watch now

Author Topic: Signs of labor  (Read 834067 times)

emjey03

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #820 on: July 09, 2016, 01:13:14 am »
aw buti nagpunta ka agad sa hospital sis and both you and baby were ok.

aescranda

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #821 on: July 15, 2016, 01:50:04 am »
Hello! Bago ako nanganak last July 8, 2016, nagbabasa na ako ng mga labor stories dito. Pang pagaan ng loob kasi sobrang kinakabahan ako. First time ko kasi saka bata pa ako, 20 years old pa lang ako. Sobrang napagaan netong site na to ang loob ko kaya prinomise ko sa sarili ko na magpopost ako dito after ko manganak. Matagal na [textspeak!] last post dito pero sana makatulong pa din ako sa ibang taong nagsesearch ngayon. :)

So ayun nga, ang expected due date ko talaga is July 22, 2016. Hindi ko talaga alam na sobrang mas mapapaaga pa.

July 2, 2016 - Check up ko kay doc. 1cm na daw ako nun. Takot ako ma-IE kasi sobrang sakit. Kaya hindi ko talaga narinig kung ilang cm na ako nun. Hubby ko lang nakarinig. Hindi ko alam na anytime pala pwede na ako manganak. Sabi ni doc, July 11 balik daw kami.

Dumaan pa ilang araw, normal day lang.

July 7, 2016- Namili kami ni Hubby ng gamit ko sa Divisoria. Mga duster, medyas, mga ibang needs ni baby. Mabilis na ako mapagod nun. Namili kami kasi sabi ko aayusin ko [textspeak!] mga dadalahin ko sa isang bag para pag sumakit na [textspeak!] tyan ko, isang bitbitan nlng ni hubby.

Nung gabi, inayos ko na gamit. Nag-make up pa ako nun. As in literal na make up, kasi nung nag ayos ako ng gamit, nakita ko [textspeak!] make up kit ko. Pero sumasakit na tyan ko nun, yung parang may mens. Pero nawawala din naman. Wala si hubby, pumasok ng trabaho. CSR kasi sya.

July 8, 2016
3AM -Nagising ako. Ang sakit na talaga, parang regla lang sya. Sabi kasi ng mom ko, pag sumakit [textspeak!] puson ko kasama yung sasapnan (yung sa may bandang pwet), yun na daw yun. Naglalabor na daw ako kapag ganun. Eh yung puson ko palang naman yung sumasakit sakin. So inisip ko, hindi pa talaga yun yun. Pero tinext ko na [textspeak!] hubby ko na masakit na nga. Pero nawawala din naman.

6AM- Dumating na si Hubby from work. Nararamdaman ko parang yun na nga yun. Pero iniisip ko, hindi pa! Hindi pa ito yun! So ang ginawa namin, nagpunta kami sa palengke. Naglakad kami ng malayo para daw hindi ako mahirapan manganak. Ay grabe talaga! Pag uwi namin, ang sakit na talaga. Pero nawawala sya, pero bumabalik din.

8AM- Tinawagan na ni hubby si doc. Ayun pinapapunta na kami sa clinic. Sabi ko nlng sa sarili ko, eto na nga yun. Sobra na ako kinakabahan. Sabi ni doc, wag daw kami pupunta ng clinic ng hindi ko na kaya maglakad. Dun nlng daw ako maglakad lakad para bumaba si baby.

12PM- Late na kami nakapunta kasi naligo pa ako at hinintay pa namin parents ni hubby. Pagdating namin 3cm na ako. Pinaglakad lakad na ako sa hallway. Kaya ko pa, nakakaya ko pa yung sakit. Kasi yung sakit parang may mens ka lang talaga. Tapos nawawala bumabalik din. Kayang kaya.

1PM- Nagutom ako shet! Di ako nakapaglunch. Breakfast lang nakain ko. Ayaw ako pakainin at painumin ng tubig wooo! Bumili ng food si hubby pero di ako makatakas ng subo kasi may nurse na nagbabantay. Pero nung nakita nila na nanunuyo na yung labi ko, pinayagan nila ako uminom ng tubig.

2PM- Mejo kalmado pa ako, nakakapanuod pa ng TV. Naglalaro ng cellphone.

3PM- Shet, eto yung nakahiga nlng ako na parang hndi ko na keri maglakad lakad pa para bumaba si baby. Pero nakakaya ko pa. Kung tutuusin kayang kaya, nasa isip lang yung sakit.

4PM- Nararamdaman kong sumasabay na ng sakit yung sasapnan ko. Yung sabay yung mens saka yung nararamdaman mong natatae ka ng matigas. Ina-IE ako ng midwife, 5cm na daw. Malapit na daw talaga ako manganak. Habang ina-IE ako ni midwife, tinry nya ako pairehin. Tapos nung tinry ko sabi nya, "uy marunong ka umire. kayang kaya mo yan mamaya." So ako naman mejo lumakas loob ko.

5PM- Umiiyak na ako sa sakit kasi nung una nawawala ng matagal yung sakit tapos bumabalik, pero ngayon sumasakit pero saglit nlng nawawala. Hinahampas ko na yung pader talaga. Ang nafefeel ko kasi para akong natatae na gusto ko ng ilabas. Ganun lang yung feeling. Gusto ko ng matapos yung pakiramdam na natatae ka ng matigas, ang sakit kaya nun.

6PM- Pinasok na ako sa delivery room, bawal may kasama. Gusto ko kasi sana kasama ko yung hubby ko. Prinepare na ako, nakabukaka, nilagyan ng hairnet. Sa tapat ko may crucifix, nakailang Our Father din ako dun. Prinepare na ako ng mga nurse, shinave na ako, hinugasan na pempem ko kasi may lumalabas na dugo. Ina-IE ulit ako, almost 8cm na daw ako. Everytime na sumasakit, pinapaire nila ako, parang practice. Bibilang si doc ng 1-20, kailangan i-hold ang ire. Bawal may boses, kailangan nakadikit ang baba sa leeg. Nakailang practice kami. Sabi ni doc, 6:30pm nakalabas na si baby.

6:30PM- Hindi pa din nakalabas si baby. Pagod na ako umire. Nababagalan ako sa bilang ni doc. Huhu. Alam ko may tinurok sya sakin, painless. Nararamdaman ko talaga parang natatae ako. Laging malapit na lumabas ulo ni baby kaso bumabalik sya kasi diko mahold yung ire ko ng 20seconds. Galit na nga si doc. Nakakaramdam ako ng antok, dahil yata dun sa tinurok sakin. KAilangan ko labanan para mailabas ko na si baby. Sige ire lang ng ire, nung pagod na ako, tinulak na ng mga nurse yung tyan ko kasi pnutok na ni doc yung panubigan ko, pag di ko nalabas agad si baby, delikado. Natatae na talaga ang pakiramdam ko. Para ka lang talagang tumatae ng matigas. Ang lakas ng aircon pero tumatagaktak pawis ko. Groggy na ako. As in para akong sabog, sabi ko pa nga daw sa nurse wag ako masyado punasan kasi yung kilay ko baka mabura hahaha. Nakakilay pa kasi ako.

7:04PM- Finally, nailabas ko si baby girl ko. Ang tagal ko din sa delivery room. Naramdaman ko yung paglabas ng ulo at buong katawan ng baby ko. Pero hindi sya masakit, mafefeel mo lang talaga. Yung may lumabas sayo pero walang pakiramdam. Napasigaw ako ng thank you Lord talaga nung pinatong si baby sa tyan ko. Narinig ko ang iyak ni baby, tapos ayun! Blackout na. Dko na alam nangyari. Pero naalimpungatan pa ako nung nilipat na ako sa room ko.

July 9, 2016
3AM- Nakita ko na si baby girl. Hindi pa masyadong malinaw kasi nahihilo pa ako at masakit yung pempem ko. Ang sarap sa feeling na nakita mo si baby at natapos na ang paghihirap namin. Sobrang worth it ang experience.

Sa mga malapit na manganak jan, ngayon lang yan. Ngayon lang kayo kakabahan kasi wala pa kayo sa mismong sitwasyon. Pero pag nandun na kayo mismo, kaya nyo e. Wala na kayong ibang iisipin kundi ang mailabas ng maayos ang baby nyo. Basta ang pakiramdam ng naglalabor is yung may dysmenorrhea ka kasabay na may taeng matigas. Yun lang, wag kayo mag-overthink. Nung nakapanganak ako, feeling ko ang strong strong ko. Dapat hindi tayo inuunderestimate ng mga lalaki, kasi kakaiba ang katawan natin. Napakagaling ng Diyos dahil sa katawan nating mga babae nya ipinagkatiwala ang panibagong buhay. Pag narinig nyo yung unang iyak ng baby nyo, sulit!! Pray lang kayo at tatagan ang loob. Saka ang laking tulong lang talaga makabasa ng mga experience ng iba. Maniwala kayo sakin, kayang kaya ihandle. 20 years old pa lang ako ah, at 4'11 lang ang height ko. Kung kinaya ko, kaya nyo din! Aja! :) Goodluck ladies! :*

loidyloids

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #822 on: July 15, 2016, 09:50:23 am »
^aescranda: congratulations sis! :) super worth it talaga yung pain, no? Ako naman 37 weeks pa lang tomorrow, at first time ia-IE. Excited na ko makita si baby. Thanks for sharing your labor story. :) Enjoy your time with your baby girl. God bless sis!  :)

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #823 on: July 15, 2016, 11:04:32 am »
^^wow. Congrats!!! Yung repair sis sobrang sakit ba?

moana

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #824 on: July 15, 2016, 11:16:44 am »
Congratulations, sis aescranda! :)

wow, i dunno pero napaluha ako sa kwento mo. hala, pano na pag ako na at makita ko na si baby. feeling ko hahagulgol ako pramis. ansarap makabasa ng labor stories ninyo. nakakawala ng kaba malaman mga successful deliveries ninyo. Alam ko mahirap pagdadaanan natin pero isipin na lang natin after few hours of pain, lifetime happiness na ang kapalit with our baby.

sa mga malapit dyam , good luck sissies and keep on praying for successful delivery.
Sa sept. 8 pa kami ni baby naka due.

Godbless :)

sarsingkit

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #825 on: July 16, 2016, 03:52:00 am »
I am just at 11 weeks but this thread has become super helpful. Hope I can be prepared.

kaylen

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #826 on: July 21, 2016, 08:00:21 am »
EDD MAY 13, 2016/1st baby. My check up last April 23, 2016 at 11am was supposed to be a regular check up with IE at 37-38 weeks. Na shock na  lang si OB na 4cm na ako and asked me if wala akong nararamdaman, sabi ko as in walang pain. paninigas ng tyan eh as in mild lang, and then she asked me if gusto ko na pa admit, eh sabi ko uwi muna ako kasi hindi pa ayos gamit ko pero yung kay baby ok na. So from UST umuwi muna ako to QC..hehe Nakabalik na ako sa hospital with husband around 4pm, binigyan na nila ako ng something para mag poop..hehe so mga 6 or 7pm doon palang sumakit at 6cm na ako noon, pero sabi ng resident doctor at intern super high daw ang pain threshold ko, yung iba daw nagwawala na at 1cm pa lang.hehe 10:26pm NSD lumabas na si baby girl. Masakit syempre, pero masarap na feeling to see my baby. I can say na maswerte ako dahil konting time lang yung masakit na feeling of labor. Pero hindi ako natakot the whole time, dahil mababait yung mga nag attend sa akin sa hospital. goodluck sa mga manganganak diyan.  :)

Chaarm828

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #827 on: July 21, 2016, 04:51:31 pm »
Sobrang nakakatuwa basahin ang mga labor stories niyo mga mommies and super duper helpful para samin na manganganak palang :)

emjeyeyey

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #828 on: July 26, 2016, 06:26:49 pm »
Hi mommies!!!! I am already reading this thread when I was pregnant pa po.

DOB:. July 1st 2016
Time:. 0250am
Weight:. 2523 grams

June 23 - Nag IE si dra. 1cm pa lang daw ako nag reseta sya ng buscopan 3 x a day for 5 days bumalik daw ako ng June 28 for IE.

June 26 - Naninigas 'yung tyan ko nag text ako kay dra. Pinapunta niya ko ng ER to check if ilang cm na ba papauwiin naman daw ako ng resident OB if hindi pa ko 3cm. Before lunch nagpunta kami ni mama to check then nag IE si dra. Sabi niya 1-2cm pa lang daw ako. Pinauwi muna ako ulit bumalik daw ako ng June 30 for another check up.

June 30 - Check up ko lang so wala pa kong kadala dalang gamit kasi expected delivery date ko eh July 12 pa. Which is 'di umabot. Nag IE si doc. Pag IE niya 3cm na ko pwede na raw ako i admit. Nag papaalam pa ko kay doc kung pwede pa ko umuwi pero di na sya pumayag baka maubusan daw kasi ng kwarto/kama mas mahirap.

5pm - 9pm okay pa yung pakiramdam ko parang wala lang nakakalakad pa ko.

10pm may pumunta na nurse may tinurok sya sa IV ko buscopan daw pampahilab. Okay pa ko wala pa kong gaanong nararamdaman.

11pm - another dose of buscopan medyo sumasakit na yung tyan ko pero tolerable pa.

12pm - last dose of buscopan
Pag balik ko ng kwarto nandun yung nurse sabi niya ayun na daw huling turok ng pampahilab sabi ko masakit na tyan tinawag niya OB for IE to check kung ilang cm na daw pag IE ni dra. 3cm pa din daw pero grabe na yung sakit nararamdaman ko para kong natatae na hindi ko maintindihan pabalik balik ako sa banyo. Sinasabi ko kay mama natatae ko pero wala namang lumalabas. Yung tipong paikot ikot na ko sa kama kasi nga masakit at hindi na rin ako nakatulog simula nun.

1am - still battling for the pain. As in I can't tolerate na. Dumating yung kakilala ni mama na midwife sabi niya IE daw niya ko pag check 5cm na daw ako tinawagan niya yung OB. Pag punta ni OB nadatnan niya pa ko papunta ng CR sabi niya wag na daw ako maglakad lakad kasi baka mapaanak ako pinabalik nya ko ng kama to check kung ilang CM na. Pag check niya, mababa na daw ulo ni baby wag na daw ako maglakad. Pinaayos niya na yung ER kasi sarado yung delivery room/operating room sa gabi. Maya maya may sumundo na sakin para dalin ako sa ER, pag humihilab sya grabe na talaga yung sakit nahihirapan na ko maglakad, kumilos... When I was wheeled to ER ang likot ko kasi nga masakit hindi ko alam kung saan ko ilalagay yung pwet ko, yung balakang ko...

Pag dating sa ER dun ko naramdaman pumutok na yung panubigan ko, alam kong panubigan ko yun kasi mainit sa pakiramdam tapos hindi ko sya mapigilan. Kada humihilab sya tinatawag ko si mama kasi sobrang sakit niya talaga gustong gusto kong tumae. Sigaw ako ng sigaw dun sa ER sabi ko natatae na ko eh wala pa yung dra. Ko. Sabi nila otw pa lang daw si dra. Tinatanong ko na yung nurse kung nasan na ba si doc kasi taeng tae na talaga ko. Sinasabihan na ko ng nurse na wag ako sumigaw kasi mapapagod daw ako.

Maya maya sabi ko doc. Natatae na ko di ko na talaga kaya kusa ng umiire yung tyan ko kada humihilab sya, sabi nung resident OB, malapit na daw doctor ko, pagsilip nila nandun na yung ulo ng baby ko. Pigilan ko daw umire kasi nga wala pa yung doctor. Sabi ko di ko na talaga kaya taeng tae na ko. Nung napapaire na talaga ko maya maya biglang sumulpot si doc. Natuwa ako nung nakita ko si dra. Habang umiire ko dapat daw walang tunog, sinubukan ko

0250am- maya maya lang nandyan na si baby ko yakap yakap ko na sya hindi ko ma explain yung feeling ko na sobrang saya. Tinurukan nila ko ng pampatulog kaso di naman umepekto saken kasi pinanuod ko si dra. Tahiin yung episiotomy ko. Nararamdaman ko yung karayom pero walang sakit. Medyo matagal din yun kasi sabi ni dea. Masyadong mahaba yung hiwa ko. After ko tahiin pinabalik na ko sa room kasama baby ko.

Sobrang sakit man nung labor pero worth it lahat ng sakit na mararamdaman mo. Hindi mo na maiisip yung sakit ang maiisip mo na lang ilabas sya kasi kelangan na at sabik na sabik ka ng yakapin yung anak mo.

Kudos to all the mommies outhere! ❤️❤️❤️

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #829 on: July 27, 2016, 11:50:18 am »
So parang natatae yung pakiramdam ng naglalabor? Akala ko kasi parang hinihiwa yung pakiramdam?

simang

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #830 on: July 27, 2016, 12:27:25 pm »
My labor and delivery story :)

DOB: May 21, 2016, NSD

May 14 (Saturday), I was 37 weeks, we went to my OB for our usual visit. Yun yung first time na supposed to be weekly visit na kami until I give birth. I was 1cm dilated then. Ininstruct na ko ni OB what to expect, anong feeling ng active labor vs Braxton Hicks, pano malalaman if magbreak na ang waterbag, what to do and when to go to the hospital.

That week I've been having consistent BH contractions throughout the day. Hindi masakit pero talagang matigas na yung tummy ko. Feeling ko talaga, manganganak na ko anytime. That time kakatapos lang namin maglipat ng bahay so hindi pa totally maayos yung house, ang dami pang gamit sa sala, ang gulo pa ng room. Buti na lang natapos kami mag-ayos at maglinis by Wednesday. that week. Come Thursday (May 19), buong araw akong walang nafeel na BH. That was the first time that week na wala akong any signs of labor, as in wala talaga. My friends told me na sila daw, yung 1cm dilated na, inabot pa ng 2 weeks, meron pa na 3cm inabot pa ng 1 week bago nanganak. So medyo naisip ko na baka matagal pa ko, and going 38 weeks pa lang naman so may 2.5 weeks pa kami ni baby. Friday (May 20), wala pa ding labor signs. Since we're scheduled for another OB visit ng Saturday, I told my husband mag-mall kami after kasi gusto kong maglakad lakad and gusto kong kumain ng steak. Lol. So that was the plan ng Saturday.

That Friday night, naghaharutan pa kami ni husband bago matulog. One thing lead to another and we had sexual contact. I was exactly 38 weeks that day. So after ng 'baby dance' namin we were about to sleep na, around 15 mins after biglang nafeel ko may nag-pop sa may pelvic area ko, and a little tingle of water. I was sure it wasn't the baby moving kasi iba yung feeling. As in parang water balloon na nag-pop. So I checked my undies and I was soaked! Kalma kalma pa ko, sabi ko, hindi ko sure kung naihi ba ko or water ko na yun. Sabi ko baka wala lang, kasi hindi naman sumasakit. Walang labor signs that OB mentioned. So nagpalit ako ng undies and shorts, and pag-upo ko sa bed, may gush of fluid na naman. Pagcheck ko, pati bed namin soaked na. So I told my husband na baka eto na nga yun. That was around 12mn.

I sat sa may side ng bed, I was waiting for anything painful... I got my phone para sa contraction counter app ko, in case magstart na. Nagsearch pa ko about water breaking, yung iba daw inaabot pa ng 24 hours bago mag-labor kahit pumutok na yung waterbag. So for 20 minutes, nakaupo lang ako, nag-aantay ng pain. Si husband nilabas na nya sa sala lahat ng gamit na kelangan dalhin. Around 12:20am, nagstart na tumigas. As for my tolerance, it was very mild, just like the usual BH na nafifeel ko. After 6 minutes, tumigas ulit... Then after 5 minutes, ganun na naman. Sabi ko kay husband eto na yata talaga, pero ayoko pa magpadala sa hospital kasi sabi ni OB if makafeel ng regular contractions i-monitor muna for 1 hour at least. So I monitored lang. Average interval was 4-5 minutes. Around 1:40am medyo sumasakit na, although very tolerable pa. Sabi ko kay husband, punta na kami sa hospital. Nagbihis ako and we went to the hospital. Sa sasakyan I was still monitoring my contractions and 2-3minutes apart na sya. Pero very tolerable pa din.

We were at the hospital by 2am. Dinala na ko sa admitting room and upon IE, I was 7cm already. That time, masakit na, pero kaya pa. Pero napapasigaw na ko ng konti sa pain. Then trinansfer na ko sa labor room. That time, super sakit na talaga, as in. Sumisigaw na ako at nahihilo na ko sa sakit. Napapa-ire na ko sa sakit. Upon IE, fully dilated na ako, in a span of 10 minutes lang yun from the admitting room. I was all ready to push na that time, pero sabi ng resident MD, wag muna. Wala pa si OB and yung anesthesiologist, haha. Medyo na-late ang anesthesiologist ko kasi di daw nya inexpect na ganun kabilis magpoprogress ang labor ko kaya hindi sya nagmadali. Lol.

So dahil fully dilated na ako and too late na to give epidural, I was given saddle block na lang for the actual delivery and sa episiotomy.

Pagkaturok saken, wala ng pain right away. Nahirapan ako mag-push kasi wala na akong nararamdaman. They had to instruct me when to push. First few tries, napuputol yung pag-ire ko hindi ko masustain. After around 10 more pushes, baby out at 3:32AM, 6 lbs 15 oz, 48 cm. Nung lumabas si baby, sobrang iyak ko, mas malakas pa iyak ko kay baby haha. Siguro yung relief na finally tapos na and safe kami parehas, and syempre the feeling of finally seeing the tiny human we made.

They called my husband and he was crying too pagpasok nya. Then nagpicture picture na yung mga resident while OB was doing the flower arrangement.

Baby was roomed in at around 1:30pm that day and we were discharged the next day.

:-)

MissEi

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #831 on: August 02, 2016, 05:39:10 pm »
nakaka inspire ang mga labor story nyo mga sister ;D ;D ;D binasa ko na ang buong thread kahit TTC pa lang kami ni hubby para pag dumating  na yung time ko i know what to expect ;D ;D (excited much lang) siguro pag time ko na ang labor iisipin ko na lang na mas masakit ang iwan ng taong minamahal. lol ;D ;D ;D

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #832 on: August 03, 2016, 01:12:50 pm »
(2012 pa to pero hope my birth story can help others. looking back kasi i never thought na may nanganganak na normal kahit kulang pa sa buwan.)

background: edd-dec16, gave birth oct 23 (32w3d)
labor story:
oct 20 - absent kami pareho ni hubby, nagcelebrate ng 2nd anniversary namin. natuwa siguro ako masyado at napagod na rin. balak pa sana namin magpamaternity shoot paguwi ko ng bicol sa nov 7 kaya buti na lang, nung araw na ito, naisipan namin magpapicture sa mall! omg

oct 21, 4am - medyo basa undies ko. di ko pinansin since dumadami na rin discharge ko. nagpee ako and tapos na, tumayo na ako, tumuloy pa rin agos. nahiga ulit ako pero may tumutulo pa rin. napansin ko may blood na so call ko na OB ko, punta na daw ako ER. mga 5AM ipinasok na ako sa labor room, for tocolysis (pipigilan muna ang panganganak) daw and complete bed rest without bathroom privileges. ininjectionan ako pampamature ng lungs ni baby tsaka magnesium(?) para di ako magkombulsyon since nagpreeclampsia na ako. walang phone, pakaway kaway lang sa bintana ang mga bisita ko so ang theme song ko nun ay: bilanggo.

oct 22, 10am - 1-2cm na daw ako, sabi ni OB it could still take a week bago magprogress. ilang buntis na rin ang pumasok at nakaalis ng labor room. to say the least, natrauma ako sa mga ungol nila at mga "ayoko na, hindi ko na kaya." awang awa ako dun sa mga nagmamakaawa na sa mga nurse to do something about the pain. buti sympathetic naman ang mga nurses. pero parang nahiya din ako kasi ako pakain kain, padala ng love notes sa loved ones tapos sila ganun na ang dinadanas.

oct 22, 4pm - 3cm na daw ako. nagsisimula na akong mabagot sa labor room. iyak ako ng iyak, di ko mapigilan.

oct 22, 10pm - tinawagan ang OB ko kasi concerned na yung nurses na panay iyak ako. i was begging her na i-CS na ako out of boredom dun sa labor room. eh sabi niya wala daw rason para iCS ako. haha nilabas ako ng labor room at pinakausap sa hubby, mom at sister ko. somehow gumaan naman loob ko pero sinedate na rin ako para makapagrest.

oct 23, 10am - 4cm na so sabi ng OB ko baka later that night or early the next morning daw ako manganak. pinakausap na ulit ako sa loved ones. nafeel ko na labor pains nitong time na ito pero tolerable pa naman. nacategorize ko pa siya as mild. hehe! kahit di ko na gustong kumain, pinakain ako para daw may time pa tunawin in preparation for anes.
eto na yung point na flashes of memory na lang ang naaalala ko, siguro sinedate ulit ako. from 10am-12:30pm (eh this time din, umalis na kapatid ko at yung nanay ko nagikot ikot sa SM kasi di na rin daw siya mapakali):
tinatanong ni OB ang nurse kung marami ako nakain/nainom, oo daw. so hindi ako naanes.
nag7cms na ako tapos sabi ko, may nakaharang na po sa ano ko
wag daw ako umire
ikakabit daw nila oxygen
ilipat na daw ako sa table
sabi ko wait lang po muna (ayaw kong nagagalaw ako pagnagcocontract)
pinaside view ako tapos may nagpepress in between vag and anus (ano kaya yun?)
tinataas na leg ko sa maliwanag na room (delivery room)
sineshave ako
ire daw ako
parang isang ire lang tapos feeling ko nagpoops din ako (kinonfirm naman ni OB, lels)
may telang nakaharang sakin so naisip ko, CS ba ako o normal?
parang kinukurot kurot yung ano ko (tinatahi?)
narinig ko OB ko sabi sa nurses, ayaw ko daw sana ng girl, gusto ko boy
nakita ko orasan sa DR, 12:30pm na

oct 23, 1pm - asa recovery room ako. nakadalawa akong pee. ineexpect kong painful kasi may sugat pero wala namang pain pagpee. may tinanggal din sa vag ko na parang gauze na siniksik sa loob. para san kaya yun. nakadiaper na din pala ako nun. hehe

oct 23, 3pm - pinasok na ako sa room namin. di na ako nahiga ulit. hahaha nagkwentuhan na kami ng mga pangyayari. gulat daw hubby ko nung pinatawag siya ng mga 12noon para sabihin na nanganak na nga daw ako. parang ang dami kong energy.

oct 24, 11am - nadischarge na ako.

kireinachean

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #833 on: August 03, 2016, 04:00:59 pm »
Sharing my birth story din back at 2013 at the same time pampalakas ulit ng loob currently 7 weeks pregnant. Gave birth to my lil boy on my birthday.

January 9 2013 - last day ko sa office at start na ng  maternity leave, around 9PM naggrocery kame ni husband para sa konting salo salo next day dahil birthday ko kinabukasan, nakauwi na kame mga 11PM.

Hirap na hirap nako matulog nito, walang posisyon na comfortable at ihi ako ng ihi, mga 1145PM, ng mag ccr ako e may lumabas na bago ako makapunta pa sa banyo tas chineck ko medyo kakaiba sya at hindi usual na ihi,  tinawagan ko na muna ang OB ko para sigurado kase nafalse alarm ako ng new year, after pinapunta na kame ng hospital.

January 10 2013 - around 12:15AM, chineck nako ng ibang OB while waiting sa OB ko at 3CM nako, hindi nako pinauwi at inilipat nako sa labor room, binigyan nako ng pampalabas ng dumi, at hindi ko mabilang na IE, meron din ako gas na iniinhale, di ko lang sure kung ano, kaya medyo groggy nako ng umiire

around 6AM, nagrerequest nako na iCS ako, pero ayaw ng OB pa hintay pa, sabe ko sige epidural nalang, God's will talaga na late dumating ang anesthesiologist at ng IE nako ulit nasa 6CM na, ayaw na ni OB na mag epidural ako, around 11 pinaset up na ni OB yung room, grabe natakot ako ng nakita ko na parang itatali pala ang paa mo, hindi ako nanonood kase at nagsearch tungkol sa panganganak kase greatest fear ko ito. Sobrang blessed ko sa OB at mga nurse ko na thankfully e halos Pinoy, nasa middle east kase ako, meron silang monitor to see kapag mataas ang contractions ko tska nila ako pinapaire at pinupush naman ng nurse ang tummy ko, almost 30-20 mins siguro bago ako nanganak.

12:33PM, I gave birth ba sa aming baby boy, 1 hour ahead lang ako at 11noon naman ako pinanganak.





 

moana

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #834 on: September 13, 2016, 05:15:39 pm »
Hello mga sis! It's time to share my labor story. I gave birth last Sept. 4. Ang due date ko is sept.8. I was 39 3/7 weeks when i finally gave birth to a baby boy. This is my 1st baby, I'm 34 y/o.

Sa Rizal Medical Center ako nanganak sa Pasig. My sister who is a head nurse sa OB ward told me na dun na lang manganak. So kahit public hospital sya, palagay ako kasi I know nandun sister ko pag nanganak ako.

Here's the story na:
Sept. 3 @ 1am - Nag start na yung contraction ko na every 10-15 minutes. Para syang dismenorrhea. Tolerable pa naman kaso madalas sumpungin. Mula nun hindi na ako nakatulog kasi wala na tigil talaga. Hindi ako binigyan ng chance kahit nap lang.

2pm- Nag continue hanggang tanghali kaya nag aya ako sa hubby ko pumunta hospital. Wala muna ako dala baby bag. Nagpa IE ako, 2cm lang. Maglakad lakad daw ako. So umuwi muna kami. Still, yung pain continue every 10 minutes pa din.

Hanggang sa dinner time mas nadagdagan yung pain. Nakapag dinner pa kami. Pero i can feel anytime na talaga. Nag wash-up ako and nag-poop (buti na lang haha). Then from brown discharge, nakakita na ako ng konting blood and white, sticky discharge. This is it!

10:30pm - Sabi ko kay hubby it's time. Nagbihis na kami at pumunta ulit hospital dala na ang baby bag.

11:00pm - Nag IE ulit yung doctor. 3-4cm na daw. Pero di pa ako dilated. Sabi nya sa akin, ayaw na daw nya ako pabalik balik kaya sya na nag dilate sa akin. Then pina-admit na ako.

Sept.4, 12mn - Pinasok na ako sa labor room. Mas lalo na masakit ang contraction, napapakapit na ako sa bakal ng bed saka sa nurse na nagmo-monitor ng contraction ko.

1:30am - 6cm na ako. Tuloy lang ang pray ko for my safe delivery. Chinichika ko yung nurse pantanggal stress at makalimutan ang pain kahit papaano.

2:00am - 8cm na ako. Ambilis, nakikisama si baby. Gusto ko na din makaraos. Nagpractice na kami ng pag-ire. Tuwing hihilab, iire ako ng 10 counts, dapat walang sounds ang pag-ire. I'm trying my best to save energy pa para sa main event haha!

2:30am - 10cm na sa wakas! Hindi na biro ang sakit, kusa na ako napapa-ire kada hilab. Sinasabi ko sa sarili ko, konti na lang matatapos na rin ito.

2:45am - Nilipat na ako sa Delivery Room. In fairness, ang linis ng paligid from labor room to delivery room. Hindi nakaka kaba manganak.

So yun na nga, kada hilab daw ire na ako. Gina guide ako ng doctor, midwife, nurse at isang intern. Sayang naka off duty ate ko, hindi ko na sya inabala pa. Kilala na naman ako ng mga kasamahan nya kaya panatag na din ako.
Sabi ko sa isip ko, ilalabas ko na ito agad para matapos na ang masakit na paghilab. Kailangan ng madaming lakas ng loob at energy.

Unang ire, masakit sya at lalo sumakit kasi ginupit na vajayjay ko. Tinurukan ako local anaestesia pala later on ko na nalaman sa ate ko. Ramdam na ramdam ko yung pag gupit, parang di pa nag effect kasi yung anaestesia eh, lalabas na si baby.
Pangalawang ire, lalabas n daw ang ulo kaya habaan ko daw. More than 10 seconds ire ko, full force. Di ko pwede pigilin kasi ayaw ko ma deform ulo ni baby. Finally, nakalabas na daw ulo.
Pangatlong ire, nilabas ko katawan ni baby.
Pang-apat na ire, i think placenta na yung lumabas.

3:02am - Finally tapos na! Hello baby Joaquin!

Pinatong sa dibdib ko si baby habang tinatahi ako. Naiyak ako, hagulgol ako sa tuwa! Lalo na narinig ko iyak nya.
I swear, yung tahi yata pinakamasakit na part haha! Ramdam ko karayom eh. Pero ok lang it's all worth every pain.

Pinaliguan nila si baby habang nililinis ako. Then pagpunta ko Recovery Room, katabi ko na si baby. Hindi na sya nahiwalay sa akin hanggang sa nilipat ako sa ward.

Pina-uwi din kami the next day, Sept.5 @ 12nn. At since naglabor ako ng Sat am, Monday pm na nasa 3 hrs lang yata sleep ko. Putol putol pa. Hindi ako maka sleep ng maayos.

I will never forget the experience. I feel so proud sa sarili ko na naipanganak ko si baby ng natural birth at hindi ako nakaranas ng epidural. Every single pain ramdam ko kaya feel na feel ko pagiging Nanay ko at chine-cherish ko lahat ng pain na iyon.

Mga sis, wag kayo matakot. Pray lang kayo palagi all throughout ng panganganak ninyo. Kung kaya alisin sa isip yung pain, isipin nyo na lang yung time na makakasama nyo din sya after ilang oras ng pain na iyon.

Goodluck sa mga malapit na mag labor. God bless! :)
« Last Edit: September 13, 2016, 05:26:34 pm by moana »

kittyph

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #835 on: October 11, 2016, 02:40:04 pm »
Warning: Long read

Seb's Birth Story

Due date: October 13, 2016
Baby came out 6 days early at 39 weeks and 1 day

Oct 5 (wed) -  Check up kay Endo for my GDM clearance na no need for insulin kasi kaya naman ng diet. Happy ako dito kasi ayoko talaga mag insulin. Monitoring pa lang my sugar everyday after meals hassle na nga. Anyway, really happy na hindi super strict si endo.

Oct 6 (thurs) - I'm exactly at 39 weeks. Check up with OB was cancelled kasi may emergency CS sya so hindi nya ako na IE, back nung 38 weeks na IE ko wala no cm, mataas pa si baby pero I started with my spotting na, then after 4 days came the mucuos plug na super small lang pero feeling ko yun yun kasi jelly like sya.

Oct 7 (fri) - 12am start na ng contractions, wave pa lang sya sa harap then sumunod na paikot. I was timing the intervals until at 6am 5 minutes apart na sya. Niyaya ko na si husband to go the hospital along with our bags and admitting orders.

Ang bilin ni OB pag may red bright bleeding or water yun lumabas diretso kay ER pero kung contractions na 5 minutes apart kay admitting section lang. TIP na super helpful: If you have decided on a hospital where you'll give birth mag fill up na kayo ng admitting forms days before your due date tapos itatabi na lang nila para pagdating nyo dun with contractions and all mas okay at mabilis ang admission.

Sa labor room, nag tracking sila for 30 minutes to monitor yung contractions and fetal heart rate so I have to stay still even during contractions medyo uncomfortable to. Ang kainis na part dito yung nurse na nag tracking ay bago pa lang so nung nakita ng senior yun chart nya pinaulit sya, so 30 minutes nanaman yun😑

After 2 trackings at 8am dumating yung resident OB and did an IE. 4cm na, 80% effaced. Tinanong kung gusto ko daw ba ng sedative thru IV para mawala yung pain and I said yes. Masakit ang insertion nito sa veins, mahapdi. Feeling ko eto yung mga iniinject sa mga nagwawala sa TV kasi hindi pa ko tapos magsabi ng "ang sakit, sakit, sakit..." feeling ko nagfafade na yung malay ko. Ending tulog.

I woke up at 11am  pagdating ni OB, IE ulit tinanong ko si nurse kung ilang cm na ko hindi daw nya alam ask ko na lang si OB, when I asked my OB all she said was we'll wait na lang for the Anes since we discussed in my birth plan to have NSD with epidural.

Pagdating ni Anes I was asked to do the fetal position and tried to inject na kaya lang hindi daw perfect yun form ko kaya hindi ma-inject ng tama. So sabi sa delivery room na lang ilalagay. Sa DR, Prep na... I was humming with the song na nakaplay and Anes asked me If I was feeling any pain or contractions kasi mukang chill lang daw ako. Sabi ko wala, kasi miraculously wala talaga to think that I have a very low tolerance sa pain. Sa pag IV pa lang naku masuka suka na ko dati pag pinapasok or maybe what happened was I was expecting extreme, body splitting pain kasi yun ang nababasa ko at sinasabi ng mga tao when asked how their labor was. But what I can prove was super effective kausapin si baby while in the womb because as early as I learned na they can hear you inside, I kept telling him na "wag mo pahirapan si mommy ha, labas ka na agad ha. Mababa tolerance ni mommy sa pain." And super ok saken na pinatulog ako as it helped me na makapag rest before the big push.

Anyway back to Anes' question sabi nya "7cm ka na iha" and she seems really amazed na wala ko na fifeel so she told me no need for epidural na daw. Eto naman si OB may secret secret pa ayaw sabihin na 7cm na ko baka daw bigla ako makaramdam ng pain "psychological achuchu daw". Then comes 9cm pinutok na si water bag yun masakit na!

At 12nn start na ng pushing. Eto na yung mahirap kasi hindi ako marunong. Ang ginagawa ko daw is push, push, push then bawi. Kaya ang scenario parang may crowd na nanonood ng basketball na nakashoot sana kaya lang dumaplis. They're all like "ayan na ayan na... ayyyy". 2 big male nurses na nakadagan sa tyan ko to help the baby descend. Ang hirap kasi push ng 1 to 10, hindi pa abot sa 10 kinakapos na ko ng hinga kaya napapabawi ako which led to baby's head na medyo nahaba which is normal daw for NSD babies dahil nga sa pushing. Dito ko na-appreciate na sana nag exercise ako to strengthen my cardio... Anyway, husband came in mga 30 minutes for moral support na hindi ko masyado feel hahaha at mukang kabado rin si mister. Sabi nya after naawa daw sya saken😑... Thankful ako kay OB kasi she really motivated me na normal delivery kahit umaayaw na ko sa hirap. Sabi nya "na-cut na kita (hindi ko naramdaman) hindi ka na pwede mag CS unless gusto mo dobleng tahi".

Come 1:45pm sa wakas baby out! Nilapag sya sa tyan ko then kinapa ko sya kung kumpleto hehe. Head, shoulder, tyan, legs, arms, pati all fingers kung tig-5 then super glimpse lang then nawalan na ko malay. Pag gising ko recovery room.

We stayed in the hospital for 3 days kasi need mag NICU ni baby dahil sa antibiotics since nakakain sya ng poop. Actually dapat 7 days pero pedia decided na its okay to have a home service nurse na lang na magshot sa kanya ng remaining days. Pwede na ko umuwi kinabukasan pero I opted na sabay kami umuwi. The NICU calls me every 3 hours to breastfeed, pero when I got home nalaman ko na wala pa pala ko masyado milk. It took me 4 days postpartum to see un actual leak ng milk ko and so far so good, more malunggay pa.

Sorry napahaba... Sabi sa inyo detailed eh😊😊😊

Sebastian C. Hamoy
7.4 lbs via NSD
Manila East Medical Center
October 7, 2016 | 1:45pm
« Last Edit: October 11, 2016, 06:36:27 pm by kittyph »

Ghean301995

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #836 on: January 04, 2017, 02:18:17 pm »
Hi sis im 39weeks pregnant next week 40 weeks na . Hindi ko alam if naglalabor naba ako or what. Ano bang posibleng maranasan ko.

paulineangelie

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #837 on: January 11, 2017, 08:35:12 pm »
37 weeks 5 days kami ni baby ngayon at parang nagllabor na ata ako. Ftm so di ako sobrang sure pero may regular cramps na parang natatae yung feeling or dinidysmenorrhea averaging 42 sec in duration and average frequency ay every 8 min. Tolerable pa naman yung pain so sabi ng OB ko observe observe daw muna. Whew pray for us ng baby namin po please. Thanks! :)

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #838 on: January 23, 2017, 03:35:33 am »
I gave birth last 12/20/2016 to a healthy baby boy weighing 8.2 lbs and 54 cm in length.
40 weeks na ako pero wala pa ako nun nararamdaman at palging admits tip pa rin ang cervix, kaya pina BPS at UTZ na ako ni OB kasi nababa daw ang amniotic fluid kapag medyo malapit ng ma overdue. Ayun ng low-normal na yung result.
Na induced ako, ayayayayay sobrang sakit pala nun! Haha 4 hours akong namimilipit every 5 minutes nasakit yung tyan ko. 16 hours na ako sa ospital eh 2 cm pa rin ako kahit naka oxytocin drip (4-5 hours akong naka oxy drip). Sabi ni Dra, mukhang nag poops na si baby kaya puputukin nya amniotic sac para makita kaso 2 cm pa lang ako nun. Ayun pinutok nga nya, meconium stained na. Ayun stat CS kinalabasan. Sarap ng pakiramdam nung nag decide na i-CS kasi hirap na hirap na ako dahil dun sa oxytocin drip!
After ko ma CS feeling ko ang lakas lakas ko pa rin. Kasi naalala ko nung na duty pa ako eh parang kinatay ang hitsura nung mga na CS parang hinang hina.
Tsaka ang laki at ang haba ng baby ko baka sobra rin ako mahirapan kung NSD lalo na at primigravida ako.

graceyrosh19

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #839 on: February 04, 2017, 07:03:52 pm »
Hi mga sissies. Just wanna share my labor experience. Mainit init pa kase I gave birth last january 28 lang, chinese new year :)

January 27,  around 6pm nagluto pako dinner pero nakakaramdam nako ng hilab pero dahil 1st pregnancy ko hindi ko alam na start na pala ng totoong contractions. Ying internal medyo umiiksi nadin pero indenial pa kase ako kaya hindi ko masyado pinapansin. After dinner mas sumakit kaya sabi ko kay hubby punta na kame ospital. Eto naman si hubby nakuha pa magjoke sa taranta yata, ako tuloy mangiyak ngiyak sa kakatawa. Habang tumatawa ako nakaramdam ako malakas na discharge so punta ko cr,  yun pala natanggal mucus plug ko so sugod na kame ospital. Pagka ie saken 7cm na pala ko! Then 10pm yun inadmit nako, interview, nst while waiting kay OB.

Pagdating ni ob around 11pm, 10cm nako at sobrang sakit na ng hilab to the point na maya maya nagtatanong ako kelan ako bibigyan epidural hehe.

Dumating si anaes pero back up lang, gusto sana ni ob and lahat ng tao sa labor room pati si anaes na huwag na mag epidural kase malapit na lumabas si baby. Ang tendency daw kase pag nag painless pako mamamanhid half body ko at baka hindi ko na iire pag di ko nafeel yung hilab. Baka daw ma cs pa e ang lapit lapit na. Sobrang support nila saken, 8 sila na nakahawak yata saken haha, tas si anaes nagfundal saken, super sakit din.

January 28 12:52am lumabas si baby boy ko :) sobrang thankful ako halos 2hours lang ako naglabor at super supportive ng mga tao sa labor room. Kung hindi sila ganun malamang na cs ako. Yung pain kase hindi ko na maexplain gusto ko nalang matapos na pero yun sobrang thankful ako na normal delivery si baby :)

Medyo madami lang stitches na ginawa at masakit pag nawala anaesthesia pero worth it naman pag nakikita ko ang little angel ko :)

Sa mga soon to be mommies, Good luck and God bless po. Hindi ko inakala na makakaya ko yung ganung klaseng pain. Basta pray lang and isipin nyo nalang na makikita nyo na si baby, makakatulong yun pampalakas ng loob :)

Thanks sissies!


 

Latest Stories

Load More Stories
Close