watch now

Author Topic: :(Frustrated lady driver? thread 2  (Read 115390 times)

kittycat228

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #380 on: May 03, 2015, 11:06:06 pm »
i hope maka drive nako ...

huggykaye

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #381 on: May 05, 2015, 07:28:47 pm »
^^ not really advisable sa mattraffic na lugar hehe nakakafrustrate... masarap lang pag long driving :D

lalawhoopsy

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #382 on: May 06, 2015, 02:46:27 pm »
Tinigil ko na muna mag practice mag drive kasi yung car ni hubby regalo ng ate niya sa kanya last year, baka magalit pag nalaman pinapahiram sa akin. Tiyaga na lang ako mag commute kahit mahirap.

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #383 on: May 06, 2015, 03:51:48 pm »
Natapos ko na 10-hr lesson sa A1. Sa last session, own car ginamit namin kasi feeling ko iba treatment ng ibang cars pag nakita nilang A1 car vs private car na wala silang idea na student driver ang nagmamaneho. Buti pumayag ang instructor, gumawa lang ako ng waiver na walang pananagutan ang A1 kung anuman ang mangyari sa sasakyan (since walang back-up brakes sa passenger side).

After ng lessons, nag-mall kami ni hubby. Ako pinag-park nya. Ako din pinagdrive pauwi, though malapit lang naman, para praktis na di daw. Naloka ako konti paakyat palabas ng parking - nawindang ng slight sa hanging plus pa-spiral na daanan. Buti wala masyado kasunod, whew!

Sa drive pauwi, gabi na yun so another challenge. Buti na lang Sunday so medyo light ang traffic. Nakauwi naman kami ng buo. Haha!

Kukuha na ako non-pro license next week, hinihintay ko lang mag-1mo yung student permit ko. Isang malaking good luck. Sana wag ako kabahan sa driving test..


babymeow04

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #384 on: May 06, 2015, 04:28:20 pm »
2 yrs driving na ko, newbie pa yun right? Automatic car ko ngayon pero manual ako nagtrain sa A1. Wala akong hand-foot-mind coordination kaya nagautomatic car ako though ang angas ng naka-manual na babae sana diba? Hihi

Nung first time ko magdala ng car to work (makati) tapos magpapark na ko, naka-gasgas ako ng brand new ford ranger lang naman, or more like nagasgasan ako kase ang tibay ng bumber nya at kotse lang ang dala ko. Kamusta naman yung bumber nya e passenger door ko na kapantay haha nagiwan ako ng calling card in case may mapansin syang gasgas pero wala pa namang tumatawag saken hanggang ngayon. Super confident ko kase that time dahil flying colors ako sa parking sa driving school. Nakalimutan ko na may nagdidictate nga pala saken na 'oh steer right, bawi, derecho, brake, gas' :))

Palagi ko nga sinasabi sa mga tao 'masipag ako magdrive pero tamad ako magpark' traumatic kase haha now i'm a lot better pero tabingi pa rin. As much as possible i straigthened it up hanggang kaya kase nakakahiya naman sa makakatabi ko. And i stay at 80-100kph lang sa expressway.

Para sa learning pa lang na mga sisters, confidence is key, pero safety first. 👍

missus13

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #385 on: May 06, 2015, 06:12:55 pm »
Follow the rules lage. Last week, i was driving 50mph, then a car merging onto our street hit me from behind, nun ko lang narealize na kahit gaano ka kasafe magdrive, kung ang ibang driver eh negligent, then wala kang magagawa. Buti nasa speed limit ako and her insurance will take care of all the damages sa kotse ko. Basta defense lang ang drive mo para hindi ikaw ang at fault. Wag overconfident na pa text text lang at focus dapat lage. :)

jamie_0117

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #386 on: May 10, 2015, 11:14:49 pm »
^^sis, it's bumper with a P. :)

annamarie88

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #387 on: May 11, 2015, 01:23:59 am »
^^^
^

Yup 👍🏻😂


I drive na anytime na gusto ko lumabas at kumain. Hehe nagpupunta na sa ibang malls. Saka dito na ako sa south ngayon, saya lang sa skyway. 37 weeks preggs and nagstart magdrive mga less than 2 months pa lang. 😁

jamie_0117

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #388 on: May 11, 2015, 11:23:43 am »
^Congrats and good luck on your delivery. :)

Feeling ko na f-frustrate ako now w/ experience vs newbie ako. Ang ingat ko sa sasakyan dahil nga newbie. Nagiging barubal na ako, nagasgas ko ang bumper 2 weeks ago, ngayon naman mags. :( Masyado nagiging careless.

babymeow04

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #389 on: May 11, 2015, 05:48:23 pm »
^^ sorry auto correct :) na-gets naman ng lahat na bumper eh ano?

annamarie88

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #390 on: May 11, 2015, 07:44:20 pm »
^^thanks. Take it easy sister 😁

^hehe wala ata salitang bumber (?) para iauto correct 😁😂
« Last Edit: May 11, 2015, 07:45:57 pm by annamarie88 »

babymeow04

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #391 on: May 12, 2015, 12:05:00 pm »
^ no i was calling her auto correct kase na-correct spelling ko 😂😂😂

SOFIEMAE

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #392 on: May 14, 2015, 02:45:04 pm »
Mga sisses share naman kayo, paano ninyo na boost yung confidence ninyo kapag nag drive na?  Ilang days kayo natuto na mag drive? Zero knowledge talaga ako sa driving kasi pag nagdrive naman si hubby hindi naman ako natingin. Si hubby lang instructor ko, first hands-on ko nagawa ko naman agad lahat ng turo niya ikot-ikot kami sa village, comment niya daig ko pa daw nakainom mag drive ang likot-likot ko sa steering wheel.  Hindi ko naman masyado ginagalaw, pero feel ko rin na paliko-liko nga kami heheh, that was last month pa at isang araw lang for 2 hours.  Since busy kami hindi na namin natuloy ulit mag practice panay lecture lang pag naalis kami o hatid ako sa office hindi ko naman naiintindihan kunyari lang nakikinig ako heheh.  Last sunday start kami ulit mag practice 2 hours at kahapon pero puro sermon inaabot ko, kasi nakalimutan ko lahat ng naituro niya kaya asar talo si hubby hahaha.  So back to basic ulit at mega explain. Lagi ako napapagalitan ni hubby pag mag left/right turn wala daw ako sa focus. Tama yung ibang sis natin dito siguro nga mas maganda iba nalang magturo kesa asawa o tatay nakakatense pag sila.  Sabi ko sa kanya mag enroll nalang ako ayaw naman niya sayang lang daw ibabayad ko tapos tuturuan din naman niya ako, sabi ko sa kanya napagka sungit-sungit mo kasi magturo >:( eager naman siya turuan ako gang matuto kaso pinapagalitan niya pa rin ako at yun ang ayoko at nahihiya ako parang ang tagal ko masaulo mga sinasabi niya.  Feeling ko nakaka pag drive nga lang ako dahil sa mga commands niya.  Tapos hirap pa ako sa M/T  daming need sauluhin.  Sa tingin ninyo sis aabutin paba ako ng ilang months bago matuto?  Normal lang ba sis pag may mga kasabay o nakakasalubong kayo na sasakyan e kinakabahan kayo pero now na overcome na ba ninyo? Good luck ulit mamaya sa driving lesson ko with hubby ;)

jamie_0117

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #393 on: May 14, 2015, 03:36:52 pm »
^Enroll in a driving school. Hindi naitu-turo yung technical side, mostly practical. Yung ibang alam kong matagal na nagd-drive, hindi alam ang difference ng dotted lines vs white solid line, yellow solid line, double parallel lines.

At nagiging hazzard mashado sa kalye ang mga nag-a-aral mag drive na hindi naman driving school car. Sa Lakefront (Sucat) ang dami nag-aaral ngayong summer, eto siguro mga binilihan ng tatay ng kotse, nag-aaral ngayon habang wlaang paok, nakakaabala. Alam ko naman na naging newbie din ako, pero bago naman sumabak, nag school ako.

Besides, in PH traffic law, as far as I know ha (correct me if I'm wrong), dapat ang magtuturo mag drive, pro ang licence. Non-pro, bawal.

twenty5

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #394 on: May 14, 2015, 04:22:59 pm »
Hi mga sis now ko lang nakita ang thread na ito..

I started driving when I was in Grade 5, owner type jeep pa noon ang uso at doon ako natuto ng lahat dahil sa dad ko na ang tapang ng di hamak dahil talagang sinabak ako agad.

Hatid at sundo ako noon e kaya habang minamaheho nya yung sasakyan, napagmamasdan ko na din at naalala ko nun nagtatanong na pala ako sa dad ko kung paano yung ganito at ganyan...

I've been driving ng sobrang tagal na and mga sis I am not BRAGGING naman.

Share ko lang sa mga bagong nag drive ng car nila mapa sainyo man or kahit sa kaibigan, relative or bf, asawa ang car:

1. Make sure huwag lang basta sakay ng sakay. Check all tires. Check the engine, water, oil etc.
2. Once inside the car, make sure to check the side mirrors kung okay ba sa sitting position nyo and all that you need to check. Feel comfortable.
3. Pag nagmamaneho. Always think that everyday practice yun. Ito talaga yung natandaan ko na sinabe ng dad ko before when I was starting. "Anak, isipin mo nalang kada papasok ka sa school, practice yun. Everyday iba't ibang scenario."
4. Kahit anong ingat mo, yung mga kasabay mo sa kalye hindi mo alam kung gaano kaingat. Kaya make sure to a defensive driver.


Pag may naisip pa ko i-share ko.

Naalala ko talaga may officemate ako na sinabe sakin na "Naku kung ako sayo aalis ako lagi at lagi ako wala sa bahay nagdadrive sa kalye pupunta kahit saan ko gusto" ----- ang lagi ko lang sagot, naku kung alam mo lang. I've been there nanawa na lang ako at gusto ko naman ako ang ipagdrive. ahahaha Nakakapagod din e.


Sa awa naman ni Lord, ako talaga ang driver ng family at I can guarantee lalo na pag may sakay ako na iba like friends or family, maingat ako. OO kaskasera ako pero nasa lugar at wala ako naagrabyado.. Alam din ng close friends ko yan hehe

Honestly, hindi ko talaga alam kung bakit never ako nahirapan sa pag drive. Naalala ko pa pag hanging lalo ako nag eenjoy at nilalaro ko ang clutch at primera ahahah wala lang ewan ko ba. Basta para ako guy pero magaling pa sa guy.

Na try ko na din tumakbo sa track. Okay yung adrenaline.

Sa lahat ng ka GT sisters ko, Don't be frustrated. Kaya nyo yan! Pag gusto mo talaga matuto at gusto mo talaga gawin, minsan balikan mo kung san ka mas nahihirapan. PRACTICE makes PERFECT!!


SOFIEMAE

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #395 on: May 14, 2015, 04:59:25 pm »
^^sis pro naman license ni hubby at kumuha muna kami ng student license ko bago niya ako tinuruan :) about lines and lane markings on the road, naku yan yung mga lecture namin pag nabyahe kami kaso hindi ko masyado iniintindi kasi inaantok ako panay lang ako ok pero yung iba naman natatandaan ko lalo na pag ako ang nagtatanong. Paghinahatid niya ako dito sa makati sa office panay lecture e sanay ako pag shuttle service nasakay tulog agad ako. Lahat ng mga pamangkin niya na nag driving lessons siya nag practice sa hi-way. Yun lang talaga problema ko sa kanya masungit pero pag ok panay very good sa akin pero mas marami ang pagsusungit heheh. Mahilig daw ako mag insist at ayaw sundin mga tinuturo niya e nakakalimutan ko naman talaga alangan agad agad magaling agad ako :( Hirap talaga ako sa MT ayaw niya yung AT gamitin muna para ituro sa akin tsaka na daw pagnakita na niyang ok na ako sa MT.

jamie_0117

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #396 on: May 15, 2015, 06:05:49 pm »
^Chismosang kapitbahay lang ako, para san ang professional licence ni hubby? :)

Shadow Angel

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #397 on: May 15, 2015, 07:39:48 pm »
So happy na medyo malakas na loob ko ngayon sa pagdri-drive. Sana tuloy tuloy na

SOFIEMAE

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #398 on: May 18, 2015, 11:54:03 am »
^wow buti ka pa sis... ako kabado parin :( kahapon naka pag drive na ako sa may C5 extension sa amin sa Las Pinas medyo konti lang sasakyang nadaan kaya pumayag ako dun umikot-ikot pero takot pa rin ako kasi maraming pasaway na nagmomotor dun...

jamie_0117 gov't employee siya kaya pro ang license niya pero hindi ko alam if allowed ba siya mag turo... may restriction ba yun sis?

twenty5 thanks for sharing  :)

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #399 on: May 18, 2015, 12:33:57 pm »
Got my temporary non-pro license na. And yesterday, hubby made me drive from San Juan to BGC. We survived naman, nakapag-60kph along EDSA. Medyo nastress lang ako konti sa parking, haha! Need more and more practice pa!

Pauwi after dinner, ako na din pinagdrive nya. Past 10pm na pero madami pa din sasakyan sa EDSA, me stretches na mabagal.. and pagdating sa bahay, nastress ulit ng slight sa parallel parking, haha!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close