Anica Kay's birth story:
Born: April 2 via CS
Time: 11:12PM
Weight: 7.6lbs
Length: 49cms
Head size: 34cms
April 1 - May bloody show na ko. Sabi ni OB observe muna kapag ok pa until hapon tuloy ko check-up sa kanya. Natuloy naman and upon IE 1cm pa lang (naglakad-lakad pa ko sa SM nyan nung morning) and the Nica's position is nagbabadyang CS na although cephalic kaso face upward sya. Sabi ni OB maglakad-lakad ako baka sakaling magbago pero sad to say, di ko nagawa.
April 2 - eto gawa na ko timeline mga sis:
4am - Nagising ako para magCR at ayun may brown and flesh blood (red color) show na naman ako. Medyo madami na. Di na ko nakatulog tapos may dysmennorhea-like feeling na ko
5am - Labor pains getting intense pero tolerable naman, interval less than 10 minutes apart pa. Ginigising ko si hubby na pwede ba kami maglakad para matagtag, eh sobrang antok pa humingi pa ng allowance na 15 mins. Hinayaan ko muna sya matulog.
6am - Eto talagang ginising ko na si hubby, tapos nakita na nya na tumitigil na ko magsalita or gumalaw kapag may contraction ako nafi-feel. Sabi nya pa-admit na daw ako. Isip-isip pa ko kasi nga yoko naman magpa-admit kung malayo pa ko manganak, di pa kasi putok water bag ko.
7am - Nagdecide na ko punta na kami hospital. Gut feel ko na baka nga "this is it" hehe! So naligo pa ko as in basa ulo, kasi malamang kung tuloy nga ko manganak, eto na ang last ko maligo ng todo.
8am - On the way na kami hospital nagtext si OB para kamustahin ako, tumawag ako sa kanya to tell him na papa-admit na ko. Tapos ask pa ko kung pwede kain muna ako sabi nya ok lang as long as madaling tunawin yung food. NagMCDO muna kami I ate pancakes with sausage pa hehe!
9am - Arrived hospital, admission nagstart na. IE muna ako ng nurse at ayun 3cm na pala ako. Not so much pain pa din. Nurse called my OB at ayun, diretso labor room nako. Akala ko talaga makakatambay pa ko sa room namin. Nagba-bye na muna kay hubby
9:30am - Sa labor room na ko, nilagyan na ko ng IV. Kinabitan din ng fetal monitor and so far so good naman. Binigyan din ako ng pampahilab na tinurok sa dextrose.
10am - Eto start na talaga ng pains na kaya ko pa rin, tapos eto na rin yung time na lagi check contraction timings.
2pm - Nagising ako, in pain pa din so nag-IE ulit nurse, 4cm na yata ako this time. Tolerable pa din ang pain. Nagpupunta pa nga ko ng CR na naglalakad, lapit lang naman. Ayoko magbed pan eh..kahit naka-diaper ako yoko din noh.
5pm - Eto medyo di ko na kinaya. Dumating na din OB ko sya na nag-IE sakin. 6cm na kasi ako so humingi na ko ng epidural. Naalala ko na lang, tinurukan muna ako ng pain meds, thru IV pa din, tapos high na high ang feeling ko. Nakatulog pa yata ako nun. Dumating anes, binigyan na ko ng epidural. Di ako nasaktan ewan ko ba, sarap ng droga hehe! Tapos tingin ko pa sa anes kamukha ni John Lloyd...as in sinabi ko pa sa mga nurses.
10pm - Eto lutang na talaga diwa ko. Naalala ko na lang, kinausap na ko ni OB na di na ko umusad ang 6cm for the past 3 hours (7pm start ng count si doc). So ask nya kung gusto ko na ba ma-CS. Ask ko kung wait pa kami anong possibility na magnormal. Sabi nya, pwede pa naman daw kasi usually 3 hours talaga binibigay nyang allowance baka kasi delikado na kay baby. Nakita ko, si hubby pinapasok na rin tumingin sya sakin. Nagbigay na ko ng go-signal na CS na ko. Groggy na ko talaga sa drugs, naalala ko na lang wheeled-in na ko sa OR. Nanginginig ako sobra, as in nagshe-shake bigla which is effect ng epidural. Medyo nangati din face ko. Naalala ko din na nilagyan ng harang sa harap ko para di ko makita yung operation. After nun, wala na ko naalala.
2am - Nagising ako, nasa recovery na ko. Dun nilapit nila si Nica...as in gusto ko maiyak na hindi...as in mixed feelings kasi nga may drugs pa sa body ko. Nagtry agad kami maglatch and happy to know, walang kahirap-hirap

Tapos ang daldal ko daw na lagi nga ko sinasabihan ng nurse na wag daw ako magsalita kasi kakabagin ako.
3am - Nilipat na ko sa room namin, nandun si hubby and SIL ko. May pinakita video si hubby ni Nica tapos super tuwa na ko. Si Nica naiwan sa nursery. Nagpahinga na rin ako, natulog yata pero alam ko nagpost pa ko dito para i-announce hehe! Actually, si hubby nagpost na sa FB nya tapos dami na nagcongratulate :p
Si Nica dinala sa room namin afternoon ng April 3, tapos her pedia asked us kung sure kami sa rooming-in kasi wala na balikan. Lakas loob namin eh, kaya ayun kami na nag-alaga. Medyo nagsisi kasi ang hirap lalo na sa part ni hubby. 1st night, kaming dalawa lang with Nica, naku maloloka kami. I even cried kasi di ko matulungan si hubby dahil nakahiga lang ako. NagBF naman sya sakin kaso hirap pa humanap ng right position. Pero after that night, naka-adjust na kami unti-unti. April 4 ng madaling araw, tinanggal na catheter ko. Dito start na ng kalbaryo ko. Grabe ang sakit lalo na unang tayo kasi kailangan ko na magCR. Inalalayan ako ni hubby tapos may nag-assist din nurse kay Nica (super bait ng staff sa hospital kasi dapat di na sila assist kasi nagrooming-in kami). Maloloka talaga ako sa pain, feeling ko hihimatayin ako kaso I know I have to do it. Ayun nakaraos naman hanggang sa na-discharge kami nung April 5. I can almost walk on my own na din. Bilib OB ko pati mga nurses kasi bilis ko daw mag "recover". Nabubuhat ko na din si Nica, nakaupo nga lang. Right now, 80% ok na ko. Medyo may konting pain so tuloy pa din ang meds ko. Maganda na rin pala flow ng BM ko. Na-satisfy na kahit papaano needs ni Nica. Sabi nga pala ni OB, good thing CS daw ako kasi yung left or right hand ni Nica, nakapatong sa ulo so mahihirapan din pala ako magNSD at baka ma-fracture pa hand nya.
Sisses...sorry ha super detailed ng kwento ko at ayan mala-nobela pa hehe! Btw, ginawa din unang yakap sakin kaso di ko na maalala. Sinabi ni OB dinikit daw nila si Nica after ilabas sa tummy ko kaso super sandali lang kasi naghypothermia si Nica. Kaya eto ginawin ang anak ko, di tumatagal sa aircon (pabor sa amin hehe).
To those who are about to give birth for the 1st time..naku wag kayo kabahan hehe! Lalabas naturally ang pagiging nanay nyo. Totoo nga na kahit gaano pa kasakit ang delivery either NSD or CS, kapag nakita nyo na ang anak...balewala ang lahat.