nabuhay ulit ako mga sisses.putol na kasi dsl nami kya di ko makamsg kya buti nakapagbye msg pa nga ako...
sis melsy, a super 2nd demotion to what u said. akala ko lhat ng bagay about motherhood at ang pambihirang magkaron ng twins, pag nabasa sa books mukhang kayang kaya nman. pero actual experience, it's a whole diff story!
i had post partum depression after coming home. kung ano ang dilemma ni sis melsy, ganung stage na din ako. hubby is working na, i have one yaya. my mom is scared to hold the baby, working din kasi. my mother in law just started a business kaya medyo dun nakafocus attention nila. (kahit na accdg to plan, she will help me, good/bad timing lang talaga sila magisip ng negosyo). everything is new to me too kasi honestly, di ako mahilig sa bata unless [textspeak!] bata mahilig sa akin..kya eto, 2 wks pa lang naman ang adjustment ko, getting used to it pa lang ako pero talagang massive post partum depression ako. parang am i doing the right thing? bakit sila iyak2 eh check ko na diapers, milk feed na sila (bumigay na din ako sa mixed feeding) bilib ako sa exclusive breastfeeding dito pag nagtwins pa ha? hats off to u at napakahirap makabuo ng 2ounce of bf milk ng 1hr...sakit pa gawin breastpump or baby sucking pa man...
basta i'm coming around na kahit pano, sabi nga ng mga nakausap kong confidantes ko kasi talagang bawat bagay iniiyakan ko na lang eh, maganda ma o mabuti, ienjoy lang daw ang pagalaga sa babies, kasi mabilis din daw silang lalaki..ang gusto ko lang kasi maoutgrow nila yung iyak na parang kinakatay eh, nakakabreak ng heart na wala akong magawa kundi iduyan na kinakausap ko na ano ba prob baby, wala pa ring epek til 6am na magpapaaraw na kami..
pero na anticipate ko rin yung sinasabi mo sis melsy na pag back to work na rin ako, i will miss these days na i have them for myself. na kahit di ko magets ang iyak, ang startled features nila, ang ngiti habang tulog, kagat sa nipples na masakit,i will still miss their fragility.
kaya tip ko po sa ating mga may twins, be ready sa sleepless nights ha? dapat u have someone to talk to or kasama sa pag alaga sa 2 na matiyaga.
sis melsy, tama, i have the same thing re sino kamukha ni tatay nila etc. yoko di ng comparison kasi kahit pano naririnig ng babies yun eh. but i just hug them both to let them know in my eyes, they are both owners of my heart:)
hay, goodluck march 2011 babies,kahit medyo dami crisis sa outside world ngayon, kayo ang nagbibring happiness/peace sa hearts naming mga parents nyo kaya be healthy and safe sa pagdelivery!belly rubs!