watch now

Author Topic: :(Frustrated lady driver? thread 2  (Read 115041 times)

imeego

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #400 on: May 18, 2015, 07:01:32 pm »
Kelangan ko na din daw matutong magdrive sabi ng asawa ko, baka magback to work na kasi ako this year .. Baka lang, di pa kasi ako nagcommit haha..Kaso takot ako na makabangga ng tao, tapos naiimagine ko makukulong ako lol, eh ang bata pa ng mga anak ko...kaso ayaw naman pumayag ni hubby ikuha na lang ako ng driver or kahit magtaxi na lang sana ako, need ko daw mag-aral. Last night nagstart na sya tumingin ng car na bibilhin for me, eh hello di pa nga ako decided susko..Saka sayang naman kung maibangga ko lang baka maiyak ako. Para daw anytime gusto kong gumala or pumunta sa grocery eh di na namin hihiramin ang driver ng byenan ko.. In fairness medyo nacoconvince naman nya ako, lalo na sa idea na pwede na ako gumala anytime, need ko lang talaga maovercome takot ko na makabangga..dapat daw habang bakasyon pa ng anak ko mag- aral na ako.. Good luck naman haha

onefineapril

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #401 on: June 04, 2015, 09:51:46 am »
kung kelan naman paunti-unti na kong nagkakaroon ng confidence sa pagda drive... biglang nadisgrasya ko na naman ang sasakyan ko kahapon while parking :( medyo masikip kasi ang garahe namin kaya challenging talaga ng magpark.. na-ipark ko naman sya ng maayos last Monday (medyo masikip nga lang sa kanan) pero pwede na.

Then kahapon, nahirapan ako sa pagreverse, tumama ang harapang gulong sa gutter (which is ok lang naman) pero hindi ko napansin na may upuang bato pala.. dun tumama ang bumper ko  :'( pati plate may gasgas..

My car is only 4  months old pero ang dami ng nangyari sa kanya  :'(

1. nabangga ko sa center island during my first time of driving, ayun gasgas at medyo umusli ang bumper
2. nasayaran ng bus sa gilid.. my konting dent and gasgas (3rd time of driving)
3. may kung anong bumangga sa likod naman (it happened while naka park so clueless kami kung ano talaga ang nangyari)
4. last incident na nakwento ko

Napaayos na namin sya before ng last incident tapos eto na naman... huhuhuhu  :'(
Nag-try akong mag-claim sa insurance after the first incident pero na-decline kasi after ng estimate, mas mababa pa ang cost sa participation fee which is 6K.  So, hindi ko na rin pinagawa sa casa mismo and hinayaan ko na lang muna.  Sabi nga ng officemate ko, ipunin ko na lang daw ang damage para isang gawaan na lang.  True enough, ayun 3 damages in 3 months.

confident na nga ako sa driving ko... was able to drive from makati to bahay (q.c) sa edsa, nailabas ko ng office parking.. pero sa parking itself talaga ako may problem.. natatakot na kong magpractice dahil baka sumablay na naman... huhuhu...
« Last Edit: June 04, 2015, 11:49:22 am by onefineapril »

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #402 on: June 04, 2015, 10:48:01 am »
Nakakapag-drive na ako although laging kasama si hubby. Umabot na ng BGC, Makati, airport, etc. Nakapag-EDSA tsaka Skyway na din, at 80-100kph. Yun lang, problema ko ang parking. Medyo nakalimutan ko na kasi di masyado napraktis.. kaya sa ngayon, pinapa-valet ko kung meron. Haha!

And ang next na kelangan ko iconquer e makapag-drive ng mag-isa. Sa ngayon kasi e lagi pa ako me kasama pag nagda-drive..

imeego

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #403 on: June 04, 2015, 02:32:55 pm »
1st session ko kanina ng driving lesson with A1, ako na pinagdrive from our subd papuntang city and back..ok naman, kaso nababagalan ako sa instructor ko, everytime mag gas ako to speed up eh sasabihan ako to slow down, brake lagi, parang sya ata kabado LOL.. Medyo nawindang lang ako nung magtuturn ako tapos may parating na truck sabay panay salita pa ni instructor di ko na alam saan ako papunta haha..bukas parking naman, eto daw dapat mamaster ko sabi ni hubby kasi madali lang naman daw idrive ang automatic pero baka sa parking daw Ako mahirapan.

oyie

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #404 on: June 04, 2015, 04:50:07 pm »
I failed the actual drive test and did not get my license huhu. :(
Iyak ako talaga on my way home :(

ayi21

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #405 on: June 04, 2015, 05:52:00 pm »
1st session ko kanina ng driving lesson with A1, ako na pinagdrive from our subd papuntang city and back..ok naman, kaso nababagalan ako sa instructor ko, everytime mag gas ako to speed up eh sasabihan ako to slow down, brake lagi, parang sya ata kabado LOL.. Medyo nawindang lang ako nung magtuturn ako tapos may parating na truck sabay panay salita pa ni instructor di ko na alam saan ako papunta haha..bukas parking naman, eto daw dapat mamaster ko sabi ni hubby kasi madali lang naman daw idrive ang automatic pero baka sa parking daw Ako mahirapan.

Hehe. Ganun talaga sis sa 1st session. Super bagal talaga. Kahit ako din dati. Halos release nga lang ng brake. LOL. Pero nung sumunod na session okay na medyo bumilis na tapos pinagEDSA na ako. Haha.

ayi21

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #406 on: June 04, 2015, 05:55:24 pm »
I failed the actual drive test and did not get my license huhu. :(
Iyak ako talaga on my way home :(


Awww. Why daw sis? Ako kasi nung nagapply ako license kay A1, so sila nagassist sakin. Kaya sa actual driving sila rin yung kasama ko hindi from LTO. Basta maipasa lang yung exam, okay na.

gorgeous_me

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #407 on: June 04, 2015, 06:16:18 pm »
I failed the actual drive test and did not get my license huhu. :(
Iyak ako talaga on my way home :(

ay oo nga sis, what happened? ako din e, nagpa-assist sa driving school, dapat ako lang kukuha, pero inunahan na nila ako, na pag ako lang daw, matatagalan daw, aabot daw ako ng buong araw, worst case, baka pabalikin pa daw ako, e sayang sa oras, ayun, kinuha ko na assistance, nyahaha

mainipin pa naman ako, LOL..mas mahal nga lang compare sa normal price, whick is, I think Php417 lang, hehe

imeego

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #408 on: June 04, 2015, 06:19:55 pm »
^ ^ naku sis super bagal talaga di man lang lumampas ng 40 kph, may times pa nga na yung body ko na umaabante palapit ng steering wheel kasi parang gusto ko na mahila yung car forward haha..anyway, sa driving test ba automatic pa din ipapagamit nila? AT kasi ginagamit namin wala akong alam sa manual

gorgeous_me

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #409 on: June 04, 2015, 06:47:12 pm »
^hehe, natawa ako, may gantong moment din ako, manual kasi dinadrive ko, lol, minsan sa uphill, napapa-abante yung katawan ko, na dumidikit sa steering wheel, kasi gusto ko na siyang umandar, lol, hahaha... o kaya kapag sa stop light, tapos biglang naggreen, napapadikit din yung dibdib ko sa steering wheel, mas nauuna pa [textspeak!] katawan ko minsan kesa sa pag-accelerate ko, lol

ayi21

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #410 on: June 04, 2015, 07:01:28 pm »
^^ Hahaha. Yaan mo sis next session mo I'm sure di na ganyan. :)

Yes sis! Kung for AT ang kukunin mo na license AT din ang papagamit sayo sa actual driving. :)

imeego

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #411 on: June 04, 2015, 07:18:58 pm »
^ thanks sis :)

^^ hehe ganun sis experience ko kanina parang gusto na maunang umabante ng body ko dahil bagal na bagal na ako sa takbo namin LOL
« Last Edit: June 04, 2015, 07:24:38 pm by imeego »

ayi21

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #412 on: June 04, 2015, 07:33:27 pm »
^You're welcome. Good Luck sis sa driving :)

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #413 on: June 04, 2015, 07:35:29 pm »
Nagpa-assist din ako sa A1 for my license. Sulit na rin yung addl fee kasi car nila gagamitin sa drivig test, and taga-A1 din ang kasama sa car. Medyo luma lang yung kotse na ginamit so medyo matigas yung manibela and mahina/matagal kumagat yung gas and brakes, compared sa nakasanayan ko. Me libreng coaching pa, haha!

Feeling ko pag taga-LTO kasama ko sa driving test + car nila gagamitin e baka di rin ako ipasa. Kasi baka kabahan ako masyado. Nung nakita ko kasi na taga-A1 kasama sa car e nawala kaba ko. Hehe..

oyie

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #414 on: June 04, 2015, 09:21:00 pm »
taga LTO kasama ko. hubby ko lang kasi nagturo sa akin. kaya walang assistance.
pasado na ko sa exam. actual drive test, car namin gamit ko. ako na nagpasok ng sasakyan sa
garahe ng LTO, katabi ko si hubby.
sumakay lang sya sa back seat. tapos pina-paatras nya sa kin un car.
sympre kinakabahan ako, pag lingon ko pa sa likod dami daan ng daan kaya di talaga ako maka-atras.
sabi nun taga LTO, kapag di ko pa naiatras baba na sya, bumalik na lang ako.
so lalo ako na tense, inatras ko ng hindi ako nag-iisip, kaya muntik na ko makasagasa.
yun, bumaba na sya, failed.
si hubby na nakipag-usap after that kasi umiiyak na ko. balik kami next week para magdrive test ulit. ewan ko ba, but i have a bad feeling about that guy.

gorgeous_me

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #415 on: June 04, 2015, 10:15:41 pm »
^ah, taga LTO pala, naku, kakainis din mga tao don, pera pera din kasi, tapos kagaya nyan, imbis na marelax ka, na-tense ka pa sa exam, kaya sabi din nung nagturo sa akin, kung ako lang daw ang pupunta o mag-aasikaso ng license ko, baka daw hindi ako pumasa, e newbie pa lang ako non, sabi nya, baka kabahan ka, e nanakot pa, lol, pero biro lang naman, sabi sa akin, mahirap makapasa sa actual drving, nyahaha,  pero yun nga, lahat ng kakilala ko, nagpa-assist talaga, kasi nga, takot din sila sa actual, at baka daw hindi pa mabait yung magbibigay ng grade.

goodluck sis, kaya mo yan, yan nga din sana gusto ko e, para lam ko non na pumasa talaga ako, kaso, ayun, ang tagal din kasi sa LTO, kakainis, sayang sa oras kapag walang assistance

kami naman, na-waive na yung actual driving, as in kinausap lang kami kung anong iddrive, para ilalagay sa license, yun, tapos na.

oyie

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #416 on: June 05, 2015, 04:15:38 pm »
pinababalik pa kasi ako next week para itry ulit. pero parang hindi ko talaga mapapaandar ng maayos kung un isasakay ko un taga-LTO na un, baka lalo ko lang maibangga.
kung uulit naman para makahingi assistance, sayang un medical at exam ko, uulitin ko pa. sayang din bayad at pagod. sa tingin nyo, back to square 1 na lang ako para sure ball?

huggykaye

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #417 on: July 10, 2015, 03:33:48 pm »
^sis, kamusta? nakakuha ka na? :) kinabahan ka lang nung una panigurado, may iba talaga dun intimidating lang tulad nung natyempuhan mong una...

iam_me

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #418 on: July 14, 2015, 04:05:08 pm »
sana magkaron ako ng lakas ng loob na mag drive, gusto kong matuto kaya lang di ko alam kung kakayanin ko mag drive or passenger na lang habang buhay :(

Evolet027

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #419 on: July 14, 2015, 04:53:56 pm »
planning to get a car by end of august or early september .. huhu. kaya ko to. mahilig ako sa kotse kaya sa tingin ko madali ko sya matutunan. lol.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close