yay! just gave birth last
December 24, 2014 at
17:59healthy baby boy
/ NSD / 41 weeks12/24/14 at around 9amparang gusto ko mag GO, so nag banyo ako. nakapagrelease ako, so ok na. akala ko ok na.
after ilang minutes, while watching tv, sumasakit uli na parang mag go GO uli, nagtry uli ako pero wala.
hindi ko pa sinasabi kay hubby at sa parents ko yung nararamdaman ko kasi baka wala lang. hehe. so dedma lang ako.
around 11ammejo nagupgrade yung sakit pero very light lang. haha

after kumain, sinabi ko na kay hubby yung nararamdaman ko, sabi nya punta na kami hospital, ayoko, sabi ko hindi pa ko manganganak. haha.
nagtext ako sa OB ko,
Dra. Grace Lunar-Manalo, sabi ko nakakaramdam akong contractions every 4 minutes, sabi nya pumunta na ko sa
Madocs para macheck, sila na daw ang kocontact sa kanya if manganganak na.
around 3pmnasa
Madocs na kami ni hubby, ang dala ko lang ay mga IDs ko, kasi nga hindi ko ineexpect na manganganak na ko.
IE : 6cm na
may mga ginawang tests sakin kasi daw yung tests ko like urinalysis, etc. ay nung last august pa.
around 4pmmay results na nung tests na ginawa sakin, tapos after ilang minutes dinala na ko sa parang labor room, dun IE uli, tapos check yung contractions and heartbeat ni baby. sila na din nagputok ng waterbag ko, super wiwi ako ng wiwi.
hindi ako sanay sa hospital, hindi ko alam anong feeling ng lalagyan ng swero, nung ginawa na, ok naman pala, mejo mahapdi lang.
around 4:30pmdumating na si OB, tapos kinakausap nya lang ako. moral support at mga tips. super bait ng OB ko, thankful talaga ko.
around 5pm8cm pa din, sabi ng OB ko, dalhin na ko sa delivery room, dun na lang pababain, tutal konte na lang naman saka parang practice na din ng iri.
sa delivery room, ang daming tao, haha. hindi mo na mashado iintindihin yun kasi yung sakit na nararamdaman mo ay bongga na din, yung sakin kasi masakit pag nagcocontract, pag hindi keri naman. akala ko derederecho ang sakit. hmm.
pinapupush nila ko, mga 4 times, para bumaba pa daw. wala pa sa delivery room nun yung OB ko. tapos after nun pumasok na sya sa delivery room, yun na pala. oh my! start na..
tatlong inhale,exhale tapos push. yung last nga, nagkkwentuhan pa sila, sabi ko, ayan na po, lalabas na.
naramdaman ko may ginupit sakin, haha. hindi ko alam kong yung sa pwet ba yun banda. nung last na push ko na yun, nafeel ko may 4 na lumabas, haha. maya maya narinig ko na umiyak si baby. super saya!!!!!!!
nararamdaman ko na may tinatahi, sabi ni doc nawakwak daw kasi ang behind ko dahil malaki ulo ni baby, pero wala, hindi ko na ininda dahil habang ginagawa yun, nakatingin lang ako sa baby ko, nililinis kasi sya. at tuwang tuwa talaga ko. nagbreastfeed din, saka pinadapa nila sakin si baby, embrace ko sya. ang saya talaga

sobrang saya at sarap ng feeling.
Godbless po sating lahat, para sa mga 1st time mom na tulad ko, keri natin yan!
sa mga preggy, Godbless din po, pray lang po for a safe delivery
