watch now

Author Topic: Signs of labor  (Read 834283 times)

Vans

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #760 on: January 13, 2015, 09:03:08 pm »
Dito ako sa Canada nanganak.
Yun baby ko ipinanganak lagpas sya sa due date na Aug 25,2014(monday).

Meron akong appointment sa OB friday Aug29 1pm. During the appointment, tinanong ako kung kamusta na, may contractions na ba, etc. Sabi ko braxton hicks lang at nabanggit ko rin na lumabas na yun mucus plug. Tinanong nya kulay nun plug, sabi ko yellowish. Oks lang daw yun basta di daw red or green. Tapos tinignan nya heartbeat ng baby, ok naman.

Since lapit na ako mag 41 wks  sabi nya pag Monday wala pa, tawagan ko sya at set up nya na ako para induce.
Ito na, paglabas ko sa room nya, nag CR muna ako, nakita ko yun liner ko, may green discharge.
Bumalik ako para sabihin na may green discharge yun panty liner ko at tanungin kung dederecho na sa hospital.

Tinignan nya, sabi nya oo malapit ka na, pinaalis nya yun undies ko kasi check nya yun dilatation at effacement. Paghubad ko ng undies, ayun umagos lol.  haha medyo nalilito ako, sinabihan ko husband ko na punasan yun basang floor.

Pagbalik ng doc sa examination room nakita nya na may tubig paanan ko, sabi ko so this means we're going straight to the hospital? Sagot nya, yes tas medyo natawa pa. 
Buti malapit yun hospital, across the street lang.

Pag dating ko sa triage, kinapa nila, di pa effaced at dilated. Pero kelangan na ako manganak within 24 hrs kasi yun green discharge ay meconium. Andun ako ng mga 3 hrs, tinignan nila kung magproprogress naturally.

Hanggang pinasok ako sa kwarto ng mga 6pm or 7pm wala pa rin. Tinurukan na ako ng oxytocin para ma induce, may contractions kaso konti lang. Nagcomment nga yun doctor na di daw macoconsider na labor yun.

Sinabi sa akin bigyan nila ng 12 hrs, kung di magprogress kahit increase yun dose ng oxytocin, walang choice kundi CS.

@aug 30 8:00am
dinagdagan yun dosage ng oxytocin, sos ko kala ko mamamatay ako sa sakit, sabi ng nurse 6mins yun contraction ko tas di na namin makita yun heartbeat ng baby sa monitor, pero bumalik rin after few seconds. Pag balik ng doc, tinignan ako, sabi fully effaced kaso 2cm lang. Kelangan ng i-CS kasi hindi nag progress at na-stress na si baby.

@ aug 30 10am, ipinasok na ako sa delivery room. Sobrang nanginginig ako. Pinipigilan ko talaga kasi, natatakot ako baka di magawa ng anesthesiologist yun spinal block ng maayos.

@aug 30 10:38am, gave birth to a baby girl weighing 8lbs 6oz and  20in long.

Kaya di nag progress kasi pala yun ulo ni baby nakatagilid. Yun position di optimal for birth.

redhuman14

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #761 on: January 14, 2015, 11:36:30 am »
@ishopnowfeelguiltylater aliw naman yung kwento mo nakakabawas ng kaba, parang nagmukhang napakadali lang ng normal delivery mo, sana ganyan din ako pag full term na si baby. :)

preggygielian

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #762 on: February 21, 2015, 01:47:15 pm »
Yay! Finally makakashare ako ng labour story ko! :-)

Background:
pregnancy and baby lahat normal daw. Baby is measuring normal pero nasa smaller range. All my check ups (until week 39) eh normal. So normal ang fundal height and ultrasounds ko. BP lang ang medyo problem ko pero highest so far was 145/90 lang at pag inuulit naman nababa ako sa 130s.

So it started nung eksatong week 39 (Feb 15). Braxton hicks galore, every 2-3mins naninigas na tyan ko (painless) for 2 hours! Naadmit na ako sa hospital pero ang nakita lang eh baby's heartrate is okay at may 2 mild contractions ako nung gabi, mga 10pm yan. Tapos nung umaga, inulit...wala na talagang contractions at nakatulog din ako buong gabi ah! Hahaha...ayun so pinauwi na ako. Pag daw di pa ako nanganak ng Feb 28, 41w0d, iiinduce na nila ako.

Good thing na pinauwi ako kasi may check up aki sa private OB ko (sa public hospital kasi dito sa HK ako manganganak eh).

Last check up ko kay private OB nung Jan 31 (36w6d) and baby is measuring normal pero smaller range. Kaya laki ng gulat ko nung Feb 16 (39w1d) sasabihin sakin na kulang ang amniotic fluid ko (nasa 2 na, eh dapat 8-10 daw yun!) Saka baby is small for GA na. Kaya nung nalaman niya na feb 28 pa ako iiinduce sa hospital, sabi niya bigyan niya ako referral letter para sabihin na hindi na ako recommended na lumagpas pa ng mismong due date ko (Feb 22) dahil baby is not doing well inside.

Eto na, come Feb 18, may check up ako sa public hospital at nakita na maliit yung baby and wala nang amniotic fluid masyado (IUGR/SGA ang case sa hospital eh saka low AF (oligohydramnios). Inadmit na ako agad at pinapili kelan ko gusto magstart mainduce. Chinese New Year ah...so I am expecting na baka less pa lalo tao kaya nagdecide kami na start nalang sa umaga.

Hindi ako makatulog at wala din ako contractions the whole night. Monitor din sila ng monitor ng heartbeat ni baby, contractions ko saka BP ko.

Feb 19:

9:30am, dinala na ako sa labour ward. Tanong tanong questions, etc.

10am, chinek ang cervix ko (not dilated at all) tapos sinaksakan na ako ng swero para sa pampacontract sakin. Mayamaya pinutok na din waterbag ko. Sobrang bigat ng kamay ng OB na nagcheck ng cervix ko saka nagrupture ng water bag ko. Gusto ko siya sakalin every time nakikita ko siya! :-( huling kain ko, sheperd's pie at after ilang subo pinatigil dahil baka ma-CS daw ako. So nagstart na din fasting ko ng 10:15am.

Nagsstart ako magcontract konti konti...pero kaya ko pa magsmile at magsalita. Dinadaan ko na din sa deep breathing na naturo sa birthing class.

12nn, ako na ang babaeng ihi ng ihi hahaha! After tanggalin ang bed pan at inayos ako ulit...si baby naman bumaba ang heart rate. Kaya inistop na muna ang pang-induce sakin para makapahinga si baby. Chineck din cervix ko, no progress.

1pm, start nanaman sila ng dosage nung pang contract...deep bearthing lang katapat...pero okay pa. 3:30pm, chineck cervix ko no progress.

4pm, tinaasan nanaman at medyo nasakit na...kasabay ko asawa ko each and everytime na nagdeedeep breaths ako, unless pinapalabas siya pag ichecheck cervix ko or nung naglelabour din sa kabila (weird lang bat apektado pati asawa ko napapalabas kahit closed naman curtains din nung kabila!).

Mga 6pm, start na sumakit ng matindi yung contractions...kaya nagstart na ako mag entonox (laughing gas) kasi no-no sakin ang pethidine or epidural kasi ayaw kong gumamit ng magcross sa placenta ko. Ginagawa ko pag may contraction...gas ako sa una tapos yung next kakayanin ko deep breathing kasi nakakahilo yung gas eh.

7pm, bumaba asawa ko para magdinner sa canteen ng hospital. Ang 10-15mins na sabi niya...naging 30mins!!! Shax nag gas ako the whole time! Feeling ko masisira ko na ang ned ko kasi nakahawak ako sa railing at pinupush ko habang nakapress down yung gas mask saakin.i just made sure na 99% of the time naka sara mata ko para di sobrang nakakahilo.

7:30pm, chineck cervix ko at wala padin daw progress. Naririnig rinig ko na na option na talaga ang CS. I think sobrang high na ako hahaha at kinakausap ko na asawa ko at umo-oo nalang siya kasi i am not making sense anymore. I think automatic nalang na once makaramdam ako ng start ng contraction, angat si mask at pasak saakin at pag pababa na ang intensity ng contraction tatanggalin ko na. It takes about 20-30s kasi bago magtake effect eh. Kaya kelangan umpisahan na once di pa intense.

8:42pm, napatingin ako sa relo talaga kasi oh my gulay ang tindi talaga ng sakit! Feeling ko mamamatay na ako sa sobrang sakit talaga! Hahaha winiwish ko na sana umangat na bp ko para ma-CS na! Tapos sabi ko pwede na ba CS? sabi hindi daw kasi aantayin namin ang 10pm. Isip isip ko waaaaahhhh ayoko naaaaaa!!!!

Simula niyan...lahat inaaway ko na talaga! Pati asawa ko na kinocomfort lang ako...nasigawan ko na tanggalin ang pillow sa likod ko. Pati yung Anes na iniinterview ako habang nagcocontract ako mga 9pm yan at ipapapirma sakin ay Chinese document!!! Saka nakadikit siya sa bed ko habang nagcocontract ako eh nakakahilo na nga yuyugyog pa ang bed ko! "Step away from the bed!" Sabi ko hahahaha!!!

Bandang 9:30pm, medyo nagigising na malay ko ulit at nararamdaman ko na ang urge na magpush. Kala ko talaga joke lang yang urge na magpush na yan hahaha totoo pala!!!

So yung mga nurse kinocoach na ako na kelangan ko magpush pag may pain. Kelangan pag nagpush ako hindi lalabas sa bibig ang air at kelangan i-hold ko ng matagal at ipush! Kelangan din wag ako magpush kung qalang urge or pain kasi sasayangin ko lang energy ko. Meron din ako metal bars na hahawakan na para mag "sit up" ako habang nag-bi-big pushes.

Yung OB ang mask niya plastic so nakikita ko reflection ng vagina ko sa mukha niya hahaha!!! Kaya grabe kita ko na binulatlat na vajayjay ko at binababa na niya yung bandang perineum. Saglit lang ako nagpush pero yung mga umpisa kasi maikli ikli lang. Sabi nila kelangan ko magpush ng bongga kasi kelangan padin nila yon kahit sa assisted delivery (forcep or vacuum).

So nagpush ako ng bongga, naramdaman ko din ang episiotomy ah! Medyo mukha ako sinaniban nun. Napahiyaw ako at pati asawa ko nakita niya yun hehe. Totoo nga parang malaking malaking (slimy) poop ang labas ng baby hehe (out na siya ng 9:51pm)...nakita ko siya sa reflection sa mask ng OB yung itsura niya pagkalabas ng vagina ko at umiyak. Tapos nilagay siya sa towel sa harap ko tapos kinuha ng pedia at chineck, in 5 mins pinakita samin na nakatowek at nakasama ko siya for about 5mins nakapatong lang siya sakin.

Kinuha na siya ulit for a more detailed check. Tapos ako naman tinahi na, nagdeliver ng placenta at inayos ang hemorrhoids ko. Feeling ko binalik sa loob hahaha kasi may naramdaman ako may pinasok tapos napahiyaw ako eh! Ramdam ko din ang pagpull niya sa tahi haha waaah at kita ko din kasi ginagawa niya.

Ayun mga sis ang aking labour story. Sa ngayon ayaw ko talaga muna isipin ang pagbubuntis at lalo na ang paglelabour.

Thankful ako na hindi ako hinayaan maggive up para magCS na. Dahil ang baby ko talagang nattyaga kong ma-BF nababa pa ako sa special ward niya kasi may glucose problem siya.

Details of my labour and baby:
39w4d
Feb 19, 2015 9:51pm
Induced labour, in labour for 12hours.
Pain relief: deep breathing from 10am to 6pm then Entonox (laughing gas) from 6pm til delivery

Gender: Boy
Weight: 2.015kg or 4.442lbs
Length: 44cm

Saludo ako sa mga nagdeliver vaginally ng bugger babies!!! Hindi ko alam how you did it!!! Anak ko medyo cone head dahil sa pagpush ko.

Salamat sa pagbasa...alam ko super haba haha

lakwatsa

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #763 on: February 22, 2015, 03:21:46 pm »
sharing also my labor story:

40w2d, nagstart na lumabas ang mucus plug ko. yellowish pa nga lang and no blood.

40w4d check up, OB said 3-4cm na daw pero makapal pa yun cervix. no labor pains din and di ko mafeel yun contractions. ni-strip nya pero di nagtuloy ang spontaneous labor.

40w6d check up, still the same, did another strip, nagpakapagod na ko sa paglalakad pero di pa rin nagtuloy ang labor. OB scheduled me for induction on wk 41

41w (Feb 7) - admit na ko ng hapon. around 3-4pm, she put medicine sa down there to soften the cervix and to induce labor. still no pains and di pa rin tumuloy labor. pero i am in active labor na daw sabi ng nurses kasi consistent na yun contractions pero di ko pa rin naf-feel.

past 9pm sa IE, 4cm na daw and nagsoften lang si cervix so sabi ni OB, try again na lang kinabukasan and for the meantime pwede na daw ako kumain muna. before she left, she did another strip tapos si hubby pinabili ko na ng food. pagalis nila, dun na ko nagstart makaramdam ng pains. inobserve ko and syang tunay, labor pains na nga kasi andun yun urge na mag push ka kapag may contractions e. feeling ko nagbreak ang water bag ko kasi everytime may contraction parang nawiwiwi din ako. pinacheck ko pa sa nurse sabi hindi naman daw. so baka wiwi ko lang talaga yun na napupush out din tuwing may contractions hehe. dahil dun, di ko na kinain yun binili ni hubby na food kasi this is it na e :D

around 11pm di ko na matiis ang sakit so i asked for epidural na. 5cm na din ako nun. Mataas pa yun dose na nilagay ng anesthesiologist since matagal pa naman daw ako mafull dilate. kelangan daw kasi may konting pain pa rin pag fully dilated na para mafeel yun urge at mabilis lang ipush the baby out.

2:30am (Feb 8) - 8-9cm na daw ako, baby is at Station 0 na so pinapage na nila si OB at pedia. pinutok na din water bag ko pero pumutok na sya ng kusa daw sabi nun resident OB. di pa nya naiinsert yun pamputok parang ganun. nitransfer na rin ako sa birthing suite.

3:30am - fully dilated na, baby is at Station 1. sabi ni OB wait na lang na bumaba pa ng konti si baby.

3:30-6:30am - from time to time OB checks kung ano na pwesto ni baby. Still stuck at Station 1. 2x na din ako nanghingi ng epidural kasi bumabalik na yun pain at ang hirap pigilin ang urge to push. we tried trial push + IE ng sabay baka sakali makatulong sa pag descend ni baby pero pag sinasalat ni OB naka tagilid daw ang ulo. hindi shoot na shoot sa birth canal. max wait e 3hrs from full dilation so nun mga 6:30am na at di na talaga pumosisyon si baby, OB told me na CS na daw ako kasi di rin uubra kahit gamitan ng forceps. so from birthing suite, nilipat ako sa OR for CS procedure. wala na ko nagawa, iyak na lang haha!

7:23am Feb 8 - baby out. sakto sa first wedding anniversary naming mag asawa. :)

sayang lang talaga at di nakeri ang NSD pero i'm still thankful kasi healthy si baby paglabas. wala syang complications at di nakakain ng pupu kahit na 41w na sya.


ainge88

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #764 on: February 23, 2015, 09:17:12 am »
nakakatuwa yung labor story mo preggygielian! as in napatawa ako ng malakas dun sa step away from the bed. hahaha

OMG. note to self, wag ipagamit ang reflective mask kay OB. nakakatakot yun na kita mo lahat ah!! huhuhu at nafeel mo pa talaga ang episiotomy! huhuhu pero congrats sa successful labor and birth!  :D

@lakwatsa at least kahit CS healthy kayo ni baby. yun naman importante eh :) bakit daw hindi bumaba si baby?

husbywifey

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #765 on: February 24, 2015, 04:24:02 pm »
Mommies, I'm exactly 39weeks today and nakakatuwa basahin yung mga Labor Stories niyo. Natatawa ako na naiiyak na din at the same time. I'm super excited na, sa Saturday check-up ko ulit and hopefully manganak na din ako. Gusto ko kasi sana manganak this month na. Hehe. Super helpful ng thread na to, yung mga advices niyo pinag aaralan ko na talaga. Hehe.  :)

lakwatsa

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #766 on: February 25, 2015, 08:49:07 pm »
@ainge88, di ko rin alam sis. siguro nastuck na kasi sya sa ganung posisyon tapos di na makaturn pa kasi putok na rin water bag ko nun nag 8-9cm ako e. transverse daw sya sabi ni OB. instead shoot na shoot yun ulo sa lalabasan nya e naging pa-slant kaya ayun. sobrang sayang talaga kasi no complications e kahit si baby ok ang heartbeat so walang reason for emergency CS kaso via CS talaga gusto mag hello world ng baby ko hehe. saka blessing in disguise na rin kasi pinasabay ko na ipaalis yun isang cyst ko during CS procedure ;D

abbmg

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #767 on: February 25, 2015, 08:59:12 pm »
^sis di ba nakaoptimal position naman si baby before? bigla lang ba talaga siya tumagilid?

_AiaH_

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #768 on: February 26, 2015, 07:15:44 am »
ang hahaba ng labor stories nyo mga sis. sakin parang so-so hahaha.

it went like this:

feb 5 - masakit ulo ko, uminom ako biogesic. lol.

feb 6 AM - uminom ulit ako biogesic hindi nawawala sakit ulo ko.

feb 6 PM - nagpa BP ako sa asawa ko, 140/100. shock ang lola nyo, nagtext ako kay OB kasi masakit parin ulo ko pero very tolerable. parang sa astigmatism ko nga lang e. OB replied go to ER na. I did. :O pagdating dun 160/100 na ako. dinala sa labor room, for admission na ang lola nyo, after 30mins ng anti hypertensive meds 160/120 pa lola nyo lalo. nag magsulfate (oh God, soooobrang sakit nito. nanigas buong katawan ko. grabe ang administration ng gamot na to, ayaw na ayaw na ayaw ko na maulit. napaka-sakit. as in. sabi ni resident OB, the pain of administering ng meds na to is next to labor daw na pinaka-ayaw ng patients nila haha)

feb 6 11:22p - wheeled in na ako sa OR at dumating na si OB from her own emergency. Walang pahinga, dumiretso sakin and CS agad kami.

feb 6 11:30PM - baby out. rinig ko cry nya groggy pa ako pero naluluha naman lola nyo.

then nung nag rounds na si darling OB, nakwento nya na ganun pala yun. usually patients nya kapag nagtext daw na mataas BP, pinapa-admit nya kasi nagtutuloy daw into pre-eclampsia. kaya she kind of expected na ganun mangyayari sakin. i told her pa sa text na observe ko muna but she replied go to ER na. ayon.

Mabilis recover ng CS ko. mahirap na part lang yung nagwwear off anesthesia. suka ako ng suka and ang hilo ko wagas. magsalita lang ako hilong hilo na ako. 45 degree na bed masusuka ako agad sa hilo.

traxxex21

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #769 on: February 26, 2015, 07:27:42 am »
Isa to sa mga kinakatakot ko.. ang manganak. I am not yet pregnant (I'm 30 btw) and ang partner ko eh gusto na mag kaananak.
I asked ang mga friends ko kung ano ba ang pakiramdam.. may nagsabi na sobrang sakit daw na parang mamamatay na, yung iba naman ang sabi parang diarrhea lang.

Nakakaba kasi eh.. may panic attacks ako. pag stressed or feeling trapped nako eh hindi nako nakakahinga..

Thanks sa inyo na nag sshare, kahit papano, hindi naman pala ganung nakakatakot yung iba.


hi_landprincess

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #770 on: February 26, 2015, 11:25:44 am »
^ wag kang matakot sis. :) kakayanin mo yan kung sakali. Kinakabahan din akong manganak pero iniisip ko na lang na kung nakaya ng iba, kakayanin ko rin eto. Antagal ko kayang hinintay na ma-experience ang mabuntis kaya hindi ako pwedeng sumuko :)

preggygielian

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #771 on: February 26, 2015, 03:01:53 pm »
^^ yes sis wag ka matakot hehe i-experience mo lang and talk to your OB about options. Ako kasi talagang pinili kong magsuffer ng extra haha the nurses were telling my husband to talk to me about having pethidine or epidural pero ako talaga ang may ayaw. A lot of people swear na ang epidural daw ay "God's gift to women" :-)

Maganda din na mas prepared ka...join birthing classes. Kami nagjoin kami ng asawa ko...at kahit nagkacomplications ako we were still able to apply the things that we learned there kasi nakapagdiscuss kaminng birth plan (one on one) tapos sa classes ineexplain ang options.

husbywifey

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #772 on: February 28, 2015, 08:09:29 pm »
Mommies I need your help! 39Weeks pregnant na ako today and currently super sumasakit yung tyan ko. Yung parang napupoops lang ang pakiramdam or gusto maglabas ng gas pero wala. Eto na ba yun mga sis? Dapat na ba ako pumunta hospital? Huhu. Ano ba ang pakiramdam ng manganganak na? Help!

preggygielian

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #773 on: February 28, 2015, 11:13:05 pm »
Sis, do you have regular contractions? Yung sakit mo ba as in maskit na di ka makakasalita pag nagkakacontraction? Pumutok na ba bag of water mo? Leaking?

abbmg

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #774 on: March 11, 2015, 01:43:59 am »
it's about time :)

mar 3

2am- nafeel ko na sumasakit yung lower back ko pain was tolerable at may red discharge ako pero tuloy pa rin sa pagtulog

5am- consistent yung sakit ng lower back ko pero yung timing eh walang pattern pa rin. inisip ko mukhang eto na, so nag start ako na idagdag mga kulang na gamit sa bag. kumain na din ako ng bongga kasi gusto ko mapoop sa bahay not while delivering hehe nagtext ako sa OB telling yung bloody discharge at lower back pain. sinabihan ako dumeretso na sa delivery room

7:30am- nakarating na kami sa hospital. pagkacheck 6cm na daw ako, so sabi malapit na. naadmit ako, dinala ako sa labor room.

9:30am- 7cm, sabi putukin na daw water bag. sumakit na naman likod ko mas tumindi ng kaunti pero again tolerable pa din.

10:30am- dinala na ako sa operating room. started pushing. daming dumadagan sa tiyan ko. tolerable pa din yung pain, pagkacheck, nagpanic si doc kasi bumaba yung heartbeat ni baby, muntik na ma-CS. nagdasal ako na sana mairaos ko ng normal, nilakasan ko loob ko. dumating anaesthesiologist, nilagyan ako ng anaesthesia para maepisiotomy, namanhid lower body ko, i was asked to push pero wala na talaga ako naramdaman, bigla na lang sila may pinatong na mainit sa tiyan ko. ayun baby out by 11:30am

dinala ako sa recovery room, pinapalatch saken si baby. i was imagining a lot worse, pero napakapleasant ng experience ko. napakabait ng baby ko di niya ako pinahirapan :D

Jem17

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #775 on: March 11, 2015, 08:45:35 am »
Wow sis abbmg, ang galing naman ng labor story m..Sana kami din mabilis lang din manganak at normal and safe delivery pa..Nakakainspire ka sis..
Mahilig ka ba maglakad lakad before manganak?

preggygielian

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #776 on: March 11, 2015, 10:29:34 am »
Wow sis abbmg!!! Galing mo naman 6cm na agad at tolerable pa ang pain!!! :-) bilis lang ng labour and delivery mo..so happy di ka pinahirapan ni baby! :-)

abbmg

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #777 on: March 12, 2015, 07:36:46 am »
jem17- thanks :) kala ko nga gabi pa ako manganganak.. hehe..a month before due date nagenroll pako ng foreign language at
lagi akong commute lang nakajeep. nung natapos na yung class, lagi akong umaakyat ng overpass at saka naglalakad ng malayo yung tipong kung kaya lakarin instead of riding a jeep, nilalakad  ko na lang. swimming din ako pero 2 consecutive saturdays lang floating lang kasi di ko kaya yung nakadapang swimming sa bilog ng tiyan ko hehe. bale saturday nagswimming ako tapos tuesday nanganak nako... saka tinry ko din yung pinya.. ewan ko para saken effective siya...

preggygielian- thanks sis! yung pinagdasal nating NSD natupad. hehe

Jem17

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #778 on: March 12, 2015, 08:44:52 am »
sis abbmg, thanks sa advice..gagawin ko din yang mga yan except siguro swimming kasi wala ng time.hehe.

totoo ba yun mga sis na mostly nakakaramdam ng labor pain ay madaling araw? anyone po sa mga nanganak na? TIA


ainge88

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #779 on: March 12, 2015, 10:31:58 am »
@abbmg ayii. natakot naman ako. magswimming kami ngayon saturday, baka naman mapaaga ako haha 32 weeks pa lang ako eh. pero sabi kasi good exercise yun. Ako rin sis commute halos everyday and akyat baba sa MRT tapos lakad na lang kesa jeep or tryke kahit ang sakit na ng keps ko at singit. hehe

wala ka naramdaman na painful contractions? ang galing kasi FTM ka diba? tapos pagdating mo sa hospital 6cm ka na?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close