watch now

Author Topic: ZAMBOANGA  (Read 39765 times)

cartman

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #40 on: May 21, 2011, 12:21:09 am »
sis shegothim nagkita na naman tayo dito haha, sabi ko nga next year pa naman ako dito mejo afraid ako pero sa mga nabasa ko mukang oki naman basta kwento kayo ha pag naka balik na. :)

elisha2010

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #41 on: July 06, 2011, 02:44:12 pm »
Mga sis safe ang zambo city, isang patunay dyan ay magkakaroon ng robinson sa mismong city malapit sa airport, hindi mag invest ang robinson kung hindi safe. hindi ako nagsasawa pumunta ng sta cruz island at marami ng tourist minsan nga eh hindi na namin nakilala akala namin eh nasa boracay kami sa dami ng tao. ;) tsaka nga pala may zipline na rin sila sa may ecozone puntahan nyo sya. madadaanan nyo ang plant ng mga sardines 555, family, atbp.

aLei

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #42 on: July 19, 2011, 08:14:17 pm »
went to zamboanga last july 16-18
arrived at 6am.. went straight to cabin econotel at campaner st.
got a room @P600 for 2 pax and P720 for 3pax
maliit yung double room nila compared sa pang 3 pax
but okei naman yung CR, malinis and walang amoy :)
stayed there for one night only and transferred to astoria pasonanca on our 2nd night
room at astoria pasonanca is @P1200 for 2 pax

malaki yung room nila as in... :D

meron din sila swimming pool and cheap ang food nila...
beer costs at P35/btl, same as with fruit juice and softdrinks :)

they offer airport transfer for P50/pax

downside lang ng astoria pasonanca, malayo sila sa midtown...

tryk fee is P80 from lantaka hotel to astoria

shegothim

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #43 on: July 28, 2011, 10:19:25 pm »
ilang days ang dapat na igugol sa zamboanga city? ok na ba ang 2 days? balak ko kasing magpunta pa ng dipolog. baka pwedeng pagkasyahin sa trip namin. if not next time na lang siguro.


hanshellite

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #44 on: August 01, 2011, 01:12:14 pm »
Sis shegothim, malayo ang dipolog sa zamboanga city. 7-9 hours ata yung byahe via bus eh. So kung 2 days lang naman yung plan mo, mapapagod ka lang sa byahe.. hehe dapat separate trip na lang yung dipolog/dakak/dapitan or extend mo na lang vacation mo.. hehe=)

shegothim

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #45 on: August 01, 2011, 03:34:56 pm »
thanks sis. sept 9-12 kasi kami sa zamboanga city, iyong ibang kasama ko hanggang 13 sila.

eto sana ang IT kung magdidipolog:

sept 9 city tour zamboanga city
sept 10 sta. cruz island tour (half day) - travel to dipolog city
sept 11 dipolog city tour
sept 12 back to zamboanga (uwian na ang may dipolog na flight) eto ay kung dipolog na ang ticket ko pauwi or extend ko ng one day ang trip ko at sept 13 na ako uuwi.
sept 13 uwian na ng mga may flight ng sept 13


« Last Edit: August 01, 2011, 03:38:37 pm by shegothim »

matetreyes

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #46 on: August 01, 2011, 03:42:47 pm »
if you're looking for a decent hotel in zamboanga, try Marcian Hotel. medyo bago pa sya so malinis and ok ang rooms. hindi rin sya masyadong pricey. look for ms cathy. jan ako binobook dati lagi sa office e

shegothim

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #47 on: August 01, 2011, 04:01:11 pm »
sis pwedeng papost ng contact number ng marcian hotel. thanks in advance ;D

hanshellite

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #48 on: August 01, 2011, 04:14:04 pm »
Sis shegothim, ok lang naman pala ang itinerary mo kasi 4 days naman pala, keri lang. Pansin ko walang dapitan/dakak sa itinerary, ayaw mo itry? hehe or baka nakapunta ka na rin dun ano... anyways, kasama na ba sa zamboanga city tour nyo ang food trips? I suggest the following restaurants:

1. Palmeras (try knicker bucker glory)
2. Mano-mano/Greenfield (try bilao)
3. Flavorite (try their palabok)
4. Alavar (yummy crabs sa alavar sauce)

And kung sa hotel naman, depende sa gusto mo sis. Kung gusto mo nature/malabundok na atmosphere, i suggest astoria regency sa pasonanca. Mejo malayo sya sa pueblo pero keri lang magjeep or magtraysikel. Ok din sa marcian kasi malapit sa pueblo.
« Last Edit: August 01, 2011, 04:46:38 pm by hanshellite »

matetreyes

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #49 on: August 01, 2011, 04:29:52 pm »
Marcian Hotel 09239128013

may isa pa yung astoria hotel yata yun (not related to astoria in ortigas), pero mas luma to compared to marcia. wala nga [textspeak!] ako number nito.

shegothim

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #50 on: August 01, 2011, 06:26:52 pm »
thanks mga sis.

change of plan na lang ako. stay na lang ako sa zamboanga mahal kasi ang ticket ng dipolog or zamboanga eh.

shegothim

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #51 on: August 11, 2011, 09:06:31 pm »
safe ba ang night trip ng bus from zamboanga city to dipolog? parang gusto ko nang ituloy ang zamboanga-dipolog trip kasi parang konti  lang ang magagawa namin sa zamboanga city 4 days kasi kami doon.

matetreyes

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #52 on: August 12, 2011, 06:33:53 am »
suicide te? LOL

iba ang crowd doon sis ha. share ko lang experience ko, though this is not in zamboanga. it's in cdo going to iligan by bus. just to give you an idea on the "safety" of those places. bumiyahe ako 4 am from cdo dahil may training ako ng 10am sa ozamis. so i have to ride a bus to iligan and meet up with our staff. sa bus may tumabing lalaki sa akin. una nakikipagkwentuhan in his dialect. siguro to make see if i understand bisaya. syempre hindi ako marunong so ang ginawa ko eh "less talk less mistake" yes no lang ako. nagtulug-tulugan ako. sinisiko nya ko to ask if may cellphone ako. good thing hindi tlg ako naglalabas ng phone the whole time so i can say wala akong cellphone. kinukulit nya ako until bumaba sya. then he said thank you to me. shocks! naisip ko tuloy may nakuha ba sya sa akin??? super scared. i told my staff about what happened. they said, madalas nga daw ang ganun, or worst holdapan sa buses. including buses to pagadian and dipolog sis.


rocky

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #53 on: August 12, 2011, 08:07:58 am »
^sis, suicidal talaga yan si shegothim. nagbabalak pa nga na mag-basilan kami. hehe ;D goodluck talaga ng bongga, gusto ko pang mabuhay :D

shegothim

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #54 on: August 12, 2011, 08:13:38 am »
may magandang falls sa basilan eh. ;D

thanks sis matet. ayun, chillax mode na nga lang kami sa zamboanga city kung ganun.

rocky

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #55 on: August 12, 2011, 08:22:55 am »
^hehe! malamang nga foodtrip lang gagawin natin don :P

ayionick

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #56 on: August 12, 2011, 09:43:52 am »
^siguro kung may kakilala at makakasama kang taga-dun mismo ok lang pero kung totally bago ka sa lugar wag na lang. nabasa ko yung blog ni pinaytraveljunkie, nag-basilan sya dati pero may kasama sya. naging safe naman yung trip nya at hindi naman sya nagpagabi dun.

danda

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #57 on: August 12, 2011, 01:28:15 pm »
parang gusto ko din mapuntahan ang pink island! :D

rocky

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #58 on: August 12, 2011, 03:01:49 pm »
^korek! sa pink beach din ako naeexcite ;)

matetreyes

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #59 on: August 12, 2011, 08:53:23 pm »
korek kung may kasama kayo na taga-dun or kahit someone who could speak their dialect. kasi pag nag-zamboanga ako, yung staff namin na taga-davao, pinapadala din sya zamboanga para samahan ako. so sya ang nakikipagusap sa jeep, trike, sa kainan. ako,, mahina [textspeak!] ako magsalita para di nila madinig na hindi ako taga-dun.

saka lagi ako walang mukap at naka shirt and jeans lang. yung airport ng zamboa, yun yata ang pinaka-primitive na airport na napuntahan ko. ang cart dun dati yung cart ng softdrinks. tapos dami porter na mga brusko. para syang munisipyo

try to eat crabs in alavar. saka sa barter kami buy ng pasalubong (sarong, malong, kari noodles, chocolates)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close