I just had my hair rebonded sa Victor Ortgega sa Boni.
The result was superb. Well, that's given, that's everybody's expectation. And cheaper than other salons.
However, I got turned off by some things.
1. For a salon which always has a lot of clients (based from feedback and my experience), dapat always sila prepared. Naubusan sila ng towels. While they were washing my hair, huling towel na yun sa cabinet nila. I wondered kung anong towel ang gagamitin nila sa mga nakapila pa. Nagkakagulo sila kakahanap ng towel. And sabi nung tagahugas wala na daw talaga. Eh hindi lang naman once hinuhugasan ang buhok ng isang tao.
2. They were not friendly. Or siguro wala lang din ako sa mood makipag usap gawa ng nakita ko about the towels.
3. I got frustrated when I specifically asked for Myles to do my hair. He greeted me, he was a bit friendly, checked my hair then asked his junior stylist to do the work. As in sa pag apply ng gamot, banlaw, pag dry, pagplantsa, paglagay ng neutralizer, ng treatment, pagbanlaw at pagplantsa ulit, hindi ko na nakita ang anino ni myles. He only showed up nung tapos na lahat at gupit na lang ang kulang. Ginupitan nya ko pero konting bawas lang naman, konting ayos lang ng layer ko kasi layered naman na talaga hair ko. I was just frustrated whether ganun talaga sila o hindi, basta nafrustrate ako.
4. Habang ginugupitan ako, nagkakagulo pa sila kasi may dumating na mag anak na bumbay. Nagpa schedule daw sila ng haircut kay Myles and he seemed surprise kasi hindi daw nya alam. Wala daw sinabi sa kanya yung mga receptionists. Yung receptionist naman sabi sinabihan daw sya. Pero si Myles wala daw talaga alam. Eh 3 persons pa yung nakapila na gugupitan nya after me. So badtrip na yung mag anak.
5. Yung katabi kong client kapag tinatanong nya yung gumagawa sa hair nya, palaging hindi alam ang sagot. Minsan pa hindi sumasagot. Basta ang sabi nya sa client nya, kapag daw nirebond ang hair, namamatay kaya kailangan i-treatment. So asked ni client kung anong magandang treatment. Hindi makasagot si stylist. Then sinabi yung Kerastase na lang yun ang pinakamahal. Di ba dapat piliin pa din kung ano yung dapat sa buhok nung tao lalo na yun may color yung hair nya. Tapos tinanong ni client if macocover ba yung kulay ng hair nya kapag nagpa cellophane, ang sagot ba naman eh oo, matatakpan. Pero nung lumapit si Myles and was asked the same question, sinabi nya na hindi yun macocover ng cellophane kahit pa permanent. May nisuggest lang sya na kulay para medyo pumantay yung kulay ng hair ni ate. Basta madami pang sinabi si junior stylist na taliwas sa sinabi ng senior stylist.
6. Yung junior stylist na nagplantsa ng hair ko, may kaloveteam ata. Pinatulong nya sa pagplantsa sa hair ko kasi nalulungkot si kuya wala pa daw nagbibigay ng tip. As if naman bibigyan ko din yun noh! Nagkikirihan pa sila over my head. Tsk!
Kaya I said to myself, this better be good. This should be good. Malalaman ko after 3 days kapag binanlawan ko na kung same pa din yung hair ko.
Sorry mga sis, haba kwento ko.
