walang anuman sis, dati rin wala pa akong masyadong alam sa mga dogfood na yan. Through forums and net talaga ako natuto. Actually, more than 3 years ago na lang ulit ako nagalaga na hands on talaga ako. Pero di kami nawalan ng aso kasi kahit nung bata pako until college meron na rin pero syempre di pa uso forums and net noon kaya feeling ko mas okay yung pagaalaga ko ngayon sa kanila.
Sis, wag mo hayaan maubos yung RC bago ka bumili ng ibang brand. Mas okay na naghahanap ka na rin ng ibang brand para if ever di sya okay sa RC, di biglaan yung transition. Ganun kasi talaga pag nakatikim na ng table food, aayaw na sila sa dogfood kasi mas malasa at maamoy yung pagkain natin. Pero take note marami ring human food na bawal sa kanila like cooked bones and fats; too much oil, garlic, onions, soy sauce, patis, salt, rice; veggie and fruit seeds, pits, peels; chocolates; grapes. Yung transition same lang sa first post ko, haluan ng dogfood yung tablefood hanggang sa pure dogfood na. Pwede rin na offer mo yung pure dogfood tapos kung di kainin after 10-15 mins, alisin mo na, then the next meal offer dogfood lang ulit. Wag ka magalala kung di nya kainin, kasi healthy dogs naman won't starve themselves to death. Kakain at kakain din yan, basta be firm sa 10-15min rule, and provide fresh water all the time, siya rin ang susuko.
Actually, sa mga nabanggit mong brands, wala akong nakitang okay, tignan mo even your dog alam niyang di maganda mga yun kaya di nya kinain haha! Choosy ako sis pagdating sa food kasi malaking factor ang food sa overall health nila, that's why homecooked, raw feeding and the brands that I've posted earlier are the only ones that I would recommend.