist po, wag na sana na nasisimple pa nyo na isingit na dalhin naman ang buong pamilya nyo sa BORACAY. Honeymoon kasi ang tawag sa mga trip namin, at definitely walang byenan sa honeymoon.  Naaalala ko pa dati, pati sex life namin sinisimplihan mong pakialaman.  So after 6 yrs of childless marriage saka mo sasabihin na apurahin?

Father-In-Law - Wag naman po paulit ulit ang kuwento, mula 1st year of marriage until now ika 6th na paulit ulit lang po...same old sentiments, frustrations, palagi me sinisisi, palaging me kinaasaran, buhay ng mga kapitbahay, parang panay negative po ang sinasalubong nyo sa anak nyo.  Nun bumili kami ng car, halata po na naiinggit kayo...hindi kayo masaya na nakapundar na ng sasakyan ang anak nyo, panay ang gusto nyo ay makapundar ng sasakyan na pambyahe nyo eh matanda na kayo ilang beses na kayong nabangga, o nahuli. At sana naman tulungan nyo si MIL sa mga gawain sa bahay, minsan nagbubuhat ng isang timbang tubig eh nakikita nyo naman di nyo man lang tulungan eh kayo ang lalaki. Masyado kayo silbihin eh ang laking tao nyo. Mabuti na lang talaga magkahawig lang kayo ni husband pero magkaibang magkaiba ang ugali nyo.

SIL01 - Okay ka naman, nakatulong ka na sa kuya mo by getting a permanent and decent job.  Kaya lang para hindi kasali ang kuya mo sa buhay mo.  Nagkapera ka pero kahit isang butas na medyas di mo naalala mo si kuya mo na nagtiis ng ilang taon na malayo para mapag aral ka.

BIL - Tanggap naman na Gay ka. Nasa Baguio ka lang, Wala ka sa Saudi. Bakit ayaw mo dumalaw sa mga magulang mo. Four years na di ka umuuwi, ang kuya mo tuloy ang palaging nahaharap ng nanay nyo. Saka bilang single eh sana tumulong ka din financially.

SIL02 - Irresponsable ang asawa mo. Sana naman eh wag ka na magpadagdag ng anak, tapos hihingi at hihingi ka na naman ng pera pampaanak, pam 1st bday ng bunso, pang 10th bday ng panganay, pambili ng gamit sa school, pampa ospital, pampuhunan...tapos sasabihin mo sa akin na nawalan ka ng kuya, at yung nanay mo eh nawalan ng panganay na anak? Dahil lang di na kayo pinapahawak ng pera eh nawalan na kayo ng kuya? Kasi hindi kayo marunong humawak ng maayos ng pera. Nun ikasal kami, binayaran ko lahat ng utang ng pamilya nyo. Kung hindi nagkakasya ang 200$ sa inyo, kasi iyan ay para sa mga magulang nyo, hindi kayo kasali dahil merun ama ang mga anak mo, responsibilidad nyong mag asawa ang pagbibigay ng basic needs nila, hindi ang kuya nyo.  Sa inyong magkakapatid bunso ka pero ikaw ang may pagka intrimitida.

Despite all of these...hindi kami titigil sa pagpapadala ng 200$/month sa inyo, dahil iyun sa pagtanaw namin ng utang na loob sa inyo.  Anuman ang mangyari, kahit nakakainis kayo, hindi ko kayang bastusin, at kapag humingi kayo ng pera kapag emergency (legitimate) ipaglalabas pa rin namin kayo.  But please...respect our being distant kasi annoying naman kayo...i know this has been breaking my husband's heart but i cannot pretend to not see all ur faults. I do respect you.  But we simply cannot be together for such a long period of time.

sarahsensible

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #221 on: September 08, 2011, 12:25:42 am »
sis FayeP kung may like button dito nag like ako sa post mo

[textspeak!] - tatawag ka dito kung hanapin mo asawa ko, tapos pag wala babagsakan mo ako ng telepono! good job ka talaga!

momentum

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #222 on: September 08, 2011, 08:36:43 am »
MIL:

sorry, but i won't be like you,,i will never end up like you or anything close to you

karma has it's own ways to get back to us, in your case, hanggang ngayon it still haunts you

talagang true ang saying that "blood is thicker than water". kahit na lam niong (well ewan ko ha, baka HINDI) na malaki kasalanan ng anak nio sakin, you treat it lightly and as if not a big deal and tell me i should move forward na and "past is past"..past ba yung ngyari lang nung Sunday? kaya talagang hindi natututo ang anak nio sa mga pagkakamali nia, kasi ang bilis niong balewalain..kaya kayang-kaya niang gawin paulit ulit..

sorry, but i won't end up like you with a miserable married life, im not as desperate

 ;)
« Last Edit: September 08, 2011, 08:38:27 am by momentum »

bubbles29

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #223 on: September 12, 2011, 12:53:32 pm »
to SIL- grabe ka! un lang..mukha kang pera to the nth level,even yun para sa amin eh balak mo pang kunin para makapag bingo ka..tindi..hirap kasi sainyo magasawa puro kayo saya, inom, barkada, importante ang tingin ng barkada niuo kesa sa pamilya niyo.

BIL naawa ako  sayo hawak ka sa leeg ng asawa mo, lahat ng sabihin gagawin mo, pamilya mo ipagpapalit mo tsk tsk tsk mauntog ka sana ...mahal mo? baka ang pera ? err ang makukuha mong pera sa mana niyo haha..

I pity both of you.. :p

sasha``

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #224 on: September 12, 2011, 03:31:38 pm »
to my in-laws, wag kasi kayo maghangad kung hindi nyo pala kaya.  hindi nyo ako anak kaya hindi nyo ako kayang impluwensyahin.  kung itinuro nyo lang sana ang huwag umasa sa kahit kanino, eh hindi sana kayo nagkakaproblema ngayon.  Ang kaso, isa din kayo sa umaasa.  Kailanman, hindi kayo nakatulong sa amin, financially or morally support.  Kaya kung ano lang at magkano lang ang "gusto" kong ibigay, maging masaya na kayo.  Wag kayong maghangad ng sobra kung kayo mismo, hindi nakapagbigay ng sobra. 

Pasensya na lang kayo, Ako ang pinakasalan ng anak nyo.


 ;D

comp_nurse

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #225 on: September 13, 2011, 03:07:33 pm »
BIL: sana naman at your age, alam mo na kung anong gusto mo sa buhay. 30 ka na pabigat ka pa din sa parents mo, ano bang plan mo? buti na lang talaga wala ka pang sariling pamilya kundi kawawa lang sila sasama mo pababa. grow up dude. wag naman sanang umabot ng 40 bago ka mauntog at mag-isip ng mga balak mong gawin sa buhay. naaawa na kami kina mama at papa sila nahihirapan sa sitwasyon mo. di na nila alam kung anong gagawin sayo. sana din wag mong isipin na porket doctor ang kuya mo ay siya ng bahala sayo pagdating ng araw. you we're given the same chances and opportunities ng mga magulang mo. sinayang mo lang iyong sayo kaya sana wag mong isisi sa iba ang mga mali mo. kawawa naman ang half sister niyo lagi na lang napagbubuntungan ng sisi niyo. in the first place malayo siya sa inyo, di niyo siya binibigyan at di naman kayo napapabayaan ni papa in terms of financial needs kaya don't tell me na fault niya bakit ka nagkakaganyan. anong kinalaman ng isang 10 y/o na bata sa mga failures mo? napaka lame ng mga excuses mo. di pinanganak kahapon ang mga tao sa paligid mo para mapaniwala mo sa mga dahilan mo. maaabutan ka namin siguro pagdating ng araw, pang boost lang sa daily needs mo. but don't expect us na kumargo sayo at sa magiging family mo if ever nga na may magpakasal sayo na babae. may pamilya din kaming sarili kaya ngayon pa lang matuto ka ng tumayo sa sarili mong mga paa. and sana pagkinakausap ka ng kuya mo wag mong isipin na minamaliit ka niya. di mo alam kung gaano siya kaconcern sa mga nangyayari sa buhay mo. gusto lang niya na maiayos ka. wag na kasing ma PRIDE learn to say sorry, accept your mistakes and start again.

lee888

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #226 on: September 14, 2011, 03:22:27 am »
good luck to all of you! :-X

redmicki_ea

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #227 on: September 14, 2011, 01:11:18 pm »
dear F.I.L.

kung ayaw mo matulog magpatulog ka hinde yung 11pm-5.30am katok ka ng katok sa room ni MIL ng walang rason. Kung mag-inom ka wag mo gawing almulsal  until midnyt snack. tapos sa gabi, kami iistorbohin mo sa kakakatok mo.
« Last Edit: September 14, 2011, 01:53:46 pm by redmicki_ea »

mishmish

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #228 on: September 14, 2011, 01:52:21 pm »
MIL & F.I.L - Parating na naman kayo dito. Simula na naman kalbaryo ko sa buhay. Ano na naman ang mapupuna mo ngayon? Lalo ka na MIL, di ko alam kung anong mata meron ka, at wala ka talagang pinalalagpas, lahat na lang nakikita mo! Bwisit! Ang dami ko naman naaalala ngayon....

sarahsensible

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #229 on: September 14, 2011, 06:06:45 pm »
Sa kanilang lahat:   Please huwag na kayo magparamdam Please!

FayeP

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #230 on: September 14, 2011, 07:03:34 pm »
sis sarah, pagkamuhi talaga ang nafifeel ko for them hehe masyado ata harsh un muhi...

sis mishmish, wag mo na papuntahin kamo aalis ka hehe


FayeP

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #231 on: September 14, 2011, 07:13:58 pm »
mga sis, minsan tuloy naisip ko, sana nakapag asawa ako ng ulila sa magulang hehe ang sama ba???

malas ako sa mga in-laws kasi un sa first bf ko nun 21 ako, pakialamera un nanay at stepfather ni bf at that time.

un second, dahil sa province nakatira un nanay ni second BF, panay naman ang hingi ng pera (ala naman me paki doon kun tutuusin) pero pag di nagpapadala ang anak nya, iniisip na sakin binibigay or ako ang umuubos ng sweldo ni ex-bf

un 3rd naman, seaman ang ex-bf #3, so di ba 2 un ATM ng mga seaman, isang para sa mother (or wife pag married) at isang ATM para dun sa mismong seaman, 70-30 ang hati...eh gusto ni ex-bf makaipon so he gave me the atm na nakakareceive ng 30% ng salary...aba nagalit un MIL, dapat daw sa kapamilya nila binigay ni exbf un atm kesyo di naman daw kami mag asawa...ang ending binigay ko na lang un ATM sa kanila para walang away..mukang pera si MIL....

tapos ito ngang totoo kong MIL, hay pasaway...

sarahsensible

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #232 on: September 14, 2011, 10:50:48 pm »
^nung single ako sabi ko mag aasawa ako ng ulila sis hahaha.. hindi naman nangyari. Advice ko na lang yan ngayun sa sister ko  :P

hyder0926

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #233 on: September 15, 2011, 07:05:55 am »
pwede ba wag kayo umeksena sa 1st bday party ng anak ko sa oct? kasi baka hinde ko kayanin  magpretend na nice.. at sana wala kayo comment eh aattend lang naman kayo..

at sayo MIL asan na yun baptismal gift mo sa anak ko na press release mo pa na gold necklace at bracelet? tagal na po yun binyag inabutan ka na ng bday wala ka pa din bigay.. puro yabang lang.. yuck!
« Last Edit: September 15, 2011, 07:07:55 am by hyder0926 »

Ysobella

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #234 on: September 15, 2011, 10:49:17 am »
Hi! Thanks for creating this thread! Ang saya kasi may mapaglalabasan na ako ng feelings ko sa mga In-laws ko... and here's my message for them...

to MIL - utang na loob maawa ka naman sa mga anak mo, pinaghihirapan nila pera nila hwag mo naman sila awayin pag hindi sila nkakapagbigay sayo. Matuto ka kasing mamuhay ng kung ano talaga sitwasyon nyo. Hwag kang waldas sa pera at hindi yan pinupulot lang sa abroad! Turuan mo mga anak mo to "live within your means" hindi yung umaastang mayaman, hindi naman!

to SsIL - Matuto kayong kumain ng gulay! Gumawa ng gawaing bahay at higit sa lahat makisama sa ibang tao! Porke magaganda kayo, hindi na kayo makikipagkapwa?!, tama ba yun?!

to BIL - Isa ka pa! Kung ano-ano hinihingi mo! Kung may kailangan ka bilhin mo ng sarili mong pera! Kug gusto mong mgpkitang gilas, gumastos ka!

to F.I.L - Wala ako masabi, I salute you! :-) ;)

« Last Edit: September 15, 2011, 11:06:32 am by Ysobella »

jefsie10

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #235 on: September 15, 2011, 05:04:09 pm »
to MIL and F.I.L - thank you so much sa pag aalaga nyo sa amin ni hubby and baby

to SIL - hello, magtetext ka lang pag manghihiram ka ng pera  tapos never ka naman nagbayad >:(
« Last Edit: September 15, 2011, 05:07:40 pm by jefsie10 »

mishmish

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #236 on: September 15, 2011, 07:11:42 pm »
MIL & F.I.L - Makikita ko na naman kayo hay buhay :-\

FayeP

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #237 on: September 16, 2011, 12:26:19 pm »
to M.I.L., wag ka ngang miss call ng miss call sa cp ko...sinadya ng anak mo na wag ipaalam sayo ang new number nya kasi naiinis na din sya sayo...kaya ako balak ko na talaga magpalit din ng number (kun di lang panload tong cp ko, pinalitan ko na to)...

pede ba wag mo din utusan mga friends ni husband na kapitbahay nyo na itext kami at tawagan para lang pauwiin mo cya jan at alilain???masama kang nanay, biro mo pagod anak mo sa work tapos paglulutuin mo, samantalang un panganay mong anak na walang silbi, walang trabaho at palamunin lang di mo mautusan...di ba nag away na yan 2 mong anak dahil sa ganyan mong palakad????

Grrrrr mother in law, di talaga kita sisilipin sa burol mo grrr....

simplyremz

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #238 on: September 16, 2011, 01:52:22 pm »
pwde din ba kahit future ILs pa lang?

To my future MIL: sana tigilan nyo na ang kasasabing hiyang hiya na kayong mag house to house para mangutang. kung hiyang hiya na kayo, bakit ginagawa nyo parin? yang pagiging one day millionaire nyo kasi ang may gawa nyan. hindi nyo alam ang salitang "TIPID". pag nagkapera ka ng konti, akala mo piyesta sa inyo sa dami ng pagkain. para bang pag nagpakabusog kayo ngayon e hindi na kayo gugutumin bukas! kinabukasan, wala na kayo isasaing!

naaawa na ako sa anak nyo. pag nag ring daw ang cellphone nya at nakita nyang kayo yung tumatwag, kinakabahan na daw sya kasi alam daw nya hihingi na nman kayo ng pera. halos ayaw na nga daw nyang sagutin tawag nyo e..at ayaw na nyang umuwi sa inyo. kung di nga lang sa mga pamangkin nya.

kung sana yung bunso mong anak ang kinukulit mong mghanap ng trabaho e di mas magaan ang buhay.

To my future BIL:

dios ko naman, maghanap ka nman ng trbaho! sayang naman yung mga pinagpaguran ng mga kuya mo mapagtapos ka lang. wag ka namang makuntento na lang sa pagduyan duyan maghapon. my God!

simplyremz

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!!
« Reply #239 on: September 16, 2011, 02:02:37 pm »
Sa kanilang lahat:   Please huwag na kayo magparamdam Please!

Like! ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close