watch now

Author Topic: :(Frustrated lady driver? thread 2  (Read 115275 times)

tjmax

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #320 on: March 11, 2015, 08:24:39 pm »
^aaah. Don't worry sis. Pag matagal mo naman na dinadrive sasakyan mo e magagamay mo din yung haba nya para sa tantya ng kabig pag lumiliko. Kung duda ka para di magutter, ok lang naman na iungos mo pa ng onti. Dalawang kamay lagi para me pwersa sa steering wheel.

Shadow Angel

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #321 on: March 11, 2015, 08:47:48 pm »
^thanks sis ha may taga alis kasi ako sa parking kaso nakakainis kasi hindi ko sya magamit na ako lang lahat kasi natatakot pa ako tapos yun nga hindi ko sya kayang i alis sa parking.. Gustong gusto ko ng matuto at masanay..paano mo na over come fear mo? Now ko lang napag-isip grabe mga driver sa atin bigla na lang nag oover take sa kanan or yun mga dyip na lang nabigla na lang humihinto ang mas natatakot ako yun mga taong bigla tumatawid ng walan pakialam dati.

tjmax

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #322 on: March 12, 2015, 05:46:23 am »
^lakasan ng loob. hehe! Ganyan din ako dati. Pag malapit nako sa office, pabababain ko isang teammate ko para magparallel park ng sasakyan hahahah! Madalas nagpapraktis lang ako sa mga loobang kalsada sa lugar namin. Nung medyo confident nako, labas nako ng main road. Tapos nun Edsa na. Paonti-onti at gradual ang obstacle course para di agad mafrustrate. Tinatawanan nga ako ng isang friend ko na makakahanap daw ako ng kaaway sa bagal ko sa Edsa. E ganun talaga. Di naman kelangang maharurot ko agad e. Sa totoo lang,  information overload talaga sya kasi dapat aware ka sa lahat. Sabi ko nga ke hubby, pag nadadaan kami ng QC Circle, dapat mga mata ko dun e parang mata ng langaw. Kasi lahat dapat sinisilip mo sa saliwaan ng sasakyan. Don't give up sa practice. Try mo din alisin sasakyan mo parking. Dahan dahan lang para di nawawala yung sense ng pagiging in control. Pag magawa mo sya ng isang beses, I'm sure tuloy tuloy na yan. Wag matakot na magasgasan ang sasakyan. Kasama talaga yan. Basta walang taong casualty. Lahat yan naaayos at napapalitan.

cutemama

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #323 on: March 12, 2015, 06:25:13 am »
Ako din, I want to learn how to drive para kahit wala si hubby eh makakapag pasyal kami ni baby.

One night sabi ko kay hubby turuan niya ko, medyo malakas kasi loob ko. Si hubby naman nerbyoso atras abante lang tinuro sakin, yan daw muna ang first step. Tapos tawa siya ng tawa, sabi niya hindi daw siya marunong magturo mag enroll na lang daw ako sa driving school.. eh ako ayoko naman kasi wala ko masyado time and gagastos pa eh anjan naman siya. Automatic naman yung car namin kaya feeling ko madali lang.

Pero After reading ng mga stories ng mga sis natin dito na nabannga or nagasgasan yung car parang nghihina na loob ko haha kelangan ba talaga pag daanan yun?

Shadow Angel

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #324 on: March 12, 2015, 08:29:40 pm »
Ang nakakapagpakaba sa akin dito yun mga taong biglang tumatawid ng walang pakialam. Mas masarap magdrive sa express way puro sasakyan lang wala ka aalalahanin na tao..

akosibulinggay

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #325 on: March 12, 2015, 10:57:08 pm »
Juiceko, ako naman nademoralized nung hindi ko naidrive pataas yung kotse papuntang parking, nabitin! nasa 5th floor kase parking slot namin. Hays simula nung naging mommy ako naging nerbyosa ako..

sarsingkit

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #326 on: March 12, 2015, 11:29:55 pm »
Frustrated Lady Driver here too! I now take lessons every other weekend and hubby teaches me on the weekends that I do not have a driving class. Ayun, naiyak lang naman ako sa harap ng asawa ko. hehe. Oks lang, nilibre nya ako after. hahaha.

Ewan ko ba, kinakabahan ako lagi. Ang praning ko lang kasi. Wala pa ako sa Pinas nito, so drivers here are relatively tame. Isa pang nagpapadagdag kaba sakin eh road test dito. Ang nega ko lang kasi hindi pa ako nagroroad test eh iniisip ko na kung makaka ilang take ako. May feeling ako na babagsak ako sa first. hehe. Although quite common dito yun. Konti lang kilala ko na naka 1 take. Usually mga 3-4. hehe. Eh ang mahal kaya!

super bratinella

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #327 on: March 13, 2015, 05:46:12 am »
Mga sisses buti nga kayo nakakapagdrive na sa highway pag atras nga lang from the garage di ko makuha..frustrated na talaga ako gusto ko face ang fear ko at magdrive kahit sa subdivision namin...

cutemama

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #328 on: March 13, 2015, 10:08:41 am »
Parang nakakatakot nga yung sa mga parking lot na masyadong mataas..yung iba naman masyadong pababa.. ang nakakatakot dun is yung makabangga ka ng sasakyan sa parking, doble gastos.

freelancer_babe

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #329 on: March 13, 2015, 10:10:41 am »
Ako naman I miss driving na. I'm actually a very good driver pero ilang buwan  na akong di nakakadrive. Kaya kasama na ako sa frustrated driver's list.

annamarie88

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #330 on: March 13, 2015, 11:00:10 am »
Kakarenew ko lang license nung isang araw at parang gusto ko magdrive dito sa village at magpa-carwash sa labas, wala asawa ko hehe kaso kinakabahan ako baka mabangga ako. Paulit ulit kasi yun na wag ko daw ibabangga haha grr

tjmax

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #331 on: March 13, 2015, 11:03:43 am »
^go sis! Bagalan mo na lang hehe! Update mo kami.

annamarie88

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #332 on: March 13, 2015, 11:07:39 am »
^hahaha itatakas ko lang. Kaya sana wag ako mabangga sis. Sige :D

mrs_lim

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #333 on: March 13, 2015, 11:10:37 am »
Parang nakakatakot nga yung sa mga parking lot na masyadong mataas..yung iba naman masyadong pababa.. ang nakakatakot dun is yung makabangga ka ng sasakyan sa parking, doble gastos.

Diyan din ako takot, sa masyadong mataas at masikip na parking. Haha.
I can drive both manual and automatic cars. Pero mas hindi ako kabado pag automatic na dinadrive ko, mas bawas na kasi yung iisipin mo kung tama timpla mo sa clutch at gas.
Mas kinakabahan din ako pag may kasama ako sa kotse. Ma-comment kasi sila pag ako nagdadrive. Ang bagal ko daw. Hahaha. Kainis.

Shadow Angel

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #334 on: March 13, 2015, 07:52:28 pm »
May angkas na rin ako tama ka kapag may nag co comment nakakasira ng diskarte.

pinklilac

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #335 on: March 15, 2015, 04:25:34 pm »
Pa join mga sis..
May learner's licence na ako at si hubby muna ang nagtuturo sa akin. Gusto ko later na mag aral sa driving school pag alam ko na ang basic at confident na ako. $60/hr din kase bayad dito.
nong una akong nag drive sa road kampante ako sa mga straight ang Road.
medyo nalulunod Ako sa pa baba Lol. .
At sa paliko na daan.
Kaya natin ito mga sis. Mabuti na lang dito pag alam na learner ka pa lang naiintindihan ng ibang drivers. Bawal din kase dito ang basta na lang bumusina.ginagamit lang yan to give warning..
pursigido ako matuto dahil ang hirap pag hindi k Marunong. Puro lakad ako since may work si hubby at di ako maihahatid or sundo.
Minsan pa I had to walk almost 2 kms para lang  makarating sa part time job ko..
goodluck to us mga sis

missus13

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #336 on: March 18, 2015, 09:49:46 am »
Sisses,sobrang kinakabahan ako! :( maguumpisa na ko magdrive mag-isa, kaso ninenerbyos na ko. Nafoform sa utak ko na baka makabangga ako ng pedestrian! I got my license few weeks ago but i just got my insurance yesterday so ilang linggo din akong tengga sa praktis. Hopefully masanay ako agad.
« Last Edit: March 18, 2015, 12:59:43 pm by missus13 »

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #337 on: March 18, 2015, 11:50:06 am »
Joining!

Many years ago, I kinda learned how to drive na. Got student's license, praktis around the village with bf (now hubby). Ok naman, nakapag-drive ako sa main roads ng village na madami sasakyan. And then, one Saturday, before leaving for another practice session, nainip ako paghintay kay hubby. So I took it upon myself na ibwelta ang car para ready to go na pagdating nya. Medyo confident e. Nasa deadend kasi bahay namin nun, nakaharap sa end yung kotse so gusto ko iharap. Me mga cars din ng neighbors nakapark sa side ng roads.

At first ok naman, naikot ko na yung car. Nung medyo last stretch na ng pag-ikot, medyo tight na ang space. Alam ko na malapit na yung car sa harap so dapat brake muna ako then reverse. Eto ka, instead na brake apakan ko, sa gas ako umapak! Ayun, sapul, ngudngod ako sa nakapark na sasakyan ng kapitbahay.. buti na lang, nag-snap din pabalik yung bumper nya, so di nahalata ng kapitbahay yung bangga. Hehe.. sa sasakyan naman namin, madami na tama bumper nun so di rin masyado halata yung nadagdag kong damage. Pero natulala ako nun, kaya ang ending, yung isang neighbor na ang nagtapos ng mani-obra. Bumagsak ang confidence ko talaga.

Mula nun di na ako nag-try nag-drive uli. Lagi ko iniisip, buti sasakyan lang yun. E what if taong nakatayo yun. Or worse, mga bata sa neighborhood. E baka naka-aksidente pa ako ng tao.. I shudder at the thought of my what-ifs..

My husband is now convincing me to reconsider learning how to drive again. Especially now na me baby na kami, he wants me to learn para daw pag emergencies na wala sya or nasa malayo pa sya e kaya ko makapag-drive. Me extra car naman kami na madalas di nagagamit. "Normal" daw sa beginners yung minsan e nagkakamali ng apak. Di ko sure kung totoo or pampalubag loob lang.

Nag-inquire na kami sa A1, and I am still gathering up the courage to be behind the wheel again kaya di pa kami nage-enroll.. waahh.. I am so nervous.. nakaka-praning!!

Any tips from other sisses who had similar experience (pressing gas instead of brake)?

cjb

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #338 on: March 18, 2015, 12:04:02 pm »
Hi mga Sis, share ko lang experience ko, kung paano ko naovercome yung takot. At first, padrive drive lang ako sa loob ng village. Kaso si hubby naninigaw kaya nawawalan talaga ako gana and confidence. As in 1 year ako tumigil sa pagtry magdrive. tapos tinry ko rin magpaturo sa driver namin, in fairness, naging okay rin, 5 hours straight, pero dun sa di masyado matao na lugar. After nun, tinry ko sa highway with hubby (wala ko pwede makasama iba hehe) wala, may takot parin plus si hubby ganun parin temper, so nawala nanaman confidence ko then nagstop ako for 2 months.

After nun, talagang finorce ko na na magdrive ako. Bumili ako car ko tapos kumuha ako license para anytime pwede ako magpractice, no need for assistance ng may professional license. Pa-2 km to 3km lang ako, then one day, nilakasan ko lang loob ko, diretcho ako agad sa edsa -papunta and pauwi ng office. Sinama ko sister in kaw ko na super tahimik, kaya wala ako naririnig na sigaw or pagalit. Hahaha

After nun, natuwa nako magdrive. Lakasan lang ng loob. :)

pinklilac

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #339 on: March 18, 2015, 12:38:47 pm »
^sis baka kaya super tahimik si SIL eh nagdadasal lol joke lang ha.

Lakas din loob mo sis bilib ako sau.
ganyan din ako sonabihan ko hubby ko na hayaan ako dumiskarte mag isa at kung may hindi ako sure saka ako mag ask.
mas nakakalito kase pag panay may nagsasalita
 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close