Author Topic: Maid na mahilig mag-advance  (Read 20439 times)

mishmish

  • I'm shy but I'm friendly... eccentric but exquisite and undeniably a....
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1097
Maid na mahilig mag-advance
« on: August 26, 2010, 08:42:49 am »
Nung pumasok si HH last July, nag-advance na agad siya ng salary niya, pumayag kami dun, kasi papadala daw niya yun sa family niya sa province, so wala siyang kapera-pera, umutang siya, pumayag ako para makabili naman siya ng mga personal na gamit like - shampoo, soap, ect. etc.

Ngayon gusto niya ulit mag-advance ng salary niya for september, padadala daw niya sa family niya, di ko alam kung dapat ba akong pumayag, kasi parang nawiwili siya. Alam niya kasi na matatapos na yung kaltas niya sa unang ini-advance niya.

Based sa performance niya di din kasi siya yung ok na ok, medyo burara at may pagka-tamad pa. Kung kayo ako mga sis, papayag kayo sa advance salary niya?


** The greatest weakness of most humans is their hesitancy to tell others how much they love them while they're alive **

silverbarrow

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 558
    • Zooming In... (Proj 365)
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #1 on: August 26, 2010, 08:54:46 am »
Ako hindi, maganda sis kung medyo magtagal muna siya dyan kasi di mo pa kilala yung ugali niya at saka sabi mo nga medyo di pa maayos magtrabaho. Prove her worth muna. Pag mukhang ok na pwede na siguro. My HH mga after one year siya humingi ng advance. Maayos naman kasi siya gumawa,may sariling kusa kaya hindi na kami nagatubiling pahiramin siya nung nagkaroon siya ng emergency sa family niya.

liyapot

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1637
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #2 on: August 26, 2010, 10:24:08 am »
ganyan din yung yaya ko ngayon..
pumasok sya sa amin ng july.. nag cash advance sya para may maiwan na pera sa mga anak nya.. she was only given P1000.. as cash advance... kaso nagkaron ng mix up..kasi imbes na ibigay ng taga-recruit namin sa province yung pera sa mga anak nya..sa kanya ibinigay! she kept the P500 to herself. so P500 lang natira sa mga anak nya! anyway, nung dumating na sya ng manila P200 na lang natira sa pera nya..siguro bumili ng load..nag-kape whatever.. nag-drama na wala daw pera mga anak nya? duh!!?? nag request sa byenan ko kung pwede mag cash advance uoli..as in P3000 isang buong buwan eh ikakaltas pa yung pamasahe sa sweldo nya..so hinde pumayag si byenan ko.. kami ni hubby naawa.. wala daw syang pambili ng kape, sabon, shampoo, toothpaste etc.. so binigyan ko sya.. usapan namin.. hanggang matapos ang kaltas ng pamasahe. nung 30th july natapos na yung kaltas nya..so ibig sabihin kumpleto na nya nakuha ang sweldo nya nung 15th aug..
kaso prior nya makuha ang sweldo nya ng 15th..she talked to my hubby.. kung pwede daw magpabili ng cellphone sa amin!! hello!! yung mura lang naman daw tapos bayaran daw nya every month ibawas sa sweldo nya..
di ako pumayag kasi yun nga na kinaltas lang pamasahe nya kulang na kulang pa sya sa pagbili ng toiletries nya..tapos uunahin nya ang cellphone?? eh meron naman syang cellphone! sira daw kasi walang signal..hello!!! basta nainis ako..
nung mahimasmasan ako sabi ko kay hubby bigay na lang yung lumang cellphone ng nanay ko..pero ngayon nag 2 isip ako kung gawin ko pa yon.

pero in fairness she does her job naman pag napapagalitan ko ok lang..di nagdadabog (naka experience na ako ng ganun eh), kaso minsa  mahirap kausapin! magulo! hahaha!

anyway, sabi nga ni genivy21..kapag may katulong sya na panay CA sinasabihan nya na wala syang pera.. at hinde sya atm na labas na lang ng labas ng pera.. tinandaan ko yon kasi pwede kong magamit yong linya na yun in the near future!
"If wishes were horses, then beggars would ride"

mishmish

  • I'm shy but I'm friendly... eccentric but exquisite and undeniably a....
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1097
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #3 on: August 26, 2010, 11:14:51 am »
pinag-usapan namin yang issue na yan ni hubby last night, kung siya daw ayaw niya. sabi ko what if lets say half na lang ng salary niya ang ibigay baka kasi talagang need ng family niya ang pera, kaso sabi ni hubby, oo nga half lang pero parang nag-give in na din kami kung ganun, na para bang anytime na may request si HH payag kami agad... may point din siya dun..

ang problema naman is kung talagang hindi kami pumayag, baka naman maging malikot ang kamay, scary din yun.. may instances kasi this past few weeks, nahuli namin siyang kumukuha ng mga food na wala kaming go signal na pwede niyang kunin basta-basta na lang...
** The greatest weakness of most humans is their hesitancy to tell others how much they love them while they're alive **

m

  • spoiled
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 120
  • Girl Power
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #4 on: August 27, 2010, 12:35:59 am »
mishmish: ako si hh when she came here i paid for her fare din tapos nag advance siya ng 2k para daw iiwan dun. un fare niya is 2k din (DAW). what i did was every payday 1 and 15 kaltas ko ng 500 pesos ang tagal din inabot a pero at least meron pa siyang matitira para sa gastos niya. 2k siya dati now 2500 na siya.
when she came here sinabi ko na agad na ayaw ko ng nagaadvance papayag lang ako pag ang kukunin niya is un salary niya sa next payday niya. so at most 1250 lang. pag super emergency naman i only allow her to advance ng half of the month ng salary niya. nakita ko kasi na super daming HH na umaabuso kaya inunahan ko na siya. if she wanted to splurge on something na walang kwenta pag ipunan niya hindi pwedeng babale siya just for that. so pag emergency talaga likey un baby niya may sakit, i really talk to her mom hehe
e super budgeted din ako sa mga gastusin sa bahay so no no no ako talaga when it comes to advance salary.
hay naku pame, basta wag mo sasanayin aabuso yan ha! tsaka diba nga super tamad tingin ko not worth it pag pinautang mo ng malaki tapos papaalisin mo rin diba? tapos stressful pa yan HH na yan! don't give in sa bale niya pag tingin mo wala lang feel lang niya :)

m

  • spoiled
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 120
  • Girl Power
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #5 on: August 27, 2010, 12:58:44 am »
hmmm pero bigla  ko naisip yun sabi mo a baka pag hindi kayo pumayag mag advance maging malikot ang kamay... hindi kaya yun ang reason why my HH steals money, things and foods? hehe pero feeling ko baka sa upbringing remember na kwento ko yun sister niya nahuli ng auntie ni emer na nagnakaw. hay nahihiya lang kasi ako sa uncle niya kaya hindi ko mapaalis i just need hard evidence na siya ang reason why bigla na lang nawawala mga things namin (and money too) hehe
pero come to think of it naman, if pumayag kang advance siya ng advance aabuso talaga and nakakasira ng budget din yan a tsaka pano kung malaki na ang nadvance tapos biglang nawala as in tumakas na sayang din ang napahiram mo ah :p

emeenem

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 541
    • Mommy Approved
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #6 on: August 28, 2010, 11:24:36 pm »
i also have (take note, have not had) a maid like that. wala shang sinahod na nasa tamang payday. almost every week nag a advance sha. nakakabilib naman dahil hindi sha nauubusan ng dahilan. i always give her the benefit of the doubt although ang maximum ko is two months in advance ang pwede. also, alongwith her pag a advance, bawal shang magday off (that's only way helpers can leave our village).

regarding sa pamasahe, ang rule ko naman dun is basta maka 6 months na sha sa akin, hindi ko na ibabawas sa sweldo. pero pag less, tsaka ko ibabawas.

mishmish

  • I'm shy but I'm friendly... eccentric but exquisite and undeniably a....
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1097
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #7 on: August 29, 2010, 08:07:14 am »
Bukas na ang pay day niya.. I'm thinking na baka half lang sa gusto niyang i-advance ang ibibigay ko, para lang may control kahit papaano... ayoko kasing masanay tsaka diba minsan mga HH once na nakuha na nila money nila, di na seseryosin ang work, nasa mind kasi nila eh nakuha na nila pera eh... Thanks mga sis :)
** The greatest weakness of most humans is their hesitancy to tell others how much they love them while they're alive **

aquacharly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3568
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #8 on: August 29, 2010, 08:33:07 am »
Dealing with house staff requires Tough Decisions.   So 1 of those I translated into a policy which I inform each 1 of them of at the time of the pre-employment interview is that  I never give advances.  Even if Rizal gets shot again at the Luneta.

IMO, a person who is used to getting paid in advance, or paid for services still to be rendered,  loses motivation to render good service.  Basic human nature. 

Also, for someone who is used to loans as a means of funding their daily living requirements... . he/she tends to accummulate loans/mga utang... makapal na eh, wala nang pride, way of life na nila eh.   Eventually pag hindi na kaya kasi patong patong na ang utang, they just disappear.

IF I were in your shoes, MISH2, I will give say a quarter of the pay for the 2nd month as advance, so ang oustanding utang na lang nya for the 3rd month of service is a week's pay.....
      and tell her that next payday, you will collect the remaining quarter of her unpaid load, so wala lnlang advance...  and that henceforth... you will not give advances anymore.   

If she will leave because of that... well, it is bound to happen sooner or later.  Kasi ang buhay ng mga  yan na 1 tao lang inaasahan or else they starve...  no amo will be in a frame of mind to keep on funding their requirements and emergencies (mga tamad sila eh to work now, deny themselves now, for a better future... yan lang bottom line nyan, mga tamad tapos exploit the amo's kindness, tapos poof!  takbuhan ka with unpaid utang.

Mas okay, inconvenient nga lang, maghanap ka nang kapalit nyan.
Or, if you think you have no choice but keep her for now... minimize mo na lang your financial  exposure to her.

hehe, tignan mo nga kung ang sagot sa yo pag you do not give her full month in advance eh:  pano na mabubuhya ang pamilya ko?

Susko mga ewan na engot... mag papamilya tapos problema nang iba ang pamilya nila.   I tell them... dalhin mo sa pari at church ng community mo.  Sabi hindi ba == feed the hungry?

notsoforestfruit

  • Probationary
  • Posts: 2
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #9 on: September 03, 2010, 10:38:32 am »
ganyan din ang new HH ko. picked her up yesterday lang. firt think i told her sa briefing namin is, i dont give advances, but i give salary on time. nanlumo si ate. and she told me na sana kung pwede sya mag advance because she has kids who goes to school and they need to buy bigas blah. in fairness naman kase totoong mahirap sila, my auntie who referred her to me, told me na walang wala talaga sila doon sa probinsya. im good to give her half of her salary's advance but gusto ko lang panindigan that i cannot give advances because i also have a monthly budget. ontime naman ako magbigay ng sweldo just like my employer so pagtiisan muna nya na ibudget din ang sahod nya. kase pag binigay ko naman lahat sa kanya ako naman ang mamimihasa pag may nangyari dito sa amin. may diapers pa ako and milk na bibilhin.

babymom20

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 484
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #10 on: September 03, 2010, 02:33:58 pm »
nung pinaalis ko si yaya two months ago, madaming nirekomenda at nag-apply na yaya.. tatlo sila na parang nagustuhan ko as per phone conversation lang..and common denominator nila yung cash advance kahit hindi pa kami nagkikita ng personal. since akala ko ok, pinadalhan ko plus pamasahe papunta dito. hayun, pagdating dito nadiskubre ko bagong panganak pala at nagsinungaling lang sakin, mukhang ok naman kaya lang natakot ako sa post partum hehe at saka baka mabinat pa sakin e mas mapalaki gastos ko. following day pinauwi ko, pamasahe ko pa ulit. kahit kako 2k na lang ibalik sa advance, wala na daw. kaya hayun goodbye na. ang sabi ko na lang balik na lang sya next year pag fully recovered na sya. pero wala syang balak na bayaran yung pera ng cash din.

next applicant naman, advance ulit, but this time 1500 na lang pinabigay ko (nadala na nung una).. hayun naman, nasa bus terminal na at last call ko na sana sa kanya, at parang meron akong hindi nagustuhang sagot, hayun, uwi ka na kako.hindi ko na pinatuloy.. may ibinalik pa naman sa advance pero 500 na lang. kesa kasi makarating pa sya dito at pauuwiin ko rin naman, mas mapapalaki na naman gastos ko.

yung last e parang nawalan ako ng gana muna na kumuha ng yaya, andito pa naman si sis ko nun. parang kinabahan lang ako kasi unang usap pa lang namin e advance agad ang issue nya.

and now hindi ko alam kung ano mararamdaman ko..kasi yung isang kaibigan ko may nirekomendang yaya. as usual prepare ako ng advance ulit but to my surprise, pamasahe lang hiningi nya. though sinabihan ko naman sya ng pwede lang ako ng one month advance but after that wala na. para anytime gusto ko paalisin o gustong umalis e pwede. ngayon andito na sya samin and i like her. marunong na sya. nakapagtrabaho na daw kasi sya sa ibang mas magagandang pamilya at meron na rin syang experience na 2 alaga plus all around, e samin isang 11 months old lang alaga nya kaya parang madali lang sa kanya kaya maayos naman ang output. kaya lang hindi nga sya nagmemention ng advance. hay! para naman ako ang kinakabahan na parang hindi nya need ng pera at baka anytime na magsawa sya ki baby e balikan nya yung 3 yr old son nya sa province.  :'(

chengkii

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 201
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #11 on: September 04, 2010, 02:09:04 am »
Ay! Natuto ako sa kapatid ko niyan. Iyun 3 maids niya before, puro may advance at hindi nalang bumalik after dayoff or hindi bumalik sa agreed return date. Kaya ako din, hindi nagpapa-advance masyado. Saka half month lang. Di talaga 1 month worth.
For every action there is an equal reaction. :)

redrose

  • living life as
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 668
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #12 on: September 08, 2010, 09:25:52 am »
I'm so done with this din! kakainis ang mga helpers na super advance sa sweldo, akala mo eh banko ka ng mga kapighatian nila sa buhay. Yung last maid namin talagang walang pakundangan yun sa pag-advance! >:( Kung di lang ako preggy di ko napagtiyagaan yun, buti na lang sumaklolo na mom ko, ayun pinaalis na namin :D Right now, in search ulit for a new househelp. Sana makahanap na at malapit na ang due date ko.
Pray, Hope and Don't Worry; Worry is Useless. God is Merciful and will hear your prayers. - Padre Pio of Pietrelcina

periwinkle_room

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 149
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #13 on: November 01, 2010, 03:54:49 pm »
dati nagpapa advance ako. after going through lots of maids who asked for advances and never came back, nadala na ako. no more advances.

and if guilty kayo, isipin na lang nyo ito.  mag-guilty kayo if you don't give them what is due.  but if you pay their salaries on time, always remember that it's NEVER your responsibility to pay for their family's diapers, milk, rent, tuition, etc.   there is nothing to be guilty about.  you can never be sure if the money you lend out will be returned to you.

artegirl

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 453
    • My Online Shopper
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #14 on: November 06, 2010, 10:04:20 pm »
helper ko din, hilig mag advance.  ewan ko ba.  pag sa husband ko naman, hindi sya nag aadvance (he's the 1 paying her salary kasi).  pero pag nakita nya ko sa house and husband is not in sight, magsabi na yun na mag advance sya.  ako naman, I just don't have the heart to turn her down.  matagal na kasi sya sa min.  and trustworthy naman, although medyo moody.  isip ko kasi, kami yung employer nya, so saan pa nga ba sya uutang.  ganun din naman ako, pag nagigipit, utang din ako sa employer ko...

persephone

  • I am a no-nonsense
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 203
    • in my head right now
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #15 on: November 07, 2010, 01:56:24 pm »
My little boy's yaya also asked for a cash advance when she started to work for me with the same reason, dahil papadala daw niya sa family. Pumayag naman ako. Also, para naman meron siyang money kahit papaano every payday, installment basis ang pagbawas ko ng utang niya sa sweldo niya. But I made it clear to her that I generally do not give cash advance unless absolutely necessary, and only after she has fully paid the previous cash advance. I always remind her to live within her means and not overspend para maka-ipon din siya.

Case to case basis din talaga ang pagbigay ng cash advance sa mga kasambahay natin. Mahirap din naman sabihin na absolutely di pwede kasi yun nga, what if kailangan talaga nila? Baka yung di natin pagbigay pa ang maging reason nila para umalis. Ang importante lang, hindi sila umabuso. Sumusweldo naman sila ng tama so dapat exception to the rule ang pag-utang.

ms.libra

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 302
  • too blessed to be stressed :)
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #16 on: November 09, 2010, 01:21:58 pm »
nana kong  mala ezperanza eh halos weekly ang advance and for the last four years natuto na din akong ihandle, now lang nagpaalam na aalis daw siya tonight pero dahil kilala ko na siya alam kong magaadvance na naman siya  ;D sasabihin niya na bawasan ko na lang siya ng 300/weekly pero kada weekend makikiusap na next time na lang ang kaltas  ::)
You will never know how far you can go from the point you thought it was the end...

twelvth_goddess

  • A certified ZOE-holic and a true blue
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 7372
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #17 on: January 19, 2011, 11:45:19 pm »
Allergic ako sa advance kase iniisip ko baka mag-advance lang tapos biglang lumayas ng hinde nagpapaalam.
Whatever I want, I get. If I can't, I don't stop TRYING.

larseslu

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 138
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #18 on: January 20, 2011, 11:07:55 am »
sa akin, hindi yung yaya ang nag a-advance kundi yung nanay! oh di ba? dumideretso sa akin hingi. aba, sabi ko mag usap kayo ng anak mo at pera nya yan tapos tsaka na kme mag usap ng anak mo kung magpapadala na naman ba sya o hindi muna. kawawa nga yung bata, sya yung kumakayod.

twelvth_goddess

  • A certified ZOE-holic and a true blue
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 7372
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #19 on: January 20, 2011, 06:15:41 pm »
^Yan din iniisip ko sis. My current yaya kase is young pa and iniisip ko baka magmarunong yung nanay nya eh iniisip ko nga na iopen sya ng account nya para dun na lang ilagay sweldo nya. May tamad factor kase yung nanay non and parang kawawa yung yaya ko among all her kids.
Whatever I want, I get. If I can't, I don't stop TRYING.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close