8:00am nasa danao port na kami para makasakay sa 8:30am na sked ng ferry papuntang camotes. madaming port sa camotes, dapat consuelo destination nyo para malapit lang sa resort. 180 fare sa economy then 200 aircon. 10 pesos terminal fee. buti na lang jomalia yong nasakyan namin kasi malaki yong ferry, eksaktong 8:30am umalis na yong ferry. 2 hours yong byahe, di ko namalayan oras kasi tulog ako. pagdating sa consuelo port napa-wow ako kasi sobrang linis ng dagat. kahit don sa port pwede ng maligo. hehe! may mga sumalubong sa amin na nag-aalok ng transfer, dito ko nakilala si kuya elmer. 50 pesos per head singil nya hanggang sa resort, motor sasakyan nya. bale 15 minutes byahe, tig-isa kami ng motor ng friend ko total 50 pa rin naman singil. 12nn pa check-in pero kahit maaga pa pwede na kaming mag-check in. 1,400 yong standard aircon nila. ganda ng room kasi nasa taas & kitang-kita view ng dagat. halos puro koreano tao don, kami lang yata pinoy. parang kami tuloy yong turista. lunch muna kami sa resto, sinigang na baboy inorder namin & good for 2 na yon. si kuya elmer na rin kinuha namin na tour guide, 500 singil nya. pinuntahan namin bukilat cave, buho rock, timubo cave, lake danao & mangodlong. may mga naabutan kaming naliligo sa loob ng cave, malinaw yong tubig. 4.5 hours kaming naglibot sa camotes, grabe ang sakit sa pwet tapos sobrang init pa pero enjoy naman. sinamahan din kami ni kuya elmer kung saan pwedeng magpaluto ng inihaw na isda. meron palang mga cottage don sa baba ng resort. bumili kami ng isang malaking isda tapos pinaihaw namin, sinabay na rin namin sa dinner si kuya elmer. maya2x nagbrownout, buti na lang maaga kaming kumain & kahit isda ulam namin di naman matinik. pagdating sa resort may generator naman pero ilaw lang ang kaya, after an hour bumalik na uli ilaw.
kinabukasan maaga kaming nagbreakfast para ma-enjoy yong beach. kakatawa lang kasi lowtide, ang layo ng dagat. sa gilid pa lang ang daming maliliit na isda, sarap manghuli. 10am balik na kami sa room, 10am talaga check-out time pero nakiusap kami sa staff na kung pwede extend kami hanggang 12nn kasi 2pm pa sked ng jomalia. mas prefer namin yon kesa pumpboat. 12:30nn nagpahatid na kami kay kuya elmer sa port kasi madami kaming kasabay na uuwi baka maubusan kami ng ticket. pagdating sa port mahaba na rin pila & dami ng tao na naghihintay. grabe, sobrang puno ng ferry pabalik ng danao. yong mga koreano nakasalampak na talaga sa sahig para lang makaupo.
ito yong expense ko sa buong trip.

Group Per Head
Ferry (Danao-Consuelo-Danao) 400 400
Terminal Fee 10 10
Resort Transfer (Motor) 100 100
Camotes Tour 500 250
Bukilat Cave (Entrance Fee) 10 10
Buho Rock (Entrance Fee) 5 5
Timubo Cave (Entrance Fee) 10 10
Lake Danao (Entrance Fee) 10 10
Food 1,022 511
(Lunch, Snack, Dinner, Breakfast & Lunch)
Santiago Bay Resort (Aircon) 1,400 700
TOTAL 2,006