watch now

Author Topic: Ina ng mga pamangkin ko... Inis ako!  (Read 7715 times)

mrsatty

  • Guest
Ina ng mga pamangkin ko... Inis ako!
« on: July 27, 2010, 10:51:10 am »
Hello mga sis, maglalabas lang ako ng inis ko sa ina ng mga pamangkin ko. At pakisabi naman kung may mali sa mga sinabi ko. Pls advise me on how to deal with the situation and pano ko siya patunguhan. Right at this point, nanginginig talaga ako sa inis sa kanya. Inis pa lang, di pa galit ang nararamdaman ko.

For a better understanding, kindly allow me to describe the situation. More than 10 years na sila magkasama ng kuya ko with 3 kids pero the last 5 years, may kinakasama si kuya na girl at may 2 kids sila. Pero up to now, umuuwi pa naman si #1 sa bahay every weekend at civil naman sila ni kuya pag nagkita. Si kuya naman, dun natutulog sa #2. Pagdating ng hapon til 11 pm nasa bahay siya. Si #1 may training sa hosp at every sat kung umuwi. One night, we had exchanged of SMS and it went like this;

Me: Malapit na pala matapos training mo, baka pwede stop ka muna at tutukan mo muna mga bata.
Siya: Baka continues pa ang training ko. Siguro hingi muna ako ng bakasyon.
Me: Indi bakasyon ang kelangan. Kelangan ng supervision ng mga anak mo sa pag aaral.
       Nagmamasteral ka pala. Kung gusto mo talaga yan, dito ka sa malapit, yung  pwedeng uwian.
       Lagi mo sinasabi may ambisyon ka, naiintindihan ko yun pero sana i-priority mo mga anak mo.
Siya: Nagpapasalamat nga ako ate sa pag aalaga niyo sa mga bata. Tinatanaw kong malaking utang na loob sa inyo.
Me: Wag mo sabihin yang utang na loob. Mga pamangkin ko sila. Di sa nagrereklamo ako pero kelangan talaga ng
      full supervision sa mga bata.
Siya: Sige ate, kausapin ko na lang si pogi (tawag niya kay kuya), para kumuha ng tutor ng mga bata.
Me: Wag na tutor, gastos na naman yan. Kung gusto mo ikaw na lang magturo sa kanila, yung pera ibigay sa yo.
       Good provider naman si kuya sa mga anak niya.
       Madaling maging ina mahirap magpakaina.
Siya: So ok na ganyan ang sitwasyon kasi good provider siya? Ate ikaw kaya ang lumagay sa sitwasyon ko. Sigurado
         matagal ka ng wala diyan dahil may trabaho ka naman at malakas loob mong umalis at buhayin mga anak mo. Alam
         ko naiintindihan nyo ko  dahil babae din kayo. Tingnan nyo sitwasyon. Sino ba makakatiis sa natiis ko ng ilang taon?
         Usap na lang kami ni pogi ate pag uwi ko diyan. Kailangan naming mag usap para sa mga bata.

 
Di na ako nakasagot kasi kinuha na ni mother ang cp niya. Nakigamit kasi ako. Pero mamayang gabi, to be continued ang litanya ko sa kanya. Ngayon lang ako nagsalita sa kanya ng ganito sa loob ng mahigit 10years naming nagkasama. Magmula lumabas ang 3 bata, may katulong siya. May sari-sariling yaya ang mga bata. Ang sa akin lang naman, family first di ba? Mataas talaga ang tingin ko sa mga full time at hands on mom. Di ko siya nakikitaan ng ganun. Pag nandiyan lang si kuya saka kunwari maalaga siya. Di lang ako ang nakakapansin ng style niyang eto. Mga kasama sa bahay, mga kamag anak na dumadalaw. Kung ako lang sana, iisipin mo mali ako. Kaso marami kami kaya di ako nagkakamali ng tingin sa kanya. Feeling dalaga nga ang tawag namin sa kanya eh. Eto pa, last sat, imbes na umuwi na siya sa bahay kasi 1 week siyang nasa training, aba gabi na umuwi kasi invite daw siya nung best friend dahil bday nung anak niya. Unahin pa ba niya ang maki-bday kesa umuwi para makita mga anak niya?!

Eto ang plano kung i-text sa kanya mamaya:
1) Hindi ang sitwasyon mo ang pinag uusapan dito. Ang concern ko dito is ang mga bata. Nabanggit mo na rin lang na nagtitiis ka, well, saludo ako sa yo. Kaya lang choice mo na magtiis. Tinatanong mo ako kung ano gagawin ko kung ako nasa sitwasyon mo? Tama ka, matagal na akong umalis. Meron o wala akong trabaho, aalis ako. Yun ang choice ko e. Kaya lang, magkaiba tayo. Ikaw pinili mong magtiis.

Kung ano nag-trigger sa akin bakit ko siya natext ng mga ganito? Nakita ko kasi yung mga notebooks ng mga bata. May mga quiz yung panganay na mababa ang nakuha at merong zero talaga. Kung nasa bahay sana siya, matuturuan niya mga bata. Sa ngayon, ako ang tumatayong nanay nila. Magmula pagpa-enroll, mga miting sa school, pagkuha ng card, pagbili ng mga gamit sa schools at pagtuturo sa mga homeworks nila. May trabaho rin ako from 9-6 at pagod pag umuuwi ng bahay. Minsan di sinasadya napapagalitan ko na ang mga bata, dala na rin ng pagod siguro. Naaawa ako sa mga pamangkin ko. Sila ang nagsa-suffer sa ginagawa ng mga magulang nila. Di ko sinusumbat mga ginagawa ko sa kanila dahil mahal ko ang mga pamangkin ko, ang sa akin lang naman, MAGPAKAINA siya.

PS: May bf na rin etong si #1. Pag nasa bahay, lagi hawak cp, text text text. Last sat uli, sabi ko dun sa bunso niya, magpaturo sa mama niya ng spellling. Di daw siya maturuan at hawak ang cp. Tapos kagabi nga, eto na, pagdating ko, sabi nung bata, marami daw siyang wrong. Bakit sabi ko, di ba tinuruan ka ni mama? Sagot niya, indi daw kasi may katext. GRRRR...


Hay... lumuwag ng konti ang dibdib ko kasi nakapag open ako dito. Napahaba tuloy. Your inputs will be deeply appreciated.

Thanks for reading.
« Last Edit: July 28, 2010, 02:02:57 pm by mrsatty »

chinkywinky

  • Guest
Re: Ina ng mga pamangkin ko... Inis ako!
« Reply #1 on: July 27, 2010, 12:07:15 pm »
I am seeing the situation like this:
1. The girl wants to get rid of their children and move on with "HER" life.
2. She wants to give the full responsibility to your brother.

Why don't you tell your brother to talk to the girl and settle the issues between the 2 of them? Hindi dapat ikaw ang involved dahil hindi mo sila dapat problema. Mag reklamo ka, kasi more than anybody else, nasayo yung responsibility in raising their kids since si girl pumapasok, and I don't think yung brother mo naalagaan yung mga bata. Bigyan mo ng ultimatum si girl, aalagaan nya yung mga bata or titira sya sa ibang bahay kasama ng mga anak nya.

thebratinella

  • Guest
Re: Ina ng mga pamangkin ko... Inis ako!
« Reply #2 on: July 27, 2010, 06:00:19 pm »
that's right. they need to take full responsibility for their children. it's okay for you to help but being entirely responsible for them while the parents are dilly-dallying elsewhere is a different matter. as a mother, she needs to make adjustments and sacrifices in her life for her kids' welfare. it's not right for you to spend your days fulfilling the duties which are supposed to be hers. since they're old enough to enter into relationships then they should know what to prioritize.
« Last Edit: July 27, 2010, 06:03:10 pm by thebratinella »

liem

  • Guest
Re: Ina ng mga pamangkin ko... Inis ako!
« Reply #3 on: July 27, 2010, 06:33:55 pm »
correct sis ang mga naunang nagposts, actually ganyan din situation ko sayo mas malala pa nga kaso i prefer not to meddle kasi di sila matututo un nga lang if they cant decide for the sake of their children kawawa talaga mga bata.. pero un nga buhay nila yan and they are theparents still kaya they have to stop with what their doing and talk over what's best for the kids. di sila matututo if meron silang inaasahan to take care of the kids.

aquacharly

  • Guest
Re: Ina ng mga pamangkin ko... Inis ako!
« Reply #4 on: July 27, 2010, 10:10:47 pm »
MRSATTY    What is your reality?
                 You have a brother who is an irresponsible father.
                 Your brother has an ex live-in partner who is also an irresponsible parent.
                 You have 2? 3? pamangkins who are not getting enough guidance and emotional support due to 2 irresponsible adults who are unfortunately, their parents... and it is not their fault at all.
                 You are the one who aches for the kids, you are the one who is concerned about their development more than anybody else in that house.   

IF I were in your shoes, what would I do?
Have  your brother spend for the tutors... and give your pamangkins love and emotional support.  Hwag mo nang habulin ang brother and his ex/the #1 anymore.  Habulin mo lang ang financial support ng brother mo.

Bakit ka manghinayan sa gastos on the tutor?  If your brother can afford more children in another relationship, pwes he should be able to first provide for his first batch of kids. 
Pagod ka na, let him pay for the tutor.  More than the academic supervision, the kids need to have someone as an anchor. Maniwala ka, when they hit their teens, hindi pera ang magiging problema sa kanila..    So you might as well guide them now.

God works in mysterious ways at times.  Consider it a blessing, though tiring, that you will have the opportunity to mold these kids' character.   You will get your just rewards later on, for sure... good things come out of good  deeds.

As for #1 -- she has her reasons for trying to be financially independent or advanced..   You know, she also fears that one day, your brother may totally turn his back on them all.. then it will only be her alone who must provide for her kids. 

If she dates around, heck.. iniwan na sya ng brother mo.  Como hindi naman sila married.. she is good as thrown away.   Have empathy for her. 

mrsatty

  • Guest
Re: Ina ng mga pamangkin ko... Inis ako!
« Reply #5 on: July 28, 2010, 01:58:43 pm »
thank you sisters for your advice/inputs...


grumpybear

  • Guest
Re: Ina ng mga pamangkin ko... Inis ako!
« Reply #6 on: July 28, 2010, 05:17:51 pm »
where is your brother in all of this? besides making sustento and living with another woman?

freiavida

  • Guest
Re: Ina ng mga pamangkin ko... Inis ako!
« Reply #7 on: July 30, 2010, 09:53:32 pm »
I agree with aquacharly. Since it seems na ikaw ang merong malasakit sa mga pamangkin mo, tuluy-tuluyin mo na. Have your kuya provide for the financial aspects, at least makabawi siya financially to your pamangkins.

I also feel for #1, but I am not so sure what's keeping her from leaving your kuya totally. Kung ang concern mo is yung mga bata, then show them love as much as you can, kung meron kang time ikaw magturo, or yeah get a tutor.

And somehow, I still hope magigising din si #1.

judea16

  • Guest
Re: Ina ng mga pamangkin ko... Inis ako!
« Reply #8 on: January 27, 2011, 04:32:13 pm »
tita ko...
parang ganyan saamin..
pero more like a babysitter or kasambahay...
wala kasi dad namin, at ako naman may work..
pero mga kapatid ko college na..

pero ng aaral na sya na asst. nurse..
balak na ulit mag abroad eh..
share lang!

ebiko

  • Guest
Re: Ina ng mga pamangkin ko... Inis ako!
« Reply #9 on: January 28, 2011, 01:43:36 pm »
my opinion sis,

talk to your brother for financial support, na dapat naman talaga. responsibilidad ng brother mo na bigyan sila.

at yung mother nila, huwag mo ng asahang maging INA pa siya, dahil kung talagang gusto niyang maging INA, dapat ang mga anak niya e nasa kanya at hindi nasa poder ninyo.

bilang tita, lubusin mo na ang pagtulong mo sa kanila, atleast nakikita mo at na-aalgahan mo sila every day, kesa naman ibigay mo sa mother or father, at nagwo-worry ka kung na-aalagahan ba sila, o natuturuan pa rin ba sila sa mga assignments nila.

showermist

  • Guest
Re: Ina ng mga pamangkin ko... Inis ako!
« Reply #10 on: January 28, 2011, 03:46:46 pm »
sis, kausapin mo sila pareho--kapatid mo at yung ina ng mga pamangkin mo. 

basing on the texts, thankful naman yung babae sa iyo. grateful even.  but yun nga lang she must be caught in a very tight schedule. she's into her studies, career advancement maybe.  hindi lang ito para sa kanya. para sa mga anak nya din.  sabi nga ng ibang sis, paano nga naman kung hindi na kayang suportahan ng kapatid mo mga anak nila di ba e di kawawa naman sila.

ask mo na rin what their plans afor the kids kasi hinde naman panghabang buhay na ganyan ang sitwasyon.

kulitin mo din ang kapatid mo dahil share sila sa responsibilidad sa mga anak nila kahit pa sabihing may kinakasama na syang iba.

hope you're going to settle this soon.  kawawa mga bata.
« Last Edit: January 28, 2011, 04:00:23 pm by showermist »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close