Hi mga sis! though nakwento ko na pahapyaw sa 2014 Q2 yung labor stories ko, kwento ko lang uli dito hehe

Baby was born 32W4D (gestational age), pero based on my LMP, 33W2D sya
But my baby, he's totally fine.. Thank you Papa God.
Yung work, lakad every morning to work 1.5m.. sa work, since manufacturing kami, akyat-baba lakad din.. then back to home, 1.5m.. Ganyan nilalakad ko Mon-Sat. Di pa kasama pagmag dine out to city.
March 29, start ng maternity leave ko.. kasi dapat, kung walang pupunta for me here sa Singapore, I supposed to go back at Pinas by this week sabi ni OB. At March 22-30, overseas si hubby kaya ako lang mag-isa. Though laging malikot si baby especially sa may middle tummy ko kaya sobrang happy ko na nagleave nako. Next check-up ko dapat April 5.
March 30 - pumunta pako ng Airport to fetch hubby, lakad-lakad malayo tapos baby expo pa, dumaan pako.. hilig ko maglakad. Sabi ko naman, starting April 1-15 rest muna ako sa lakad then at 35weeks start nako maglakad ulit.. Takot ako sa labor kaya nagpi-prepare talaga ako.
March 31-April 1 - nasa bahay lang ako, as usual malikot pa rin si baby.. lagi ko ka-chat mga friends ko na kapapanganak lang, nagpapakwento ako sa labor stories nila.. Kasi para totally prepared talaga ako hehe. And at these days (Mar 29-Apr 1), nagigising ako mga sis na yung dream ko eh naglove-make kami ni hubby

, di yan nangyayari before talaga hehe.. kaya nagigising ako na, nag-oorgasm ako, kasi may contractions sa may cervix diba pagganun.. Pinipilit ko talaga magising kasi alam ko, yung hormones ng orgasm, oxytocin, yan din yung ini-inject para sa cervix contractions during labor. Pero nasa plan ko rin yan at 37weeks, magre-release ako ng oxytocin to help contractions for preparation ba.
April 2 - sa bahay lang din.. Ka-chat ko family ko sa pinas, parang normal day for me lang. Sa gabi nun, ang tagal ng niluto ni hubby kaya around 8:30pm na kami nakakain.. Around 9:20pm, patapos na, as usual lagi talaga ako nawiwi (5-6x/night), habang kausap hubby kumuha ako tissue kasi naiihi ako, bigla na lang napaihi ako ng madami, kalat sa floor.. di nasagi sa isip ko na amniotic yun o ano kasi minsan naiihi talaga ako konti bigla. Tapos, sa takot na rin, sabi ko baka amniotic fluid, si hubby inamoy kagad

habang ako itinuloy ko wiwi ko sa CR pero kinakabahan ako at the same time pinapanatag ko self ko at kinausap si baby na wag muna.. Inhale-exhale lang ako.. Pero di mapigilan ang kaba, na-e-ebs ako (sorry TMI), sa ilang days ako constipated, ngayon gusto na lumabas.. so nag-CR ulit ako, umire pako kasi nga constipated. Tapos si hubby pinatawag ko na kay OB, sabi naman ni OB dumerecho daw kami sa ospital para lang ma-check.. Around 10:05pm yun, tumawag na kami taxi then umalis.. Sa taxi, around 20mins ang distance to our house, kinakabahan talaga ako kasi sobrang aga pa, wag muna sana.. then nafi-feel ko, naninigas belly ko.. searched ako about braxton hicks, tapos ang bilis ng taxi, naninigas sya every 5mins pero di naman masakit..
Pagdating ng ospital, mali pa yung binabaan namin so lakad konti then paakyat sa registrar office, nagparegister pa kami tapos napansin ko, tuloy-tuloy wiwi ko basta voluntary yung labas ng wiwi ba o ano at basa na pants ko.. after registration, pinakuhanan ako ng urine.. konti na lang urine tapos color pa transparent pink.. kinakabahan na naman ako ng sobra.. sabi ko "baby, wag muna pls..", tapos nalipat nako sa isang cubicle, pinamonitor contractions ko.. pinahiga ako, di ako komportable sai ko side lying lang.. di talaga relaxed mga muscles ko.. tapos humiga lang ako, naghihilab na balakang ko.. basta, naghihilab then nawawala bigla. Sabi nung pinay nurse, pindutin ko lang red button kung may kelangan ako.. nagpapanatag pako sa kanya sabi ko, "miss, may ganito naman na cases diba, 2cm pwede pang magamot para di muna lumabas si baby" tapos sabi nya "oo, mam", asked ako, "asan na si doc?", 55mins pa raw, sabi ko bigyan mo ko pain reliever, sabi nya, wala silang right to prescribe me that.. tapos lumabas na sya, 3x ko pinindot bawat sakit, sa kulit ko, yung Malay lagi pumapasok na masungit.. kahit ano na lang dahilan ko pero masakit talaga sya, lagi ako nanghihingi ng pain reliever, ayaw ako bigyan. Then bumalik si pinay nurse, sabi ko, "miss, masakit talaga, bigyan mo ko pain reliever" sabi nya, "mam kita ko sa monitor may 2mins frequency of contractions ka na" tapos sabi ko, "asan na si doc?" sabi nya in 5mins dadating na tapos dumating si doc.. ini-IE ako, masakit pero sige lang.. kasi yung body ko, nag-automatic bukaka legs ko, tapos sabi ni doc, 8cm dilated ka na.. Sobrang shocked ko pero parang wala nakong time mag-isip na "baby wag muna" kasi sa sakit, gusto ko na sya ilabas!! si nurse, pinapirma nako waiver, kahit di gets yung signature ko basta ok na ilabas na lang si baby.. Dinala ako sa labor room, si hubby sobrang shocked kasi di naman ako ganyan 30mins earlier.
Sa labor room, habang madami ng tao preparing sa paglabas ni baby, nafi-feel ko masakit then relaxed then masakit , parang 1min interval na.. then may parang passing motion na automatic body ko eh magpush talaga.. Nagsisigaw pako, epidural pls!!! walang nakikinig hehe tapos yung indian nurse nagsabi, "there's no need epidural for you okay, you're fully dilated" tapos push na naman.. 4-5x push, may parang lumabas.. actually di masakit yung paglabas (11:39PM).. masakit yung labor talaga!! may gas pa la ako, kahit yun lang, para maging half-conscious ako.. Then wala nakong time natignan si baby, nadinig ko lang iyak nya tapos pinakita sa kin "boy" then inhale sa gas ulit kasi gusto ko makalimutan pain hahaha.. pero super worried ako kay baby din.. kasi alam ko kulang sya sa gulang..
Then yung sa tahi na naman, masakit din! inis ako sa masakit!! mataas naman tolerance pain ko raw pero knowing na dadaan ako sa masakit ulit, malaking effort ulit. Mga 30mins - 1 hour ata yung pagtahi sa kin, pumasok si hubby at pinakita photo ni baby.. Priceless moment na yun, dahil, alam ko 33 weeks lang sya pero mukang normal talaga sya, tapos 2335grams (nasa 5lbs).. sobrang saya ko.. tapos maya-maya, sabi ko kay hubby.. "asan ang bill?"

haha knowing dito sa Singapore, pati hangin may bayad! tapos pinakita nya, yung sa kin nasa $6.5k+ (around 200k pesos) ok lang.. kay baby, naka-based sa NICU rate, $28.6k+ (around 987k pesos)..

di ko muna inisip talaga.. basta happy ako kay baby.. then sinabi ni hubby, biglang nahirapan sa paghinga si baby kaya may oxygen.. sobrang nagpray talaga ko.
Walang tulog, around 8am (April 3) binisita namin si baby sa NICU, so happy dahil wala na syang oxygen at di naka incubator.. tube feeding nga lang sya.. pero super happy ako at normal naman physically si baby..And as days went by, laging nag-iimprove si baby at wala na sya sa NICU, nasa special care nursery sya.. ang galing nya sa cup-feeding.
Now, 1 week na si baby.. super cute at nawawala pagod ko talaga pagminamasdan sya.. laging naghihikab, stretch haha.. hang-cute lang.. 2nd-3rd day, di ako makapaniwala na may anak ako, na lumabas sya sa kin kasi laging kami lang ni hubby magkasama parati eh tapos bigla lang syang dumating na lahat di prepared, unexpected talaga, tulad ng pagbuntis ko sa kanya na unexpected din.. 3 yrs din kasi ako sa TTC thread, napagod, then bigla sya dumating, ngayon bigla din paglabas nya.. kaya i cant thank enough Papa God talaga.. sobrang blessed, grateful..
Makakalabas lang si baby pag 35weeks gestational age sya, at least 2kg. So hoping by that time, makakauwi na kami..
Yun lang po.. ang haba ng kwento ko tee hee!