watch now

Author Topic: :(Frustrated lady driver? thread 2  (Read 115087 times)

annamarie88

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #360 on: March 31, 2015, 11:46:17 pm »
^^^^^confidence talaga sis! Mas okay pag wala kasama if you want na mauna magdrive, worked for me 😁

Simula nung nilabas ko sasakyan, aba everyday ata ako nagddrive pa-sm or wherever. Altho puro malapit lang samin. Hehe next time na ako magcommonwealth, qc circle, edsa, skyway at south. (Dahil ayaw ng husband na mahaba byahe) Pero nakakapark na ako sa malls, nakapagpacarwash na, nakapagdrive thru na, next target ko magpagas hehe Sa totoo mas hirap pa ako maglakad kesa magdrive.

Mas ok wala kasama, kasi halos lahat sila sa bahay ayaw ako palabasin dati. Hindi lang ako nakinig. Go go go 😁

belle_v2g

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #361 on: April 04, 2015, 06:52:49 am »
I owe my hubby a lot for teaching me how to drive every weekend for 2 months only. Then I had 5 hours of professional driving lessons before taking the actual drive test. I specifically requested him to teach me how to do parallel parking and yung parking na patalikod. We didn't stop until I was able to do it perfectly. :) kudos to our pasensyosong hubbies!!

super bratinella

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #362 on: April 05, 2015, 03:05:19 pm »
Yesterday since napakaluwag ng kalsada, nakagpag 2nd then shift to 3rd gear na ako, hirap lang ako sa steering wheel estimate kung nasa tamang lane ako kasi nasasakop ko ang lane ng kabila, tapos hindi ko ma estimate kung nasa gitna ako ng line or nasasakop ko na ang kabilang lane..

tjmax

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #363 on: April 06, 2015, 07:28:10 am »
^technique ko dito e tingin sa side mirror sis. Kung walang guhit ang kalsada, ginagamit ko palatandaan yung hati ng semento. Pag tagal, matatantya mo na yung lapad ng sasakyan mo relative sa kalsada. Easiest way sakin pag busy street, tapatan mo lang yung nasa unahan mo hehe!

super bratinella

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #364 on: April 06, 2015, 03:13:23 pm »
^thanks sis, try ko ulit mag drive tomorrow, marunong na ako magtimpla so practice na lang to stay within my lane, tapos kukuha na ako ng drivers license kasi gusto ko na magdrive kahit mall na malapit sa amin, or sa summer activity ng anak ko maihatid at masundo ko man lang...

lalawhoopsy

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #365 on: April 06, 2015, 04:04:34 pm »
Thank God I found this thread! Atleast nakakahinga ako ng maluwag, di ako nag iisa hahahaha.. I’m using my hubby’s vios M/T, January pa ako nagka license pero weekends lang makapag practice until now kasi may pasok naman asawa ko. Ang hirap mag drive ng manual kung traffic kasi pag gear shifting na tipong naka 3rd gear pabalik ng 2,1 tapos maya konti traffic paulit ulit kakapagod. Okay naman magturo hubby ko di siya mainitin ulo,di niya ko tinataasan boses. pero pag ako nag drive naka abang kamay niya sa hand break hehe!

from Pasig nakaikot na ako dito sa Greenwoods, papunta grocery malapit lang. Sa C5 going to Sm Pasig lapit Tiendesitas.nakapunta kami ako nag drive, kaya naman pero nung 2nd time 2 weeks ago pa megamall kami traffic at singitan sa may c5 ayun ang diin ko tapak sa gas,pawis na pawis ako, hanggang sa nawala ako sa mood parang na mental block, paliko kami sa fun ranch from c5 mataas yun naka 3rd gear pala ako,madiin yata hawak ko sa kambyo. sa sobrang traffic at hirap sumingit pag naka manual ka ang hirap.. ayun hirap umakyat kotse namin, naakyat ko then itinigil ko sa gilid tapos parang maiiyak na ako sabi ko kay hubby ayoko na sabay baba nagpalit kami pwesto haha pinaiyak ako ng kotse na yan hahahaha! pangako ko sa sarili ko papalitan ko ng matic yan kasi napaka traffic hirap nung pagod na ko mag all around sa bahay pati pag drive all around din hehe. Ang mahal kasi ng matic na kotse kung ako lang mas gusto ko sana yon less hassle, kasi nakaya ko na from megamall to monumento wala traffic mahal na araw naka 4th gear pero gaya niyo lasing ako konti gumigilid delikado konting practice pa.. sana talaga matutunan ko pa kasi hirap din mag commute mas msarap umalis ng may sarili sasakyan. di daw ipapagamit sa akin yung kotse ng mag isa ako hanggang di ako natuto pa..

ang isa ayaw ko yung turo ni hubby na pag liko sa knto saby palit ng gear,tumitigil ako pag ganon pero sa driving school di naan ganon turo kaya nalilito ako sa kanya tuwing liko ko uutusan ako balik sa primera. parking din more practice pa huhuhu...

tjmax

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #366 on: April 06, 2015, 07:28:28 pm »
^sis, kelangan mo kasi mag slow down kung paliko ka kaya dapat mo bumaba ng gear.  So pag pa menor ka na para lumiko, automatic baba ka na ng gear. ;) Maganda yan matuto ka mag manual then switch sa matic pag available na. Madali na lang adjustment nun. Pag paakyat, baba ka din ng gear lalo kung matraffic para me hatak ang sasakyan. Praktis ka sa mga paakyat na kalye. Importante ang skill sa hanging.

super bratinella

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #367 on: April 06, 2015, 08:41:45 pm »
^naalala ko ang "menor" na word last time kaya matagal ulit ako bago nag driving lesson, kasi last driving lesson namin  sabi sa akin ni hubby mag menor daw ako, ako si t@ng@ di ko alam ibig sabihin ng menor so clueless ako wala na akong time mag ask kung ano ang menor kasi gagawin ko na so si hubby taas agad ng hand break..haha sabi ko ano ba ang menor then explain nya, sabi do not use jargons haha!!

then may nakita kaming road sign "Mag-Menor" sa may overpass yata ng ayala or somewhere sabi nya o ano intindi mo dyan, di ko medyo nabasa, pagkabasa ko mag mentor, sabi ko mentor mo kaharap mo na sasakyan susundan mo sya, napailing na lang si hubby, kulit kong student...haha matutu pa kaya ako..

letters_to_cleo

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #368 on: April 06, 2015, 09:33:52 pm »
Haay, nakakarelate ako dito!  Sa Pinas nagdadrive ako pero usually within Paranaque lang at yung last na drive ko na consistent na nagdadrive eh 5 years ago.  Eto na, lumipat ako ng work sa NL, so kelangan kong magdrive kasi punta ng plant site papasok.  Yung unang kotse na binigay sa akin Fiat Panda pa nga lang (maliit sy) ninenerbyos na ako eh, kasi yung office ko 55 km away half the time sa highway, pero mga 15 km papasok na sa city. Sa totoo lang, okay na okay ako sa highway magdrive kasi maluwag saka diretso lang, pero pag papasok na ako sa city center eh jusko kinakabahan ako!  Kasi andaming bikelanes, tram lanes mga pedestrian lanes dito kakaloka at andaming roundabouts!  Pero so far wala naman pang nangyari sa akin sa pagdadrive.  Kaso two weeks ago, may nagresign sa amin, eh yung kotse nya eh nakafixed lease (BMW) so nagdecide ang company na ibigay sa akin yung BMW at ibalik ko si Fiat Panda.  Ayoko talaga, inemail ko pa sila at inexplain ko na practically beginner driver ako sa tagal ko nang di nagdadrive at dahil nangangapa pa ako sa mga rules sa NL. Eh mapilit sila,  so first time ko magdrive paoffice , okay walang issue, pero nung nagpark na ako (covere parking parang sa mall parking pero syempre bilang NL, mas masikip), dahil una di talaga ako magaling magpark, pangalawa nasanay ako sa Panda, ayun naovershoot ko at nabump ko yung BMW sa overhang beam! Kaloka! naiyak ako sa totoo lang! Kasi syempre ang mahal ng BMW diba.  Buti na lang sinagot ng insurance.  pero di pa tapos ang pagdurusa ko haha!  Dahil sa nasa talyer yung BMW na iyon, binigyan ako ng replacement car, kabwiset mas mataas pa at SUV na BMW ang binigay! Eh sinabi ko nang ayoko ng malaking sasakyan eh!  Kanina nagprapractice ako magpark, juskolord!  sa 6 attempts, 1 lang ang maayos na park ko. Natetense tuloy ako at bukas magplant work ako for the first time, ang dasal ko lord sana tulungan nyo ako sa pagpapark bukas!  Haaay, hirap na hirap talaga ako sa parking lalo paiba iba ang kotse na binibigay nila grrr!
« Last Edit: April 06, 2015, 09:44:29 pm by letters_to_cleo »

tjmax

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #369 on: April 06, 2015, 09:45:35 pm »
^kaya mo yan sis!

^^naalala ko minsan nakisakay ako sa kaibigan kong nag-aaral lang magdrive. Paliko kami nun pa merge sa isang kalsada. Reflex ko na tumingin sa incoming traffic kahit di ako nagdadrive at etong si friend e tuloy tuloy lang magmerge. Sa gulat ko sabi ko "ano naa! Di ka man lang nagmemenor!" Sagot sakin, "ano yung menor?" Nag seatbelt na lang ako at nagdasal.

nigella

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #370 on: April 07, 2015, 10:53:32 am »
newbie driver here... i bought my first car last november pero last january lang ako nakapagdrive ng dire-diretso... everyday ko sya dala papasok sa office.  sa umpisa lang ako nahirapan pero after ilang weeks na diredirestso pagdadrive naging madali na sya.  kaya ko na paunti-unti magovertake sa mga mababagal na sasakyan, tricycle or pedicab :) pero medyo takot pa din... hindi pa ko basta-basta lumalabas ng edsa. swerte ko lang kc yung route ko from house to office is hindi via edsa. pati sa parking madali na lang din although hindi pa talaga masabing perfect.  hindi lang ako sanay ng parallel parking.  kaya din siguro hindi ako nahihirapan masyado kc sobrang dali at gaan idrive nung honda jazz... tsaka automatic pa.  highly recommended talaga sya for female drivers.  hindi talaga kayo masyado mahihirapan... lalo na sa pagsingit-singit sa makikipot na daan.  pero totoo yung sinasabi ng iba dito.  lakasan lang talaga ng loob.  di ko nga akalain na makaka-pagdrive ako kc medyo mahina din loob ko.  kaya lang kung di ko lalakasan loob ko ako din mahihirapan sa pag commute kaya no choice din hehe. 

super bratinella

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #371 on: April 08, 2015, 01:35:37 pm »
^inggit ako sis, kahapon ng driving lesson na naman kami ni hubby naku nahirapan ulit ako sa pag timpla ng primera, tapos sa pag estimate ng manibela, haay, super eager na ako to learn..

letters_to_cleo

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #372 on: April 08, 2015, 11:48:19 pm »
Hello!  So anyhoo, second day of driving ko na kanina to and from plant site. Nakakatense kaninang umaga pagpasok ko,  nagfog as in 100 m lang ang  visibility.  Sobrang nerbyos ko, kasi sa highway ako dumadaan tapos kasabay ko mga trucks,  ang nasa isip ko kanina, lord sana po di ako maipit sa dalawang truck!  Nakasurvive naman!  Napakababaw, pero ang feeling ko achievement to na makadrive ako ng halos 120 kms ngayong araw, at nakauwi pa rin ng walang aberya!  Kaya continued good luck and prayers sa ating mga sis na learners/new drivers!

tjmax

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #373 on: April 09, 2015, 09:13:28 am »
Sis nigella, agree ako sa jazz! Even better pa sa first 2 gens. Ang gaan ng manibela. Effortless.

nigella

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #374 on: April 13, 2015, 02:06:14 pm »
^super happy ako sa jazz talaga.  driving is like second nature to me now... para ka na lang naglalakad or tumatakbo.  pero di ko alam kung ganito din sasabihin ko kung MT yung car ko.

sa umpisa talaga nakaka-frustrate.  pero kailangan talaga magpractice.  nagenroll ako sa driving school pero 6 hours lang kinuha ko. inaral ko lang yung basics... pero natapos yung driving lesson ng hindi talaga ko confident.  ang ginawa ko na lang habang di pa ko sanay, nagpaguide muna ko sa pinsan ko.  after ilang days pinilit ko talaga na magdrive ng mag-isa lang.  ayoko kase masanay ng may kasama.  it turns out mas enjoy ako magdrive ng mag-isa.  nakaka-pressure din kase pag may kasama kang marunong.  di ka makadiskarte ng sarili mo.  nakakatakot talaga mag-isa sa umpisa pero dadating at dadating din yung time na kailangan mo gawin yun.

lalawhoopsy

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #375 on: April 15, 2015, 03:52:27 pm »
^yun nga din gusto ko mangyari ang makapag drive mag isa kasi paano ako matuto lagi may naka alalay. Tapos ang mahirap pa, babalik na ako sa gym sa megamall kasi baka ma expire memberahip ko inabot ng 1 year di ko pa ginagamit. Hirap pa naman mag commute sa umaga sa amin halos ubos ang tricycle, kaya nga naisip ko noon na mag aral kasi may kotse naman na pwede hiramin sa umagang umaga habang tulog pa hubby ko. Bakit ba magpapaka hirap mag commute pwede naman dalin yung kotse. Yon nga lang bigay yon kay hubby ng ate niya kaya hesitant ako gamitin kahit ipagamit sa akin ni hubby.

annamarie88

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #376 on: April 23, 2015, 10:42:33 am »
Halos araw araw na ako nagdadrive punta mall, galing na ako park and bili kung saan saan hehe pinakamalayong drive ko na eh to katipunan. Yes 😁 nung una takot ako sa commonwealth kasi ang laki, eh may speed limit naman 60 kaya keri lang 😁

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #377 on: April 23, 2015, 11:11:38 am »
Had 3 driving sessions na. Nagi-improve naman daw after every session sabi ng instructor. Dapat lang. Hehe..

My first time sa city driving, me times nasa 20kph lang takbo, takot mag-gas, haha! Sinita ako ng instructor kasi sobrang bagal daw, obstruction sa kalsada lalo if ang luwang sa unahan. So paonti-onti binilisan ko. And sablay turning ko, minsan nauuna, minsan delayed. Haha!

2nd session, improving sa speed, 30-40kph na. Me sablay pa din sa turns so ginawa ng instructor dinala ako somewhere na puro liko-liko lang kami - left, right, left, right, paulit-ulit. Haha!

3rd session, nakapag-50kph na ako at some points. Speed is medyo sumasabay na sa ibang sasakyan sa kalsada. Me minimal sablay pa din sa turns, pag maliit ang street na lilikuan tapos 2-way pa.. pag malaki road na lilikuan e keri na. nakapag-QAve and EDSA din ako. Stressful QAve, dami sumisingit, nagsa-stop na jeep/fx/van, etc. Nakapag-change lanes na medyo smooth na rin.

Medyo nagka-confidence ako mag-drive. But i guess factor yung dahil naka-A1 car, wary din ibang sasakyan around me kasi alam nila na student driver. Kampante din na me kasamang instructor na me sariling brake pad. Haha. Feeling ko pag regular car na e medyo mag-aalangan na naman ako. Kaya plano ko i-request sa instructor if payag sya na own car gagamitin namin sa last session ko. Pwede naman daw yun basta me waiver na in case magasgasan o makagasgas e walang sagutin ang A1.

blushberry

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #378 on: May 03, 2015, 08:24:54 pm »
Mahirap pala if matagal nang hindi nakakapagdrive.  Like i posted in another thread, nakabunggo ako ng nakapark lang na car kasi hindi ko talaga napansin, siguro i was concentrating too much sa pedals and stick nung manual suv ko.

Angelite

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #379 on: May 03, 2015, 08:45:51 pm »
Di na ako babalik sa manual drving. So tiring. Nakakapagod na nga traffic nakakapagod pa magtimpla ng clutch. Muntik na akong may masagasaan dati kakaconcentrate na wag mamatayan ng engine.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close