sharing also my labor story:
40w2d, nagstart na lumabas ang mucus plug ko. yellowish pa nga lang and no blood.
40w4d check up, OB said 3-4cm na daw pero makapal pa yun cervix. no labor pains din and di ko mafeel yun contractions. ni-strip nya pero di nagtuloy ang spontaneous labor.
40w6d check up, still the same, did another strip, nagpakapagod na ko sa paglalakad pero di pa rin nagtuloy ang labor. OB scheduled me for induction on wk 41
41w (Feb 7) - admit na ko ng hapon. around 3-4pm, she put medicine sa down there to soften the cervix and to induce labor. still no pains and di pa rin tumuloy labor. pero i am in active labor na daw sabi ng nurses kasi consistent na yun contractions pero di ko pa rin naf-feel.
past 9pm sa IE, 4cm na daw and nagsoften lang si cervix so sabi ni OB, try again na lang kinabukasan and for the meantime pwede na daw ako kumain muna. before she left, she did another strip tapos si hubby pinabili ko na ng food. pagalis nila, dun na ko nagstart makaramdam ng pains. inobserve ko and syang tunay, labor pains na nga kasi andun yun urge na mag push ka kapag may contractions e. feeling ko nagbreak ang water bag ko kasi everytime may contraction parang nawiwiwi din ako. pinacheck ko pa sa nurse sabi hindi naman daw. so baka wiwi ko lang talaga yun na napupush out din tuwing may contractions hehe. dahil dun, di ko na kinain yun binili ni hubby na food kasi this is it na e

around 11pm di ko na matiis ang sakit so i asked for epidural na. 5cm na din ako nun. Mataas pa yun dose na nilagay ng anesthesiologist since matagal pa naman daw ako mafull dilate. kelangan daw kasi may konting pain pa rin pag fully dilated na para mafeel yun urge at mabilis lang ipush the baby out.
2:30am (Feb

- 8-9cm na daw ako, baby is at Station 0 na so pinapage na nila si OB at pedia. pinutok na din water bag ko pero pumutok na sya ng kusa daw sabi nun resident OB. di pa nya naiinsert yun pamputok parang ganun. nitransfer na rin ako sa birthing suite.
3:30am - fully dilated na, baby is at Station 1. sabi ni OB wait na lang na bumaba pa ng konti si baby.
3:30-6:30am - from time to time OB checks kung ano na pwesto ni baby. Still stuck at Station 1. 2x na din ako nanghingi ng epidural kasi bumabalik na yun pain at ang hirap pigilin ang urge to push. we tried trial push + IE ng sabay baka sakali makatulong sa pag descend ni baby pero pag sinasalat ni OB naka tagilid daw ang ulo. hindi shoot na shoot sa birth canal. max wait e 3hrs from full dilation so nun mga 6:30am na at di na talaga pumosisyon si baby, OB told me na CS na daw ako kasi di rin uubra kahit gamitan ng forceps. so from birthing suite, nilipat ako sa OR for CS procedure. wala na ko nagawa, iyak na lang haha!
7:23am Feb 8 - baby out. sakto sa first wedding anniversary naming mag asawa.

sayang lang talaga at di nakeri ang NSD pero i'm still thankful kasi healthy si baby paglabas. wala syang complications at di nakakain ng pupu kahit na 41w na sya.