watch now

Author Topic: Signs of labor  (Read 834325 times)

BabySheika

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #740 on: December 27, 2014, 07:02:55 pm »
Finally I could share my own labor story here...
I gave birth last September 27, 2014 to a healthy baby boy via NSD… my first child after 5.5 years of marriage…
I was exactly 39 weeks at that time.. . prior to my delivery date I had my check up with my OB on 25 September (by the way I gave birth here in UAE) sabi ni OB i-IE nya daw ako to check if ready nako… Grabe ansakit pala ng IE as if pinasok nya na yung buong kamay nya within… Naloka ako… naisip ko umpisa pa lang ito.. more pains to come kaya niready ko na sarili ko…
26 September, may konti ng blood na lumalabas… I thought it was because na-IE ako kasi wala akong nararamdaman na pain so sabi ko pag medyo lumakas ang labas ng blood at may pain na dun nako magpapadala..
At 3am of 27 September, I feel some pain na at my lowerback.. dedma ko lang natulog ulit ako… kasi tolerable pa nman.. at 5am sabi ko kay hubby pain is increasing but still tolerable.. pag-CR ko may konti pa din blood.. sabi ko if it continues magpapadala na talaga ako. I wasn’t able to sleep na after that after an hour palakad lakad nako kasi masakit na tlaga sya… sabi ko kay hubby, “I think it’s about time!” Although ready na kami sa mga dadalhin namin kaya talagang go signal ko na lang inaantay ni Hubby. Nung sinabi ko na continuos yung pain and increasing sabi ko sige tara na.. “This is it!” Nagawa ko pa magpost sa FB ng status na “Please pray for my safe delivery!” at 6:30am derecho na kami sa hospital.
Pagdating dun inadmit nako I had my own room at alaga din ako sa dami ng nurses every minute yata pumunta punta sila to check on me.. at 9am IE ulit ako ng assigned OB sabi sa kin 3cm na daw ako.. So nilagyan nako ng pang-monitor ng heartbeat ni baby and all.. at 11:30am balik ulit ang OB IE ulit still the same walang progress.. kaya pala kasi yung pain ko din same pa din.. so ginawa nila pinaputok na nila yung waterbag ko para daw mas magprogress ang dilation ko.. after that yun na ang umpisa ng sakit.. as in labor pain na talaga ito.. sobrang sakit.. muntik ko na masira yung handle dun sa bed ko… Binigyan ako ng nurse ng oxygen to lessen the pain daw.. kasi hindi nako makangiti sa sakit.. so far nakatulong naman ng konti but still yung sobrang sakit andun pa din. I even think of having epidural pero nung sinabi ng nurse na they cannot guarantee that it will be effective eh umayaw na din ako.. besides hindi din daw pasok sa insurance ko .. ang mahal eh so never mind.. sabi ko kaya ko, Kakayanin ko itong pain! Prayer talaga ang naging sandalan ko. Si God hindi nya talaga ako pinabayaan..
At 3pm na bumalik ang OB then IE ulit ako  and after that ang naging mabilis na ang sumunod na pangyayari because OB said fully dilated na daw ako.. Nurses told me not to push kasi palabas na nga si Baby.. they immediately transfer me to another bed and send me to DR. Grabe hindi pa man ready ang mga doctor I feel like pushing already.. hanggang sa mag-pee nako sa sobrang sakit, at first I thought yung panubigan ko lang yun but then urine pala so they have to clean me again.. after the cleaning ayun na.. time to push.. hindi ako marunong magpush dahil nga 1st time.. at inabot kami ng mga 45 minsutes para lang sa pushing. Buti na lang the doctor’s assistant is Pinay so si ate ang taga turo sa aking ng gagawin. Hubby is on my side the whole time kaya full ang support system. Sobrang nakakapagod magpush nangalay na nga yung legs ko. And after mga 40mins na they told, Ireene you need to push realy hard because baby’s heartbeat is decreasing. Natakot ako.. I prayed so hard, sobrang umiiyak nako.. and then di ko namalayan yung last push ko ayun lumabas na sya at exactly 4:59pm. It felt good. Sabi ng hubby ko ,” ok na tapos na naririnig mo ba 1st cry ni baby.. when I heard that cry naiyak ako sobra! Kaya pinatahan ako ng asawa ko.. ewan ko ba dun lang ako naiyak hindi dun sa labor pain na naranasan ko. And after cleaning my baby binigay nila sa kin that was the best moment in my life. Iyak talaga ako when I saw him. Everyone in the DR congratulated me. Andaming tao sa DR ..andun na yung Pedia waiting for my baby. Iba pa yung nagmomonitor ng heartbeat ni baby, plus yung midwife na pinay, assistant ni OB, si OB, yung maglilinis kay baby paglabas nya, plus si hubby. All of them are super friendly knowing na nsa ibang bansa ako. Yung experience ko is so gaan lang. In totality napaka-easy nang panganganak.. except on that pushing moment.. nahirapan ako dun kasi wala talaga akong idea.
To all soon-to-be-mommy, don’t be afraid! Samahan lang ng dasal and everything will be fine. Remember not everyone is given the privilege to give birth. Sobrang lucky tayo coz God gave us this opportunity. Just enjoy the moment... kahit yung moment nyo na malaki pa yung tummy nyo.. enjoy it.. kasi paglabas ni Baby mamimiss nyo din yang big tummy nyo.. hehe...
Good luck Mommies! God bless you all!

abbmg

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #741 on: December 28, 2014, 03:43:02 pm »
^congrats sis :) napakapositive ng birth experience mo. can't wait for my own in less than 3 months time :D

iamABreal

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #742 on: December 29, 2014, 08:51:34 am »
yay! just gave birth last December 24, 2014 at 17:59

healthy baby boy :D / NSD / 41 weeks

12/24/14 at around 9am
parang gusto ko mag GO, so nag banyo ako. nakapagrelease ako, so ok na. akala ko ok na.

after ilang minutes, while watching tv, sumasakit uli na parang mag go GO uli, nagtry uli ako pero wala.
hindi ko pa sinasabi kay hubby at sa parents ko yung nararamdaman ko kasi baka wala lang. hehe. so dedma lang ako.

around 11am
mejo nagupgrade yung sakit pero very light lang. haha :D after kumain, sinabi ko na kay hubby yung nararamdaman ko, sabi nya punta na kami hospital, ayoko, sabi ko hindi pa ko manganganak. haha.

nagtext ako sa OB ko, Dra. Grace Lunar-Manalo, sabi ko nakakaramdam akong contractions every 4 minutes, sabi nya pumunta na ko sa Madocs para macheck, sila na daw ang kocontact sa kanya if manganganak na.

around 3pm
nasa Madocs na kami ni hubby, ang dala ko lang ay mga IDs ko, kasi nga hindi ko ineexpect na manganganak na ko.

IE : 6cm na

may mga ginawang tests sakin kasi daw yung tests ko like urinalysis, etc. ay nung last august pa.

around 4pm
may results na nung tests na ginawa sakin, tapos after ilang minutes dinala na ko sa parang labor room, dun IE uli, tapos check yung contractions and heartbeat ni baby. sila na din nagputok ng waterbag ko, super wiwi ako ng wiwi.

hindi ako sanay sa hospital, hindi ko alam anong feeling ng lalagyan ng swero, nung ginawa na, ok naman pala, mejo mahapdi lang.

around 4:30pm
dumating na si OB, tapos kinakausap nya lang ako. moral support at mga tips. super bait ng OB ko, thankful talaga ko.

around 5pm
8cm pa din, sabi ng OB ko, dalhin na ko sa delivery room, dun na lang pababain, tutal konte na lang naman saka parang practice na din ng iri.

sa delivery room, ang daming tao, haha. hindi mo na mashado iintindihin yun kasi yung sakit na nararamdaman mo ay bongga na din, yung sakin kasi masakit pag nagcocontract, pag hindi keri naman. akala ko derederecho ang sakit. hmm.

pinapupush nila ko, mga 4 times, para bumaba pa daw. wala pa sa delivery room nun yung OB ko. tapos after nun pumasok na sya sa delivery room, yun na pala. oh my! start na..

tatlong inhale,exhale tapos push. yung last nga, nagkkwentuhan pa sila, sabi ko, ayan na po, lalabas na.

naramdaman ko may ginupit sakin, haha. hindi ko alam kong yung sa pwet ba yun banda. nung last na push ko na yun, nafeel ko may 4 na lumabas, haha. maya maya narinig ko na umiyak si baby. super saya!!!!!!!

nararamdaman ko na may tinatahi, sabi ni doc nawakwak daw kasi ang behind ko dahil malaki ulo ni baby, pero wala, hindi ko na ininda dahil habang ginagawa yun, nakatingin lang ako sa baby ko, nililinis kasi sya. at tuwang tuwa talaga ko. nagbreastfeed din, saka pinadapa nila sakin si baby, embrace ko sya. ang saya talaga :)

sobrang saya at sarap ng feeling.

Godbless po sating lahat, para sa mga 1st time mom na tulad ko, keri natin yan!

sa mga preggy, Godbless din po, pray lang po for a safe delivery :D

Adam1025

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #743 on: December 29, 2014, 09:55:42 am »
^yayy, sis congrats sa healthy baby boy! Ang galing umabot pa sa Christmas  ;) pero 41weeks ka nung nanganak? Parang natatandaan ko kasi halos sabay tayo, pero ako 39weeks today naghihintay pa din kay baby  :-\ anyway, parang ang gaan ng pag-labor mo sis and ang galing NSD! Congrats ulit and enjoy your baby boy  :)

BabySheika

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #744 on: December 29, 2014, 04:41:26 pm »
@abbmg: Thanks Sis! I do pray na di ka din mahirapan sa delivery mo. :) Basta pray lang tayo, that's the best weapon.

@Adam1025: Sis 39 weeks kna? Lapit na yan... Ako exact 39 weeks lumabas si baby... Wag ka mainip just enjoy your big tummy for now. Kasi kahit papano nakakamiss din sya! hehe.. Though iba pa din ang happiness pag kapiling mo na si Baby. Gudluck Sis! Praying for your safe delivery! :)

iamABreal

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #745 on: December 29, 2014, 10:06:28 pm »
Adam1025
naguluhan din talaga ko sis :D ang alam ko 38 weeks palang ako e. nakalagay kasi dun sa paper na nakadikit sa higaan ni baby, kaya ayun na lang sinunod ko, feeling ko yun yung sa count ni OB e.

anyways, super happy. sleeping ngayon si hubby at baby, syempre dapat ako ang bantay. weeew. parang ayoko na nga bumalik sa work after ng maternity leave. :D LOL

basta pray lang tayo mga sis, nung nasa delivery room ako, pray talaga ko ng bongga. thanks kay God tinulungan nya kami ni baby :)

Adam1025

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #746 on: December 29, 2014, 10:30:53 pm »
Thank you sis babysheika pampalakas ng loob  :) oo nga definitely mami-miss ko kalikutan ng baby boy ko sa loob ng tummy ko. Pero can't wait to see him na din. Ingat sis and enjoy mo si baby mo  :)

Ako naman sis abreal based sa BPS ko kanina 39W6D si baby pero sa LMP exactly 36W today. Buti ka pa sis nakaya mo NSD sana ako din eventhough malaki si baby 8.2lbs na sya hehe

Tanggap ko na hindi talaga for sure madali ang labor pero tama kayo mga sis prayer talaga and lakasan ng loob. Kinakabahan na ako anytime soon makakapag-share na din ako ng labor story ko dito :)

jelly_ace

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #747 on: December 30, 2014, 02:56:41 pm »
Congrats sis BabySheika & iamABreal!

Sis iamABreal ang bilis ng labor mo ah. Sa hospital pala kayo nagpasko.

 I would like to share my labor story also. Naalala ko noon I always look forward to mommies na nanganak na sa thread na to and read their stories. Nakakainspire kasi lalo na yung mga mommies na madali lang nakapag deliver and those who gave birth without meds. Ang galing!

iamABreal

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #748 on: December 31, 2014, 06:43:13 pm »
Adam1025
kayang kaya mo yan sis, kausapin mo din si baby na lumabas agad, haha :D tapos pray pray lang.

jelly_ace
buti na lang nga sis e, feeling ko nakatulong yung lagi ko sya kinakausap at sinasabi na lumabas sya agad pag lalabas na sya, wag na nya ko pahirapan. haha :D saka super pray talaga ko ng bongga.

stay safe mga sis! happy new year!

sunshine8

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #749 on: January 02, 2015, 02:02:40 pm »
Sobrang dami ko natutunan sa mga posts nyo mga sis... As in from page 1 na backread ko talaga... I'm on 38w3d My first... Sobrang kinakabahan na ako at natatakot... Last check up ko almost 3 weeks ago na.. Pinapabalik ako every week pero natatakot ako sa I.E so sabi ko next week na lang kasi wala pa naman ako nararamdaman na any signs and symptoms ng labor...

Sobrang swerte ko sa pagbubuntis.. never ako nahilo, naglihi, nagsuka or kahit ano... Sobrang gala ko pa sa mall.. ang only complain ko lang is wee wee ng wiwi talaga! Happy ako na 38w na ako and anytime lalabas na si baby boy pero grabe natatakot talaga ako huhuhu.... Yung Hubby ko nasa MNL pa... Ako will be giving birth here in L.A, I have no idea how it goes huhuhu I'm so scared pero dinadaan ko na lang sa dasal ang lahat....

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #750 on: January 02, 2015, 06:28:23 pm »
^ Good luck, sis! Keri mo yan! Wishing you well. :)

BicuriousGm

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #751 on: January 03, 2015, 03:13:10 pm »
Lurker here...i back read all your post and naka kawala ng kaba. First time soon to be mom. Im on my 39 weeks and 5days already and kagaling ko lang sa OB ko. Suppose to be we're planning for NSD kasi 2.75kg lang si baby 2wks ago. Kanina pina utz BPS nya ako and naka gulat bigla 4kg naman na si baby! Ini advice nya i sched na namin CS sa utz report kasi ang naka lagay BIG BABY and floating pa si baby at 2cm palang ako, 3 weeks na ako 1cm. Is there any possibility na mag NSD pa ako? For 8 1/2 months ako nag control sa food choices ko para di lumaki si baby this past 2 weeks lang ako nag kakain...malAki factor din pala yun sabi ng OB ko mas mabilis mag gain weight si baby sa last few weeks na...sayang lang daw yung pag control ko sa pagkain ko for 8months.

Any advice or tips mga sis sa mga na CS Dito...medyo kina kabahan ako, pa sched na ako ng CS ko Jan.6,2015 @8 am. 

+arte20+

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #752 on: January 03, 2015, 04:38:27 pm »
^mabilis daw talaga lumaki babies during their last few weeks. CS din ako because baby weighs 4.2kgs. naglabor pa ako kasi late na nalaman since last ultrasound ko is 8 months pa ako at siguro my OB tried somehow na NSD pa din kaso super laki ni baby.

just pray sis, mas mabilis ang CS compared to NSD since hindi mo na mararamdaman yun labor pains kasi scheduled CS ka na unlike me na emergency CS ang case. yun pain naman after mo manganak. just follow your OB's advice at instructions para hindi ka mahirapan magrecover agad. plus take all meds kasi dito ako nagkamali kaya after 5 days sumakit ulit tahi ko.

GOD BLESS your delivery sis! ;)

BicuriousGm

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #753 on: January 04, 2015, 11:16:22 pm »
^mabilis daw talaga lumaki babies during their last few weeks. CS din ako because baby weighs 4.2kgs. naglabor pa ako kasi late na nalaman since last ultrasound ko is 8 months pa ako at siguro my OB tried somehow na NSD pa din kaso super laki ni baby.

just pray sis, mas mabilis ang CS compared to NSD since hindi mo na mararamdaman yun labor pains kasi scheduled CS ka na unlike me na emergency CS ang case. yun pain naman after mo manganak. just follow your OB's advice at instructions para hindi ka mahirapan magrecover agad. plus take all meds kasi dito ako nagkamali kaya after 5 days sumakit ulit tahi ko.

GOD BLESS your delivery sis! ;)



Thanks sis! Bukas ng hapon pa admit na ako, eto nag basa pa din about the cs procedure. Naka hubad ba sis dun? Totally walang suot na damit?

+arte20+

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #754 on: January 05, 2015, 09:39:24 am »
^nakahospital gown naman sis pero no undies. hehe. deadma ka na lang non kasi mabilis lang pangyayari. i remembered pa nga yun nagchange ng diaper sa akin is a guy. keribels lang naman! haha. good luck! ;)

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #755 on: January 07, 2015, 11:47:46 am »
background: edd- dec16, gave birth oct 23 (32w3d)
labor story:
oct 20 - absent kami pareho ni hubby, nagcelebrate ng 2nd anniversary namin. natuwa siguro ako masyado at napagod na rin. balak pa sana namin magpamaternity shoot paguwi ko ng bicol sa nov 7 kaya buti na lang, nung araw na ito, naisipan namin magpapicture sa mall! omg
oct 21, 4am - medyo basa undies ko. di ko pinansin since dumadami na rin discharge ko. nagpee ako and tapos na, tumayo na ako, tumuloy pa rin agos. nahiga ulit ako pero may tumutulo pa rin. napansin ko may blood na so call ko na OB ko, punta na daw ako ER. mga 5AM ipinasok na ako sa labor room, for tocolysis (pipigilan muna ang panganganak) daw and complete bed rest without bathroom privileges. ininjectionan ako pampamature ng lungs ni baby tsaka magnesium(?) para di ako magkombulsyon since nagpreeclampsia na ako. walang phone, pakaway kaway lang sa bintana ang mga bisita ko so ang theme song ko nun ay: bilanggo.
oct 22, 10am - 1-2cm na daw ako, sabi ni OB it could still take a week bago magprogress. ilang buntis na rin ang pumasok at nakaalis ng labor room. to say the least, natrauma ako sa mga ungol nila at mga "ayoko na, hindi ko na kaya." awang awa ako dun sa mga nagmamakaawa na sa mga nurse to do something about the pain. buti sympathetic naman ang mga nurses. pero parang nahiya din ako kasi ako pakain kain, padala ng love notes sa loved ones tapos sila ganun na ang dinadanas.
oct 22, 4pm - 3cm na daw ako. nagsisimula na akong mabagot sa labor room. iyak ako ng iyak, di ko mapigilan.
oct 22, 10pm - tinawagan ang OB ko kasi concerned na yung nurses na panay iyak ako. i was begging her na i-CS na ako out of boredom dun sa labor room. eh sabi niya wala daw rason para iCS ako. haha nilabas ako ng labor room at pinakausap sa hubby, mom at sister ko. somehow gumaan naman loob ko pero sinedate na rin ako para makapagrest.
oct 23, 10am - 4cm na so sabi ng OB ko baka later that night or early the next morning daw ako manganak. pinakausap na ulit ako sa loved ones. nafeel ko na labor pains nitong time na ito pero tolerable pa naman. nacategorize ko pa siya as mild. hehe! kahit di ko na gustong kumain, pinakain ako para daw may time pa tunawin in preparation for anes.
eto na yung point na flashes of memory na lang ang naaalala ko, siguro sinedate ulit ako. from 10am-12:30pm (eh this time din, umalis na kapatid ko at yung nanay ko nagikot ikot sa SM kasi di na rin daw siya mapakali):
tinatanong ni OB ang nurse kung marami ako nakain/nainom, oo daw. so hindi ako naanes.
nag7cms na ako tapos sabi ko, may nakaharang na po sa ano ko
wag daw ako umire
ikakabit daw nila oxygen
ilipat na daw ako sa table
sabi ko wait lang po muna (ayaw kong nagagalaw ako pagnagcocontract)
pinaside view ako tapos may nagpepress in between vag and anus (ano kaya yun?)
tinataas na leg ko sa maliwanag na room (delivery room)
sineshave ako
ire daw ako
parang isang ire lang tapos feeling ko nagpoops din ako (kinonfirm naman ni OB, lels)
may telang nakaharang sakin so naisip ko, CS ba ako o normal?
parang kinukurot kurot yung ano ko (tinatahi?)
narinig ko OB ko sabi sa nurses, ayaw ko daw sana ng girl, gusto ko boy
nakita ko orasan sa DR, 12:30pm na
oct 23, 1pm - asa recovery room ako. nakadalawa akong pee. ineexpect kong painful kasi may sugat pero wala namang pain pagpee. may tinanggal din sa vag ko na parang gauze na siniksik sa loob. para san kaya yun. nakadiaper na din pala ako nun. hehe
oct 23, 3pm - pinasok na ako sa room namin. di na ako nahiga ulit. hahaha nagkwentuhan na kami ng mga pangyayari. gulat daw hubby ko nung pinatawag siya ng mga 12noon para sabihin na nanganak na nga daw ako. parang ang dami kong energy. di ako nakatiis, 5pm naligo na ako. haha
oct 24, 11am - nadischarge na ako. nag 9days pa sa incubator si baby, total of 11 days sa nicu.

**mahirap pala manganak ng tulog, matagal nagsink in sakin na nanganak na ako. tsaka walang wala sa isip ko. naggeneral cleaning pa kami the day after!

_AiaH_

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #756 on: January 09, 2015, 07:06:28 pm »
^ sis ang funny ng pagkakakwento mo, hehe! ilang kilos si baby paglabas?

ehlabart

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #757 on: January 09, 2015, 07:29:56 pm »
ishopnowfeelguiltylater

Hahaha! sa lahat ng nabasa kong labor stories sis dito ako natawa, as in naiimagine ko habang kinukwento mo. And kamusta na si baby? good to know na meron padin mga ob na kahit gusto mo na magcs eh ayaw nila.. bihira yun ah, kasi karamihan ngayon kung saan sila kikita at hindi mahihirapan doon sila.

lakwatsa

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #758 on: January 11, 2015, 07:16:59 pm »
wow congrats mga mommies! bilib ako sa mga mabilis lang nanganak sa NSD. sana ako din :D

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #759 on: January 13, 2015, 01:54:28 pm »
sis aiah, 1.8kilos siya.
sis ehlabart, thanks sis! ok naman si baby. 3kilos na siya nung 2 months old siya. true sis, nagpasalamat talaga ako sa ob ko nung nahimasmasan ako. haha!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close