Hi sis, 1st birthday ng mga anak ko, may party talaga, pasasalamat namin yun at nakaraos sila, one year old na

Kaya sa first birthday ng bunso ko sa Sept. 2012, same, may party.
7th birthday ng anak kong panganay this coming Feb., tinanong ko siya, kung ano gusto niya, I want her to enjoy her birthday, sabi niya swimming, kaya yun, go go kami sa southwinds resort laguna, with few friends and relatives lang, mga close lang talaga namin.
In between 1st and 7th birthday, may cakes palagi, pero it's either kakain kami sa labas, mamamasyal sa mall, sa ibat ibang lugar like zoo, ocean park etc, ganun lang, after the 7th birthday, ganun na lang din, wala ng big parties, basta lagi ko naman tatanungin ang anak ko, kung ano gusto niya

About travelling, hindi namin natatapat sa birthday niya, but nadala na namin si panganay sa HK, sa disneyland, ocean park at Macau nung 5 years old siya, hindi nga lang tapat ng birthday niya

Huwag magpaka stress sis, kung ano ang hilig ng anak mo, kung ano ang enjoyable for him/her, kahit hindi party, go lang ng go
