Hello mga sis, just got back from our Beijing trip. We spend 3 whole days there and I would say bitin and kulang pa rin yung time. we just did a DIY itineray and ok naman. Yun nga lang, sobrang nakakapagod ang mga lakaran kaya hindi na namin kinaya puntahan yung iba.
Share ko lang mga experiences namin. we arrived at the airport mga 12midnight. I booked a hotel near the airport called Beijing Dream Cosy hotel yata. Sobrang hirap ng inabot namin kasi hindi alam ng mga drivers kung san yung hotel kahit may Chinese transalation na. Yung iba alam nila pero sinisingil kami ng 100-200 RMB, di kami pumayag kasi based dun sa sinabi ng airport personnel, malaki n ayung 50 rmb sa taxi fare. Sobrang hirap talaga ng communication sa kanila, buti there were few ground personnels who can speak a little english. He knows the place and talked to obne taxi driver and asked us if we're ok to pay 70 rmb. We agreed na lang kasi sobrang late na at pagod na rin kami. althou we requested for airport transfer sa agoda kaso mukang di available kasi sobrang late na talaga and walang sumasagot sa hotel kahit pinatawagan namin. Ayun nakita na rin namin yung hotel and we only got their economy room na ok naman pero sobrang laki, as in! Malinis and complete sa toiletries, ang laki ng banyo pero it didnt really mattered that time kasi mas gusto lang namin matulog. To cut it short, after we had the free basid breakfast, we were transferred to the airport for free and we took the aiport express train to go to Downtown beijing. We paid 25rmb and ang bilis ng byahe, super! We stayed at Fuxue Tang House Hotel and nagkaligaw ligaw kami sa paghanap kasi hindi talaga nila kami maintindihan, hehe.. pero after walking for almost 20minutes nakarating din kami, sobrang lapit lang nya sa line 5 subway and tahimik yung place.
We started our IT with the Tiananmen Square and Forbidden City Tour, grabe ang dami ng tao, as in parang may rally lang. Ang hirap tuloy maglakad kasi talagang dikit dikit yung taong naglalakad. Saglit lang kami sa Tiananmen square kasi sobrang init at wala man lang lilim. So we went straight to Forbidden City now called palace museum. We paid 60 rmb for the entrance and 5 for the map. we didn't rent tha audio visual guide anymore kasi mukang ang daming hassle pa sa pag return. Forbidden city is such a huge place, kakapagod maglakas pero di ako masyadong nag enjoy dahil parang pare-pareho lang yng itsura ng buildings. After Forbidden City nagpunta kami sa Beijing Zoo, hawak ko lang yung guide ko papunta dun kaso naligaw kami dahil nagkamali kami ng exit plus wala pa kaming makuhang maayos na sagot kasi hindi nila alam ang zoo grabe! nadisgrasya pa ako kasi natapilok ako sa isang branch ng KFC dun, nabali yata ang bukong-bukong ko, halos di ako makalakad. Buti naman naitapak ko pa ng maayos altho sumasakit so natuloy na rin kami sa Zoo and finally nahanap namin sya after maglakad ng napakalayo. Ang konti lang ng animals, yung panda lang naman gusto namin makita and i would say it's not worth visiting. after that ni-try namin hanapin yung underground market pero di namin sya nakita, merong mga bilihan dun pero walang mga souvenirs, i think shopping area talaga sya ng mga Chinese. Since super pagod na kami and injured, we called it a day and went back to the hotel.
2nd day is for our Great Wall Mutianyu tour, buti ok ang paa ko. We took the bus 916 in dongzhimen station and since may Yikatong card kami, almost 7rmb lang ang fare, cash payment i think will cost 16rmb, almost 2 hours yung travel time, pagbaba namin sa bus stop, may sumalubong sa min na babaeng driver, nag-oofer sya to bring us to Great wall. i think may shuttle bus pero halos lahat ng nandun nagpa-private car so we considered na rin yung ino-offer sa min, tig 30rmb lang kami and mas magaan loob namin sa kanya kesa sa ibang lalaking driver so we agreed. we also asked her to wait for us and paid her 150 rmb total na yun. Malayo din pala yung byahe so para samin reasonable na yung price. Pagdating dun we took the cable car, paid 125 for entance, cable car and toboggan. Kakaloka pala yung cable car nila kasi hindi sya humihinto, so ta-timingan lang yung pagsakay sa cable, naging problem ko yung pagbaba kasi kailangan bilisan yung pagtalon dahil tatamaan kami ng cable car na kasunod sa likod, wala sanang problem kaso injured nga ako kaya halos kinarga na ko ng chinese para lang makaalis sa cable car hehe.. pagdating sa great wall super ganda ng view pero nakakapagod. mga 2 hours lang kami nag hike kasi medyo mahina rin yung kasama ko at ang daling mapagod, ako ok pa kahit injured ang paa ko. we met a Pinay na nag solo travel pero nagwo-work sa China so sya yung nag picture sa min nung kasama ko. Malaking tulong sya kasi sya yung nakipag usap sa mga tindera dun at tumawad sa mga souvenirs. sa mga ref magnets, common na yung 5rmb ang last price kahit saan kami magtanong, iisa lang yung pumayag na bigyan kami ng 3pcs for 10rmb, sinabi kasi namin na marami kaming bibilhin. We also learned na yung pinay na yun paid 170 for the car rental sa great wall, so talagang nakamura pala kami. makikisabay sana sya sa min pabalik kaya lang inaantay sya nung driver nya so we suggested na wag na kasi baka patayin kami dun hehe.. we finished around 2pm and we decided to go back to downtown since pagod na talaga kasama ko. Then our next stop was the Olympic centre, sobrang dami pa rin ng tao. nag picture na lang kami with the background of Bird's nest and water cube, di na rin namin kayang maglakad at sayang din bayad.
3rd day, we went to Summer palace, paid 60rmb for the combination ticket pero nasayang lang kasi hindi namin nagamit yung iba. Sobrang laki rin kasi nito at mas nakakapagod kasi puro akyat. Sa mga pupunta dito, i would suggest yung entrance na lang bayaran nyo kasiparang di sulit. Also if i were to choose between summer palace and forbidden city, i would prefer summer palace kasi mas scenic at hindi nakakasawa, it was amazing how they built this place, tapos may lake pa na pwedeng mag cruise, di lang namin na try kasi as usual, nagrereklamo na sa pagod ang kasama ko at kulang na talaga kami sa oras. the last half of the day was spent shopping and looking for souvenirs. sa silk market na kami nakabili since kulang na sa time. Di na kami nakapunta sa Temple of Heaven and sa Ming Tombs. Minalas pa kasi past 3pm na kami nakabalik sa hotel kaya na chrage na kami ng half day rate nila since 2pm kailangan mag check out.
Sorry, masyado na mahaba to, hehe..napasarap ako ng kwento. But to sum it up, sobrang ganda ng mga places sa Beijing pero just make sure you're prepared sa mahahabang lakaran especially kung DIY kayo. Saka pangit lang yung dates na napili namin kasi nga sobrang crowded, lahat ata ng pics namin may extra, hehe. sa mga bibiling souvenirs, hanap na kayo sa Great wall pa lang. average price ng keychain and ref magnets is 5rmb pero sisimulan kayo sa mahal. Sa silk market, we were able to get the brass type keychains, set of 5, unang sabi sa min is 150 daw, natawaran namin ng 30, hehe..yung tshirts with beijing print, they started with 220, we got it at 25 rmb each. I think mahal pa yun pero yun na lang napiga namin, hehe.. Meron pang isang bilihan yung sa Qianmen walking street, puro shops talaga ang nandito at mga bargain goods sa gilid gilid. Sa mga magbo-book ng hotels, i would suggest to book one dun sa malapit lang sa subway para mabilis magbyahe. Basic lang ang Tang House Fuxue hotel at medyo maliit, pero mabait ang staff at malinis naman. we paid 516 for 2 nights na. English is rarely spoken talaga sa CHina, kailangan magaling ka mag charades, lol..kasi puro sign language lang ginawa ko pero i'm glad we survived. yung kasama ko tahimik lang kasi talagang di nya alam kung pano sya maiintindihan, ako nadaan lang sa tiyaga hehe.
ayun, tama na..baka mapagalitan na ko kasi super haba na. thanks sa mga nagbigay ng inputs before.
