MIL - Sana naman kapag nag text kayo ng "Kamusta kayo?" hindi ang kasunod eh, "Padala ka pambili ng gamut ng tatay mo," when infact na check ko na panay vitamins lang naman ang gamut na sinasabi nyo. Iba po ang gamut, iba po ang vitamins. Then...wag po na mapauwi nyo lang kami sa bahay nyo na ubod ng layo eh lahat ng sasakit sa katawan nyo, like one time, panay ang pa text nyo ke SIL na pauwiin si husband at palagi ka nahihilo, akala mo highblood o kaya need mo bagong salamin nun dalawin ka namin sa bahay, tatawa tawa po kayo at sabi nyo eh dahil lang pala sa late na kayo nakakatulog dahil sa kakapanuod ng "Babaeng Hampaslupa". Gusto nyo ba na nag aalala ang anak nyo? Na kapag kami naman ni husband ang me health problem panay ang isasagot nyo lang eh "dasal lang ang maitutulong namin..." okay lang sa akin kung hindi nyo ako interesadong dalawin sa ospital, pero sana sa sarili nyong anak magpakita kayo ng pagmamalasakit, anyway sya naman bumubuhay sa inyo. At sana dahil sya ang bumubuhay sa inyo, nagpaaral ng ibang anak nyo, kapag umuuwi kami eh naghahanda man lang kayo ng masarap na pagkain, KUNSUWELO po ang tawag dun. At kapag nakikita nyo sa fb na nagbabakasyun kami sa ibang tourist po, wag na sana na nasisimple pa nyo na isingit na dalhin naman ang buong pamilya nyo sa BORACAY. Honeymoon kasi ang tawag sa mga trip namin, at definitely walang byenan sa honeymoon. Naaalala ko pa dati, pati sex life namin sinisimplihan mong pakialaman. So after 6 yrs of childless marriage saka mo sasabihin na apurahin?
Father-In-Law - Wag naman po paulit ulit ang kuwento, mula 1st year of marriage until now ika 6th na paulit ulit lang po...same old sentiments, frustrations, palagi me sinisisi, palaging me kinaasaran, buhay ng mga kapitbahay, parang panay negative po ang sinasalubong nyo sa anak nyo. Nun bumili kami ng car, halata po na naiinggit kayo...hindi kayo masaya na nakapundar na ng sasakyan ang anak nyo, panay ang gusto nyo ay makapundar ng sasakyan na pambyahe nyo eh matanda na kayo ilang beses na kayong nabangga, o nahuli. At sana naman tulungan nyo si MIL sa mga gawain sa bahay, minsan nagbubuhat ng isang timbang tubig eh nakikita nyo naman di nyo man lang tulungan eh kayo ang lalaki. Masyado kayo silbihin eh ang laking tao nyo. Mabuti na lang talaga magkahawig lang kayo ni husband pero magkaibang magkaiba ang ugali nyo.
SIL01 - Okay ka naman, nakatulong ka na sa kuya mo by getting a permanent and decent job. Kaya lang para hindi kasali ang kuya mo sa buhay mo. Nagkapera ka pero kahit isang butas na medyas di mo naalala mo si kuya mo na nagtiis ng ilang taon na malayo para mapag aral ka.
BIL - Tanggap naman na Gay ka. Nasa Baguio ka lang, Wala ka sa Saudi. Bakit ayaw mo dumalaw sa mga magulang mo. Four years na di ka umuuwi, ang kuya mo tuloy ang palaging nahaharap ng nanay nyo. Saka bilang single eh sana tumulong ka din financially.
SIL02 - Irresponsable ang asawa mo. Sana naman eh wag ka na magpadagdag ng anak, tapos hihingi at hihingi ka na naman ng pera pampaanak, pam 1st bday ng bunso, pang 10th bday ng panganay, pambili ng gamit sa school, pampa ospital, pampuhunan...tapos sasabihin mo sa akin na nawalan ka ng kuya, at yung nanay mo eh nawalan ng panganay na anak? Dahil lang di na kayo pinapahawak ng pera eh nawalan na kayo ng kuya? Kasi hindi kayo marunong humawak ng maayos ng pera. Nun ikasal kami, binayaran ko lahat ng utang ng pamilya nyo. Kung hindi nagkakasya ang 200$ sa inyo, kasi iyan ay para sa mga magulang nyo, hindi kayo kasali dahil merun ama ang mga anak mo, responsibilidad nyong mag asawa ang pagbibigay ng basic needs nila, hindi ang kuya nyo. Sa inyong magkakapatid bunso ka pero ikaw ang may pagka intrimitida.
Despite all of these...hindi kami titigil sa pagpapadala ng 200$/month sa inyo, dahil iyun sa pagtanaw namin ng utang na loob sa inyo. Anuman ang mangyari, kahit nakakainis kayo, hindi ko kayang bastusin, at kapag humingi kayo ng pera kapag emergency (legitimate) ipaglalabas pa rin namin kayo. But please...respect our being distant kasi annoying naman kayo...i know this has been breaking my husband's heart but i cannot pretend to not see all ur faults. I do respect you. But we simply cannot be together for such a long period of time.