pangalawang stay namin sa Acuatico last Dec. 29-31.
we paid 12,600+ a night for the terraza room, with two queen size beds, tapos nag request ako ng extra mattress sa floor, since yung anak kong bunso malikot matulog, sa floor kami natulog, natatakot kasi akong mahulog siya, pero hindi na kami siningil ng acuatico.
april 2012 yung last naming punta, a year passed pero eto pa din ang ayaw ko sa kanila:
1. No ala carte meals kung may buffet sila, so mapipilitan ka talagang magbayad ng buffet (535 pag lunch, pag dinner is 635), na hindi dapat ganun, dapat bigyan nila ng choice ang customers nila, lalo na kami, we don't eat much pag dinner.
2. Crappy pa din ang bathroom, ganun pa din, maliit, masikip, mas crappy pa yung napuntahan namin lately kesa sa dati, yung napunta sa aming bathroom, madumi, hindi na nila na me maintain. I really hate their bathroom, na ma fi feel mo talaga na na shortchanged ka sa bathroom nila for the price you pay for your stay.
3. Ngayon ko lang nakita to, hindi pala safe yung veranda nila sa 2nd floor for little kids, because they can fit sa space in between the rails, they can FALL!!! Kaya super bantay sarado ako sa bunso ko, he's 2, and super likot, na sana hindi ganun, gawin naman nilang safe for kids yung veranda, na paano kung madulas lang yung bata, pwedeng tumuloy tuloy sa ibaba que horror!!!
4. Badtrip pa din ako sa fact na nasa taas ang room, pero nasa baba ang CR, na hello? kaya sa madaling araw, natatakot akong umihing mag isa, kasi need mo pa lumabas ng room, bumaba ng stairs, matatakutin pa naman ako hahaha.
5. Crappy pa din ang WIFI, as in, mapapagod ka muna kakahanap ng signal LOL.
6. Late na kami naka check in, past 1pm na, super tagal, 11 am pa naman kami dumating.
7. Binuksan na nila sa day tour ang acuatico, kaya madaming tao na talaga, unlike dati, na you pay for exclusivity. Wala naman akong problem sa day tourists, ang sa akin lang, kung ganun na ang setup, magbaba sila ng price for staying, kasi wala na ang dating exclusivity that they can offer, tapos same price.
8. Hindi na nila na maintain ang ganda ng resort, probably kasi sabi nga ni manong guard, nabiktima sila ng yolanda, so forgiven.
9. Panget pa din ang beachfront. Mabato, ang talas ng mga bato.
Gusto ko pa din:
-maganda talaga ang infinity pool nila, yun lang ang saving grace talaga, yung pool.
Kung babalik ba kami sa Acuatico? Hmm, mukhang hindi na. Siguro pag nagka balikbayan na lang kami na hindi pa nakakarating doon, pero kung kami, tama na, not worth it anymore.
Hindi na siya yung acuatico na papangarapin mo talagang balik balikan.