watch now

Author Topic: Signs of labor  (Read 834884 times)

ILAB.LAMS

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #500 on: April 01, 2013, 05:08:56 am »
Hi sissy's!

Anyone here undergo Epidural Anest?
effective ba talaga siya, as in no pain at all?
share naman. :')


budtz_25

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #501 on: April 02, 2013, 02:15:35 pm »
natrauma ata ako after i gave birth via normal. i was in labor for more than 24 hrs! haha. the pain!!  :o
my water broke at around 3am, then i went to the hospital at 7am. i was admitted 7:30 am. from that time, wala ng tayuan sa hospital bed, kasi hindi na daw puwede. then every 5 minutes nag cocontract. then the next day at around 4am, finally nag 10cm nako. then around 6:30am i gave birth. wheew!!

euwie

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #502 on: April 02, 2013, 04:19:12 pm »
^wow sis ang galing mo nakaya mo pa nsd! Buti pwede pa rin mag nsd maski 3am pa ng yesterday nagbreak waterbag mo.

budtz_25

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #503 on: April 02, 2013, 06:52:33 pm »
^haha.. yeah, actually sis, kasi nung 3am hindi pa ganon kasakit  habang nagccontract. and hindi pa ako nakakaayos, pero yes that time nagstart ng pumutok panubigan ko.  . by 7am ayun, dun ko nastart mafeel yung sakit sa contraction.

pinkpotato

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #504 on: April 03, 2013, 12:11:28 pm »
i gave birth last nov 27, 2010 to a healthy baby boy of 7.2 lbs normal delivery.

Bale scheduled check up ko that day at 3pm. Ina IE ako ni Dra. when she said na 6cm na daw ako. Wala ako naramdaman as in! Tapos diretso na ako sa CGH. Sa may DR, andami ko kasabay sigawan halos lahat ng buntis even at 4cm palang.. I was like.. bakit ganun wala ako nararamdaman.. I waited until 6pm when the nurse told me na 8cm na ako.

wow amazing! ako 4cm epidural na. tapos napakasakit pa ng paglagay ng epidural feeling ko mamatay na ako. yabang ko pa kala ko all in the mind pero nung andun na, wala akong sinabi. :-[

hanhan02

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #505 on: April 03, 2013, 05:50:56 pm »
Hi mga sis masakit bayung paglagay ng epid anes.. Dun kasi ako ngwowori eh.  Aside sa sakit ng labor ahh.

Thanks..

budtz_25

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #506 on: April 03, 2013, 07:26:11 pm »
^sis, for me it didn't hurt as much as i expected. or siguro that time talagang gusto ko ng manganak kaya hindi ko na inintindi yung sakit ng pag inject. heheh. 

jhaydee282

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #507 on: April 03, 2013, 09:28:27 pm »
Sa first baby ko umuungol nako sa sakit ng contractions tapos tinurukan ako ng epid.. Halo halo na yung sakit unexplainable. Pero nung umeffect na siya wala na ako maramdaman. Basta kapag sinabi ng nurse at OB na ire, iire nalang ako. Hanggang lumabas si baby boy. :)

Ngayong 2nd baby ko sabi ng OB ko na may sparing na kapag nag epid ako ulit. Some parts will be manhid and some parts masakit. Sabi ko mas okay na yun than no epid at all hehe. Kaya medyo kabado ako if I can handle the pain this time around. There are no other options na daw eh lalo may scolio ako.

misis_gh

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #508 on: April 08, 2013, 01:33:21 am »
Anica Kay's birth story:

Born: April 2 via CS
Time: 11:12PM
Weight: 7.6lbs
Length: 49cms
Head size: 34cms

April 1 - May bloody show na ko. Sabi ni OB observe muna kapag ok pa until hapon tuloy ko check-up sa kanya. Natuloy naman and upon IE 1cm pa lang (naglakad-lakad pa ko sa SM nyan nung morning) and the Nica's position is nagbabadyang CS na although cephalic kaso face upward sya. Sabi ni OB maglakad-lakad ako baka sakaling magbago pero sad to say, di ko nagawa.

April 2 - eto gawa na ko timeline mga sis:

4am - Nagising ako para magCR at ayun may brown and flesh blood (red color) show na naman ako. Medyo madami na. Di na ko nakatulog tapos may dysmennorhea-like feeling na ko
5am - Labor pains getting intense pero tolerable naman, interval less than 10 minutes apart pa. Ginigising ko si hubby na pwede ba kami maglakad para matagtag, eh sobrang antok pa humingi pa ng allowance na 15 mins. Hinayaan ko muna sya matulog.
6am - Eto talagang ginising ko na si hubby, tapos nakita na nya na tumitigil na ko magsalita or gumalaw kapag may contraction ako nafi-feel. Sabi nya pa-admit na daw ako. Isip-isip pa ko kasi nga yoko naman magpa-admit kung malayo pa ko manganak, di pa kasi putok water bag ko.
7am - Nagdecide na ko punta na kami hospital. Gut feel ko na baka nga "this is it" hehe! So naligo pa ko as in basa ulo, kasi malamang kung tuloy nga ko manganak, eto na ang last ko maligo ng todo.
8am - On the way na kami hospital nagtext si OB para kamustahin ako, tumawag ako sa kanya to tell him na papa-admit na ko. Tapos ask pa ko kung pwede kain muna ako sabi nya ok lang as long as madaling tunawin yung food. NagMCDO muna kami I ate pancakes with sausage pa hehe!
9am - Arrived hospital, admission nagstart na. IE muna ako ng nurse at ayun 3cm na pala ako. Not so much pain pa din. Nurse called my OB at ayun, diretso labor room nako. Akala ko talaga makakatambay pa ko sa room namin. Nagba-bye na muna kay hubby
9:30am - Sa labor room na ko, nilagyan na ko ng IV. Kinabitan din ng fetal monitor and so far so good naman. Binigyan din ako ng pampahilab na tinurok sa dextrose.
10am - Eto start na talaga ng pains na kaya ko pa rin, tapos eto na rin yung time na lagi check contraction timings.
2pm - Nagising ako, in pain pa din so nag-IE ulit nurse, 4cm na yata ako this time. Tolerable pa din ang pain. Nagpupunta pa nga ko ng CR na naglalakad, lapit lang naman. Ayoko magbed pan eh..kahit naka-diaper ako yoko din noh.
5pm - Eto medyo di ko na kinaya. Dumating na din OB ko sya na nag-IE sakin. 6cm na kasi ako so humingi na ko ng epidural. Naalala ko na lang, tinurukan muna ako ng pain meds, thru IV pa din, tapos high na high ang feeling ko. Nakatulog pa yata ako nun. Dumating anes, binigyan na ko ng epidural. Di ako nasaktan ewan ko ba, sarap ng droga hehe! Tapos tingin ko pa sa anes kamukha ni John Lloyd...as in sinabi ko pa sa mga nurses.
10pm - Eto lutang na talaga diwa ko. Naalala ko na lang, kinausap na ko ni OB na di na ko umusad ang 6cm for the past 3 hours (7pm start ng count si doc). So ask nya kung gusto ko na ba ma-CS. Ask ko kung wait pa kami anong possibility na magnormal. Sabi nya, pwede pa naman daw kasi usually 3 hours talaga binibigay nyang allowance baka kasi delikado na kay baby. Nakita ko, si hubby pinapasok na rin tumingin sya sakin. Nagbigay na ko ng go-signal na CS na ko. Groggy na ko talaga sa drugs, naalala ko na lang wheeled-in na ko sa OR. Nanginginig ako sobra, as in nagshe-shake bigla which is effect ng epidural. Medyo nangati din face ko. Naalala ko din na nilagyan ng harang sa harap ko para di ko makita yung operation. After nun, wala na ko naalala.
2am - Nagising ako, nasa recovery na ko. Dun nilapit nila si Nica...as in gusto ko maiyak na hindi...as in mixed feelings kasi nga may drugs pa sa body ko. Nagtry agad kami maglatch and happy to know, walang kahirap-hirap :D Tapos ang daldal ko daw na lagi nga ko sinasabihan ng nurse na wag daw ako magsalita kasi kakabagin ako.
3am - Nilipat na ko sa room namin, nandun si hubby and SIL ko. May pinakita video si hubby ni Nica tapos super tuwa na ko. Si Nica naiwan sa nursery. Nagpahinga na rin ako, natulog yata pero alam ko nagpost pa ko dito para i-announce hehe! Actually, si hubby nagpost na sa FB nya tapos dami na nagcongratulate :p

Si Nica dinala sa room namin afternoon ng April 3, tapos her pedia asked us kung sure kami sa rooming-in kasi wala na balikan. Lakas loob namin eh, kaya ayun kami na nag-alaga. Medyo nagsisi kasi ang hirap lalo na sa part ni hubby. 1st night, kaming dalawa lang with Nica, naku maloloka kami. I even cried kasi di ko matulungan si hubby dahil nakahiga lang ako. NagBF naman sya sakin kaso hirap pa humanap ng right position. Pero after that night, naka-adjust na kami unti-unti. April 4 ng madaling araw, tinanggal na catheter ko. Dito start na ng kalbaryo ko. Grabe ang sakit lalo na unang tayo kasi kailangan ko na magCR. Inalalayan ako ni hubby tapos may nag-assist din nurse kay Nica (super bait ng staff sa hospital kasi dapat di na sila assist kasi nagrooming-in kami). Maloloka talaga ako sa pain, feeling ko hihimatayin ako kaso I know I have to do it. Ayun nakaraos naman hanggang sa na-discharge kami nung April 5. I can almost walk on my own na din. Bilib OB ko pati mga nurses kasi bilis ko daw mag "recover". Nabubuhat ko na din si Nica, nakaupo nga lang. Right now, 80% ok na ko. Medyo may konting pain so tuloy pa din ang meds ko. Maganda na rin pala flow ng BM ko. Na-satisfy na kahit papaano needs ni Nica. Sabi nga pala ni OB, good thing CS daw ako kasi yung left or right hand ni Nica, nakapatong sa ulo so mahihirapan din pala ako magNSD at baka ma-fracture pa hand nya.

Sisses...sorry ha super detailed ng kwento ko at ayan mala-nobela pa hehe! Btw, ginawa din unang yakap sakin kaso di ko na maalala. Sinabi ni OB dinikit daw nila si Nica after ilabas sa tummy ko kaso super sandali lang kasi naghypothermia si Nica. Kaya eto ginawin ang anak ko, di tumatagal sa aircon (pabor sa amin hehe).

To those who are about to give birth for the 1st time..naku wag kayo kabahan hehe! Lalabas naturally ang pagiging nanay nyo. Totoo nga na kahit gaano pa kasakit ang delivery either NSD or CS, kapag nakita nyo na ang anak...balewala ang lahat.

pinkpotato

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #509 on: April 08, 2013, 01:24:41 pm »
Hi mga sis masakit bayung paglagay ng epid anes.. Dun kasi ako ngwowori eh.  Aside sa sakit ng labor ahh.

Thanks..

For me yes. sabi naman ng isang friend ko di masyado sabi sa YT masakit daw. hahaha. so depende talaga sa pain tolerance ng tao

pero saken talaga sobrang sakit. :(

iammechelle

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #510 on: April 24, 2013, 02:39:40 pm »
Wow dami ko natututunan! Kwento pa po kayo! :) medyo natatakot ako manganak kasi low pain tolerance ko, nahihimatay ako kapag di ko na kaya. Naku paano kapag ganon? Cs ba kagad? Going 7 weeks pa lang ako pero eto talagang childbirth ang fear namin ni mister  :-\

Hello ;-)

Pareho tayo, mababa rin ang pain tolerance ko kaya at first, kinakatakutan ko talaga ang panganganak. Kalbaryo na nga sa akin ang mga lab tests na yan eh. Kukuhanan lang ako ng dugo, namumutla na ako. Sa injection, takot na takot rin ako. Pero mas malakas ang loob ko nuon na mag-normal kaysa ma-CS, mas ikamamatay ko ang idea na bibiyakin ako. ;-) Now, I am preggy with my second baby, natatakot pa rin ako. Pero, magpipray na doble kasi mas takot akong ma-CS.

Let me share you may labor story:

I had pre-term labor. 7 months pa lang si baby, naconfine ako due to pre-term labor nga. so I was advised complete bed rest. Mabuti at nai-save si baby hanggang ika-9th month. Ika-38th week ko ako nanganak. Banyo lang ang panahon na pwede ako tumayo at maglakad. ;-) Pinainom ako ng pampakapit hanggang sa manganak ako na ako. Problema naman, ayaw bumaba ng baby dahil nasobrahan sa pampakapit. Kaya may pinainom sa akin na parang Jelly para lumambot daw ang cervix at Buscopan.

Nung big day namin, madaling araw, nakaramdam ako ng hilab ng tiyan. Nagbawas ako, malambot. Hilab na pala yun ng tiyan. Ipinagtataka ko, basa na ang panty ko. Leak na pala yun. naglakad pa kami ni hubby ng 6am in the morning, tapos umaagos na tagal ang water leak. Naligo ako, bawal na daw pala maligo. I was admitted at 9am, 2cm pa rin. tagal ng progress. though kapag first baby, matagal talaga ang labor. ;-) nakakangiti pa nga ako eh, pero masakit na hilab. Every now and then, chini-check ako ng resident OB kasi mabagal daw progress ng hilab ako. Ang tapang ko, wala akong epidural ha. Pero ang masaklap, fasting ako. No water, no food dahil sa leak, baka daw magka-infection ako, i-emergency CS ako. Naku, mas lalo ako natakot. Pero di ko pinapahalata. Ang ginawa ng hubby ko, pinipress nya yung point sa may talampakan ko. Nabasa nya na nakakapagpa-contract ng tiyan ang point sa talampakan. ang ginawa ng OB, dahil malambot naman na ang cervix ko, tinulungan na nya ako. Pinapa-ire at ibinubuka ang cervix. Nakita ko may blood na ang gloves nya, pero di pa rin ako sumisigaw.

By 4PM, dinala na ako sa DR. Ang tapang ko pa rin. Di ako umiiyak. My OB and hubby were worried dahil alam nila na cry baby ako. By 5PM, ang sakit na ng hilab. tuloy tuloy na. Ang sakit na talaga, parang mapupupu na ewan. Bawal umire. At dehydrated ako, Naawa na yung DR nurse sa akin kasi nanunuyo na ang lips ko.

Ang sabi ng nurse, kailangan ko umihi. Dahil mas masakit sa tiyan kapag full ang bladder. Eh di ako mapaihi. Nilagyan ako ng catheter. Ang hapdi. ;-( After that, nung tinanggal, mas masakit. Naririnig ko ang mga nurses na nag-uusap, "o i-shave nyo na yan, si Dra. Contemplacion OB nyan. strict yun diba?" Wow, kinatatakutan pala OB ko.

Here comes Dra. Four pushes lang, nailabas ko na ang Baby Girl ko. No epidural, twilight anes lang. ;-)

And she's really proud of me ha, she said to my hubby, "you have a very brave wife.."

Kaya kaya natin yan mga Sissies. ;-)


euwie

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #511 on: April 25, 2013, 12:05:56 am »
^sis thanks for sharing your story. Sana maging kasing tapang mo rin ako. Hindi ako pwede umiyak kasi mas malaking problema. Everytime umiiyak ako navovomit ako e. Ineencourage ako ng mom ko. Sabi nya, since nsd sya, malamang ganon rin ako. Sana nga! Takot rin ako sa needles, kaya gusto ko nga skip mga tests kapag preggy e.  ;D kwento pa kayo sisses! Nakakapanatag ng loob stories nyo e. :)

iammechelle

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #512 on: April 25, 2013, 08:57:13 am »
Kaya mo yan. Meron akong nabasa na motivational book para sa mga manganganak.

On your D-day, isip ka ng mga bagay na deprived ka nung nagbubuntis ka like bawal na pagkain, chocolates, cakes, COKE, coffee!! yang mga ganyan. then tell it to yourself, pagkapanganak na pagkapanganak mo, sabihin mo sa sarili mo: kakain ako ng cake! kakain ako ng chocolates! ganyan. sabihan mo rin si hubby na ibili ka ng cake! actually chocolate cake at coke ang nagmotivate sa akin nun eh, ayun napagalitan ako ng mga matatanda ;-) hehe

at siyempre, baby ang pinakamagandang pang-motivate ;-0


cj_09

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #513 on: April 25, 2013, 11:08:25 am »
i want to share my labor story.

I gave birth last Nov.12,2011 to a baby girl. that was my first pregnancy then. Throughout my pregnancy, twice akong naconfine dahil lagi akong nagkakasakit,madalas lagnat at ubo pero sabi ni Doc viral daw ang nagiging cause nun dahil ok naman ang mga blood tests ko. 2nd week ng November every other day na ang fetal monitoring ko sa Hospital dahil malapit na daw ako manganak. Nov. 11,fetal monitoring ko ulit nagpunta ko sa hospital na mataas na naman ang lagnat ko,so ang ginawa ni Doc pina-admit na ko,they have to give me IV paracetamol to decrease my fever,sobrang nagchichill ako sa lagnat then 8pm nun pina-fetal monitoring ulit ako at nilagyan na ko ng oxygen para daw hindi mahirapan si baby sa loob. Pinasok na ko sa labor room then yung nurse pinupunasan ako ng basang bimpo. Every now and then,chinecheck nila yung temperature ko. 9pm nagstart na ko makaramdam ng feeling na laging naiihi, parang every 2 mins pinapakuha ko sa nurse yung bedpan para mag-pee ako. Then after nun humihilab na din yung tummy ko,unexplainable yung sakit kasi parang lahat masakit starting from the back,to my tummy hanggang sa may puson na parang pinipilit. Lumapit sa kin yung resident Obgyne at sinabi pag di ko na daw kaya yung sakit sabihin ko at may iinject na sa akin. Ako naman for the sake na maranasan yung pain ng paglelabor tiniis ko lang hanggang parang may lumabas ng discharge na color brown na may pagka-green at feeling ko yun na yung mucuos plug. Natiis ko yung pain hanggang 12mn at tinawag ko na yung doctor para ibigay na sa kin yung gamot. habang binibigay nya sa akin yun thru IV,nilalabanan ko yung antok ko kasi nakakaantok sya at sinabi ng Dr. matulog daw ako wag ko daw labanan yung antok. Every now and then, nagigising ako pero groggy na at naalala ko sinabihan ko yung dr. na napopoop ako, napee-pee ako at saksakan nya ulit ako ng pampaantok. Nung time na yun wala na ko sa wisyo ko hehe sabi nya hindi pwede oras-oras bigyan ako nun.After nun, 8am nagising ako,nasa recovery room na ko. Una kong kinapa yung tummy ko. Wala na yung baby,nakapanganak na ko. Tinawag ko yung nurse sa tabi ko,tinanong ko kung asan yung baby ko. Sabi nya nakapanganak na ko. Tinanong ko pa nga kung ano gender kahit alam ko ng girl hehe. Ayun,nakahinga na ng maluwag nakita ko si hubby sa labas ng RR na abot tenga yung ngiti at puro flying kiss pa ang ginagawa. Mga 12nn binaba na ko sa room ko, natagalan lang ako ihatid dahil hindi agad nagcontract yung uterus ko kaya nilagyan pa nila ng ice yung part ng puson ko.

yatzkie

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #514 on: April 25, 2013, 01:03:43 pm »
Hi.. can I join this forum?.. Im a first time mom po.. My EDD is on May 3, 2013.. Actually Im so excited na to see my baby.. but yet I still feel so nervous.. My check up is every monday.. last time, sabi ng ob ko in position na daw si baby and mababa na.. kaya lang need to pa rin magtake the eveprim kasi hindi pa daw mag-open yung cervix ko.. Nagtake na ko ng med since tuesday and its my third day.. Hindi ko alam kung effective ba yun... Minsan nararamdaman ko na parang sobrang bigat na ng tummy ko at ang hirap na lumakad.. pero wala pa namang intolerable na pain akong nararamdaman.. though wala na talagang magandang position sa pagtulog kapag night.. Ito pala yung pinaka nakakainip na part.. yung magintay ng minutes, hours, days, weeks sa paglabas ni baby.. I actually dont have any idea din kung anong klaseng pain na ba yung mararamdaman kapag naglalabor na.. Then also my OB told me na Normal delivery ako but painless naman daw.. paano ba yung procedure nun? as in painless? walang mararamdamang sakit? No idea talaga, and that makes me feel very nervous.. hehe..

Halee

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #515 on: April 25, 2013, 01:17:28 pm »

I gave birth to a healthy and pretty baby girl last February 1. Induced. NSD.

My EDD is February 2 na naging February 4 na at finally naging Febraury 5 naman. Twice akong nagpalit OB non nasa Pinas.

January 9 palang 1cm na ako. Akala namin malapit na.

January 30 sabi ni OB dapat i-induce na ako kase konti na lang ang amniotic fluid ko. Hindi na pwedeng hintayin ang EDD ko.

January 31
10am    nagpunta na ako sa hospi.
11am    3cm na so dinala na ako sa OR para don maghintay sa Labor Room.
1pm    3-4cm sabi ni Nurse. Bumisita si Doc
6pm    Binisita ulit si Doc sabi 3cm
Nagreretract daw cervix ko. Tatlo na ang kabatch ko sa Labor room na nanganak pero ako waiting pa rin
7pm    kumain ako ng sandwich at water.
9pm    3cm pa rin. Pinapasok pa nga si Ate ko sa Labor Room para may kasama ako. Kwentuhan kami habang naglalakad lakad ako sa loob ng Labor Room.
10pm    hindi ko na kaya ang pain kaya humingi ako ng pain reliever.
Past 12mn na ako nabigyan kase late nakasagot OB ko. Umiiyak na ako sa sakit pero walang luha. Hindi ko maintindihan kung anong masakit sakit. Kaya lang non time na yon nasa active stage na ako ng labor kaya wala ng effect sakin ang Nubain at Ephedrine, ramdam ko pa rin lahat ng sakit pero inaantok ako. Tuwing magigising ako umiiyak ako tas maya maya makakatulog, ganon lang gang mga past 4am.
Almost 5am   Sabi ko Nurse natate na ako. 7cm na pala so dali dali sa Delivery Room ako dinala. Sa isip ko, yes sa wakas!. Inilipat pa ako ng birthing table kase lampas lampas ako (hindi naman ako ganon katanggad). Tinawagan na si Doc. IE yong ROD 8cm. Pagdating ni Doc balik 7cm. So umalis sya magkakape daw muna. Humiram ako ng salamin sa Nurse pero wala naman. Ok na sana yong instruments kc stainless, makintab nila kaso dumating na si Doc saka [textspeak!] ROD. Pinutok na yong panubigan ko, hindi pala masakit yon. Kwentuhan pa rin sila. IE ulit sabi 8-9cm na pero mataas pa ulo ni baby. Tinawag si Ginoong Orderly, taga dagan sa tyan ko. Umire daw ako kapag humilab at parang natatae na ako. Pero tuwing humihilab umiire na rin ako, kaya ayon sobrang napagod ako. Sa sobrang sakit sabi ko “I-cs nyo na po ako prang awa nyo na. Hindi ko na kaya. Pero deadma lang sya. Non second na push ni Ginoong Orderly at mahabang ire  lumabas na rin si baby. Ramdam ko yong mga daliri nya habang lumlabas. Nagsorry OB ko kase hindi na ako pwdeng i-epidural kase kailangn kong umire (kc nagreretract cervix ko) at sayang naman daw ipinaghintay namin kung bigla nya akong i-cs. Kaya naman ang una kong nasabi kay baby pagkakita ako sa kanya “bakit ngayon ka lang dumating, ang tagal ka naming hinintay”.

Habang hinihintay alisin placenta ko, nakipagkwentuhan pa ako. Tinanong ko kung ano ginagwa sa placenta dito kase sa work ko my product kaming gawa sa placenta. Groggy na ako non pero nakichika pa. Tas may narinig akong mag dimples daw si baby, sumagot akong baka sa side ng Tatay nakuha. Kala ko panaginip ko yong nagiring ko abt dimples hindi pala. 6:34am lumabas si baby.

10:30am Pinilit ko nang gumising. Nakakainip sa Recovery Room. Pinakain muna ako. Kailangn ko daw magwiwi pero hindi ko nagawa. Nagtanong ulit ako ng salamin pero wala pa rin naibigay sakin.

Past 12noon ako inilipat sa room. HIhiramin sana namin si baby pero hindi pwde. Mga around 5pm non nakasama ko si baby sa room. Once nakalabas na sa Nursery hindi na pwdeng ibalik kaya sakin na talaga magmilk.

February 2 ng hapon umuwi na kami. Pinilit ako ng RN makaihi pero patak lang kaya. Umuwi pa rin ako. Pinayagan naman ako ni Doc.

February 3 hindi pa rin makaihi maghapon. Uminom na ako ng liters of sambong, water at naglanggas, binuksan ang gripo, nagsasabi ng “wi wi wi”habang nakaCR, hot at cold compress lahat na talaga ginawa pero walang effect. 12mn non nagpdala na ako sa hospital. 3.3Liters nakuha non nilagyan ako ng catherter. Kala mo buntis pa rin sa laki ng tyan ko. 3 times akong nag-catheter. Inirefer pa ako sa Urologist. 25 out of 28 days ng February eh naka-catheter. Sabi non Urologist dapat nong una pa after 6 hours na hindi ako nakaihi nagpalagay agad ako. Natakot kase ako sa narinig kong masakit magpalagay non.

Yan ang 19-hour labor story ko. Nawala lahat ng sakit, pagod, at puyat non nabuhat ko na si baby irlet ko. Hindi nasayang ang luha, dugo at pawis ko. Ibang kwento pa yong breastfeeding experience ko. Hehe.

mkclor

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #516 on: April 25, 2013, 05:55:55 pm »
Hello mommies, I've been reading this thread for a while now, and here's my story:

I gave birth last April 11, 2013 to a healthy baby boy sa CGH, same date with my EDD. God gave my late father's (died last January lang due to cardiac arrest  :( ) wish na same sila ng bday ng baby ko.

April 10 - checkup with OB, she said I'm still 1cm dilated and my baby is still floating pa daw. I've mentioned to her na my baby's movements decreased so she ordered a NST for my baby. Twice yung ginawang NST sakin because baby's movements are not ok daw, so before the second NST pinag-oxygen ako for an hour, after that naging okay na result ng 2nd NST ko.

April 11 - Me and hubby woke up early to attend mass for my father's bday. We walked from our house to church para matagtag ako then after the mass, we went to hi-precision, for my blood sugar test, since matagal makuha yung result, we decided to walk in Luneta, paikot ikot kami ni hubby under the scorching heat of the sun!I wanted my baby to come out on that day na rin to fulfill my father's wish. So after we got the result, we went home na. After eating lunch, I noticed that there's a gush of water came out, basang basa undies ko, I changed then ayan na naman yung feeling, when I checked it was blood na but them wala pa akong nararamdamang matinding contraction so naglakad lakad pa ako sa loob ng house pero di pa rin tumitigil yung paglabas ng blood so kahit na wala pa akong matinding contractions na nararamdaman, we went na to CGH, pagdating sa labor room, pagka-ie sakin, I'm already 4-5cm dilated, tapos after less than an hour, 6cm na, after less than an hour ulit 7cm na pero tolerable pa rin contractions ko, I just did breathing exercises na tinuro ng OB ko sakin, after 30mins, 8cm na ako, 3hours lang ako sa labor room, naunahan ko pa yung mga mommies na nadatnan ko dun. Nung 8cm na ako dinala na ako sa DR, so everytime may contraction they told me to push ng mahaba, kaya lang di pa rin bumababa si baby ko, so what my OB did was habang umiire ako binubuka nya cervix ko since malaki nga daw si baby and yung nurse nakadagan sa tyan ko grabe di ako makahinga feeling ko mamamatay na ako. Gusto ko na sumuko at magpa-cs nalang pero sabi ng OB ko kaya ko daw yun wag daw ako iiyak. So for the sake na rin na makalabas si baby tiis tiis ang pain ng ginagawa sakin, thankful ako dun sa resident doctor na nagcoach sakin on how to push longer hanggang sa naramdaman ko na head ni baby sa may pwerta ko then my OB said na ready na daw ako, they prepared all the materials and sinuotan na din ng scrubsuit si OB then nagpass-out na ako, pagkagising ko nasa recovery room na ako feeling sore all over, di ako makakilos dahil both of my hands nakadextrose tapos meron pang ice packs na nakadagan sa puson ko, they did blood transfusion kasi sa sobrang dami daw na blood na nawala sakin. Kwento sakin ng OB ko pagkalabas daw ni baby, biglang buka ng cervix ko to 10cm saka lumambot, so madaming blood yung lumabas buti nalang naagapan ni OB, she said pa nga kala nya di na ako magsusurvive dahil sa blood na nawala. Buti nalang God saved me and gave me another chance. :) Grabeng experience yun, all those times na nasa recovery room ako iniisip ko yung baby ko kung kamusta na ba since di ko na sya nakita pagkalabas nya, after ako marooom-in sinunod na si baby ko, ganun pala feeling pag nakita mo na baby mo, lahat ng pains na I've been through nawala lahat. Now, he's 2 weeks old, I'm fortunate to survive and makasama at maalagaan baby ko..  :) Sorry ang haba..
« Last Edit: April 25, 2013, 06:07:00 pm by mkclor »

tina_tot

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #517 on: May 24, 2013, 07:42:37 pm »
Azrielle Skye Casuga
May 21, 2013. 09:18 AM
via CS
Weight: 2,850 grams

How my little chubbycheeks came to be...

May 21 (due date accdg. to LMP)
     I was scheduled that day for my check up and BPS since its my due date and yet parang wala pang nangyayari but then...
     2am - I woke up and went to the CR to pee and noticed a brownish streak sa underwear ko. I immediately called my OB and she instructed me to go the hospital at around 7am. Tamang tama lang daw yun na time para mag progress yung labor ko. So relax muna ako konti, but hubby was not feeling well at di na mapakali.
     3am - I started feeling slight labor pains. Parang pre-period pain so itinulog ko parin. Si hubby di na mapakali.
     4am - Pain was gradually increasing but tolerable. Kunwari unang banat lang ng dysmenorrhea.
     5:30am - Nagutom ako. Nag anmum at peanut butter sandwich lang. Si hubby hindi makakain.
     6am - Naligo na ako. Na excite ako eh.
     6:30am - Pack up na kami ni hubby.
     7am - Ready na. Gow!
     
     7:30am - Na admit ako at Lorma Medical Center. Pagdating sa ER may nag IE sakin, and to my shock... 8cm na pala ako! Ganun nalang kabilis yet yung pain ay tolerable pa naman. I called my OB again and even she was surprised. So sabi niya "Chillax... punta na ako dyan ok? Don't worry." So napanatag naman ako na available siya that time. Nilagyan na ako ng IV and diretso na kaagad ako sa Labor Room. Halong kaba at tuwa na feel ko. While hubby naman was busy reserving a private room for me.
    8am - Hubby came into the labor room. I was all smiles and so was he. Contractions were getting more intense and frequent ang intervals. Pa picture picture pa kami at super smile parin naman ako lol. Natuwa pa yung nurse kasi ako na yata daw ang pinaka behaved patient na naglalabor.
     8:30am - OB arrived finally. She did IE again. Yes, confirmed nga na 8cm na. Nirupture niya BOW ko which hindi ko gaano naramdaman basta nag gush out nalang yung amnio fluid. But when she saw the amnio fluid sabay pull out ng gloved fingers niya, she said, "Kailangan mo na ma CS, nag dumi siya sa loob at mataas pa siya. Baka marami siyang makain na dumi."

Decision Time: Biglang nawala yung smile ko, at si hubby biglang nanlamig ang kamay. Wala kaming nagawa kundi mag sign ng consent for operation while yung OB ko tawag kaagad sa pedia na kakilala niya. Hubby and I were in tears, worried of what will happen to me and especially si baby. Together nagdasal kami bago ako prinepare for CS.

    9am - Table na. The epidural part was the hardest kasi sumasabay yung contractions habang naka letter - C yung body ko. I did my best not to move, todo-concentrate dahil sa takot na baka gumalaw ako bigla eh baka i reinsert. The insertion part didn't hurt, yung contraction habang nakayuko ang masakit. Pero magaling yung Anes kasi 1 hit. After that he asked me if my legs were getting heavy, tapos kinukurot ako sa belly. I was so scared baka may ma feel parin ako. But the Anes was so mabait.
     9:15am - Open na sabi ng Anes. Narinig ko yung OB ko saying, "Ay naka-posterior! Ang laki pa!" Kinabahan ako baka di makalabas, pero thrilled na thrilled naman yung OB ko at yung Pedia. Sabi pa ng OB ko, "Ayyy ang laki talaga di ako makapwersa sister! Hahahaha!" Napapa aaah pa ako habang naffeel ko yung pag hatak kay baby at pati yung OR table nagwwiggle pa! Pati yung Anes nakipag push narin ng abdomen ko.
     9:18am - Baby Girl is out! Ang lakas ng cry pati ako naluha luha din. Hindi ko nakita yung face niya, kamay lang as if waving hello and crying out "Hey mom we did it! Ewww lang na poo ako sa loob, sorry!" Then after that pinatulog na ako ng Anes.

     10am - Nagising nalang ako na nanginginig sa loob ng Recovery Room. After effects ng anes. Okay na kaya si baby? Yun ang iniisip ko, hanggang sa parang nanghina ako at nakatulog ulit.
     12nn - Gising na ako ng dinala ako sa ward. Numb pa naman ang pakiramdam ko, full packed ang hospital that day so expected ko nasa waiting list pa kami sa mga private rooms. Pero napangiti ako nung makita ko hubby smiling at me, "Good job honey, she's so beautiful. I love you both." saka ako hinalikan sa forehead. Hindi ako makapagsalita, parang malat na malat ako. Pero smile ako ng smile.
     5pm - Finally nailipat na ako sa private room. My OB was so kind she was the one who reserved a room for us. Masakit yung incision ko kasi unti unti na nag we-wear off yung anes. I tried my best to tolerate the pain even with the aid of pain killers masakit parin all throughout that night. Hindi ako nakatulog ng wasto. Kahit ganun I tried turning from side to side with the help of my hubby.

May 22, 2013
     Natotolerate ko na mag turn from side to side at umupo with the aid of a binder. Inalis narin IFC ko. Ouchie. Tapos nag insert sila ng Dulcolax suppository mas ouchie na naman yun! Parang mas masakit pa nga yun kesa yung epidural. Nagawa ko naman maglakad saglit papunta sa CR para mag poop, nakakatakot feeling ko bubuka yung tahi ko, though hindi naman ako nag strain. After that, nag pa bed bath ako then pinag start na ako ng soft diet. Nag visit yung OB ko that morning, she was surprised nakakaupo na ako, sabi niya tuloy baka pwede na ako umuwi the next day. Next naman nag visit yung Pedia, sabi niya 1 week muna si baby sa nursery for a round of antibiotics, and for observation narin dahil naka ingest ng meconium but all in all she's well. Good AS din siya 8/9. That afternoon, I was wheeled to the nursery to see our baby, pero sa labas lang kasi sinisipon ako that time. Ang sarap ng feeling, makita lang siya nakakawala ng sakit.

May 23, 2013
     On DAT na ako, nakakalakad narin ako around the room, and I was able to do sponge bath by myself sa banyo. Si hubby naman busy busy sa paglalakad ng registration ni baby, philhealth and all. Then my OB came to check my incision. Intact and dry. Kaya binigyan na ako ng discharge orders. When hubby came back, I told him to process the payment of the bills na. Natuwa din kami kasi the nurse informed me that I can hold our baby provided na magsuot ako ng mask at gown. I tried to BF her kaso wala pa ako BM as of that time. We were scheduled to leave the hospital by 4pm. Before we left, I dropped by the nursery and cuddled her one more time. The first time I saw her open her eyes. Heaven ang feeling. Can't wait to take her home soon.



yang

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #518 on: May 26, 2013, 07:59:27 am »
any Makati med labor stories? yun anticipation ko din di mawari kung naduduwag o excited.

daveigh

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #519 on: May 26, 2013, 12:08:21 pm »
Here naman is my birthing story :

Stat (emergency CS) operation at Delgado Hospital
Dr. Michelle Dado

misisnibokyo.blogspot.com/2013/01/my-birthing-story.html

 

Latest Stories

Load More Stories
Close