Hello! Bago ako nanganak last July 8, 2016, nagbabasa na ako ng mga labor stories dito. Pang pagaan ng loob kasi sobrang kinakabahan ako. First time ko kasi saka bata pa ako, 20 years old pa lang ako. Sobrang napagaan netong site na to ang loob ko kaya prinomise ko sa sarili ko na magpopost ako dito after ko manganak. Matagal na
[textspeak!] last post dito pero sana makatulong pa din ako sa ibang taong nagsesearch ngayon.

So ayun nga, ang expected due date ko talaga is July 22, 2016. Hindi ko talaga alam na sobrang mas mapapaaga pa.
July 2, 2016 - Check up ko kay doc. 1cm na daw ako nun. Takot ako ma-IE kasi sobrang sakit. Kaya hindi ko talaga narinig kung ilang cm na ako nun. Hubby ko lang nakarinig. Hindi ko alam na anytime pala pwede na ako manganak. Sabi ni doc, July 11 balik daw kami.
Dumaan pa ilang araw, normal day lang.
July 7, 2016- Namili kami ni Hubby ng gamit ko sa Divisoria. Mga duster, medyas, mga ibang needs ni baby. Mabilis na ako mapagod nun. Namili kami kasi sabi ko aayusin ko
[textspeak!] mga dadalahin ko sa isang bag para pag sumakit na
[textspeak!] tyan ko, isang bitbitan nlng ni hubby.
Nung gabi, inayos ko na gamit. Nag-make up pa ako nun. As in literal na make up, kasi nung nag ayos ako ng gamit, nakita ko
[textspeak!] make up kit ko. Pero sumasakit na tyan ko nun, yung parang may mens. Pero nawawala din naman. Wala si hubby, pumasok ng trabaho. CSR kasi sya.
July 8, 2016
3AM -Nagising ako. Ang sakit na talaga, parang regla lang sya. Sabi kasi ng mom ko, pag sumakit
[textspeak!] puson ko kasama yung sasapnan (yung sa may bandang pwet), yun na daw yun. Naglalabor na daw ako kapag ganun. Eh yung puson ko palang naman yung sumasakit sakin. So inisip ko, hindi pa talaga yun yun. Pero tinext ko na
[textspeak!] hubby ko na masakit na nga. Pero nawawala din naman.
6AM- Dumating na si Hubby from work. Nararamdaman ko parang yun na nga yun. Pero iniisip ko, hindi pa! Hindi pa ito yun! So ang ginawa namin, nagpunta kami sa palengke. Naglakad kami ng malayo para daw hindi ako mahirapan manganak. Ay grabe talaga! Pag uwi namin, ang sakit na talaga. Pero nawawala sya, pero bumabalik din.
8AM- Tinawagan na ni hubby si doc. Ayun pinapapunta na kami sa clinic. Sabi ko nlng sa sarili ko, eto na nga yun. Sobra na ako kinakabahan. Sabi ni doc, wag daw kami pupunta ng clinic ng hindi ko na kaya maglakad. Dun nlng daw ako maglakad lakad para bumaba si baby.
12PM- Late na kami nakapunta kasi naligo pa ako at hinintay pa namin parents ni hubby. Pagdating namin 3cm na ako. Pinaglakad lakad na ako sa hallway. Kaya ko pa, nakakaya ko pa yung sakit. Kasi yung sakit parang may mens ka lang talaga. Tapos nawawala bumabalik din. Kayang kaya.
1PM- Nagutom ako shet! Di ako nakapaglunch. Breakfast lang nakain ko. Ayaw ako pakainin at painumin ng tubig wooo! Bumili ng food si hubby pero di ako makatakas ng subo kasi may nurse na nagbabantay. Pero nung nakita nila na nanunuyo na yung labi ko, pinayagan nila ako uminom ng tubig.
2PM- Mejo kalmado pa ako, nakakapanuod pa ng TV. Naglalaro ng cellphone.
3PM- Shet, eto yung nakahiga nlng ako na parang hndi ko na keri maglakad lakad pa para bumaba si baby. Pero nakakaya ko pa. Kung tutuusin kayang kaya, nasa isip lang yung sakit.
4PM- Nararamdaman kong sumasabay na ng sakit yung sasapnan ko. Yung sabay yung mens saka yung nararamdaman mong natatae ka ng matigas. Ina-IE ako ng midwife, 5cm na daw. Malapit na daw talaga ako manganak. Habang ina-IE ako ni midwife, tinry nya ako pairehin. Tapos nung tinry ko sabi nya, "uy marunong ka umire. kayang kaya mo yan mamaya." So ako naman mejo lumakas loob ko.
5PM- Umiiyak na ako sa sakit kasi nung una nawawala ng matagal yung sakit tapos bumabalik, pero ngayon sumasakit pero saglit nlng nawawala. Hinahampas ko na yung pader talaga. Ang nafefeel ko kasi para akong natatae na gusto ko ng ilabas. Ganun lang yung feeling. Gusto ko ng matapos yung pakiramdam na natatae ka ng matigas, ang sakit kaya nun.
6PM- Pinasok na ako sa delivery room, bawal may kasama. Gusto ko kasi sana kasama ko yung hubby ko. Prinepare na ako, nakabukaka, nilagyan ng hairnet. Sa tapat ko may crucifix, nakailang Our Father din ako dun. Prinepare na ako ng mga nurse, shinave na ako, hinugasan na pempem ko kasi may lumalabas na dugo. Ina-IE ulit ako, almost 8cm na daw ako. Everytime na sumasakit, pinapaire nila ako, parang practice. Bibilang si doc ng 1-20, kailangan i-hold ang ire. Bawal may boses, kailangan nakadikit ang baba sa leeg. Nakailang practice kami. Sabi ni doc, 6:30pm nakalabas na si baby.
6:30PM- Hindi pa din nakalabas si baby. Pagod na ako umire. Nababagalan ako sa bilang ni doc. Huhu. Alam ko may tinurok sya sakin, painless. Nararamdaman ko talaga parang natatae ako. Laging malapit na lumabas ulo ni baby kaso bumabalik sya kasi diko mahold yung ire ko ng 20seconds. Galit na nga si doc. Nakakaramdam ako ng antok, dahil yata dun sa tinurok sakin. KAilangan ko labanan para mailabas ko na si baby. Sige ire lang ng ire, nung pagod na ako, tinulak na ng mga nurse yung tyan ko kasi pnutok na ni doc yung panubigan ko, pag di ko nalabas agad si baby, delikado. Natatae na talaga ang pakiramdam ko. Para ka lang talagang tumatae ng matigas. Ang lakas ng aircon pero tumatagaktak pawis ko. Groggy na ako. As in para akong sabog, sabi ko pa nga daw sa nurse wag ako masyado punasan kasi yung kilay ko baka mabura hahaha. Nakakilay pa kasi ako.
7:04PM- Finally, nailabas ko si baby girl ko. Ang tagal ko din sa delivery room. Naramdaman ko yung paglabas ng ulo at buong katawan ng baby ko. Pero hindi sya masakit, mafefeel mo lang talaga. Yung may lumabas sayo pero walang pakiramdam. Napasigaw ako ng thank you Lord talaga nung pinatong si baby sa tyan ko. Narinig ko ang iyak ni baby, tapos ayun! Blackout na. Dko na alam nangyari. Pero naalimpungatan pa ako nung nilipat na ako sa room ko.
July 9, 2016
3AM- Nakita ko na si baby girl. Hindi pa masyadong malinaw kasi nahihilo pa ako at masakit yung pempem ko. Ang sarap sa feeling na nakita mo si baby at natapos na ang paghihirap namin. Sobrang worth it ang experience.
Sa mga malapit na manganak jan, ngayon lang yan. Ngayon lang kayo kakabahan kasi wala pa kayo sa mismong sitwasyon. Pero pag nandun na kayo mismo, kaya nyo e. Wala na kayong ibang iisipin kundi ang mailabas ng maayos ang baby nyo. Basta ang pakiramdam ng naglalabor is yung may dysmenorrhea ka kasabay na may taeng matigas. Yun lang, wag kayo mag-overthink. Nung nakapanganak ako, feeling ko ang strong strong ko. Dapat hindi tayo inuunderestimate ng mga lalaki, kasi kakaiba ang katawan natin. Napakagaling ng Diyos dahil sa katawan nating mga babae nya ipinagkatiwala ang panibagong buhay. Pag narinig nyo yung unang iyak ng baby nyo, sulit!! Pray lang kayo at tatagan ang loob. Saka ang laking tulong lang talaga makabasa ng mga experience ng iba. Maniwala kayo sakin, kayang kaya ihandle. 20 years old pa lang ako ah, at 4'11 lang ang height ko. Kung kinaya ko, kaya nyo din! Aja!

Goodluck ladies! :*