watch now

Author Topic: Gardening II  (Read 142580 times)

twelve5

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #80 on: July 19, 2012, 12:55:51 pm »
I tend to overwater my plants dati. Tapos i read na pag nagye-yellow ang leaves, over sa water. Pag nagba-brown, kulang sa water... So now mejo natatancha ko na. Pero yung ibang plants ko di ko talaga mabuhay. Hehe

hot_chili

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #81 on: July 19, 2012, 01:29:31 pm »
Joining! Puro cement din ang paligid namin kaya sa pots lang ako, I currently have pandan, basil, tarragon and calamansi. Dati may sili ako pero bigla na lang nalagas ang leaves and natigok, di ko alam kung nasobrahan or kulang sa tubig  :(

gusto ko yung mga leaves na ginagamit sa pagluto/spices mabilis kasi sila matuyo pag galing sa grocery kaya masarap pag pinipitas mo lang. I use fresh tarragon for tea (got this idea from sonyas garden)

piatos

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #82 on: August 03, 2012, 11:46:29 pm »
ano po magandang itanim na gulay? yung mabilis pong tumubo.  Thanks

paano po magtaninm sibuyas, patatas, beans, cabbage, squash, ampalaya, eggplant, upo?  hahahaha ang daming tanong pasensya na po thanks po.  May flowers lang kami at oregano hindi ko alam saan nakuha ni mama.
« Last Edit: August 04, 2012, 09:51:11 pm by piatos »

kiz_me1109

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #83 on: August 21, 2012, 03:16:04 am »
Hi. Saan murang nakakabili ng gardeing tools aside from Ace Hardware? Yung malalaki na talaga (pala, rake, etc)? And how much yung price?

Thanks!

Hija

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #84 on: September 11, 2012, 05:57:52 am »
Dito sa amin pag pasok palang ng gate green na green na ang paligid..sa dami ng tanim na halaman ng mama ko. Sa province kasi kami!
Puro sa paso lang sementado kasi dito sa amin.
May tanim syang kalachuchi na ibat ibang klase at kulay.
Anthurium..may red small and big, orange, pink
Orchids na iba't ibang klase, tatamarin kang bilangin sa dami. Daisy,zinia,rosal,gumamela na iba't ibang kulay(yung malalaking gumamela wah, tas yung iba yung makapuno yung petals),bugambilia(iba't ibang kulay din,yellowbell,tas may tanim sya na maliliit yung flower pag namulaklak humahalimuyak sa gabi, ang bango talaga,sa gabi lang naman umaamoy. . .at madami pang iba, hindi ko alam tawag sa iba!may bulaklak na yun nung binili, napapamulaklak naman nya ulit. Pag undas hindi na kami bumibili ng flowers, pumipitas na lang ako ng orchids tas aayusin ko na lang!May inispray sya yung siam, sa ace meron nun,grower saka bloomer.
Yung orchids nya sa balat ng niyog nakalagay. Yung sa lupa naman may halong ipa at pataba, pinatuyong ebz ng kalabaw or ebz ng manok. Sa may sigaan kami kumukuha ng lupa.
May tanim din akong basil, itinusok ko lang, may sumobra kasi ako dun sa binili ko sa supermarket, ayun, nabuhay naman,heheh!
May tanim din kaming papaya, dayap, kalamansi,saging,tahibo,pandan(maganda itanim ang pandan sa agusan ng tubig),kamote,ube,sili,malunggay,wish ko lang yung tanglad ko mabuhay.

http://www.facebook.com/media/set/?set=a.302923353121200.74804.100002106140922&type=3
« Last Edit: September 11, 2012, 02:27:39 pm by Hija »

realshaddy

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #85 on: September 13, 2012, 04:54:55 pm »
i love this thread! wish ko din kase mag start ng mini garden, but im so clueless.
may mga questions lang ako, like nabasa ko kase if magtatanim ng kalamansi, ibibilad muna yung seeds tsaka itatanim. gaano katagal ba ibibilad? and if itatanim na, gaano ba kalalim? sorry mga sis, wala talaga ko alam dito e. same procedure na if siling labuyo?

and if may makakasagot paano mag tanim ng kamatis?

dun sa mga umatend ng seminar, baka pwede kayo mag share sa mga natutunan nyo. TIA

cazzy

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #86 on: September 13, 2012, 06:30:54 pm »
Pa join mga sis :-) I'm also thinking of starting my own small garden, sa balcony namin heheh.
So far, I only have luck with carnivore plants hehe. :P
Open na pala yung Manila Seedling ulit hehe.
Question pala, anong soil ang gamit ninyo? :)
TIA! :) )

piatos

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #87 on: September 14, 2012, 11:07:47 pm »
^^sana sis may sumagot.  May nakakaalam po ba paano magtanim ng luya at sibuyas? thanks sisses!


Hija

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #88 on: September 15, 2012, 04:59:51 pm »
Madali lang magtanim ng sili, maghagis ka nga lang ng bunga tutubo na yun weh..
Ganun din yung kamatis, inilagay ko kasi sa halaman yung natirang kamatis na pinagsawsawan ko, ayun, tumubo, huwag lang dapat matutubig, kasi yung sa akin hindi ko nailipat natubig tuloy.
Nagtanim kami dati ng luya yung luyang napapanat na,heheh. Tumubo naman.

piatos

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #89 on: September 16, 2012, 10:56:17 am »
^thanks sissy!

Kitchen Goddess

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #90 on: September 16, 2012, 03:25:50 pm »
nice thread. we have a small garden also. i have kalamansi, tomato, lagundi, oregano, taheebo. yun kalamansi and tomato, i just planted the seeds. super tagal lang bago lumaki. then yun lagundi, oregano & taheebo from stem cuttings. tinusok ko lang sa soil. we also have ornamental plants- white angel, bamboo, orchids, etc. chieza (fruit bearing na) and avocado (small pa lang) tree also

instead of fertilizer, i used vegetable peelings and yun "hugas bigas" to water the plants.

piatos

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #91 on: September 17, 2012, 11:53:30 pm »
magkano ba ang isang sakong lupa yung may pataba na po? balak ko itanim muna calamansi.  Magkano din po buto ng pechay?  thanks!!!

Alexandersmom

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #92 on: September 24, 2012, 09:28:16 pm »
Hello. I like gardening too. By the way, I think I have seen from one of your posts that you own a unit in Bellefort Estates? I own one too. Who knows baka magkapit bahay pala tayo! By the way, mine will be turn overed in 4 to 6 months pa daw. 70% pa lang kasi ang gawa ng house. Sis, may mga problems ba sa unit mo or wala naman? May mga threads kasi na puro negative feedback sa profriends medyo kinakabahan tuloy ako... Thanks in advance

Hija

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #93 on: September 26, 2012, 07:38:38 am »
Nagluto ako ginawa ko inilagay ko sa palangganang may lupa yung buto nung red bellpepper, ayun may dahon na, kakatuwa!
Naglagay ulit ako, buto naman ng green bell pepper!
Yung kamatis din may dahon na, saka yung luyang dilaw!

quennna

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #94 on: September 27, 2012, 01:41:22 am »
Hello. I like gardening too. By the way, I think I have seen from one of your posts that you own a unit in Bellefort Estates? I own one too. Who knows baka magkapit bahay pala tayo! By the way, mine will be turn overed in 4 to 6 months pa daw. 70% pa lang kasi ang gawa ng house. Sis, may mga problems ba sa unit mo or wala naman? May mga threads kasi na puro negative feedback sa profriends medyo kinakabahan tuloy ako... Thanks in advance

sis, wrong thread ka...

hot_chili

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #95 on: September 27, 2012, 12:41:47 pm »
^^ sis Hija, as in fresh from the bell pepper nilagay mo na sa lupa yung buto? wala ng bilad bilad or whatever? Id like to plant bell pepper too, favorite kasi namin to ni hubby

Hija

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #96 on: September 27, 2012, 07:32:49 pm »
^^ sis Hija, as in fresh from the bell pepper nilagay mo na sa lupa yung buto? wala ng bilad bilad or whatever? Id like to plant bell pepper too, favorite kasi namin to ni hubby

Yes sis. . .pagkatanggal ko ng buto sa bellpepper binudbod ko na sa lupa, dun na sya mabibilad. 1 week bago sya tumubo. Yung green bellpepper ko hindi pa natubo, nung saturday ko lang tinanim yun.

lclanzaderas

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #97 on: October 12, 2012, 02:50:58 am »
bumubunga na yung tanim naming okra at sitaw. yung kamatis, hindi pa. yung labanos, namatay na.

piatos

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #98 on: October 12, 2012, 09:36:57 am »
sis, paano itanim ang okra, labanos at sitaw? tia!

lclanzaderas

  • Guest
Re: Gardening new thread
« Reply #99 on: October 22, 2012, 12:21:20 pm »
ramgo yung brand ng seeds na ginamit namin. available yun sa groceries. may nakikita din ako sa national bookstore at ace hw. garden soil ang ginamit namin, binili namin sa garden store para mura. sa paso muna namin itinanim tsaka inilipat sa ground nung medyo malaki na.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close