Haay, nakakarelate ako dito! Sa Pinas nagdadrive ako pero usually within Paranaque lang at yung last na drive ko na consistent na nagdadrive eh 5 years ago. Eto na, lumipat ako ng work sa NL, so kelangan kong magdrive kasi punta ng plant site papasok. Yung unang kotse na binigay sa akin Fiat Panda pa nga lang (maliit sy) ninenerbyos na ako eh, kasi yung office ko 55 km away half the time sa highway, pero mga 15 km papasok na sa city. Sa totoo lang, okay na okay ako sa highway magdrive kasi maluwag saka diretso lang, pero pag papasok na ako sa city center eh jusko kinakabahan ako! Kasi andaming bikelanes, tram lanes mga pedestrian lanes dito kakaloka at andaming roundabouts! Pero so far wala naman pang nangyari sa akin sa pagdadrive. Kaso two weeks ago, may nagresign sa amin, eh yung kotse nya eh nakafixed lease (BMW) so nagdecide ang company na ibigay sa akin yung BMW at ibalik ko si Fiat Panda. Ayoko talaga, inemail ko pa sila at inexplain ko na practically beginner driver ako sa tagal ko nang di nagdadrive at dahil nangangapa pa ako sa mga rules sa NL. Eh mapilit sila, so first time ko magdrive paoffice , okay walang issue, pero nung nagpark na ako (covere parking parang sa mall parking pero syempre bilang NL, mas masikip), dahil una di talaga ako magaling magpark, pangalawa nasanay ako sa Panda, ayun naovershoot ko at nabump ko yung BMW sa overhang beam! Kaloka! naiyak ako sa totoo lang! Kasi syempre ang mahal ng BMW diba. Buti na lang sinagot ng insurance. pero di pa tapos ang pagdurusa ko haha! Dahil sa nasa talyer yung BMW na iyon, binigyan ako ng replacement car, kabwiset mas mataas pa at SUV na BMW ang binigay! Eh sinabi ko nang ayoko ng malaking sasakyan eh! Kanina nagprapractice ako magpark, juskolord! sa 6 attempts, 1 lang ang maayos na park ko. Natetense tuloy ako at bukas magplant work ako for the first time, ang dasal ko lord sana tulungan nyo ako sa pagpapark bukas! Haaay, hirap na hirap talaga ako sa parking lalo paiba iba ang kotse na binibigay nila grrr!