watch now

Author Topic: bakit kaya may mga taong ayaw sayo kahit wala ka naman ginagawang masama?  (Read 117038 times)

Yula

  • Guest
Re: bakit kaya may mga taong ayaw sayo kahit wala ka naman ginagawang masama?
« Reply #220 on: December 01, 2014, 05:09:18 pm »
Hi mga sis. Well ako nasa receiving end nito ngayon. Bago palang ako sa office medyo ramdam ko na sa 2nd to 3rd months. Hindi ako binabati ng majority. Ang mga hindi nakakita sakin na mga night shift people ang usually naggreet. Laki kasi ng circle of friends ng morning shift.Ang hirap pa eh puro babae halos ang employees kaya madaming ganito.

Feeling ko nagstart kasi ito sa una kong nakaclose na HR eh nagkataon open sya na type nya tong kateam ko. Aba enthusiastic makipagkaibigan sa kateam ko kasi only boy eh. Tapos lumipas mga weeks naffeel ko na ginagawa na nila akong dead kid. Tapos parang naffeel ko na pinagttsismisan na nila ako.

Fast forward. Nagkaroon ng alitan yung kateam ko at HR at di na sila ganon kaclose ngayon.Nalaman ko na tama lahat hinala ko. Kainis yung HR na yun napakalandi.Sinisiraan ako para ayawan ako ng mga tao at sa kateam ko rin. Best revenge nalang siguro eh galit na galit na sa kanya kateam ko eh patay na patay HR sa kanya na mataba na ehem...may asawa! kumekerengkeng ano ba yan.

Eto lapit na ako mag 1 year sa pinapasukan ko at wala parin akong friends. I don't know how I will survive with this kind of treatment. Gusto ko work ko pero environment ang problem. Wala pa ako nakakausap LITERAL kahit iba sa kanila. Nakakasalubong ganun pero wala ako nakakakwentuhan ever. As in they are showing na they are not interested makilala ako.Pero pagdating sa bagong employee na lalaki aba parang mga amazona.

Ano mapapayo niyo mga sis? :(

twix01

  • Guest
Re: bakit kaya may mga taong ayaw sayo kahit wala ka naman ginagawang masama?
« Reply #221 on: December 08, 2014, 08:33:58 pm »
the mere fact that you cant please everyone.. let them! as long as wala ka ginagawa masama sa kanila :)

red_yesha

  • Guest
Re: bakit kaya may mga taong ayaw sayo kahit wala ka naman ginagawang masama?
« Reply #222 on: December 15, 2014, 05:34:20 am »
Good side muna tayo
..Maybe
-because you are super kind, Magaling ka matalino and super ganda. Naiinsecure sila sayo.

Bad side:
-Baka kasi super landi mo, mas makati ka pa sa gabi na may higad. (kiskis mo yan sa pader baka mawala)
-Nakakairita ka

-Worst: Baka hindi nila gusto tabas ng mukha mo (hindi ako nanglalait ah, observation lang)

Pero kagaya ng sabe ng iba dito "You Don’t Have To Please Everyone".

When you aren’t worried about what everyone else thinks, it’s a lot easier to focus on the things that actually matter.

khaleesiCersei

  • Guest
Re: bakit kaya may mga taong ayaw sayo kahit wala ka naman ginagawang masama?
« Reply #223 on: December 19, 2014, 01:37:26 pm »
siguro dahil sa inggit/insecurities nila sa katawan.. they see you as a threat. or you are simply annoying hehe.. yun lang mga naiisip kong dahilan

purple.strawberry

  • Guest
Re: bakit kaya may mga taong ayaw sayo kahit wala ka naman ginagawang masama?
« Reply #224 on: December 22, 2014, 09:26:36 am »
Hi mga sis. Well ako nasa receiving end nito ngayon. Bago palang ako sa office medyo ramdam ko na sa 2nd to 3rd months. Hindi ako binabati ng majority. Ang mga hindi nakakita sakin na mga night shift people ang usually naggreet. Laki kasi ng circle of friends ng morning shift.Ang hirap pa eh puro babae halos ang employees kaya madaming ganito.

Feeling ko nagstart kasi ito sa una kong nakaclose na HR eh nagkataon open sya na type nya tong kateam ko. Aba enthusiastic makipagkaibigan sa kateam ko kasi only boy eh. Tapos lumipas mga weeks naffeel ko na ginagawa na nila akong dead kid. Tapos parang naffeel ko na pinagttsismisan na nila ako.

Fast forward. Nagkaroon ng alitan yung kateam ko at HR at di na sila ganon kaclose ngayon.Nalaman ko na tama lahat hinala ko. Kainis yung HR na yun napakalandi.Sinisiraan ako para ayawan ako ng mga tao at sa kateam ko rin. Best revenge nalang siguro eh galit na galit na sa kanya kateam ko eh patay na patay HR sa kanya na mataba na ehem...may asawa! kumekerengkeng ano ba yan.

Eto lapit na ako mag 1 year sa pinapasukan ko at wala parin akong friends. I don't know how I will survive with this kind of treatment. Gusto ko work ko pero environment ang problem. Wala pa ako nakakausap LITERAL kahit iba sa kanila. Nakakasalubong ganun pero wala ako nakakakwentuhan ever. As in they are showing na they are not interested makilala ako.Pero pagdating sa bagong employee na lalaki aba parang mga amazona.

Ano mapapayo niyo mga sis? :(

Sis hanap ka ng ibang circle of friends diyan sa office niyo kahit siguro yung di mo kaproject. Minsan talaga kelangan mo mag-effort to reach out and "magsaling-pusa" until you become part of a group. Wala naman masama dun. Sometimes friendship doesn't happen just like that e.

molybdenumstudios

  • Guest
Re: bakit kaya may mga taong ayaw sayo kahit wala ka naman ginagawang masama?
« Reply #225 on: December 22, 2014, 06:13:12 pm »
Well, these people are not worth our time. We should surround ourselves with great people.

crzysxycl

  • Guest
Re: bakit kaya may mga taong ayaw sayo kahit wala ka naman ginagawang masama?
« Reply #226 on: December 22, 2014, 06:39:24 pm »
INGGIT lang yan! Inggitin at inisin pa lalo, haha!

megansmomma

  • Guest
Re: bakit kaya may mga taong ayaw sayo kahit wala ka naman ginagawang masama?
« Reply #227 on: December 24, 2014, 12:51:01 am »
Hindi ko din alam :(

Mabait siguro talaga ako kase palage nalang akong 'Apple of the eye' sa mga bullies.

Nakakainis, sarap patulan pero iniisip ko palage --"their actions, does not define me. but theirs"

and that's always ;)

candygrenade

  • Guest
Re: bakit kaya may mga taong ayaw sayo kahit wala ka naman ginagawang masama?
« Reply #228 on: December 27, 2014, 08:14:38 pm »
Because nobody is obligated to appreciate you, in the same way that it is impossible for you to like each and every human being you meet in life. Do bear in mind though that “being liked” and “being respected” are mutually exclusive, and that you could still interact on civilized terms with somebody who isn’t really fond of you and vice versa. It is their karma, not yours. If they are already hitting you below the belt, that’s when you should draw the line and stand up for yourself. Circumstances happen only when we consent to them.

Cluelesschx

  • Guest
Re: bakit kaya may mga taong ayaw sayo kahit wala ka naman ginagawang masama?
« Reply #229 on: February 19, 2015, 09:18:11 am »
^clap clap clap i love your reply sis.  tama nga naman bakit ba natin ineexpect ang mga tao na i-like tayo...  Ipopost ko din to para lagi ko mabasa.. ;)

thess

  • Guest
Mga sis share ko lang naiinis na kasi ako di ko ugaling magkwento sa husband at kaibigan ko ng di maganda tungkol sa isang tao kaya dito ko na lang sasabihin. Transferee mga kids ko kaya akong masyadong kilalang parents sa school nila. Tapos merong isa dun na nakita ko kilala ko n sya before kasi classmate kids namin nung nursery gr 6 na kids ko now so yun machicka sya hanggang sinabi nya sa akin uy pasabay naman sa car mo, then yun everyday sumasabay n pauwi wala namang prob kasi pakikisama di ba eh 2 kids nya ako 3 sya sa harap so yung mga kids siksikan sa gitna high school n isang anak nya 15 years old so masikip, kaya panganay ko pati si bunso nauupo sa likod ng innova which is nag aalala ako kasi minsan naglalaro sa likod na baka bigla akong magbreak masaktan. Hindi ako komportablee pero di ko masabi. Tas dinDaan ko n din sila halos tapat n ng bahay nila which is mag uuturn pa ako pauwi sa amin kahit may mas komportableng daan sa akin so hassle di ba, ginawa ko nanaman yun out of pakikisama. Then madalas yung high school nya late lumalabas kasi may practice ng drama, meeting sa project stc. pinagaantay talaga ako di man lang mahiya na sabihin mauna na kami kasi malayo bahay namin at madalas traffic sa Mindanao Ave. eto pa pag Wednesday coding kami so commute sabay pa din nung una di ako nagpaaplibre ng pamasahe kanyakanya tas nahiya ata may time nagbabayas sya fare naming lahat pero may Wednesday din na ako nagbabayad so sa isip ko wow mon-fri libre sya. Ayaw ni hubby na sinasabay ko sya kasi obvious naman na nahihirapan ako sa kanila di ko sinunod si hubby kasi para may friend ako sa school na yun, kapalit naman natatanong ko sya about mga rules sa school. Eto n ko na amuse ng to the highest level one time naiwan ng anak ko baunan nya eh nung time na yun tagal umuwi ng anak nya ayaw ko na magantay sabi ko una na kami. Kinabukasan dahil nga naiwan baunan ng anak ko inuwi pala nya at hinugasan so thankful na sana ako kaso sinalubong ako ng reklamo na pagod na pagod sya kahapon sakit daw ng paa nya ang bigat ng dala nya na mga bag ng mga anak nya tas sabi "o baunan mo oy si Janine naghugas nyan ah" sabi ko na lang sa anak ko say thank you pero sa loob ko huh! kakaiba ugali kelangan talaga ipamukha pa ginawa nya kasi paulit ulit sya tas mega reklamo as if kasalanan ko n napagod sya nag commute. One time nga si hubby nanundo sa mga kids ko nahiya sumabay narinig ni hubby sinabi nya sa mga anak nya "o wala tayong car ngayun kasi ekek.." sabi nalang ni hubby wow sosyal!                    Then eto nung Oct bago mag sembreak nabangga ko car so pinakasa namin kaya commute kami ngayun ang lola mo thinking na sya lagi ang magbabayad ng pamasahe hindi sumasabay daming rason, ako naman taxi everyday para mag show off sa kanya. Tas kasi 2nd quarter exam sabi nya sa akin uy pag may kailangan naman akong tanungin tungkol sa lesson sumagot ka naman sa phone nyo [textspeak!] ka ikaw din pag ikaw may kailangan at di ka sumasagot sa phone ganun din ako sa yo." 1. busy ako kasi wala akong maid at pagod na kaya 8 palang tulog na ako 2. Magkaiba section ng anak namin at yung ibang subject iba ang teacher kaya iba din lesson 3. Di ko pinapakialaman lessons mga anak ko pagod n ako saka kaya naman nya mag isa nasa top sya, samantalang anak nya nasa last section at pagkinausap mo laging lutang. 4. Mas madami na syang utang sa pagsakay palang nya sa car ko, partido pag may baon akong foods para sa mga kids ko sa uwian binibigyan ko din kids nya.So yun kapal ng face kaya after sembreak pagpasok di ko na sinasabay sabi ko di na ako pwede magwait need na namin umuwi ng maaga kasi need pna magstudy ng mga kids.  Sinabi ko naman in a nice way kaya good pa din kami. Then nitong December sumabay ulit sinabay ko kasi mabait naman ako. Pero end of Feb nainis na naman ako kasi ganun pa din talaga ang ugali magaling lang pag may kailangan pinagmukha akong t**** sarado pala gate number 3 di sinabi sa akin inikot ko school sa 2 gate, sabi ko bat ganun feeling ko talaga inggit sya sa akin at gusto nya sya lagi lamang kahit di naman nya kaya. Now aba di ako pinapansin natatawa lang ako pabida sya sa mga prents dun binabara nga sya nung iba ako wala pa ring friend kasi iba ibang gate ako nanunundo saka iba ibang mukha nakikita ko saka siguro late na kami nagaral dun mga moms may circle of friend na mahirap n sila ipenetrate. Sabi ko nlang sa sarili ko syang yung time sana na pinagtyagaan ko sya humanap na lang ako ng ibang friends.

17glut

  • Guest
i honestly find these kinds of people as amusing  :P nung una nakakainis shempre lalo na pag nagpadala ka pero katagalan pinagtatawanan ko na lang lalo na pag walang basehan yung pinanggagalingan ng inis nila towards me. So ngayon para masakyan ko yung mga ganung situation, mas lalo ko sila iniinis, always makes my day.  ;D

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: bakit kaya may mga taong ayaw sayo kahit wala ka naman ginagawang masama?
« Reply #232 on: November 23, 2015, 05:16:18 pm »
Must be the stars  :P yan lagi reason ko if may tao akong ayaw, as in ayaw kausap or makita with no apparent reason.

cosmochick

  • Guest
Re: bakit kaya may mga taong ayaw sayo kahit wala ka naman ginagawang masama?
« Reply #233 on: November 25, 2015, 02:33:20 pm »
Im not the type of person na madali mainis or judgmental so if I dont like you, its for a good reason. Like tsismosa ka or naninira ng kapwa or plastic.. those are the things that I really hate most. Wala ako paki kung malandi ka (wag lang sa asawa ko) or attention seeker or mayabang..if you mind your own business then we're good.

If someone is obviously ignoring me or whatever knowing I didnt do anything bad naman, oh well.. deadma ko rin sya.. I honestly cant be bothered. Im only friendly to people who are friendly to me... if you deadma me, I deadma you ,too... I don't live to please anyone and generally I really dont care as long as you dont meddle with my affairs then we are fine. :)

Based on experience, if majority is iniiwasan ka or not friendly sayo, it could be that there really IS something sa ugali mo na they dont like or you smell bad or may naninira sayo behind your back or you seem out of their league or theyre simply not interested in being friends with you baka theyre so comfortable na sa circle nila that they dont want to invite anyone in na.

In any case, just get on with our life.. ang friendship ..ika nga..di pinipilit yan.. dapat may spark din. :)
« Last Edit: November 29, 2015, 12:10:38 pm by cosmochick »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close