watch now

Author Topic: ZAMBOANGA  (Read 39798 times)

rocky

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #80 on: September 13, 2011, 01:35:47 pm »
^^hehe! di ako sure pag january, ang dami ko kagad absent nyan kasi lagi akong nasa cebu eh. :-\

kikay iska

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #81 on: September 13, 2011, 07:31:15 pm »
sis kikay iska - kelan ang punta po sa Dipolog? :)
March next year pa, sis. :)
Kugn may magbubo ng group pa-Zamboanga City, sama ako. Please! :)

arvee_1114

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #82 on: September 21, 2011, 09:04:55 am »
patulong naman pano pumunta sa merloquet falls.

angelice_08

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #83 on: September 24, 2011, 05:02:26 pm »
if magisa ka sis mahirap, or pwedeng madali pero mas mahal kesa kung group kayo. merong jeep na pumupunta dun pero super dalang at malamang na kasabayan mo mga uling or ibang mga pangarga. yung yung nakita naming dala ng jeep na papunta dun pag punta namin :( kung group kayo i suggest kontakin mo sila kuya manny and kuya leo.. sila sumama samin nila sis shegothim.. recommended sila ng tourism office at super babait nila.. recommended sila kasi sila daw kabisado mga lugar for eco tourism sa zamboanga.. mura ang price nila for 5people kesa maghabal habal kayo.. ayon pala sis pwede ka din maghabal habal pero hindi rin advisable kasi mejo malayo at may mga part na hindi maganda yung daan.. tsaka yung papunta mismo sa falls e hindi naman alam ng nakararami dun.. kila kuya manny, sigurado ka kasi sila yung nagpopromote at nagdedevelop talaga ng place for eco tourism.. pasearch na lang ng lacuachero outdoorshop sa FB :)

kenoy

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #84 on: September 25, 2011, 09:20:27 am »
^^TOMO! super effort ng mga tao ng zamboanga para tumulong! di rin kayo magugutom dahil bawat kanto ata may dunkin donuts! hahaha

angelice_08

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #85 on: September 25, 2011, 03:34:20 pm »
aba kenoy?!?! in fairness ha, bumalik ka sa thread ngayon.. hehe ;)

nagenjoy ka naman ba? hindi obvious sa mga pictures e.. :)

kenoy

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #86 on: September 25, 2011, 05:19:36 pm »
super promote kaya ako sa zamboanga! maraming salamat sa mga larawan ais, pati kala dudan, jess at jen! sa mga papunta ng zamo, pabili naman ng pansit canton nila, masarap talaga, may crispy onions!

shegothim

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #87 on: September 25, 2011, 08:13:51 pm »
may pinabilhan na ako ng mi sedaap. 3 packs pinabili ko. gusto ko sana marami pero nahiya ako ng konti.

for the win talaga ang merloquet falls. mas ok kung magpasama sa merloquet kasi liblib na iyon. malayo sa highway kasi iyong jump off point at malayo din sa pueblo kaya di ako nagsisi na nagpatour kami sa lacuachero outdoorshop.

angelice_08

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #88 on: September 27, 2011, 11:31:59 am »
salamat din kila kuya ken. astig ng mga pics nila satin, stolen kung stolen ;)

jen, pwede ba manghingi?hehe

kenoy

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #89 on: September 27, 2011, 06:39:52 pm »
^di mo na talaga napigilang humingi noh! hahaha.. jen ako rin.. :D

nako sa mga pabyaheng zambo, dapat makilala niyo sila KUYA MANNY at KUYA LEO, super babait! maliban pa sa mga pictures, ang sarap magluto! diba ais!

cartman

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #90 on: September 27, 2011, 11:50:07 pm »
aba si shegothim tulad ng naging usapan naten dati hehe ipasa mo na saken un iti mo saka mga contacts mo hehe, january na kame 9 paxz

kikay iska

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #91 on: September 28, 2011, 12:06:24 am »
@shegothim: sis, sakto lang ba ang 4 days na trip dito? sept 9-12 kayo, di ba - 4 days? di ba "amazing race" style ang pace dito? gusto ko sana relax lang hehe. tia! :)

may mga pupunta ba dito next year, pwedeng sumabit? :)

am planning to book march 23-25/26 next year. :)
« Last Edit: September 28, 2011, 02:22:09 am by kikay iska »

shegothim

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #92 on: September 28, 2011, 05:34:33 am »
sis kikay iska, sakto na ang 4 days trip sis. iyong unang araw kasi namin wala kaming masyadong ginawa.

sis cartman, sure sis. gumagawa na rin ako ng blog re: zamboanga trip namin.

kikay iska

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #93 on: September 28, 2011, 06:07:19 pm »
^ so okay lang din pag 3d/2n lang?
may early morning flight naman so wholeday pa rin yung day 1,  if ever.
yung  3rd day lang ang bitin kasi 4pm yung flight.
thanks.

shegothim

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #94 on: September 28, 2011, 06:25:27 pm »
parang bitin sis, lalo na kung gusto mong pumunta sa merloquet falls. halos whole day kasi ang kailangang i-allot doon. iyong sta. cruz island pwedeng half day tour lang. though napadali kasi iyong pasonanca park tour namin dahil tinour kami ng mga may-ari ng lacuachero outdoorshop so less na iyong time namin para magcommute. then sa barter if marami kang gustong bilhin gugustuhin mong magtagal doon.

« Last Edit: September 28, 2011, 10:20:39 pm by shegothim »

kikay iska

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #95 on: September 28, 2011, 09:09:49 pm »
^ Sis, I just browsed the blog post. Ang ganda ng mga kuha mo! Merloquet Falls is amazing! So is Sta Cruz Island... Gustong-gusto ko yung shots: yung pic below the vinta pic, yung lamppost with sunset, yung family sa Pillar Shrine, and the last photo of the falls. :)
Nnniiiiice!

shegothim

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #96 on: September 28, 2011, 09:25:30 pm »
thanks sis.

maganda rin sa little sta. cruz island kasi may sandbar pa doon kaya lang bawal ang tourist. sayang talaga.


matetreyes

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #97 on: September 28, 2011, 10:25:30 pm »
ang tagal kong balik-balik ng zambo, hindi ko man lang narating ang sta cruz island! im soooooooooooooo inggit!


shegothim

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #98 on: September 28, 2011, 10:28:19 pm »
wow maraming beses ka nang nakabalik ng zamboanga? inggit ako sis. ganda kasi doon, nasa zamboanga palang kami gusto na naming makabalik agad.

matetreyes

  • Guest
Re: ZAMBOANGA
« Reply #99 on: September 28, 2011, 10:33:28 pm »
oo sis kasi sa dati kong work, we conduct trainings in zambo. pero hanggang barter at alavar lang ako. kasi nga takot kami sa kidnapping keme dun. ang ganda ng sta cruz!!!!!!!!!!  sshare ko blog mo sa staff namin sa davao, sya kasi lagi ko kasama pag zambo training eh. aayain ko. LOL

 

Latest Stories

Load More Stories
Close