Author Topic: Maid na mahilig mag-advance  (Read 20438 times)

genivy21

  • sleep deprived
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 221
  • time can't heal everything
    • Beauty Bytes
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #20 on: January 21, 2011, 05:44:10 am »
^ & ^^ BUT... anak is anak! Ganyan din nangyari sa akin. Para ako pang  me utang, every week nandito ang nanay/kuya/whoever na kumukuha ng sweldo na di pa napagtratrabahuhan ng bata. Pasusukahin ako kahit wala. Unahin ko needs nila before mine and the kids or else ipupull out ang maid. Me sakit si kung sino mang poncio pilato dun. pati pamasahe  nila pauwi, ipapaproblema sa akin. they take advantage of our decency. parang wala kang puso kung di mo sila patutuluyin ng magdamag dahil di mo sila binigyan ng pamasahe pauwi. tama! they drain you dry because you're decent. i got to a point na parang, sige! magpakagago na lang ako kasi punong puno na ako sa katulong! pero matindi ang magandang asal na tinuro ng magulang ko sa akin kaya di ko pa din magawa.

Naisip ko din yan, buksan ng bank account, kausapin si maid na kawawa naman siya. After 2 or 3 sessions, naisip ko. Para akong t****. Kasi kahit anong gawin kong pukpok sa ulo niya na unfair ang situation, she'll never understand and she'll never heed me.

So para walang sakit ng ulo - sinoli ko sa nanay niya!

Maayos ang buhay ko now, ang mga anak ko lang kunsumisyon ko! At least anak ko lang. All are healthier and better. Siguro medyo madumi bahay, pero I prefer that kesa sa laging masikip ang dibdib ko sa asar, banas, kunsumisyon sa problemang dala ng maid.
~ Teach me how to NOT miss someone you love so much? Each and every day is painful whenever I reach out for my mobile to talk to you and realize… I can't reach heaven 

lanz_ever

  • Probationary
  • Posts: 5
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #21 on: February 20, 2011, 03:13:21 pm »
dating maid din namin, ang hilig magCA.  Nakakainis pa kasi parang galit pa kung naputulan ng kuryente dahil di ko pinatutang, to think na may utang pa sya sa amin.  Mahilig pa gumawa ng mga kwento at itsitsismis pa ako sa kaitbahay na di ko sya pasweldo para makautang sya.  She also uses my son para makautang, for example nadulas at nauntog siya sa bathroom dahil sa anak ko kay nagpaostpital sya.  Hay naku! Now, pinalayas ko na at may pending pang utang sakin.  Mas mabuti na yun kesa magtiis sa maid na mahilig magCA at magsinungaling

genericme

  • Newbie
  • *
  • Posts: 31
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #22 on: March 16, 2011, 11:43:59 pm »
I've been reading all the posts here. Common problem talaga ang mga maids na mahilig mag cash advance that's why I always tell our HH that I never give more than one month salary as cash advance kasi wala akong guarantee na hindi sila aalis pagkatapos mag cash advance. Of course they will assure me na hindi nila gagawin yun pero malay mo. What if biglang nagka emergency sa kanila like nagkasakit ang anak or nanay, death in the family, etc at kailangan umiwi kaagad. How will they pay? If there is one lesson I've learned from all my experiences dealing with HHs is to never trust a maid completely. NEVER.

Maid namin ngayon mahilig mag cash advance. When she just arrived, she asked for P5000. I only granted one month salary. Fully paid na nya yun yesterday and guess what? This morning she asked for a cash advance amounting to P10,000!!! Anong tingin niya sa amin? Bangko?  Nakakaloka!

pinkberries

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 428
  • crazy in love
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #23 on: March 17, 2011, 02:40:25 am »
^ naalala ko, ganyan din HH namin.  she asked for 10k para sa water and electric bill ng mga anak niya.   :o  sobrang taas kaya bigla ko siyang natanungan kung bakit umabot ng ganon, explain niya na disconnect ang tubig at ilaw sa kanila.  hindi ko ni grant ng advance.  para matuto din ang mga anak niya na magtipid.  mahilig mag advance talaga, for medicines sa mga anak, pagkain, o di kaya utang niya sa iba.  Napuno na ako kaya, i told her na dapat maghanap na ng trabaho mga anak niya at hindi na sila mga bata. 19-29 yrs. old na ang mga anak niya.  hayy nakakaloka na mga HH ngayon, kung di mo bibigyan, magdradrama na susulat kung sino sino, kay Manny Paquiao, Pres. Noy Aquino, tas ngayon kay Willie R.  Minsan, gusto ko ng tumawa pero nakakainis pa din eh.   Yong HH ko madasalin kaya sabi ko sa kanya, idasal niya sa Dyos na matuto na ang mga anak niya at magtratrabaho na.


Natuto na rin akong tumanggi.  Pag panay advance kasi, parang feeling ko napipilitan ako na magstay sya sa amin.  Pano kung hindi ko matiis ang drama niya?  Mapipilitan ako na tiisin na lang kasi may utang siya...  :-\  Kaya ayoko na.  Anytime, pwede na siya umalis dahil bayad na mga utang niya.  hay
« Last Edit: March 17, 2011, 02:42:12 am by pinkberries »
Stand your ground.

sassy_taurus8

  • underneath Brad Pitt's sheath and a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 419
  • "love me, feed me & dont ever leave me."- garfield
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #24 on: June 17, 2011, 09:23:18 am »
Yung previous hh ko ganyan din. Actually yung nanay nya ang problema eh hindi lang sya makaangal kase 4 ang anak nya sa province, byuda and nanay nya ang nag-aasikaso sa mga anak nya. I thought sa mga anak nya ako magkakaproblema but as the months went by, nanay pala nya ang magiging dilemma ko. Nung first three months nya dito sa'min, napagbibigayn ko pa, kesyo kailangan magpakabit ng tubig sa advance sya ng P2,000. Ako naman guarded na ko eversince when it comes to money, sabihin ng kuripot ako pero malakas ang pakiramdam ko sa mga taong mapagsamantala eh, lol!

Hilig tumawag nung nanay nun sa kanya, minsan nga natatawa ko kase pinababayaan nya na talaga yung cp nya maghapon sa cabinet, then makikita na lang nya 15 missedcalls. Haha! Ang nakakainis pa, gusto madalian, for ex: ngayon daw kailangan so dapat magpadala sya ngayon din or the following morning. Nalimutan ko na yung ibang rason nya for her CA's. Pero nung mid to latter months nya, strict nako sa pasahod, sinasabi ko na naka-budget na yung income namin ni hubby for the entire month or until the next payday. There was another time na tumawag na naman yung nanay nya and same old excuses, sabi ko kay hh "Pano ka mag-aadvance eh sa 15 pa ang release ng payroll namin, alangan namang mauna ka pang sumahod sakin eh sabay nga tayo ng paydays db?" Lol! Pero excuse ko lang yun, gusto ko lang malaman nya na budgeted ang expenses namin sa household, I will never sacrifice my budget for other people. Hindi ko naman sya relative nor a close friend eh. Since then naririnig ko na syang nakikipag-argue sa nanay nya over the phone "O ano naman? kabibigay ko lang ah, ang layo pa ng katapusan! Ay, d pwede nakakahiya kaya!" So atleast nakakatanggi na rin sya kahit papano sa nanay nya. hehe..
« Last Edit: June 17, 2011, 09:32:28 am by sassy_taurus8 »
"You've got to shake yourself out of that VICTIM mentality and start having a VICTORY mentality. This is a new day. Your future can start right now. It doesn't matter what you've been through, or how they treated you; GOD wants to turn all that around."

selyado

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 140
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #25 on: June 21, 2011, 11:35:33 am »
yung maid ko naka isang taon na nitong march.  binigyan ko ng increase ng P500.  wrong move.  masyadong malaki naibigay kong increase.  di ko naisip na pano na next year, magkano increase ang ibibigay ko.  mahilig mag advance dati pero nung nawili na eh sinabihan ko na hind na uubra yung advanced sweldo.  pasungit ko sinabi yun.  kaya tinantanan na ako sa lekat na advanced na yan.  ngayon nagsabi kung pwede daw twice a month yung sweldo nya kasi yung anak daw nyang nag aaral eh kailangan ng pera.  pinapa ikot ba ako nitong maid ko?  i know she has a son na nag aaral kaya tempted ako to give in sa request nya.  ang sagot ko in the meantime eh kako pag iisipan ko muna.  what do you think?

michi247

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 829
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #26 on: June 21, 2011, 12:59:39 pm »
^ ito yung isa sa mga reason kung bakit ayaw ko kumuha ng HH or yaya, syempre budgeted na ang pera every payday tapos mag-aadvance pa yung HH na di naman kasama sa budget. kung yung mga nagwowowrk nga, di makapagloan or advance sa mga ofc nila, sila parang ang dali lang maglabas ng pera.

never ko kumuha ng yaya, kasi may trauma din ako na nanakawan ng HH ng brother ko. dalaga pa ko nito. pinagbibigyan ko pa ng damit tong yaya na to yun pala ninanakawan na ko ng paunti-unti. so nung nag-asawa ko, namamalantsa lang kinuha ko since yun lang talaga pinakaayaw ko gawin, kasi wala na ko magagawa after magplantsa at baka mapasma. pero mahilig din advance niya, dati kung ano ang hiningi, binibigay ko, pero ngayon, hindi, minsan half lang ng inaadvance niya. syempre naman, magkano lang sweldo niya dahil plantsa lang, e kelan pa niya ko mababayaran kung lagi na lang advance.

selyado

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 140
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #27 on: June 21, 2011, 03:20:36 pm »
i forgot to mention na P4000 starting nyang maid of honor ko ha.  eh wala naman kami sa metro manila, nasa NCR lang.  kaya malaki na sweldo nya considering na washing machine gamit nya paglalaba.  tapos yung isang anak ko lang na grade school ang kailangan nya ipag plantsa ng damit.  ilang piraso lang siguro kailangan nya plantsahin na damit ko.  minsan nga yung linen pants ko inakyat na di man lang pinalantsa, as in super gusot.  talagang nag init ulo ko.  sabi ko mas mabuti pa mga damit nya at super plantsado, ginagamitan pa ng spray starch.  kako di ka ba nahihiya na mas plantsado pa mga damit mo kesa sa amo mo na nagpapasweldo sa iyo?  ay naku tahimik lang akong amo pero pag napuno eh nakakatikim sya ng salita.  wala nga halos ginagawa, pag dating ng 10am watching tv na sya, sa lcd tv pa ha  ::)  sa gabi na lang uli sya kikilos kapag magliligpit na sa kusina.  susko, sana naman ma realize nya swerte nya sa trabaho ano.

mommycow

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 123
    • MommyCow
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #28 on: July 06, 2011, 10:08:55 pm »
... Me sakit si kung sino mang poncio pilato dun. pati pamasahe  nila pauwi, ipapaproblema sa akin. they take advantage of our decency. parang wala kang puso kung di mo sila patutuluyin ng magdamag dahil di mo sila binigyan ng pamasahe pauwi. tama! they drain you dry because you're decent. i got to a point na parang, sige! magpakagago na lang ako kasi punong puno na ako sa katulong! pero matindi ang magandang asal na tinuro ng magulang ko sa akin kaya di ko pa din magawa...

Sis i understand your frustration, they bleed you dry and prey on your sense of decency. You would hear every possible sob story, yes lahat ng poncio pilato na pwede magkasakit... napansin ko rin yung ugali na they always play the "victim" card, victim sila ng poverty so lagi silang dehado na hindi sila makaka-angat sa buhay kasi mahirap nga raw sila, ito lang maabot nila so aasa sila sa yo, i wish i could change that mindset pero tendency they capitalize on that "victim behavior" paulit ulit, opportunistic na talaga :(

my yaya started with a 2,500 salary when my son was 8 months old, 7 years later and she has been very loyal, mabait, masipag (but not without flaws and quirks) her salary is now 5,000 + 1,000 transportation fare allowance. I told her hanggang dito na lang kaya ko ipasweldo, ceiling na. She has philhealth, Christmas and birthday bonus and stay-out siya, she has weekends off. She gets goodies from us, pasalubongs from trips and good condition hand-me-downs like clothes, toys, shoes of my son. She gets to take home ulam and toiletries supplies kung may sobra. We have been nothing but kind to her throughout the years. Yung CAs ang constant problem ko with her, lately I'm thinking of giving up on her because she has constantly been absent once a week, late for work and panay ang CA for various reasons (na ospital si ganito, lilipat sila ng bahay kailangan ng downpayment, papadala sa nanay sa province, etc).

Umabot na sa point I can't purchase anything of large value for our home or shop for personal things for myself, otherwise she will see this as a sign of "may pera si ate, try ko maka-bale" like clockwork it happens, di ko naman pinagdadamot yung money, I give her CA when I can spare it and i constantly tell her, you are making more than average compared to your counterparts, i was at least hoping may maipon ka for yourself, pero wala... lagi na lang ubos pera ng yaya and lagi na lang masakit katawan niya (in fairness to her she is as old as my mother) so I only expect her to clean at her own pace (we live in a small 2 bedroom apartment kaya stay-out siya). I try to think about the Pros and Cons of keeping her... like we adore her, matagal na siya sa amin, she defends my sons from bullies at school, may initiative siya, take-charge na babae, marunong ng good manners and etiquette (pag dating sa house matters and guests matters), listo naman- so yun na siguro ang upside with her. Its true its hard to find good help. I grew up in a household na walang maids, so she is my first yaya and kasambahay, she has been a long, eye-opening, learning experience for me.

babyjapnurse01

  • a fulltime HeadTurner & BigSpender
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2424
  • the gawjus RN! :)
    • The Pink Thought Bubble
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #29 on: July 06, 2011, 11:01:37 pm »
What we usually do to avoid abusadong Helpers na mahilig mag Cash Advance is we dont let them
borrow again hanggat hindi pa naooffset or hindi pa natatapos madeduct yung previous CA.

When you tolerate kasi yung CA ng CA mababaon din sila in the long run eh, hindi pa kinikita yung
pera nagagastos na.

May times din kasi na kahit the helper wants to stay pa sana, napipilitan umalis pag naramdaman
na mahihirapan nang ibawi yung sweldo sa kaka-CA.
Free speech carries with it some freedom to listen.

http://twitter.com/BabyJapDoll
The Pink Thought Bubble

BACKREAD!! NO Excuses!
[textspeak!] = MODiFY your post!

Cheesecak3

  • Mom
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1096
  • missing my baby so much....
    • Sasuman's Travel and Tours
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #30 on: July 10, 2011, 12:04:02 am »
^agree.

kahit sa tindera ko sa store, kapag nag CA sya hindi pwedeng mag CA ulit na hindi pa bayad yong una nyang kinuha.

Sa maid naman namin, weekly ang sweldo nya kaya wala syang reason na mag CA. So kung ano ang rule ko don sa tindera ko yon din ang rule ko dito sa maid namin.

Bawal CA kung may pending pang babayaran.

puccababy

  • The only way for you to fulfill your dream is to wake up!
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 64
  • All that I ask ... is all of my life... with YOU
    • The Wifey Journals
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #31 on: August 01, 2011, 01:24:14 am »
Hubby and I interviewed an applicant kanina. When I told her na bawal ang CA sa ngayon (nadala na kasi kami). After 3 months pwede na. At least nakita na namin ang worth nya at kung pano sya magtrabaho, sabay sabi nya ng, "Ay, sige thank you na lang po. D na lang po ako papasok. Mag advance po sana ako ng 2months ngayon tapos magsisimula po ako sa susunod na linggo." Hala! Ano yun? D napigilan ng asawa ko magsabi ng "Ano yun? Parang apartment lang. 2 months advance tapos move in next week?"  :o

babyjapnurse01

  • a fulltime HeadTurner & BigSpender
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2424
  • the gawjus RN! :)
    • The Pink Thought Bubble
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #32 on: August 01, 2011, 01:27:36 am »
^ ibig lang sabihin nyan, "transient" lang sya, matindi pangangailangan ng pera kaya naisipan mamasukan tapos once makalusot na sya sa kung anumang trouble yung napasukan nya at super need nya ng money, aalisan narin kayo nyan. kaasar mga ganyan, papasok pa lang cash advance na kaagad ang nasa isip. mga buset haha!
Free speech carries with it some freedom to listen.

http://twitter.com/BabyJapDoll
The Pink Thought Bubble

BACKREAD!! NO Excuses!
[textspeak!] = MODiFY your post!

poshgurl

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 111
  • I'm a lil bit of everything all rolled into one :)
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #33 on: August 01, 2011, 07:54:01 am »
Maid namin mahilig bumali pero yun tipong kukunin na nya sweldo nya within the month lang. Di pa naman nangyayari yung para sa next month or more than that.
Pinagbibigyan ko naman pero 4 months na sya nasa amin, di nya maayos trabaho nya. Mga sis sa tingin nyo,
Wag ko sya pabalihin hanggat di nagiging ok trabaho nya? Ako naiistress kaka remind ng mga d nya nagagawa eh

airwaterfire

  • mi amore'
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 387
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #34 on: June 06, 2012, 01:22:28 pm »
up ko lang to..ok lang mods?

1st yaya ko nag c/a ng 2k, as in di pa siya nakarating sa bahay. pumayag ako since need namin that time at naawa ako sa anak niya na kasing edad lang din sa baby ko. tapos, nadagdagan at nadagdagan. ang mali ko kasi every sweldo, 50 lang binawas ko(15th and 30th, 100 lahat) kasi naawa ako sa baby niya. well, 4 months lang siya, umuwi kasi wala magbantay sa baby niya.  when she left last March(timing din namatay sister niya) ang balance niya 2.6k.. iyon lang consider ko. aside pa sa mga binigay ko pag uwi niya. ok sana magtrabaho at ma alaga sa anak ko.. anak din ang turing niya sa baby ko.

2nd, 7 days lang, di ako nag pa c/a, di rin siya nanghingi..

lately, mag nag apply daw sa amin sa province. nagpunta sa bahay. gusto ba naman daw mag advance ng 1 month, di pa nga kami nagkausap. di pumayag family ko. umuwi siya di ko man lang nakausap. sabi ni mama hanap daw kami ng iba.
When we are no longer able to change a situation,
we are challenged to change ourselves.

bettyboop1322

  • Mummie of two lil hearthrobs ^_^
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 545
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #35 on: June 13, 2012, 10:15:02 am »
si yaya namin never pa nakaranas ng sahod na totoo.. kasi eversince palaging advance ng 2 months plus ang sahod nya... 4 ang anak nya & burden ang asawa nya, stress na stress na ko sa problem nya sa asawa nya kaya para wala na lang akong marinig na problema nanaman sa kanya nagpapabale ako ng paulit ulit.. kahit sabi ni hubby na wag na magpaadvance kasi nagiging tamad si yaya and absent ng absent tapos pag nasa bahay namin palaging nagpapaalam may aasikasuhin... jusme naman 6:30am to 6pm na nga lang ang pasok nya nagcucutting classes pa... >:( then pag monday di pa nakakapasok nagpapaalam na pagpasok nya paalam din sya sandali at sasamahan ang anak papatawas maygad naman kagagaling lang sa day-off di pa ginawa mga ggawin nya nung Linggo... Grrrrr...   >:(

pinkberries

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 428
  • crazy in love
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #36 on: June 13, 2012, 07:33:50 pm »
sa amin naman, i consider giving 2 months salary advance para pang-iwan sa family nila sa kung saang bukid siya galing.  ;)  lalayo sila kaya naiintindihan namin.  ang ayaw ko lang eh, hindi pa nga tapos yung advance niya, ay may panibago na naman.  parang bangko lang na feeling niya pwede siya magwithdraw anytime.   ayaw ko talaga nun, kasi feeling ko ako pa ang may utang, laging urgent eh, kailangan magbigay agad.     kaya lately, i forced them to save, i asked them monthly kung magkano na pera nila.   may isa akong HH na sumali sa COOP.  kaya nakakatuwa na kapag ganon.
Stand your ground.

eekai

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 128
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #37 on: June 14, 2012, 08:02:46 am »
Problem ko din ang mother ng HH ko. 5 months na sya sa amin ni singkong duling wala sya. Yesterday my HH asked my hubby for CA kase she needs to buy some personal stuff. Pano naman kase yung nanay nya pag malapit na ang sweldo andyan na at kung ano ano na ang rason para padalhan sya ng pera. Inis na inis na ako kase kawawa naman si HH.

I advice her to save pero masyadong mabait. Last time hiningan na naman ng nanay nya. Sabi ng nanay nya padala daw si HH ng 2k para pag nangailangan daw sya meron syang makukuha. Sabi ko naman na pano pag sya ang nangailangan sino ang tutulong sa kanya?

Every month sinasabi ng mom nya na last na hingi na yon. Pero san ka pag payday ayan na naman.

maem6304

  • Newbie
  • *
  • Posts: 29
    • Little Marcheline
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #38 on: June 14, 2012, 04:09:36 pm »
naku mukhang talagang common to.. meron kami HH na stay out na mahilig din mag CA. nakakaawa din kasi kaya usually pumapayag ako.. kaso eto naman si ate ang style pgkatapos mg CA usually the following day or two absent. kumusta naman, nag advance na nga sa sweldo tapos absent pa. usually hinahayaan nalng din namin, di na binabawas. kaso last week nanghihiram ng 3k kasi uuwi daw sa probinsya ang asawa nya. mejo malaki at considering may d pa sya tpos ng dating advance, d kami pumayag sa 3k, 1k nlng. Hay tpos the following week ngtxt na ang asawa na isasama daw si ate sa probinsya kaya 1 week wala. grrr... buti nlng d namin pinahiram. nakakainis, tpos nagtxt the day before lang nang pasok nya. sana kung yun pala balak nila, ngsbi na sya ng mas maaga para nconsider namin ang mga aasikasuhin habang wala sya. ayun ngdecide kmi na stop nlng sya. tapusin nlng ang nabayaran na sa kanya for june tpos wala na. mahirap na walang HH pero parang mas gugustuhin ko nlng mapagod sa gawain kesa mapagod and mstress sa kanya..
« Last Edit: June 14, 2012, 06:35:32 pm by maem6304 »

twelvth_goddess

  • A certified ZOE-holic and a true blue
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 7372
Re: Maid na mahilig mag-advance
« Reply #39 on: June 15, 2012, 03:51:56 am »
In fairness magmula nung lumipat sa Bulacan yung ate ng yaya ko, never na kame na-bug about advance-advance na yan dahil alam din ng yaya ko na hinde ko pagbibigyan. Yung yaya ko naman kase baliktad yan, imbes na mag-advance, mahilig na hinde daw nya muna kukunin yung sweldo nya para maipon (bi-monthly sweldo  nya). Sa house namin naman kase wala na din sya halos kelangan but of course pinipilit ko naman na kumuha sya ng konti just so she can hold on to something just in case kelangan nya and wala kame sa bahay (nasa work or vacation).
Whatever I want, I get. If I can't, I don't stop TRYING.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close