watch now

Author Topic: twin pregnancy  (Read 147932 times)

bbmack

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #160 on: March 09, 2011, 10:04:17 pm »
^God is good :) eat munggo sis taas daw protein nun nakakawala pa ng manas :)

luthientinuviel

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #161 on: March 09, 2011, 10:30:15 pm »
^God is good :) eat munggo sis taas daw protein nun nakakawala pa ng manas :)

yes, God is good!

sabi nga daw nakakawala nga ng manas.  :) di ako nagluuluto ng munggo eh. pano ba magluto nun na kakainin ko talaga? pwede ba hopia munggo? hehe  ;D dapat gawing protocol ng mga drs sa mono-mono or mono-di twins na taasan ang protein intake. believer na ako ngayon ni dr. de lia na pioneer ng laser surgery sa US na nagaadvice ng protein therapy sa mga may growth discordance at TTTS  ;)

keeping my fingers crossed!

bbmack

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #162 on: March 09, 2011, 11:04:43 pm »
luthientinuviel - super bilib naman ako at nakahabol si Baby B kay A, di na masama ang 2 weeks difference, continue mo lang yung protein therapy mo (superb tip!) sis.. parehas pala tayong 27weeks na though singleton naman akin hehe..

kainis nga sis e tuwing friday lang ako nakakakain ng munggo kasi tuwing friday lang niluluto yun lol weird hehe.. kaya ko ata kainin yun everyday.. one more thing pa, bumili ako ng cooked munggo sa tindahan tapos yung manong sabe "ayan munggo pampawala ng manas" haha.. mukang nakita niyang manas na ako noon lol..

OT: madali lang magcook nun, boil mo yung beans in water until soft and easily mashed (bago lutuin ibabad mo muna sa water 1-2hours para mas madali maluto) tapos sa separate pan saute mo yung tomatoes, sibuyas, garlic saka pork, tapos sama mo na yung munggo at add ka lang ng water..

kalaiyaan

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #163 on: March 10, 2011, 09:34:35 am »
Congrats! Golda :)

Happy to know your well.
Enjoy your babies.

lablynes

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #164 on: March 10, 2011, 06:22:50 pm »
sis luthientinuviel, pareho pala tayo kay Dra. Acu din sa Capitol ako ngpa-CAS at 26% din ang growth discordance ng twins ko. although fraternal cla, dichorionic-diamnionic. i don't know if that makes any difference sa case mo. pero ngworry ako sa taas ng discordancy. naguluhan p ko kc 2 wks before nun CAS un u/s ko w/ my ob ay halos same ang weight nla tpos after 2 wks lang naging 2 wks na ang discordance. eto pa ang magulo after 3 wks ng CAS ko ngpa-u/s n nman ako at same n naman ang weight. hayy hinde ko tuloy alam alin ang tamang u/s at kelangan ko b talagang mgworry. kahit yung ob ko hinde maniwalang ganun kalaki ang discordancy based sa u/s nya. kya ngaun wait ako ng few weeks para sa iba na ko mgpa-u/s. pero same thing w/ u ng-add din ako ng high-protein sa diet ko just in case may discordancy nga.

luthientinuviel

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #165 on: March 10, 2011, 09:07:27 pm »

sis lablynes, sabi kasi sa kin ni dr. acu and accdg to TTTS foundation pwede talaga in one moment magvary, pwedeng biglang lumala, pwedeng biglang magpantay. in your case swerte ka dahil di-di ang twins mo, safer in the sense na wala silang danger for TTTS or unequal placenta sharing. hindi ko rin magets bakit nga lang parang ang inconsistent ng sa yo, parang anomaly yung sa capitol na scan. sana in your case nagkamali sila and in my case di sila nagkamali (nakuuuuuuuu...sana nga nakahabol nga si baby B ko). to be sure, uulitin ko CAS ko somewhere. siguro try ko sa sinasabi ng HS classmate ko sa may likod daw ng makati med, i can't remember if it's called medical plaza or something? or try ko kaya dito sa world citi dahil mas malapit sa akin.

sana nagkamali lang sila sa yo and sa akin hindi.  :-[

melsy525

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #166 on: March 11, 2011, 01:12:05 pm »
hello mga sis!

i miss this thread. i miss being preggy hehe :)

mahirap talaga magbuntis esp kung 2 pa yung dala dala. pero ang sarap talaga ng feeling pag yakap mo yung babies mo :D

my twins are now 5 months old. hindi sila na nicu, thank God. hindi pa rin sila nagkakasakit ng major. sipon at colic [textspeak!], thank God again!!!

good luck mga sis sa pregnancy.

basta yung health ng babies ang priority :D

golda_ph

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #167 on: March 13, 2011, 12:28:38 am »
gave birth via cs last  march 6 due to waterbag broke and no labor dilation, only up to 3cm pa rin...hirap na masaya na hay...good luck to all our sisses twin preggos go go go! belly rubs!
sign off na ako :)

ysa_38

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #168 on: March 13, 2011, 04:55:39 pm »
^congrats sis golda! super happy ka nakita mo na twins mo :D

luthientinuviel

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #169 on: March 13, 2011, 05:02:55 pm »
congrats to sis golda! :D

luthientinuviel

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #170 on: March 13, 2011, 05:05:18 pm »
hello mga sis!

i miss this thread. i miss being preggy hehe :)

mahirap talaga magbuntis esp kung 2 pa yung dala dala. pero ang sarap talaga ng feeling pag yakap mo yung babies mo :D

my twins are now 5 months old. hindi sila na nicu, thank God. hindi pa rin sila nagkakasakit ng major. sipon at colic [textspeak!], thank God again!!!

good luck mga sis sa pregnancy.

basta yung health ng babies ang priority :D

congrats, 5 mos na twins mo! how do you manage, sis? ilan yaya mo?

hopesforbaby

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #171 on: March 13, 2011, 07:47:01 pm »
hi mga sis, pwede makijoin, m currently 5 mos pregnant with triplet girls (product of ivf @ taiwan). wala kc masyadong triplets e, dito na lang ako mkijoin sa twins, hehe. ngpreprepare na kami ngayon ng gagastusin for delivery (either term or preterm), so nagcacanvas kami ngayon.  can i ask u sisses na nagdeliver na kung 1)what hospital kyo nanganak? 2) CS or normal delivery? 3)if term or preterm; if preterm, how many weeks? and 4)how much nagastos nyo? (if may breakdown mas maganda).  Sa ibang thread kasi, puro pang-single term babies lang ang costing, e syempre iba naman sa atin.  ask ko lang sana help nyo mga sis. tnx :)

eizej

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #172 on: March 14, 2011, 09:57:08 am »
^ wow sis, triplets, very rare yan ah.. hindi ba mahirap?? ilang weeks na sila?

@ sis golda, sis congrats.. nakita mo ang kambal... ako mejo matagal pa, pero excited na rin..

melsy525

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #173 on: March 14, 2011, 12:29:41 pm »
congrats, 5 mos na twins mo! how do you manage, sis? ilan yaya mo?

hi sis! thanks :)

i have 2 yayas now. but when i gave birth until around 1 month, I only had 1 yaya. to be honest, medyo na trauma ako sa first month ko. yung husband ko kasi di ko naasahan na tumulong sa pagpupuyat kasi nagwowork daw siya. as if hindi mahirap yung mag alaga ng babies di ba kahit na naka ML ako?! anyways, wala na din ako mom at hindi ko kasama mother in law ko so kami lang talaga nung yaya yung salitan. talagang maiiyak na ako nun sa pagod at puyat. super stressed ako nun kaya tuloy hindi successful yung breastfeeding ko. :(

now, medyo naguguilty ako kasi pag weekend ko lang talaga nakakasama ng matagal babies ko. i work 6x a week. :( tapos halos OT pa palagi so pag uwi ko, tulog na babies ko. i just try to wake up early so i can play with them for a short time man lang before i go to waork. naiiwan sila sa yayas tsaka sa lolo nila.

medyo mahirap din na dapat pantay yung attention na binibigay sa kanila. sometimes, pag yung isa kinakausap ko or nilalaro, nakatingin yung isa na parang nakakaawa. minsan nilalapag ko sila kabilaan ko tapos salitan kung laruin ko kaso tumitigil sila tapos titingin lang pag yung isa yung nilalaro. nakakaiyak talaga.

pero masaya na 2 sila kagad. super nakakatuwa pag humahalakhak sila tapos yung mga parents namin tuwang tuwa. sabi nga namin ng husband ko, parang boring pag isa lang yung anak hahaha.

mine are identical pero as early as their first day, kita mo na yung differences nilal sa temperament nila ;) habang lumalaki din. minsan naiinis lang din ako when people compare. :( i don't want na yung isa ko ma feel bad :(

good luck mga sis na preggy pa. doble ingat lang talaga and prayers. sumunod lagi sa doctor ok?

take care!

luthientinuviel

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #174 on: March 14, 2011, 11:49:29 pm »
hi mga sis, pwede makijoin, m currently 5 mos pregnant with triplet girls (product of ivf @ taiwan). wala kc masyadong triplets e, dito na lang ako mkijoin sa twins, hehe. ngpreprepare na kami ngayon ng gagastusin for delivery (either term or preterm), so nagcacanvas kami ngayon.  can i ask u sisses na nagdeliver na kung 1)what hospital kyo nanganak? 2) CS or normal delivery? 3)if term or preterm; if preterm, how many weeks? and 4)how much nagastos nyo? (if may breakdown mas maganda).  Sa ibang thread kasi, puro pang-single term babies lang ang costing, e syempre iba naman sa atin.  ask ko lang sana help nyo mga sis. tnx :)

wow triplets! ambigat na siguro nila noh? triple good luck sa inyo. di pa ko nagdedeliver pero parang napanood ko sa docu ng national geographic about multiple pregnancy (or some other material ko nabasa) triplets almost all yata CS and normally 32-34 weeks ata full term (vs 37 weeks full term sa twins). check mo rin yung docu sa youtube kaso tinanggal na ata dahil daw copyright violation ek-ek.

ang sabi ng OB ko yung pf naman nya di doble kasi isang operasyon lang naman kasi so it does not make sense daw para magpatong ng ganun (sana ganun din yung ibang OB). ang magiging mataas daw is yung bills ng babies dahil 2 sila, assuming na NICU sila (dahil sinabihan ako na malamang preterm kami dahil nga may growth discordance kami and to prevent any damage kung di na lumaki yung isang baby). kung di naman preterm at option ng mom na magnursery daw, doble pa rin yung babies' bill dahil per head naman ang count nila. kung di nga lang ba ako preterm (32-36 weeks), iro-room in ko sila para di ganung kalaki bill ko. mga 50k quote sa akin ng OB ko, private room, 3d & 2n, room-in, all in na sa ospital sa amin sa laguna. kaso nagiisip ako ngayong manganak sa PGH given na ganun ang findings as of last week para safe. 70k daw magagastos ko plus yung stay nila sa NICU. it would all depend sa resulta ng scan ko this week and visit ko sa OB ko this fri.  :-\
« Last Edit: March 14, 2011, 11:54:07 pm by luthientinuviel »

luthientinuviel

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #175 on: March 15, 2011, 12:32:54 am »
hi sis! thanks :)

i have 2 yayas now. but when i gave birth until around 1 month, I only had 1 yaya. to be honest, medyo na trauma ako sa first month ko. yung husband ko kasi di ko naasahan na tumulong sa pagpupuyat kasi nagwowork daw siya. as if hindi mahirap yung mag alaga ng babies di ba kahit na naka ML ako?! anyways, wala na din ako mom at hindi ko kasama mother in law ko so kami lang talaga nung yaya yung salitan. talagang maiiyak na ako nun sa pagod at puyat. super stressed ako nun kaya tuloy hindi successful yung breastfeeding ko. :(

di pa dumadating yaya ko from visayas, isa pa nga lang makukuha ko, kaya ko naitanong kung ilan ang yaya mo and pano mamanage. ako malamang wala ding husband pag weekdays dahil uuwi ako sa mother ko sa laguna so malamang weekend lang makakatulong asawa ko. mother ko naman nagwowork pa rin so basically pag araw parang kami lang 2 ni yaya. problem ko nga bata pa yung makukuha kong yaya, mga 15 yrs old so parang siya mismo alagain pa. kaso ang hirap nga kumuha ng yaya or all around maid nowadays eh.

Quote
medyo mahirap din na dapat pantay yung attention na binibigay sa kanila. sometimes, pag yung isa kinakausap ko or nilalaro, nakatingin yung isa na parang nakakaawa. minsan nilalapag ko sila kabilaan ko tapos salitan kung laruin ko kaso tumitigil sila tapos titingin lang pag yung isa yung nilalaro. nakakaiyak talaga.

di ko naisip yang ganyang dilemma ah.  :o salamat sa pag-warn. yung atribida kong tiya, nung nalaman nyang twins pinagbubuntis ko, ang bilin ba naman sa akin eh wag na wag daw akong magpapakita ng favoritism dahil forever daw na magaaway yan. siya kasi napagitnaan sya ng mga twin sisters. yung mga ate niya fraternal twins and yung sumunod sa kanya fraternal girls din. nakita nya first-hand kung gano nadevelop yung insecurities ng bawat twin kaya hanggang ngayon mga nasa 70s and 60s na sila, away pa rin kesyo si lola ko ang pinapaboran eh si ganito kasi mas maganda daw kaya siya lagi ang binibihisan at ipinaparada sa public. eh kaso bawat isa sa kanila ganun ang claim so magiisip ka talaga kung meron nga bang pinaboran lola ko.  :P

eizej

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #176 on: March 15, 2011, 11:39:22 am »
^ nakakapressure din pala pag twin.. shempre nga naman yung attention sa knila, baka habang lumalaki sila, mag isip sila na may mga favoritism..shempre kahit kambal sila, may individual differences pa rin sila.. last US ko march 12, 19wks na sila pareho. buti nga nag pantay na.. nung unang US ko 6 days ang gap nila..

golda_ph

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #177 on: March 17, 2011, 05:13:02 pm »
nabuhay ulit ako mga sisses.putol na kasi dsl nami kya di ko makamsg kya buti nakapagbye msg pa nga ako...
sis melsy, a super 2nd demotion to what u said. akala ko lhat ng bagay about motherhood at ang pambihirang magkaron ng twins, pag nabasa sa books mukhang kayang kaya nman. pero actual experience, it's a whole diff story!
i had post partum depression after coming home. kung ano ang dilemma ni sis melsy, ganung stage na din ako. hubby is working na, i have one yaya. my mom is scared to hold the baby, working din kasi. my mother in law just started a business kaya medyo dun nakafocus attention nila. (kahit na accdg to plan, she will help me, good/bad timing lang talaga sila magisip ng negosyo). everything is new to me too kasi honestly, di ako mahilig sa bata unless [textspeak!] bata mahilig sa akin..kya eto, 2 wks pa lang naman ang adjustment ko, getting used to it pa lang ako pero talagang massive post partum depression ako. parang am i doing the right thing? bakit sila iyak2 eh check ko na diapers, milk feed na sila (bumigay na din ako sa mixed feeding) bilib ako sa exclusive breastfeeding dito pag nagtwins pa ha? hats off to u at napakahirap makabuo ng 2ounce of bf milk ng 1hr...sakit pa gawin breastpump or baby sucking pa man...
basta i'm coming around na kahit pano, sabi nga ng mga nakausap kong confidantes ko kasi talagang bawat bagay iniiyakan ko na lang eh, maganda ma o mabuti, ienjoy lang daw ang pagalaga sa babies, kasi mabilis din daw silang lalaki..ang gusto ko lang kasi maoutgrow nila yung iyak na parang kinakatay eh, nakakabreak ng heart na wala akong magawa kundi iduyan na kinakausap ko na ano ba prob baby, wala pa ring epek til 6am na magpapaaraw na kami..
pero na anticipate ko rin yung sinasabi mo sis melsy na pag back to work na rin ako, i will miss these days na i have them for myself. na kahit di ko magets ang iyak, ang startled features nila, ang ngiti habang tulog, kagat sa nipples na masakit,i will still miss their fragility.
kaya tip ko po sa ating mga may twins, be ready sa sleepless nights ha? dapat u have someone to talk to or kasama sa pag alaga sa 2 na matiyaga.
sis melsy, tama, i have the same thing re sino kamukha ni tatay  nila etc. yoko di ng comparison kasi kahit pano naririnig ng babies yun eh. but i just hug them both to let them know in my eyes, they are both owners of my heart:)
hay, goodluck march 2011 babies,kahit medyo dami crisis sa outside world ngayon, kayo ang nagbibring happiness/peace sa hearts naming mga parents nyo kaya be healthy and safe sa pagdelivery!belly rubs!

luthientinuviel

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #178 on: March 19, 2011, 12:34:30 pm »
sis golda, baka maiyak din ako at di ko malaman pano patatahanin sila eh ako pa naman mababa ang tolerance sa iyak na parang kinakatay . ilang weeks to go na lang, wala pang yaya...

golda_ph

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #179 on: March 22, 2011, 03:37:20 pm »
sis  luthein, talagang it never fails to make my heart melt pag naiyak sila ng parang kinakatay, hay minsan sabay pa! pero ngayon, im practicing not to cry a lot, kelangan labanan ang pakiramdam na drama. hehe..
u will need a yaya if wala mother mo o mother in law mo to help u. it's a really really tough job to take care of twins. pero once in a while, habang tulog or ur gazing at one another sa babies, naku napakasarap na feeling ng blessing to have two precious additional family members:)
nakakatawang stage ko na ngayon eh takot ako sa pusod nila n paliguan. habang tapos na yung isa at nagngangawa na, umpisa pa lang ng isa umiiyak din! haha...
di ko pa mahuli ang ngiti nila kasi pag nanaginip lang at tulog nangiti eh, la pa naman sila masyado nakikita ngayon kaka2wks palang nila:)kaya dapat lagi dala at may charge ang cam.
binyag na ang research ko nga pala at target ko is july.
belly rubs mga sisses! go for normal para mas madali gumalaw:)ang flappy skin nga pala at maitim na leeg at kilikili, manas sa paa at kamay at maitim na pusod ay nakakatawang tignan hehe...from 182lbs,i'm150lbs na dahil di makakain on time (mas habol ko tulog), pag makakain, [textspeak!] na gana...at pagod na masayang magalaga:)

Latest Stories

Load More Stories
Close