watch now

Author Topic: Acuatico Resort  (Read 55456 times)

megansmomma

  • Guest
Re: Acuatico Resort
« Reply #140 on: February 02, 2013, 02:43:43 pm »
we held our team building here last 2011 and we had a nice stay, sarap ng food super! ganda din ng service nila :) kaso di ko naenjoy yun snorkeling namen hehe

planning to celebrate din yun aniv namin this year sa acuatico :)

pandada

  • Guest
Re: Acuatico Resort
« Reply #141 on: February 02, 2013, 02:45:58 pm »
may day tour ba sa acuatico?


they offer day tours for acuatico but will only start JUne this year. here are the details (as per their sales and reservations officer, Ms. Manansala)...

Day tour: Php2,625 per person
8am-5pm
Sundays-Thursdays only starting June 15, 2013
 
Inclusions:
Lunch
PM snack
Use of cabana and resort facilities

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Acuatico Resort
« Reply #142 on: February 02, 2013, 07:33:48 pm »
gusto ko sana dito kaya lang ang mahal naman sobra.bawal pa magdala pagkain sa loob.yung room nila casa de playa ba yon?ang liit yata ng kama,tapos di man lang makakapag lagay ng kutchon sa sahig.sana magkaroon sila ng maliliit na kwarto na may kitchenette.ang mahal kasi talaga compared rin sa ibang maganda.mas mura pa yung nakita ko sa Hamilo.kakainis lang di kami natuloy kahit acuatico o hamilo man lang  :(

SnowBall

  • Guest
Re: Acuatico Resort
« Reply #143 on: February 05, 2013, 10:27:03 am »
Hindi ko pa pala nabibigay dito ang review ko sa Acuatico, nanggaling kami dun last April 2012, two nights kami, 24,600 ang binayaran namin sa accomodation
pa lang for two nights, sa terrazza B.


Likes:

- maganda talaga yung pool nila, ang anak ko nga napa "wow ganda" nung makita.
- very clean ang place as in
- sa sobrang ganda nung resort, madami hindi naman dun naka check in, pero doon nagpi picture taking haha.
- nice and comfy naman yung room, beds, linens
- madaling kausap naman ang mga staff, araw araw kami palit ng towels, tapos sa complimentary bottled water kahit ilan
nandiyan agad pag nagpakuha ako.
- may complimentary uraro cookies
- very nice serene place, lalo na yung infinity pool nila, at lalo na sa gabi
- hindi siya overcrowded, plenty of times, kami lang tao sa pool, samantalang summer yun



Dislikes:

- mahal ang food buffet, tapos hindi naman masasarap, may masarap din, pero halos lahat hindi. Tapos dahil dalawang gabi kami dun..
naabutan namin na yung ibang food nung first day, super init to the max lang, para magmukhang "new dish", like yung lechon, ginawa nilang paksiw..
at madaming init init lang na ulam. Hay, ayaw na ayaw pa naman ng husband ko yun, kasi ang mahal ng singil nila, tapos init init lang pala.
Samantalang sa ibang resort naman, may mga leftover init din, pero may bagong ulam, unlike sa acuatico, hay naku, puro init na.

- yung sa ala carte meals nila, walang rice meal, talagang pupwersahin kang mag buffet meal.

- napaka liit na CR, hay naku, hindi worth sa price ng binayaran namin yung CR, as in, malaki pa CR namin LOL, nagsabay nga kaming maligo ng anak ko,
nakadikit na yung likod ko dun sa wall ng CR, tapos ang sikip sikip, kulang sa facility. Talagang very disappointing sa akin ang CR nila kasi sa price na binayaran namin na 12,300/night
siiyempre nag expect naman ako na maganda ang CR, like mala hotel, ngek, para lang bayaran na CR isang cubicle sa mall hahaha.

- yung free wifi, hindi abot sa mismong loob ng room, doon ka lang dapat sa veranda, tapos putol putol pa.

- walang gaanong activity sa resort kaya boring sa gabi.

- mas masaya dun sa katabing beach, forgot the name, madami kasing activities.

- hindi ko type ang beachfront, madumi ang buhangin.



So bottomline, sapat na ang isang gabi, o day tour, nasayang lang ang pera namin for two nights, sana nalaan pa namin yun
sa iba pang magandang resort, para na try namin ang ibang service. Lesson learned.


mikaela325

  • Guest
Re: Acuatico Resort
« Reply #144 on: April 22, 2013, 01:04:56 pm »
Which has better sand kaya acuatico or kabayan beach?

Anyway naka booked kami this june 2. Overnight lang with my side of the family. Father ko, me and my siblings and our spouses & kids. Bale 12 adults 4 kids kami including my kids yayas.

Acuatico has a room for drivers/househelp with meals pero di we opted kasama sa rooms ours. Kasi i want them to feel they're part of the family. But it's nice for acuatico to offer that option.

Ang worry ko ang outfit. Pwede kayang magpatong ng white shirt over sa swimsuit? Conservative kasi sa damit yung dalawa. Hehe.

mikaela325

  • Guest
Re: Acuatico Resort
« Reply #145 on: April 22, 2013, 01:09:38 pm »
Btw, 2 estancia rooms kinuha namin. Good for 6 pax each 

bigdadis_girl

  • Guest
Re: Acuatico Resort
« Reply #146 on: April 29, 2013, 03:37:35 pm »
any feedback sa casa de laiya na rooms nila? eto daw kasi yung biggest room nila for 2.  magpapabook pa lang kame sana sulit naman ang pagpunta.  okay ba to bring your own car? o better commute na lang?

akireyhoj

  • Guest
Re: Acuatico Resort
« Reply #147 on: April 29, 2013, 03:42:42 pm »
may deal ngayon sa deal grocer wahh! i want sana

mikaela325

  • Guest
Re: Acuatico Resort
« Reply #148 on: April 29, 2013, 06:02:13 pm »
Mga sis worth it ba yung buffet lunch and dinner nila?

chizzyness

  • Guest
Re: Acuatico Resort
« Reply #149 on: April 29, 2013, 08:57:43 pm »
Dislikes:

- walang gaanong activity sa resort kaya boring sa gabi.

so true sis.. pag gabi talaga wala ng magawa..

i would recommend for an overnight stay lang talaga in acuatico..

dys_realbeauty

  • Guest
Re: Acuatico Resort
« Reply #150 on: May 03, 2013, 01:18:03 am »
Interested kaso medo discouraged ako sa ibang comments dito :( bawal pa aso dito huhu

ceejhei

  • Guest
Re: Acuatico Resort
« Reply #151 on: May 08, 2013, 11:07:47 am »
mga sis wala na yung deal sa deal grocer? gusto ko sana dito.. san pa kaya may promo?

euwie

  • Guest
Re: Acuatico Resort
« Reply #152 on: June 25, 2013, 11:00:19 pm »
Ang masasabi ko lang, ang mahal nila. Nasayang lang pera namin. Went here last may 2011. Ang nasabi ko lang, eto na yun? Ang pangit ng sand, maraming tao, maliit lang resort. Para bang dinayo ko lang to para gumamit ng pool. Nagboracay na lang sana kami. Pwede magdala food kasi hindi naman nila check ang bags nyo e.

mikaela325

  • Guest
Re: Acuatico Resort
« Reply #153 on: June 26, 2013, 12:58:01 am »
Yup pwede magdala snacks. I brought cookies, pistachios and lots of chips.

Nag buffet lunch and dinner kami then their complimentary bfast is also buffet. Okay lang ang food pero malangaw. May candles sila pero di enough. Sana nga naka enclose na lang yung dining at may a/c para di na problem yun.

We enjoyed our stay naman. The kids played in their play area, we enjoyed the pedal bike and kayak that are free of charge, nag banana boat din pala kami 300/head.

At night we had our massage at their spa near the lobby.

bigdadis_girl

  • Guest
Re: Acuatico Resort
« Reply #154 on: July 09, 2013, 10:34:09 am »
just had our over night stay here.  so far okay naman ang feedback ko.

likes:
maganda and malinis yung lugar
maganda din ang service asikaso mga guest
 -nakarating kame maaga kaso di pa ready room so hinatid kame sa lounge, okay kasi naglunch muna     kame since nagutom kame galing sa byahe.
 -masarap naman ang food nila, gustong gusto ko yung nagserve sila ng bulalo soup and buttered shrimp in garlic basta perfect yung lunch namin masarap yung nai serve that day.  dinner ok din sulit na sulit sa akin, naghapag ba naman ng chili crab e hehe mahilig kasi ako sa seafoods.  ang hindi ko lang nagustuhan nung dinner maraming recycled na ulam, like yung beef caldereta nung tanghali nung gabi naging mechado na? but in all fairness masarap tinikman lang namin.  the rest hindi na ako kumuha.  yung ala carte lugi, mapupwersa ka talaga mag buffet.
-maraming cabinet sa room kahit maliit
-crabtree and evelyn na toiletries love na love ko to!!!



dislikes
-maliit na room hindi sya bagay sa price napamahal pero nasisikipan ako
-ang daming langgam, akala ko sa dining area lang malanggam naku hanggang sa room
-walang life guard sa beach and pool, I mean may isa akong nakita pero isa lang? for the beach and pool? paano kung may na drift habang nagkaka kayak?!
-room service sa spa may extra pay pang 100, ni hindi ka makapili ng oil na gusto mo. sabi ko ayaw ko ng virgin coconut na oil parang tinatamad na yung therapist na kunin yung ibang oil tapos extra 100 din pag pumili ka oil. 
-lahat ng galaw may bayad
-malangaw sa dining area as in super:( kaya dapat kukuha ka ng food yung naka cover lang talaga.  yung danggit nung nag breakfast kame puno ng langaw hindi man lang nila tinakpan.

jenger109

  • Guest
Re: Acuatico Resort
« Reply #155 on: November 22, 2013, 04:38:44 am »
i just googled the resort kasi nakita ko sya sa top 10 resorts near manila.. then pagkabasa ko here, haiz nakaka dismaya naman.. :( im looking for a resort kasi na peaceful and hindi crowded..

SnowBall

  • Guest
Re: Acuatico Resort
« Reply #156 on: November 22, 2013, 08:31:58 am »
Kahit nega feedback ko sa Acuatico, sa Acuatico din pala bagsak namin for dec. 29-dec. 31, kasi talagang love siya ng anak ko, at ng kapatid ko, yung pool nila, at ambiance.

so ayun, nag pa booked na naman ako, sana lang mabasa nila ang nega feedback ko, para sana pagbalik namin, eh sana naman nagbago na sila.


chizzyness

  • Guest
Re: Acuatico Resort
« Reply #157 on: December 04, 2013, 03:00:38 pm »
hi. been here this january and okay naman ang resort.. but good for overnight lang naman siya since mahal kasi.. i mean wala ka naman kasi masyadong gagawin kong 3nights 2days kayo.. its not boracay na pwede kang makapunta kung saan saan kaya medyo boring na on the latter part ng stay.. hehe..

during our stay wala pang mga langgam na nababasa ko dito.. hehe.. pero medyo may langaw nga rin kasi open talaga yung restaurant nila eh..

SnowBall

  • Guest
Re: Acuatico Resort
« Reply #158 on: January 05, 2014, 12:19:32 pm »
pangalawang stay namin sa Acuatico last Dec. 29-31.

we paid 12,600+ a night for the terraza room, with two queen size beds, tapos nag request ako ng extra mattress sa floor, since yung anak kong bunso malikot matulog, sa floor kami natulog, natatakot kasi akong mahulog siya, pero hindi na kami siningil ng acuatico.


april 2012 yung last naming punta, a year passed pero eto pa din ang ayaw ko sa kanila:

1. No ala carte meals kung may buffet sila, so mapipilitan ka talagang magbayad ng buffet (535 pag lunch, pag dinner is 635), na hindi dapat ganun, dapat bigyan nila ng choice ang customers nila, lalo na kami, we don't eat much pag dinner.

2. Crappy pa din ang bathroom, ganun pa din, maliit, masikip, mas crappy pa yung napuntahan namin lately kesa sa dati, yung napunta sa aming bathroom, madumi, hindi na nila na me maintain. I really hate their bathroom, na ma fi feel mo talaga na na shortchanged ka sa bathroom nila for the price you pay for your stay.

3. Ngayon ko lang nakita to, hindi pala safe yung veranda nila sa 2nd floor for little kids, because they can fit sa space in between the rails, they can FALL!!! Kaya super bantay sarado ako sa bunso ko, he's 2, and super likot, na sana hindi ganun, gawin naman nilang safe for kids yung veranda, na paano kung madulas lang yung bata, pwedeng tumuloy tuloy sa ibaba que horror!!!

4. Badtrip pa din ako sa fact na nasa taas ang room, pero nasa baba ang CR, na hello? kaya sa madaling araw, natatakot akong umihing mag isa, kasi need mo pa lumabas ng room, bumaba ng stairs, matatakutin pa naman ako hahaha.

5. Crappy pa din ang WIFI, as in, mapapagod ka muna kakahanap ng signal LOL.

6. Late na kami naka check in, past 1pm na, super tagal, 11 am pa naman kami dumating.

7. Binuksan na nila sa day tour ang acuatico, kaya madaming tao na talaga, unlike dati, na you pay for exclusivity. Wala naman akong problem sa day tourists, ang sa akin lang, kung ganun na ang setup, magbaba sila ng price for staying, kasi wala na ang dating exclusivity that they can offer, tapos same price.

8. Hindi na nila na maintain ang ganda ng resort, probably kasi sabi nga ni manong guard, nabiktima sila ng yolanda, so forgiven.

9. Panget pa din ang beachfront. Mabato, ang talas ng mga bato.


Gusto ko pa din:

-maganda talaga ang infinity pool nila, yun lang ang saving grace talaga, yung pool.



Kung babalik ba kami sa Acuatico? Hmm, mukhang hindi na. Siguro pag nagka balikbayan na lang kami na hindi pa nakakarating doon, pero kung kami, tama na, not worth it anymore.

Hindi na siya yung acuatico na papangarapin mo talagang balik balikan.



SnowBall

  • Guest
Re: Acuatico Resort
« Reply #159 on: August 01, 2014, 02:49:15 pm »
^naku sis, siguro ibaba muna nila ang price nila like mga 3,500/night, babalik kami, LOL ;D

Maganda naman siya eh, yun lang hindi bagay yung 12,600/night, masyadong OA.

we stayed in Bellevue in Bohol, super super ganda, nasa 9,000 lang ang per night, may bathtub pa, sosyal ang ambiance...

alam mo yun sis... hindi bagay yung presyo nila sa resort hehe.

at pramis, isusumpa mo yung CR nila sa liit at nasa ibaba LOL.




 

Latest Stories

Load More Stories
Close