Nainspire ako magshare kahit di na navivisit yung thread

buntis ulit ako and I'm looking forward to the experience again:
LMP: Aug 26, 2009
ETD: June 3, 2010
Actual Delivery date: June 2, 2010; 9:04am (39 weeks, 6 days)
Background: Pinapainom na ko ng Primrose Oil na capsule, kasi di pa nagiimprove yung cervix ko. Pag di pa rin daw ako manganak ng NSD before June 3, CS na ko on that day.
June 2, 1 am: gising pa kami ni hubby, nagmamarathon ng The Big Bang Theory nang na-feel niya na every 2 minutes na yung contractions ko (siya pa nakafeel ha, lol). Tapos pinaligo na ko ng mom ko sabi, baka manganganak na daw ako. Ayoko pa sana kasi di naman masakit e. Pero sumunod ako. And yes, tama si mama haha. May tinge ng red blood sa panties ko and some water, ito na nga yon.
around 1:30am, dinala na ko sa TMC na 10 minutes mula sa bahay namin by car. Di kami sa emergency dumeretso. At nagpark pa talaga kami kasi okay naman ako, normal lang. Lakad lang papuntang elevator from B3- ground floor, tapos sakay sa elevator from lobby to 5th floor.
So kinuwento namin sa mga nurse na yun nga, Prelabor room muna ako.
2 am, kinabitan na ko ng aparato, pinahiga sa kama na akala kong matigas (yun pala contractions ko yun), pirma ng ganito ganyan, lagay ng thumbprint para sa "birth certificate" na gawa ng TMC. Sabi nila, matagal pa ko kasi 2cm pa lang e. So tagal ko sa prelabor room. Inip-inipan ang drama ko, nagiinarte pa kong iabot muna sakin yung cellphone ko kasi naiinip na ko talaga.
4am, ayun nag 4 cm na preparation na sa Labor room, tinurukan na ko nung sa IV (pero walang IV ah), tapos higa na sa mas malaki at comfy na bed. Dinig na dinig ko yung baby monitors at mga daing ng ibang manganganak. Medyo natakot ako haha.
6am nang turukan ako ng epidural. Madalas na ang contractions na masakit at fetal position pa ko habang tinuturukan sa may spine. Most painful moment ko to ever. Tapos, di pa matusok-tusok nung ate sa likod ko yung epidural. Aba, kita ko na yung duguan nyang kamay! haha kesyo payat daw ako kaya mahirap. Jusme.
Anyway, makalipas non at umepekto na ang gamot and nakatulog ako. Nagising na ko ng 8am, and 10 cm na bigla. Haha.
Problema: wala pa yung doktora ko. So ang bilin sakin, habang ako ay dinadala sa delivery room: wag na wag iire. Lol.
So ayun gising na gising ako at wala akong nafi-feel dahil sa anaesthesia. 2 tries para lumabas si bebe. Bago pala ang ire-han, tinawag nila si hubby para sa camera. Haha. 10-second count para umire, at yun lumabas si baby nang wala akong nararamdaman. Yung BP monitor lang ata naramdaman ko sa kanang braso ko. Narinig ko na ang iyak ni baby.

Tinabi siya sakin for our first picture together. Ampangit ko hahaha. Pero syempre smile pa rin diba

from 10-12 noon ako sa recovery room bago ako nilipat sa private room kung nasan andun naghihintay ang family ko. Grabe lang ang gutom ko.
3PM, kaya ko na maglakad. Punta agad ako sa nursery para itry ibreastfeed si baby. Afterwards, sabi ko room in ko na siya. So pinapunta ko si hubby na magdala ng damit na pambihis ni baby then dinala na siya sa amin.
Di pa ko quota, kasi boy ulet.

Ewan ko kung magtatry pa kami for a girl.