watch now

Author Topic: :(Frustrated lady driver? thread 2  (Read 115127 times)

Shadow Angel

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #340 on: March 18, 2015, 07:22:14 pm »
@bagaholic_chewy same here naapakan ko yun gas instead na brake nangyari yun nun magpanic ako kasi magu-gutter kami minsan sablay pa rin ako pero gusto ko mag drive mag isa if only kaya ko na mag u-turn magdri-drive talaga ako ng solo kaso hindi ko pa talaga kaya :(

missus13

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #341 on: March 18, 2015, 07:57:54 pm »
Magstart na ko magdrive mag-isa mamaya papasok ng trabaho. What we'll do is yung sister and bro-in-law ko susunod sa kotse ko habang ako naman sa unahan. Sobrang kinakabahan ako lalo na dapat nasa speed limit ako e nasanay ako na may katabi akong nagsasabi kung ano ang speed sa dinadaanan namen! Wish me luck mga sis!
« Last Edit: March 18, 2015, 08:01:36 pm by missus13 »

tjmax

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #342 on: March 18, 2015, 08:43:38 pm »
^good luck sis! Ingat!

jamie_0117

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #343 on: March 19, 2015, 09:54:43 pm »
Tapos tawa siya ng tawa, sabi niya hindi daw siya marunong magturo mag enroll na lang daw ako sa driving school.. eh ako ayoko naman kasi wala ko masyado time and gagastos pa eh anjan naman siya. Automatic naman yung car namin kaya feeling ko madali lang.

I think hindi pwede magturo pag non-pro ang license. Enroll ka na :)

missus13

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #344 on: March 19, 2015, 09:57:52 pm »
^good luck sis! Ingat!

i just got home sis! finally nagawa ko din mag-isa! sana masanay para makapaglong drive, ;)

annamarie88

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #345 on: March 19, 2015, 11:22:18 pm »
Nagddrive ako everyday dito sa village, lagi ko talaga iniimagine na ilabas kotse papunta sa kabilang village haha kaso lagi ako kinakabahan kaya hindi matuloy tuloy.. Kaazar.. Haha Good luck to all of us! :D

cjb

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #346 on: March 20, 2015, 09:11:23 am »
^sis baka kaya super tahimik si SIL eh nagdadasal lol joke lang ha.

Lakas din loob mo sis bilib ako sau.
ganyan din ako sonabihan ko hubby ko na hayaan ako dumiskarte mag isa at kung may hindi ako sure saka ako mag ask.
mas nakakalito kase pag panay may nagsasalita

Nako Sis yun nga yung inaasar ko sa SIL ko, baka nagnonovena na. Hehe  :)

Oo, tapos magugulat ka biglang mag, "Oy oy oy!!". Ay grabe init ng ulo ko, muntikan ko na iwan sa daan. Hehe ganun parin si Hubby nung nagdridrive nako sa EDSA, pero kinausap ko na tigil tigilan niya na yung pagalit niya kasi di nakakatulong. Or if magdadala kami ng iisang sasakyan, siya na pinagdridrive ko para la na away.

Pag takot parin kayo magdrive sa highway, I highly suggest hazard niyo sasakyan niyo tapos right lane lang kayo, maiintindihan na ng mga drivers yun. Pag medyo malakas na loob, off na yung hazard, I'm sure dire direcho na pagddrive niyo niyan :)

Good luck and don't forget to always fasten your seatbelt. :)

cutemama

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #347 on: March 22, 2015, 06:53:29 am »
^parang mahirap ata sis pag right lane kasi puro jeep or bus nagaagawan ng pasahero..nanggigitgit pa naman sila..

Share ko last saturday afternoon super luwag ng daan pero nag cause ng traffic..super busina na yung nasa likod namin pati ibang car..kasi yung nasa harap namin, car ng driving school grabe maka occupy ng daan gitna talaga eh maliit lang yung way kaya hindi ka makasingit.. nung nilagpasan namin girl pala driver nag aaral pa lang.tawa kami ng tawa ni hubby kasi nakakaawa yung girl siguro kabang kaba na yun.pressure na sa mga bumubusina sa kanya. Kasi yung iba naman OA kung makabusina parang wala ng bukas.

freelancer_babe

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #348 on: March 22, 2015, 07:15:30 am »
Any tips from other sisses who had similar experience (pressing gas instead of brake)?

Never happened to me. I think designed naman ang mga car pedals na madaling gamitin at hindi magkakapalit ang dalawa.

Mas nagkakamali ako doon sa clutch. Yun ang mahirap timplahin.

-------------------------------------------------------

I started learning to drive when I was 14. Kumuha rin ako ng student permit. Got my driver's license once I am 18. I could say I am a very experienced driver.

When I was learning, sa highway ako nag-umpisa. Actually yun nga ang madali eh, kasi tuloy-tuloy lang ang pag-da-drive at walang masyadong footwork. Ang mahirap ay yung mga siksikan at maraming tao tulad ng mga villages where you are forced to slow down. Doon maraming footwork. Then eventually ang matindi ko na is getting stuck sa traffic. I'm driving a manual/stick shift.

Of course yung pag-papark, it comes with practice. Lalo na kung parallel parking pa ang gagawin. It takes time rin na masanay sa sasakyan mo especially kung dadaan sa masikip/makitid/matraffic/magpapark, even if you are an experienced driver.

cjb

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #349 on: March 23, 2015, 10:41:16 am »
Ay tama ka diyan Sis! Masakit sa ulo yung mga Jeep, if slow-mo ang peg niyo matuto, right lane would do. If kaya na na hindi bigla bigla huminto or mag brake (Maraming sumisingit sa gitnang lane na bus, jeep, even tricycle!), gitna ka na.

Nakakaawa nga yung ganun, nakakapanic. Nakakainis yung mga drivers na mainipin, busina ng busina, e kitang kita naman na driving school car yung gamit. Lahat naman nagdaan sa ganun, dapat maintindihan din nila. Hehe sa ibang sisses iwas nalang sa ganun if possible, if hindi, be patient enough para naman di mawalan ng confidence si Ateng :)
« Last Edit: March 23, 2015, 03:44:00 pm by mama squeak! »

annamarie88

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #350 on: March 24, 2015, 07:16:43 am »
After a week ng pagdrive drive dito sa village at pagcocontemplate, paggising ko kahapon, I was determined na magdrive papuntang mall. Success! Hehe Naisip ko kasi dati nagdrive nko once papuntang school & one time lasing classmate ko, ako nagdrive ng sasakyan nya, so ano kinatatakot ko ngayon.

I can say na hindi ako masyado kinabahan, mas kinakabahan ako nung iniisip ko pa lang dati na ilalabas ko sasakyan kasi feeling ko ang laki ng suv naka hindi ko matantya. Woot! Saya ko. Pero nagpavalet ako, kasi ayoko maglakad, maggrocery ako and 7mos preggs 😁 Tinext ko lang si hubby na nasa mall na ako, ayaw nya sana kasi, gusto nya after ko na manganak at magschool daw ulit muna 😛 Well okay naman sya kahapon at inulit nya lang na after ko na manganak, magschool ako, feeling ko sobrang kabado nya kahapon sa work hehe

aishen1208

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #351 on: March 26, 2015, 03:28:56 pm »
wow! galing mo sis... actually ganyan rin nangyari sakin, first few weeks after ako maturuan ni hubby magdrive, kinakabahan talaga ako pag turn ko na mag drive at katabi si hubby... siguro dahil I feel pressured at para akong nag-uundergo ng 'actual exam' in driving... hahaha..

kaya one time nung wala si hubby, lakas loob akong nag drive mag isa... feeling ko kasi that morning, kayang kaya ko na... after ko magawa yun, lagi na ko nagpapractice mag isa... punta sa mall, sa grocery o kaya ikot lang sa mga subdivisions... i've been driving for more than a year now and pinakamalayo and challenging na na-drive ko is going to Majayjay and Lucban with friends...  and sa Hamilo Coast Nasugbo with friends rin... ganda ng daan pero nakakatakot kasi bundok... but I'm glad I was able to do it :)

twix01

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #352 on: March 26, 2015, 03:52:33 pm »
i've been driving for more than a year now and pinakamalayo and challenging na na-drive ko is going to Majayjay and Lucban with friends...  and sa Hamilo Coast Nasugbo with friends rin... ganda ng daan pero nakakatakot kasi bundok... but I'm glad I was able to do it :)


ang hassle ng daan sa Hamilo sis..hahaha i dont think kaya ko idrive yon scary eh.. ang layo pa ng Pico de Loro! Good job sis! :)

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #353 on: March 26, 2015, 04:00:41 pm »
Baby steps. In-enroll na ako ni hubby sa A1. Para di na daw magbago isip ko (kasi bayad na, hahaha). Will start aafterholy week. Good luck to me. Sana mabait ang instructor. 1 lang daw kasi instructor nila for Montero so wala ako choice. Haha! 

annamarie88

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #354 on: March 26, 2015, 04:07:52 pm »
^^^nice sis! Mas okay nga ata magdrive ng walang katabi para mas makabuild ng confidence! Kahapon nagmall na ako ulit. Yahooo haha iniisip ko na ngayon magdrive papuntang Timog, ayaw pa din kasi ni hubby magdrive ako papuntang south. Dito kasi ako north hehe Pero pupunta pa din ako pero Sunday nga lang hehe

^^after one year siguro ako magddrive ng malayong malayo haha

^nice sis! Go for it. Ako enrol ulit after
manganak. Feeling ko ndi ko na kailangan. Joke! Pagbigyan ang husband. Haha

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #355 on: March 26, 2015, 04:11:09 pm »
^ feeling ko nga din refresher lessons lang naman kelangan ko kasi automatic naman ida-drive. Kelangan ko lang ng bonggang confidence para ma-overcome ko yung nangyari nung nakabangga ako ng nakapark na car dati. Haha! Tsaka kotse lang di-nrive ko dati, first-time ko mag-SUV now.

Naughty^GuRu

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #356 on: March 26, 2015, 06:19:29 pm »
nakakatuwa magbasa dito sa thread  :) good job ladies! more than the driving skills, mas importante na you're confident handling the wheels and no hesitations.  ;) more stories please

jamie_0117

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #357 on: March 26, 2015, 08:33:36 pm »

Pag takot parin kayo magdrive sa highway, I highly suggest hazard niyo sasakyan niyo tapos right lane lang kayo, maiintindihan na ng mga drivers yun. Pag medyo malakas na loob, off na yung hazard, I'm sure dire direcho na pagddrive niyo niyan :)

Good luck and don't forget to always fasten your seatbelt. :)
I agree w/ freelance_babe, hindi mahirap mag drive sa highway. When i started working sa alabang, nanghihinayang ako mag slex, 34 pesos din from sucat. Pero first week na stress ako parang langaw ang motorbikes, jeeps, trucks, tricycles. Swerte na makaandar ako ng 50kph! Sa residential areas, nanjan na ang tricycle, humps, pedestrians at tambay. Nakakapagod din mag preno, primera, segunda, preno, repeat. Hanggang 30kph lang max, lol

huggykaye

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #358 on: March 31, 2015, 07:56:55 pm »
^sis jaime, relate na relate naman ako jan sa "preno, primera, segunda, preno, repeat" lalo na pag pataas+traffic hahaha! minsan pag sobrang pagod na ng legs ko namamatayan na ako ng makina LOL =))

jamie_0117

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #359 on: March 31, 2015, 09:31:33 pm »
Kaya pasalamat tayo sa a/t laking ginhawa sa buhay. :-) wala na problema nakatulala ka lang sa kalye haha

 

Latest Stories

Load More Stories
Close