watch now

Author Topic: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!  (Read 158387 times)

mariarose913

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #460 on: June 06, 2013, 09:42:18 am »
naka-1 month na si bf parang ang bilis ng araw kapag nakakausap ko siya pero pag wala talagang signal super nakakalungkot.  :'( nakakawalang gana minsan kumain, mamamayat ako nito. 11 months na lang bago pa kami magkita. naghahanap nga ako ng mabibilihan ng smartlink card na bulk ang order kasi gusto niyang magpabili para pag wala daw signal makakapagusap pa kami..
nakakalungkot pa ngayon kasi yung mga ginagawa ko lately, siya lagi yung kasama ko dati.  :-\

kaya natin to girls!  ;)

hugs sis ganyan din ako hay wala naman ako magawa kahit mag iiyak ako dito wala naman mababago buti ka pa nakakausap mo siya yung kay bf kasi may smartlink kaya lang wala naman nagbebenta ng card papaano ba makakabili nun dito?

celsky

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #461 on: June 06, 2013, 11:10:07 am »
makikisabat, mariarose91 sis bili ka sa SM customer service...me 300 na ganun, tapos text mu kay bf [textspeak!] digits, para [textspeak!] ang tatawag sayo.

mariarose913

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #462 on: June 06, 2013, 08:10:58 pm »
makikisabat, mariarose91 sis bili ka sa SM customer service...me 300 na ganun, tapos text mu kay bf [textspeak!] digits, para [textspeak!] ang tatawag sayo.


sis thanks sa info! as in sa smart center ako bibili? hehe kahit saan bansa pwede gamitin yun kahit na nasa tanker siya? thanks :) first time kasi namin gagamitin ito kaya wala talaga ako idea.

angeleigh

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #463 on: June 07, 2013, 07:05:22 pm »
1 month to gooooooooooooooooooooooooooooo!!!!!!!!!!!!!!!! uuwi na siya!!!!!!!!!!!!!
omg i cant wait!!!!!!!!!!!!!!!!!

sana this time kahit 2mos man lang na bakasyon! :(
ang hirap no, ang tagal natin nagaantay tapos ilang bwan lang nandito! :(

ivydeasis

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #464 on: June 20, 2013, 12:59:31 am »
Hi sissies,

I was so happy with this thread. I am a new GT and have seen this thread and it made me smile. Seeing your post makes me say "fighting!" :)

Im from Cavite. My boyfriend and I are now turning 5 years this July. Pangalawang sakay niya na ngayon. Mediterranean ang byahe nila. Napaka helpful ng FB, Skype and Roaming sim. Like you guys, there are really times na walang connect for almost a month.

There are times, pagtetext lang sa roaming niya ang connect namin, kahit hindi syia nakaka reply, okay lang.

Ganito na yata talaga magiging buhay natin pag naging asawa natin itong mga seafarer na to. :) Ang lalakas ng loob maglayag. Let's give them the encouragement palagi. Eto na yun, ganito na magiging set up natin pag nagka pamilya tayo. Seafarer's wives. :) Kaya, practice na natin to. :) God bless and ingatan ni Lord palagi ang ating mga mahal sa buhay as they see the world for free. :)

ms.j

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #465 on: July 31, 2013, 02:10:04 pm »
hi mga sis  :) mga 6weeks na lang hopefully maka uwi na ulit si b.f :) sana wag na siya ma extend, 2yrs na relationship namin and 2yrs na din siya nag barko, sandli lang time kami nagkasama and the rest LDR na kami,mas madami pa nga months na nasa barko siya kesa sa mag kasama kami, hay thats life ganito talaga situation natin eh  :-\ L.N.G ship siya kaya tag 6months lang contract niya.. pero matagal pa din yun 6months at nakaka inip mag bilang ng araw at buwan, pero ito mapalit na naman siya umuwi :) mahirap talaga ang LDR pero makakaya naman kung parehas niyo gusto na mag work ang relationship niyo, kaya natin to mga sis! lets pray na lang for their safety while they are onboard.  :)

lovely_carrot

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #466 on: July 31, 2013, 03:07:30 pm »
Wow ang galing naman, buti may nakaisip gumawa ng ganitong thread

Anyway, to start, i'm going to make kwento about us:

Dear Tita Charo,

BF and I have been together since 2008. We both worked in a resto sa Taguig. Sa office ako, waiter naman sya. From 2006-2008 mid year, i was in a relationship and BF was playing around pa. Hindi ko talaga sya pansin kasi nga may sarili akong mundo.

One time, naginuman kami ng mga beki kong friends from resto kasi my ex partner cheated on me. it was the eve of my birthday and sumama sya, up to now hindi ko pa naitanong kung bakit sya sumama hindi naman kami close. Nung uwian na, hinatid nya ko, at that time sa Tondo pa ko nakatira. So kahit medyo dyahe, okay lang sabi ko, sya naman nagoffer. kahit sakit sakitan ang puso ko, ang tanging song na nagpe play sa isip ko is "Passenger Seat" (yheeee, ang landi.. hahaha). as in hanggang sa tapat ng bahay. after nun hatid moment wala lang, deadma na ko. busy sa bagong buhay.

a month after, aba nagtext na sya. mga pautot at pahapyaw na ligaw.. eh pag ganito #alamna, may balak. so ako naman nakisakay lang, after all hiwalay na ko sa ka live in ko and syempre broken hearted gusto ko din lang lumandi este malibang pala ulit..

late 2008, naging kami. hush hush rel. kasi same workplace kami bawal. nabuko lang ng mga beki friends namin kasi andaldal ng anak ko.. by mid 2009 nagpaampon na sya sa akin, nagsama na kami.. for almost 4 years ganun yung routine, at work- colleagues, at home- lovers naman.

mid 2012 naghiwalay kami, kasi hindi kami magkasundo sa bahay na kinuha namin, basta super petty lang na lumaki. siguro dahil na din sa stress sa work, tapos di pa kami usap sa bahay, resto is closing, natuluyan na magpart ways, he left the house and i moved to another job.

actually may plano na sya umalis para magbarko, para nga daw sa amin.. june 2012 my lola died, so we kinda reconnected again thru text, civil, ganun. on the day that he left we were texting pa nga e, grabe ang ngawa ko, hindi ko din maintindihan bakit ako iyak ng iyak. then pumasok si junakis sabi bakit ako naiyak, sabi ko napuwing. panira ng moment.

for 2 months, wala kami usap. kahit FB tinitiis ko na magcomment or maglike sa pics nya abroad, kunwari deadma pero may panghihinayang ako. one day in Sept 2012 he texted me and said "parang namimiss nya ko, iba daw sa barko, malungkot and he asked me kung pwede i text ko sya paminsan minsan.." sabi ko okay lang. so yun, masunurin naman ako, i started texting him na, every other day para di halata.

pagdating ng october, he asked me if mahal ko pa sya. sabi ko agad agad? rekta na daw, may babalikan pa ba daw sya. o may gulay, talaga yatang pinagaadya. so of course, umoo na ko, papakipot pa ba? laking bagay ng skype and FB kasi iba yung kausap mo lang sa phone vs nakikita mo sa harap mo.. ang saya parang bagong ligawan ulit hehe

he went home april 2013, sya na nagshoulder ng house improvements ko.. (haba lang ng hair) tapos kasama namin sya dito sa house. last June, bumalik ulit sya sa Costa, hindi ko sya naihatid, sabi ko hindi naman ako iiyak, eh baka sya daw ang umatungal hehe..

we just keep constant communication. i always see to it na may text sya from me everyday. malaking bagay na yun sa kanya.. he also has my full trust, never pa nya ko binigyan ng problema about other girls or bekis in our almost 5 years rel. kaya paguwi nya, todo asikaso talaga kasi he only has limited vacation.

next year we're planning to have a baby na, sabi ko kasal muna ;)
we'll see.. i'm just glad we were given another chance. promise, hindi ko na din talaga sya papatulan sa mga petty fights. its true, hindi dapat nagsasabay ang galit ng 2 tao. and to never ever give any of us a reason para mawala ang tiwala. mas mahirap pag magkalayo.

i'm a good girl naman, no worries sya sa akin. :)





heaven_charm

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #467 on: August 01, 2013, 11:27:41 am »
I'm so stressed. Ayaw na ako payagan ni bf sa sideline ko na evaluator for an airline company. I get free roundtrip ticket to travel in different places and evaluate the service. Dream ko pa naman na magtravel kung saan saan kahit on my own. We had a huge fight yesterday kasi di ko matanggap na ayaw niya ko payagan at makikipagbreak daw siya pag di ako sumunod sa gusto niya. Ayaw niya ako payagan kasi wala daw siya tiwala sa mga tao sa paligid ko. 5months na mula nun sumakay siya sa barko. dapat ba ko makinig sa kanya or should I fight for my dream na makatravel kung saan saan?  :(

babymom20

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #468 on: August 01, 2013, 12:49:14 pm »
^ ang sama naman nyan. If ako, I will explain to him yung mga gusto kong gawin sa buhay ko. Communicate. Wala syang valid and solid reason sa pagpapatigil sayo, unang-una hindi pa naman kayo mag-asawa. Career mo yan. Fulfillment mo rin sa sarili mo. Yung insecurities nya, dapat nya ayusin. Explain mo lang side mo. Nakakaloka naman yan na dahil lang hindi mo susundin ang gusto nya e makikipaghiwalay na sya? Baka naman kamo naghahanap ka na lang ng dahilan. hehe. Sorry ha. Turn-off lang sa mga ganyang panakot. Hindi lang masunod gusto nya e ganun na lang. Buti sana kung may ginawa ka talagang kasalanan para maghiwalay kayo. Ang babaw lang at ang mas masaklap lumalabas na wala syang tiwala sayo. Kung ako siguro yan, baka tinuluyan ko yang hiwalayan na yan. E nagtatrabaho lang naman ng matino tapos hihiwalayan, buti sana kung sa night club ang work pwedeng pahintuin nga, e ang ganda ng work tapos sasayangin lang dahil sa demand nya. Kasi kahit saan at ano pa ang work mo, hindi yan mawawalan ng lalaki, ng tukso. Kahit nga mga housewife e nakakaencounter pa ng mga ganyang tukso, tiwala lang kamo yan.  :-(

Nung bago pa lang kami ng hub ko, tamang duda rin yun sa mga nagtetext sakin sa office. So ako ang nagbigay agad ng ultimatum, kako if you can't trust me enough, then maghiwalay na tayo agad, kasi kawawa ka naman kung puro ka duda sa akin at pag nasa barko ka e wala kang peace of mind, kawawa ka naman. Habang maaga pa kako e makahanap ka na ng mapagkakatiwalaan mo. Hayun, tumigil na. I just really hate it pag parang laging pinagdududahan, ano naman akala nya pukp*k napangasawa nya?  ;D


heaven_charm

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #469 on: August 01, 2013, 02:09:26 pm »
Di ko naman daw need tong sideline na to kasi hobby lang siya. Meron pa naman daw ako isa pa sideline na work from home. Nagpromise nalang siya pagbalik niya sa March mag-out of town or country daw kami. kaso upset padin ako kasi sayang padin yun free tickets ko.

16 months na kami pero di nya talaga ako pinapayagan gumala gala lalo na pag alone ako. :(

msbhelz

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #470 on: August 02, 2013, 03:15:44 pm »
Hello mga Sis! I was browsing the net, landed in this forum and have such great interest to join in your thread because my boyfriend happens to be a seafarer also. Though i'm not done reading the whole forum. Anyways, this will be fun. For sure. Tara po magkwentuhan. :D

lymedz

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #471 on: August 22, 2013, 05:31:55 pm »
 ;D yey! new here. may bf is also a seafarer... Faith Trust And Pixie Dust.

heaven_charm

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #472 on: August 23, 2013, 10:47:27 pm »
The mobile you have dialed has been switched off. Please try again later.

Sa Etisalat sim ba off talaga yun cp pag ganyan or wala lang signal? Rare q lang kasi marinig yun ganyan recording nila. Madalas out of coverage talaga sinasabi.

topaque

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #473 on: August 28, 2013, 11:09:07 pm »
@marierose913 thanks sis. at least may email kayo, that helps a lot. kelangan talaga tatagan!  at tama ka, madaming dasal.

@topaque napa-google naman ako about smartlink. mukhang ok ah!  may nakagamit na ba dito?

okay naman siya sis. nakakagamit na siya ng smartlink paminsan minsan kaso hiram lang and medyo mahal nga yung bili niya sa card so medyo bawas muna  :( ;)

hugs sis ganyan din ako hay wala naman ako magawa kahit mag iiyak ako dito wala naman mababago buti ka pa nakakausap mo siya yung kay bf kasi may smartlink kaya lang wala naman nagbebenta ng card papaano ba makakabili nun dito?

hindi na ako nakabili ng smartlink na card, buti na lang may sumakay ulit na nagbebenta nung card.  ;D kaso medyo bawas lang talaga kasi magastos na masyado.  :(

---

8 months and ilang weeks na lang bago siya umuwi. so far, okay naman kami mas naging sweet pa nga ata ngayon. everytime na nasa port sila at may chance na magkatext kami or tawag siya, laging go kahit madaling araw na dito.  ;D


"Long distance relationships can work just as well as any other kind. Sometimes they're even better."  ;)

jiyafay

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #474 on: September 02, 2013, 08:22:39 pm »
hello po. newbie po ako. relate na relate po ako sa mga dilemma na nababasa ko. nakakatuwa na may ganitong site pala. :) godblessyou all!

sweetpea_1104

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #475 on: September 04, 2013, 12:58:30 pm »
Hello mga sissy, medyo matagal pala akong hindi nakapagpost sa thread nato.
not sure kung ang last post ko dito maghubby and wife na kami or magbf-gf pa but so happy to see this thread again.

anyhooo, my husband is a seafarer also. we've been together for 9 years before we decided to get married. 4 years na kaming married, 5 years na siyang seaman. mahirap na masaya mga sissy pero all worth it naman minsan mas maganda pa ang LDR kasi parang laging bago. sa mga sissy dito na kakasakay lang ni boyfie, trust and prayers lang. nakakapraning kapag walang signal si boyfie diba? pero yun nga prayers lang talaga. isipin niyo nalang para sa future niyo lahat ito, ganyan kasi ang isip ko before kaya i could say na im surviving. i could still remember yung unang alis ni boyfie dati ang hirap parang nakakaloka pero naka-get through naman at nasanay na din.

si hubby is on their way to mexico from china walang signal for 30 days.. cargo ship, OMG i forgot the name of the vessel haha! basta mga sissies advise ko lang keep yourselves busy din para
di masyado malungkot. :)

angeleigh

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #476 on: September 04, 2013, 01:04:33 pm »
Since monday nakacheckin kami sa Traders Hotel for their conference. (yay i cant remember the name of the conference basta may "Golden" ek ek :D)

Meron ba ditong kasama sa bf/hubby nila? :) Swimming tayo!!!!!!!!

angeleigh

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #477 on: September 04, 2013, 09:00:40 pm »
^sarap nga e. Hehe! Lalo lapit sa work ko.

may12

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #478 on: September 04, 2013, 09:08:59 pm »
Soon-to-be ako. So ngayon palang magbaback-read na ako dito.  ;D
Para at least I will know how to cope na malayo kami sa isa't isa.
I'm very dependent kasi sa kanya. Feeling ko major pagbabago ng buhay ko pag umalis na siya.

angeleigh

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #479 on: September 05, 2013, 09:19:54 am »
^Naku sis, hirap niyan kung magiging dependent ka sa kanya. You have to be very strong kapag gf/wife ka ng seaman.
Kasi most of the time wala talaga siya. Actually, you have to be strong for the both of you. Kasi alam mo kung emo tayong mga naiiwan dito, sila mas emo don kasi feeling nila "magisa" lang sila don.

Ang advise ko sayo, keep your ties to your family and friends, same with family of your bf. Yan ang panlaban ko sa lungkot kapag wala si bf. Pumupunta ako sa kanila and bond with his family. Kapag ganon kasi feeling ko ang lapit lapit lang namin. Magkakamukha kasi sila! :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close