Hello mga sis, maglalabas lang ako ng inis ko sa ina ng mga pamangkin ko. At pakisabi naman kung may mali sa mga sinabi ko. Pls advise me on how to deal with the situation and pano ko siya patunguhan. Right at this point, nanginginig talaga ako sa inis sa kanya. Inis pa lang, di pa galit ang nararamdaman ko.
For a better understanding, kindly allow me to describe the situation. More than 10 years na sila magkasama ng kuya ko with 3 kids pero the last 5 years, may kinakasama si kuya na girl at may 2 kids sila. Pero up to now, umuuwi pa naman si #1 sa bahay every weekend at civil naman sila ni kuya pag nagkita. Si kuya naman, dun natutulog sa #2. Pagdating ng hapon til 11 pm nasa bahay siya. Si #1 may training sa hosp at every sat kung umuwi. One night, we had exchanged of SMS and it went like this;
Me: Malapit na pala matapos training mo, baka pwede stop ka muna at tutukan mo muna mga bata.
Siya: Baka continues pa ang training ko. Siguro hingi muna ako ng bakasyon.
Me: Indi bakasyon ang kelangan. Kelangan ng supervision ng mga anak mo sa pag aaral.
Nagmamasteral ka pala. Kung gusto mo talaga yan, dito ka sa malapit, yung pwedeng uwian.
Lagi mo sinasabi may ambisyon ka, naiintindihan ko yun pero sana i-priority mo mga anak mo.
Siya: Nagpapasalamat nga ako ate sa pag aalaga niyo sa mga bata. Tinatanaw kong malaking utang na loob sa inyo.
Me: Wag mo sabihin yang utang na loob. Mga pamangkin ko sila. Di sa nagrereklamo ako pero kelangan talaga ng
full supervision sa mga bata.
Siya: Sige ate, kausapin ko na lang si pogi (tawag niya kay kuya), para kumuha ng tutor ng mga bata.
Me: Wag na tutor, gastos na naman yan. Kung gusto mo ikaw na lang magturo sa kanila, yung pera ibigay sa yo.
Good provider naman si kuya sa mga anak niya.
Madaling maging ina mahirap magpakaina.
Siya: So ok na ganyan ang sitwasyon kasi good provider siya? Ate ikaw kaya ang lumagay sa sitwasyon ko. Sigurado
matagal ka ng wala diyan dahil may trabaho ka naman at malakas loob mong umalis at buhayin mga anak mo. Alam
ko naiintindihan nyo ko dahil babae din kayo. Tingnan nyo sitwasyon. Sino ba makakatiis sa natiis ko ng ilang taon?
Usap na lang kami ni pogi ate pag uwi ko diyan. Kailangan naming mag usap para sa mga bata.
Di na ako nakasagot kasi kinuha na ni mother ang cp niya. Nakigamit kasi ako. Pero mamayang gabi, to be continued ang litanya ko sa kanya. Ngayon lang ako nagsalita sa kanya ng ganito sa loob ng mahigit 10years naming nagkasama. Magmula lumabas ang 3 bata, may katulong siya. May sari-sariling yaya ang mga bata. Ang sa akin lang naman, family first di ba? Mataas talaga ang tingin ko sa mga full time at hands on mom. Di ko siya nakikitaan ng ganun. Pag nandiyan lang si kuya saka kunwari maalaga siya. Di lang ako ang nakakapansin ng style niyang eto. Mga kasama sa bahay, mga kamag anak na dumadalaw. Kung ako lang sana, iisipin mo mali ako. Kaso marami kami kaya di ako nagkakamali ng tingin sa kanya. Feeling dalaga nga ang tawag namin sa kanya eh. Eto pa, last sat, imbes na umuwi na siya sa bahay kasi 1 week siyang nasa training, aba gabi na umuwi kasi invite daw siya nung best friend dahil bday nung anak niya. Unahin pa ba niya ang maki-bday kesa umuwi para makita mga anak niya?!
Eto ang plano kung i-text sa kanya mamaya:
1) Hindi ang sitwasyon mo ang pinag uusapan dito. Ang concern ko dito is ang mga bata. Nabanggit mo na rin lang na nagtitiis ka, well, saludo ako sa yo. Kaya lang choice mo na magtiis. Tinatanong mo ako kung ano gagawin ko kung ako nasa sitwasyon mo? Tama ka, matagal na akong umalis. Meron o wala akong trabaho, aalis ako. Yun ang choice ko e. Kaya lang, magkaiba tayo. Ikaw pinili mong magtiis.
Kung ano nag-trigger sa akin bakit ko siya natext ng mga ganito? Nakita ko kasi yung mga notebooks ng mga bata. May mga quiz yung panganay na mababa ang nakuha at merong zero talaga. Kung nasa bahay sana siya, matuturuan niya mga bata. Sa ngayon, ako ang tumatayong nanay nila. Magmula pagpa-enroll, mga miting sa school, pagkuha ng card, pagbili ng mga gamit sa schools at pagtuturo sa mga homeworks nila. May trabaho rin ako from 9-6 at pagod pag umuuwi ng bahay. Minsan di sinasadya napapagalitan ko na ang mga bata, dala na rin ng pagod siguro. Naaawa ako sa mga pamangkin ko. Sila ang nagsa-suffer sa ginagawa ng mga magulang nila. Di ko sinusumbat mga ginagawa ko sa kanila dahil mahal ko ang mga pamangkin ko, ang sa akin lang naman, MAGPAKAINA siya.
PS: May bf na rin etong si #1. Pag nasa bahay, lagi hawak cp, text text text. Last sat uli, sabi ko dun sa bunso niya, magpaturo sa mama niya ng spellling. Di daw siya maturuan at hawak ang cp. Tapos kagabi nga, eto na, pagdating ko, sabi nung bata, marami daw siyang wrong. Bakit sabi ko, di ba tinuruan ka ni mama? Sagot niya, indi daw kasi may katext. GRRRR...
Hay... lumuwag ng konti ang dibdib ko kasi nakapag open ako dito. Napahaba tuloy. Your inputs will be deeply appreciated.
Thanks for reading.