Dito sa amin pag pasok palang ng gate green na green na ang paligid..sa dami ng tanim na halaman ng mama ko. Sa province kasi kami!
Puro sa paso lang sementado kasi dito sa amin.
May tanim syang kalachuchi na ibat ibang klase at kulay.
Anthurium..may red small and big, orange, pink
Orchids na iba't ibang klase, tatamarin kang bilangin sa dami. Daisy,zinia,rosal,gumamela na iba't ibang kulay(yung malalaking gumamela wah, tas yung iba yung makapuno yung petals),bugambilia(iba't ibang kulay din,yellowbell,tas may tanim sya na maliliit yung flower pag namulaklak humahalimuyak sa gabi, ang bango talaga,sa gabi lang naman umaamoy. . .at madami pang iba, hindi ko alam tawag sa iba!may bulaklak na yun nung binili, napapamulaklak naman nya ulit. Pag undas hindi na kami bumibili ng flowers, pumipitas na lang ako ng orchids tas aayusin ko na lang!May inispray sya yung siam, sa ace meron nun,grower saka bloomer.
Yung orchids nya sa balat ng niyog nakalagay. Yung sa lupa naman may halong ipa at pataba, pinatuyong ebz ng kalabaw or ebz ng manok. Sa may sigaan kami kumukuha ng lupa.
May tanim din akong basil, itinusok ko lang, may sumobra kasi ako dun sa binili ko sa supermarket, ayun, nabuhay naman,heheh!
May tanim din kaming papaya, dayap, kalamansi,saging,tahibo,pandan(maganda itanim ang pandan sa agusan ng tubig),kamote,ube,sili,malunggay,wish ko lang yung tanglad ko mabuhay.
http://www.facebook.com/media/set/?set=a.302923353121200.74804.100002106140922&type=3