just removed may left impacted wisdom tooth together nung wisdom tooth ko din sa taas niya (but not impacted). this is c/o dr. charlston uy sa kanyang new clinic sa may pasay-taft, soft opening nila this week. mas malapit ito compared sa may UST since taga south ako. if you are coming from gil puyat (from world trade center, once you are in perpendicular na sa lrt line, turn left, yung papuntang la salle not yung papuntang cartimar. then once nakita nyo yung security bank na malaki sa right side nyo, bumaba na kayo, nasa kabilang side lang yung clinic ni doc, beside the small metrobank).
he charged me 4k for may impacted wisdom tooth and 1k for the not impacted wisdom tooth.
yung impacted, lasted for several minutes pero hindi ako natagalan. wala ring ngalay feeling sa mouth. yung not impacted mabilis lang din. parang less than 2 minutes.
1 hr before the extraction, he advised me pala to take hemostan 500 mg for bleeding, amoxicillin 500mg for antibiotics, and mefenamic acid 500 mg. i took dolfenal, pero ang prinescribed niya saken after is ponstan, so magponstan na lang kayo.
if i will rate the pain na naexperience ko yesterday.. siguro 2/10 lang. ang msakit lang na maffeel mo is yung injection, pero hindi rin naman talaga siya super sakit. parang normal na injection lang din sa braso yung feeling. personally, i will even regard it as painless because of the anesthesia. sobrang kapal ng feeling ko kahapon, tadtad talaga ako ng anesthesia.
sa mga natatakot, wag kayo masyadong kabahan. sa mga maguundergo ng surgery kay dr. uy, dont worry. he sees to it na hindi ka kakabahan during surgery. sinasabi niya yung mga gagawin niya. konting react ko lang, sasabihin niya "mabilis lang to.. ito tinatanggal ko na lang.. hindi to masakit, wala kang mararamdaman.. ayan tapos na."saka priority nya na hindi ka masaktan. lagi niyang tinatanong kung may pain kang naffeel, kung masakit ba yung ginagawa niya. pag yes, dadagdag sya ng anesthesia. basta sabihin mo lang sa kanya kng may pain at magdadagdag sya ng anesthesia. ang naging prob ko lang is, may TMJ dysfunction ako (i currently wear a splint), at yung tooth ko na impacted e connected daw dun sa jaw ko, kaya nung ineextract niya, parang naffeel ko yung sakit sa jaw ko na same feeling kapag nagcclick siya several times in a short period of time. pero hindi rin masyadong masakit. lahat ng pain (if u should call it one) is sobrang bearable.
may malapit na mercury drug along that line so bumili agad ako ng prescribed niya. almost 1k lahat, then ininom ko agad para before daw magwear off yung anesthesia e wala na akong maramdamang pain. true enough, wala rin akong naramdaman. and ngayon, hindi na manhid yung left part ng face ko, pero ang pinakamasakit lang na nafeel ko yesterday is, yung feeling na, parang nasapak ka few hours before, pero ngayon mo lang siya nafeel. haha hindi siya talaga masakit na nakakaiyak. pero alam mong uncomfortable at may area na hndi dapat matouch ang tongue mo.
i highly recommend dr. uy. magaling na, mura pa, at ang pinakagusto ko talaga sa kanya is of course, yung painless surgery at yung sinesecure ka niya na everything's gonna be alright during the process. this is my first ever tooth extraction and prior to this, i don't know the feeling at all kaya kabado talaga ako. he also gave me his personal calling card, para kung may concerns/problems, direct na kong magtatanong sa kanya. nga pala, binigay pa niya saken yung mga ipin ko, souvenir daw. nyahaha
meron pa kong impacted tooth sa right side and plan ko siya ipaextract of course, kay dr. uy ulit, next month together din nung nasa taas na hindi rin impacted. minimum daw is 2 weeks e bago magpaextract ulit. para lang may pang-chew akong side, kaya hindi ko sila sinabay.saka hindi ko rin alam kung advisable ba yung apat.
sa ngayon, konting maga na lang yung left side ko, so nagaapply ako ng cold compress 30 mins, then hot compress 15 mins. 3x a day. i only eat ice cream and soup, kaya kumakalam ang sikmura ko. hahaha
if you have other questions, feel free to message me. Sorry for the long post. Natuwa lang ako cos it was not as painful as i expected it to be.

Uy dental clinic
branches: lacson manila, panay qc, pasay-taft
9211083
7088782
09175966808