Wow ang galing naman, buti may nakaisip gumawa ng ganitong thread
Anyway, to start, i'm going to make kwento about us:
Dear Tita Charo,
BF and I have been together since 2008. We both worked in a resto sa Taguig. Sa office ako, waiter naman sya. From 2006-2008 mid year, i was in a relationship and BF was playing around pa. Hindi ko talaga sya pansin kasi nga may sarili akong mundo.
One time, naginuman kami ng mga beki kong friends from resto kasi my ex partner cheated on me. it was the eve of my birthday and sumama sya, up to now hindi ko pa naitanong kung bakit sya sumama hindi naman kami close. Nung uwian na, hinatid nya ko, at that time sa Tondo pa ko nakatira. So kahit medyo dyahe, okay lang sabi ko, sya naman nagoffer. kahit sakit sakitan ang puso ko, ang tanging song na nagpe play sa isip ko is "Passenger Seat" (yheeee, ang landi.. hahaha). as in hanggang sa tapat ng bahay. after nun hatid moment wala lang, deadma na ko. busy sa bagong buhay.
a month after, aba nagtext na sya. mga pautot at pahapyaw na ligaw.. eh pag ganito #alamna, may balak. so ako naman nakisakay lang, after all hiwalay na ko sa ka live in ko and syempre broken hearted gusto ko din lang lumandi este malibang pala ulit..
late 2008, naging kami. hush hush rel. kasi same workplace kami bawal. nabuko lang ng mga beki friends namin kasi andaldal ng anak ko.. by mid 2009 nagpaampon na sya sa akin, nagsama na kami.. for almost 4 years ganun yung routine, at work- colleagues, at home- lovers naman.
mid 2012 naghiwalay kami, kasi hindi kami magkasundo sa bahay na kinuha namin, basta super petty lang na lumaki. siguro dahil na din sa stress sa work, tapos di pa kami usap sa bahay, resto is closing, natuluyan na magpart ways, he left the house and i moved to another job.
actually may plano na sya umalis para magbarko, para nga daw sa amin.. june 2012 my lola died, so we kinda reconnected again thru text, civil, ganun. on the day that he left we were texting pa nga e, grabe ang ngawa ko, hindi ko din maintindihan bakit ako iyak ng iyak. then pumasok si junakis sabi bakit ako naiyak, sabi ko napuwing. panira ng moment.
for 2 months, wala kami usap. kahit FB tinitiis ko na magcomment or maglike sa pics nya abroad, kunwari deadma pero may panghihinayang ako. one day in Sept 2012 he texted me and said "parang namimiss nya ko, iba daw sa barko, malungkot and he asked me kung pwede i text ko sya paminsan minsan.." sabi ko okay lang. so yun, masunurin naman ako, i started texting him na, every other day para di halata.
pagdating ng october, he asked me if mahal ko pa sya. sabi ko agad agad? rekta na daw, may babalikan pa ba daw sya. o may gulay, talaga yatang pinagaadya. so of course, umoo na ko, papakipot pa ba? laking bagay ng skype and FB kasi iba yung kausap mo lang sa phone vs nakikita mo sa harap mo.. ang saya parang bagong ligawan ulit hehe
he went home april 2013, sya na nagshoulder ng house improvements ko.. (haba lang ng hair) tapos kasama namin sya dito sa house. last June, bumalik ulit sya sa Costa, hindi ko sya naihatid, sabi ko hindi naman ako iiyak, eh baka sya daw ang umatungal hehe..
we just keep constant communication. i always see to it na may text sya from me everyday. malaking bagay na yun sa kanya.. he also has my full trust, never pa nya ko binigyan ng problema about other girls or bekis in our almost 5 years rel. kaya paguwi nya, todo asikaso talaga kasi he only has limited vacation.
next year we're planning to have a baby na, sabi ko kasal muna

we'll see.. i'm just glad we were given another chance. promise, hindi ko na din talaga sya papatulan sa mga petty fights. its true, hindi dapat nagsasabay ang galit ng 2 tao. and to never ever give any of us a reason para mawala ang tiwala. mas mahirap pag magkalayo.
i'm a good girl naman, no worries sya sa akin.
