watch now

Author Topic: Camotes Island, Cebu  (Read 27055 times)

rocky

  • Guest
Camotes Island, Cebu
« on: July 21, 2010, 06:13:54 pm »
mga sis, share naman kayo ng experience nyo sa camotes. sidetrip ko kasi to next month pag-uwi ko sa amin. prob ko kung saang resort kami mag-stay & contact person para sa tour ;)


amnesia

  • Guest
Re: Camotes Island, Cebu
« Reply #1 on: July 26, 2010, 02:09:46 pm »
Hi sis, i found this post this morning. Ganda din pala ng Camotes no? Taga Cebu ka ba?

I was browsing your blog kanina, nagbabalak ulit kami umuwi ng Chinese New Year. Di pa namin alam saan kami pupunta though.

http://www.byahilo.com/2010/03/25/the-camotes-island-experience/

rocky

  • Guest
Re: Camotes Island, Cebu
« Reply #2 on: July 26, 2010, 02:17:42 pm »
^hi sis karla, tagal mong nawala ah. ;D oo sis taga-cebu ako & nag-aaya sa camotes yong friend ko kaya research mode ako ngayon. :)

galing ako jan last month, di na kita na-inform saglit lang din kasi ako. :)

amnesia

  • Guest
Re: Camotes Island, Cebu
« Reply #3 on: July 26, 2010, 04:48:39 pm »
Sinabi mo pa sis. hehe Busy lang konti. Grabe! Ang dami ng bagong nadidiskubreng magagandang lugar sa Pilipinas!

Bisaya ka pala. Ako Waray. Taga Leyte naman ako.

Abangan ko blog mo about Camotes sis. Ikaw ha di ka nagsabi punta ka dito. Basta next time let me know. Mwah!

rocky

  • Guest
Re: Camotes Island, Cebu
« Reply #4 on: July 26, 2010, 05:20:50 pm »
^pareho pala tayong bisaya. ;D sure sis gawa ako ng blog tungkol sa camotes :) sana kasingganda din sya ng bantayan. excited ako kasi bukod sa beach may mga cave & falls pa. :)

rocky

  • Guest
Re: Camotes Island, Cebu
« Reply #5 on: September 02, 2010, 11:04:43 pm »
8:00am nasa danao port na kami para makasakay sa 8:30am na sked ng ferry papuntang camotes. madaming port sa camotes, dapat consuelo destination nyo para malapit lang sa resort. 180 fare sa economy then 200 aircon. 10 pesos terminal fee. buti na lang jomalia yong nasakyan namin kasi malaki yong ferry, eksaktong 8:30am umalis na yong ferry. 2 hours yong byahe, di ko namalayan oras kasi tulog ako. pagdating sa consuelo port napa-wow ako kasi sobrang linis ng dagat. kahit don sa port pwede ng maligo. hehe! may mga sumalubong sa amin na nag-aalok ng transfer, dito ko nakilala si kuya elmer. 50 pesos per head singil nya hanggang sa resort, motor sasakyan nya. bale 15 minutes byahe, tig-isa kami ng motor ng friend ko total 50 pa rin naman singil. 12nn pa check-in pero kahit maaga pa pwede na kaming mag-check in. 1,400 yong standard aircon nila. ganda ng room kasi nasa taas & kitang-kita view ng dagat. halos puro koreano tao don, kami lang yata pinoy. parang kami tuloy yong turista. lunch muna kami sa resto, sinigang na baboy inorder namin & good for 2 na yon. si kuya elmer na rin kinuha namin na tour guide, 500 singil nya. pinuntahan namin bukilat cave, buho rock, timubo cave, lake danao & mangodlong. may mga naabutan kaming naliligo sa loob ng cave, malinaw yong tubig. 4.5 hours kaming naglibot sa camotes, grabe ang sakit sa pwet tapos sobrang init pa pero enjoy naman. sinamahan din kami ni kuya elmer kung saan pwedeng magpaluto ng inihaw na isda. meron palang mga cottage don sa baba ng resort. bumili kami ng isang malaking isda tapos pinaihaw namin, sinabay na rin namin sa dinner si kuya elmer. maya2x nagbrownout, buti na lang maaga kaming kumain & kahit isda ulam namin di naman matinik. pagdating sa resort may generator naman pero ilaw lang ang kaya, after an hour bumalik na uli ilaw.

kinabukasan maaga kaming nagbreakfast para ma-enjoy yong beach. kakatawa lang kasi lowtide, ang layo ng dagat. sa gilid pa lang ang daming maliliit na isda, sarap manghuli. 10am balik na kami sa room, 10am talaga check-out time pero nakiusap kami sa staff na kung pwede extend kami hanggang 12nn kasi 2pm pa sked ng jomalia. mas prefer namin yon kesa pumpboat. 12:30nn nagpahatid na kami kay kuya elmer sa port kasi madami kaming kasabay na uuwi baka maubusan kami ng ticket. pagdating sa port mahaba na rin pila & dami ng tao na naghihintay. grabe, sobrang puno ng ferry pabalik ng danao. yong mga koreano nakasalampak na talaga sa sahig para lang makaupo.

ito yong expense ko sa buong trip. :)

                                                              Group   Per Head
Ferry (Danao-Consuelo-Danao)                  400     400
Terminal Fee                                             10       10
Resort Transfer (Motor)                              100     100
Camotes Tour                                           500      250
Bukilat Cave (Entrance Fee)                       10        10
Buho Rock (Entrance Fee)                          5          5
Timubo Cave (Entrance Fee)                      10         10
Lake Danao (Entrance Fee)                        10         10
Food                                                        1,022     511
(Lunch, Snack, Dinner, Breakfast & Lunch)
Santiago Bay Resort (Aircon)                     1,400     700

TOTAL                                                                  2,006

angelice_08

  • Guest
Re: Camotes Island, Cebu
« Reply #6 on: September 04, 2010, 02:44:22 am »
^sis anong resort marecommend mo sa camotes? at san yung danao na pantalan?cebu city ba yun o mactan? thanks :)

rocky

  • Guest
Re: Camotes Island, Cebu
« Reply #7 on: September 04, 2010, 08:57:52 am »
^santiago bay resort kami nag-stay & highly recommended ko yon kesa mangodlong. mas maganda kasi location nya, maganda yong room & super ganda ng view. :)

from city sakay ka ng ceres bus sa north terminal o kaya sa whitegold terminal may danao din don na minibus/multicab. 1 hour byahe from city to danao. ;)

jaded1025

  • Guest
Re: Camotes Island, Cebu
« Reply #8 on: September 04, 2010, 09:50:10 am »
Sana mapuntahan ko to next year.:-D

angelice_08

  • Guest
Re: Camotes Island, Cebu
« Reply #9 on: September 04, 2010, 09:55:23 am »
^santiago bay resort kami nag-stay & highly recommended ko yon kesa mangodlong. mas maganda kasi location nya, maganda yong room & super ganda ng view. :)

from city sakay ka ng ceres bus sa north terminal o kaya sa whitegold terminal may danao din don na minibus/multicab. 1 hour byahe from city to danao. ;)

andito na pala info na kelangan ko nagtanong pa ko sa kabila :) thanks po! :)

angelice_08

  • Guest
Re: Camotes Island, Cebu
« Reply #10 on: September 04, 2010, 09:56:44 am »
^ay! yung deretso na lang pala from cebu city sis meron papuntang camotes?pano po?

rocky

  • Guest
Re: Camotes Island, Cebu
« Reply #11 on: September 04, 2010, 10:08:25 am »
^pag sa city kasi sis parang poro port yong destination. malayo yon sa resort. :-[ unlike kung consuelo, 15 minutes lang nasa resort ka na. :)

ito yong sked ng ferry ;)
http://travelcamotes.com/schedule.html

angelice_08

  • Guest
Re: Camotes Island, Cebu
« Reply #12 on: September 04, 2010, 10:15:10 am »
ay ganun ba :(
so better na sa danao na lang? :)

sige sis.. malaking decision to.. :) kasama kasi parents e :)

salamat sa tulong, napakalaking tulong! :)

zhean07

  • Guest
Re: Camotes Island, Cebu
« Reply #13 on: September 04, 2010, 10:35:06 am »
I've been here last april.. ang ganda ng beach..  :D wala nga lang cell cite ng globe and sun.. kya wlang storbo haha  ;D

rocky

  • Guest
Re: Camotes Island, Cebu
« Reply #14 on: September 04, 2010, 11:02:23 am »
^san kayo nag-stay sis? sa santiago bay kasi walang signal smart & sun pero globe meron kahit papano. inggit nga ako sa friend ko kasi sya lang nakakapagtext. hehe ;D

zhean07

  • Guest
Re: Camotes Island, Cebu
« Reply #15 on: September 04, 2010, 11:29:44 am »
dun din kami nagstay.. ang hina ng globe uhmmm... siguro paisa isa lang.. t-mobile kasi yung phone ko kaya hirap kumuha ng signal.. hehe sa rooms talagang wala.. dun sa resto niya yung paisa isa :)

Sweet Traveller

  • Guest
Re: Camotes Island, Cebu
« Reply #16 on: September 21, 2010, 12:18:49 pm »
went to camotes island last aug.. nice beach, nice environment, peaceful place.. :) stayed at santiago bay, ganda ng infinity pool.. :)

rox_cute

  • Guest
Re: Camotes Island, Cebu
« Reply #17 on: September 28, 2010, 02:28:40 pm »
sana makapunta rin ako dito..

cutiepie

  • Guest
Re: Camotes Island, Cebu
« Reply #18 on: September 28, 2010, 08:29:46 pm »
gusto ko din makapunta dito  ;D is it safe to travel here na solo? also, ok lang bang overnight stay lang?  ;D
« Last Edit: October 08, 2010, 10:41:04 am by cutiepie »

Nuriko_11

  • Guest
Re: Camotes Island, Cebu
« Reply #19 on: November 30, 2010, 10:06:25 pm »
pede kaya na tong way na ganito cebu-camotes-leyte or leyte-camotes-cebu.. balak ko kasi magovernyt saglit sa camotes then cebu/leyte..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close