watch now

Author Topic: Signs of labor  (Read 834786 times)

10004

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #480 on: May 15, 2012, 02:29:07 pm »
Sana may mag-share pa ng labor stories nila.  I'm now 36 week pregnant... I'm having mixed emotions, excitement, nervousness and anxiousness sa pagdating ng D day. Haaaay...

mae.mae

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #481 on: May 15, 2012, 09:24:26 pm »
haay .. after reading all of your posts, kinakabahan pa din ako na parang di ko alam ang gagawin ko pag dumating na sa kabuwanan ko .. pero ang pinakatumatak sa akin is yung pag monitor ng cramps .. & sabi daw nila pag lumabas na daw yung amniotic fluid , yun na lapit na manganak .. sweet daw ang smelll nun .. i am hoping for an easy labor .. hehe

sweetsorrow

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #482 on: May 19, 2012, 06:52:58 pm »
Contractions started around 5am. Then 6am inorasan ko na, every 5minutes na.

I stood up and felt like napupupu.

I took a bath around 7am then punta na sa hospital.

I was in labor for almost 12hours!

Worst pain ever! Mataas ang pain tolerance ko pero ang labor pain, grabe! Halos sumisigaw na ako sa sakit lalo na nung ininduce at nirupture ng OB ang waterbag ko.

mae.mae

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #483 on: May 21, 2012, 09:02:34 am »
sis sweetsorrow, walang anaesthesia?  :-[ *OHMYGOLLY*

Sisses, mas okay ba talaga yung magpapainless na lang, wala bang nega effect sakin yun & sa baby? Nanotice ko kasi hindi lahat ng hospitalas nag ooffer ng painless for NSD

Grayce

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #484 on: May 21, 2012, 05:19:44 pm »
^they say the effect is on the baby daw. mas antukin and not that alert. i don't know if this is true but sa son ko ganun cya (NSD w/ epidural ako)

ayami

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #485 on: January 17, 2013, 07:34:53 pm »
Nainspire ako magshare kahit di na navivisit yung thread :)) buntis ulit ako and I'm looking forward to the experience again:

LMP: Aug 26, 2009
ETD: June 3, 2010
Actual Delivery date: June 2, 2010; 9:04am (39 weeks, 6 days)

Background: Pinapainom na ko ng Primrose Oil na capsule, kasi di pa nagiimprove yung cervix ko. Pag di pa rin daw ako manganak ng NSD before June 3, CS na ko on that day.

June 2, 1 am: gising pa kami ni hubby, nagmamarathon ng The Big Bang Theory nang na-feel niya na every 2 minutes na yung contractions ko (siya pa nakafeel ha, lol). Tapos pinaligo na ko ng mom ko sabi, baka manganganak na daw ako. Ayoko pa sana kasi di naman masakit e. Pero sumunod ako. And yes, tama si mama haha. May tinge ng red blood sa panties ko and some water, ito na nga yon.

around 1:30am, dinala na ko sa TMC na 10 minutes mula sa bahay namin by car. Di kami sa emergency dumeretso. At nagpark pa talaga kami kasi okay naman ako, normal lang. Lakad lang papuntang elevator from B3- ground floor, tapos sakay sa elevator from lobby to 5th floor.

So kinuwento namin sa mga nurse na yun nga, Prelabor room muna ako.

2 am, kinabitan na ko ng aparato, pinahiga sa kama na akala kong matigas (yun pala contractions ko yun), pirma ng ganito ganyan, lagay ng thumbprint para sa "birth certificate" na gawa ng TMC. Sabi nila, matagal pa ko kasi 2cm pa lang e. So tagal ko sa prelabor room. Inip-inipan ang drama ko, nagiinarte pa kong iabot muna sakin yung cellphone ko kasi naiinip na ko talaga.

4am, ayun nag 4 cm na preparation na sa Labor room, tinurukan na ko nung sa IV (pero walang IV ah), tapos higa na sa mas malaki at comfy na bed. Dinig na dinig ko yung baby monitors at mga daing ng ibang manganganak. Medyo natakot ako haha.

6am nang turukan ako ng epidural. Madalas na ang contractions na masakit at fetal position pa ko habang tinuturukan sa may spine. Most painful moment ko to ever. Tapos, di pa matusok-tusok nung ate sa likod ko yung epidural. Aba, kita ko na yung duguan nyang kamay! haha kesyo payat daw ako kaya mahirap. Jusme.

Anyway, makalipas non at umepekto na ang gamot and nakatulog ako. Nagising na ko ng 8am, and 10 cm na bigla. Haha.

Problema: wala pa yung doktora ko. So ang bilin sakin, habang ako ay dinadala sa delivery room: wag na wag iire. Lol.

So ayun gising na gising ako at wala akong nafi-feel dahil sa anaesthesia. 2 tries para lumabas si bebe. Bago pala ang ire-han, tinawag nila si hubby para sa camera. Haha. 10-second count para umire, at yun lumabas si baby nang wala akong nararamdaman. Yung BP monitor lang ata naramdaman ko sa kanang braso ko. Narinig ko na ang iyak ni baby. :D Tinabi siya sakin for our first picture together. Ampangit ko hahaha. Pero syempre smile pa rin diba ;)

from 10-12 noon ako sa recovery room bago ako nilipat sa private room kung nasan andun naghihintay ang family ko. Grabe lang ang gutom ko.

3PM, kaya ko na maglakad. Punta agad ako sa nursery para itry ibreastfeed si baby. Afterwards, sabi ko room in ko na siya. So pinapunta ko si hubby na magdala ng damit na pambihis ni baby then dinala na siya sa amin.

Di pa ko quota, kasi boy ulet. :)) Ewan ko kung magtatry pa kami for a girl.

akiteklea

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #486 on: January 18, 2013, 01:06:49 am »
I  gave birth to our baby girl last nov 4 2012 at 9:48am ü
Nov 2, went to toy kingdom megasale para matagtag, 3 hrs non stop walking yun-no pain, puro braxton hicks lang
Nov 3,emergency check up lang kay OB reg sa pupp ko. Then ni IE ako, 3-4cm open cervix na ako. Tinanggal na niya mucuos plug ko then gave me evaprim to soften cervix. Went to trinoma para matagtag. No pain, no water leaking, pero may spotting bec of IE. Took 2 capaules of evaprim, one at the afternoon and one at night.
Nov 4, around 230 am, sumakit likod ko, every 5minutes i have 1minute contraction, nung tumagal ng 330am, nag wiwi ako, may fresh blood na, so i immediately woke up my husband. Wala ng time maligo dahil nagpanic kmi at may blood.
4am-arrived at st lukes, admitted, then IE, 6cm dilated na. Every 3 minutes na contraction.
430am-one shot of epidural, OB arrived
530am-8cm dilated. No pain bec of epidural. She broke my water. Amniotic fluid leaked
8am-pain is unbearable, 2nd dose of epidural thru IV
830am-10cm dilated, no pain bec of epidural kaya lang babys head is not descending. i tried pushing kaya lang tumataas ulit si baby.
9am-wheeled thru labor and delivery. Push ako ng push, it helped a bit. Medyo bumababa, kaya lang konti [textspeak!].Malaki daw kasi si baby, so they decided to push my tummy. Hindi sya masakit, hindi lang ako makahinga kaya iyak ako ng iyak habang nag pupush. And finally after 48minutes of pushing at effort on my tummy, babys out! Grabe, ang hirap napaiyak ulit ako nung makita ko si baby at si husband, he was there the whole time, witnessing my labor,e hindi alam kung sino uunahin puntahan ako ba o si baby! Napasukan kasi ng tubig lungs ni baby kaya di kaagad nahaiyak. Pero after few minutes, we had our first family picture na! Lahat ng mga tao sa labor and delivery palakpakan bec i delivered a baby naturally 7.99 lbs with the help of forcept! Thank God hindi na CS. Finally kasama ko na si baby ngayon after almost 39weeks in my tummy!

cerelina

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #487 on: January 18, 2013, 03:06:27 am »
Dec 21 check up and ie 2cm pa daw ako pero mababa na head ni baby
Dec 22 may mucus na sumama sa wiwi 
Dec 25 nag gala pa ako sa marikina para makapag lakad lakad we even went to cavite for christmas celebration
Dec 26 at 2am nagwiwi ako i went back to bed tapos nagrupture na yung bag of water ko punta na kami sa hospital 4am start na ng labor!

5am ie again still 2cm nagstrip si ob kaya naging 3cm she induced me kasi daw baka mainfection na si baby since nauubos na yung water. Grabe ganon pala yun super dami talaga!

7am ie again 3cm pa rin nag strip ulit si ob 

9am 4cm na ang sakit sobra natrauma ako sa kaka ie grabe and yung pag hilab di nako nakatulog since 2am kasi kung kelan ako aantukin saka sasakit nakakawala antok

1030am 6cm nako nagpa epidural nako and tumatawa na ulit ako kasi tolerable na yung pain. Yung pag saksak ng catether at the back hindi naman masakit mas masakit pa contractions.

1130am nag ei again 8cm na

1230 10cm na i was being prepared for labor. After several push nag hello world na si baby, it took me around 7 pushes kasi nacord coil pala si baby mejo mahigpit daw ayun thank God nailabas ko naman sya. Nung pinakita sakin naiyak ako di ako makapaniwala galing sakin yun hehe saka masaya ako nakita ko si baby personal for the 1st time and finally makakakain na rin ako hehe 

108pm baby out na, 2kg ang liit liit nya even my placenta raw was so small. Baby was born at 38w and 3d Thank God!

oyie

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #488 on: January 18, 2013, 01:35:45 pm »
Naexcite naman ako sa mga kwento ng mga mommies dito.
Iba-iba talaga mga experiences natin noh?

Eto kwento ng 1st baby girl ko.

Jan. 6, 2008. Check up ako ng morning, first IE ko and intact pa daw. I'm on my 38th week na. Nagstroll pa kami sa mall para magpatagtag. Pagdating ng hapon, may bloody show na. Texted ob kaya instruct na ko to go to the hospital na. 2-3cm when I get there. Wala ko nararamdamang pain. It lasted 10-12 hrs na 2-3 cm pa rin at walang pain. Sobrang inip na ko at gutom.
Jan. 7, 2008. Hindi na ko makatiis, binigyan ako ng biscuit and water. Pero konting-konti lang. No progress pa rin at 2-3 cm. Si hubby super hindi na mapakali kasi more than 10 hrs na kaming hindi nagkikita. The nurse told me na ang kulit daw ng hubby ko, tanong ng tanong. Ob visited me, nirupture na un water bag ko. At ayun na, nakaramdam na ko ng contractions. Tolerable pa sya until a few hours, next IE sa kin 4cm na. Sabi ng resident doctor it will take 1hr per cm pa daw. Naisip ko ang tagal pa. A few minutes lang nafeel ko na parang napupoops ako. I asked the nurse, sabi ko napupoops ako. Sabi wag daw akong iire. IE again, fully dilated na daw. At sus ko po, hindi ko na makaya ang sakit. Nagwawala na ko, sabi ng nurse nasa elevator na daw un Anes, pero OB ko wala pa kaya wag daw muna iire. After ako bigyan ng epidural, takbo agad sa delivery room. Si Doc parang naghugas lang ng kamay at after 3 pushes out na si baby. 5 minutes lang ata ko sa delivery room. Haha. Ang sama pa nyan, sa sobrang bilis ng progress ko from 4cm to fully dilation, hindi nakarating si hubby para mag-abot ng camera. At wala syang kamalay-malay na nanganak na ko.

Sa 2nd baby ko. Girl ulit.
March 28, 2009. Around 4-5am. Dahil natakot ako na baka from 4cm mabilis lalabas si baby, nung ma-feel ko na un contractions nagmadali na kami sa ospital. mga 30mins away pa kasi yun byahe. 2-3cm pa rin pagdating namin dun. Sabi ng asawa ko hindi na daw sya kakain kahit magutom sya kasi ayaw nya na manganak ulit ako na wala sya. After a few hours, pumutok na water bag ko, 4cm na at ayun na ulit yung super sakit. Epidural ulit ako. Pero feel ko pa rin yun urge to push. Kung sa first ko 3 push lang, eto super exhausted na ko wala pa. Hindi pala nababa si baby kasi naka-cord coil. Na-normal ko pa rin and gising na gising ako the whole time na nililinis sya. At thankful naman na naka-duty pinsan ko na nurse para makuhanan ng picture si baby, at andun din naman si hubby nun dadalhin na sa nursery.

This time. 3rd baby, sana boy naman. Ayoko na masyado maghintay sa hospital at mainip. Pag 2-3cm kasi ina-admit na, pero kaya pa naman talaga. Ayoko na rin sana abutan ng gutom. Pero iba kasi pag andun ka na sa sitwasyon na alam mo'ng malapit na. Ang totoo, natatalo din ng excitement yun takot at sakit. At mas masarap alalahanin yung moment pag alam mo na nahirapan ka pero worth it. Kahit first baby pa, o second, o third, iba-iba yung experience, talaga lang ata mas natotolerate mo yung pain sa mga sunod na baby kasi mas handa ka na. Alam mo na kung ano yung hihintayin mo na pakiramdam. And of course prayers help a lot. Before, during, and after. Just keep on praying at magiging ok kayo ni baby.

Happy Pregnancy!  :D

missy16

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #489 on: February 15, 2013, 07:24:07 am »
joining! :)

mega back read pa muna ako.. ;)

NiceAcey

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #490 on: February 15, 2013, 10:49:43 pm »
31 weeks preggy..... naeexcite na natatakot naman ako hehe. Kaaliw lang basahin mga labor stories.  :D

BlessedMommyRoanne

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #491 on: February 19, 2013, 11:51:06 am »
My baby is 28th weeks and 5 days today  :)

Really had a great time reading your stories. Since I'm a first time Mom, sobrang salamat, ang dami kong natutunan. Actually naiinip na nga ako, gusto ko na manganak, hehe!

God bless everyone!

==============================================================

May 9, 2013 - the 'BIG' day
Daddy and Mommy loves you very much Baby!  :-*

Jiro2013

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #492 on: February 20, 2013, 05:49:28 pm »
wow kudos sa inyo mga sis hayyy first time ko din sana keri ko din na tulad niyo

hi sis BlessedMommyRoanne ilang days lang po pala pagitan natin 28weeks and 3 days naman sakin nakakainip nga no?kung kelan saglit na lang nakakapraning an din grabe na yung anxiety na nafifeel ko  :(

hannlicious

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #493 on: February 25, 2013, 06:07:14 am »
Hi mommies! Sana marami pang mag-post ng Labor Stories nila because it really helps us first time moms-to-be. :) Turning 33 weeks pregnant nko and I can't wait! Sana lang hindi ako ma-trauma sa pain na mararanasan ko. Take care mommies! :)

lent0t

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #494 on: March 04, 2013, 09:35:55 am »
checked in sa hosp: january 5
gave birth: january 6

1day labor, actually induced labor due to low amniotic fluid.

airwaterfire

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #495 on: March 07, 2013, 04:38:54 pm »
ito naman story ko.

oct 23- schedule ng check up doctor at nag pa IE ako(i asked the ob for IE). upon checking manipis?? na daw(term nila 70% effaced). sabi ni ob manganak na daw ako week after. so para mapapabilis, she did stripping sa cervix ko which was masakit pero kaya naman kasi nakipagdaldalan parin ako ni ob while stripping.

diretso kami sa mall naglakad lang. pag ihi ko may discharge ako, blackish na dugo. pero na anticipate ko na yon kasi inexplain din naman ni ob. meron narin cramps.

observe ko lang pag tumigil ang discharge then bumalik after a day or days, yon na, labor na yon.

oct. 26- todo follow up nako sa hr namin kasi di pa nahulog ang 70% ng sss maternity kasi 1 week before edd pa daw ihulog na nov. 10 pa.. my gosh, sabi ko ni madam hr, feeling ko manganak na ako ngayong week na to, malakas kutob ko na mangangak na talaga ako.

oct. 27- at last nahulog na ang sss maternity ko..(lol).  namili pa ko ng dagdag na gamit.
noong nasa mall na kami parang naiihi ako na gusto kong tumakbo sa cr then nawawala. every sakit hanap ako ng cr pero di natutuloy. unknowingly, nag labor na pala ako. tsaka ko lang na realize after ko nanganak na yon pala yon. sayang.

pag uwi diretso agad sa cr, meron na blood pero di ko lang pinansin. tagal ako nakatulog kasi ihi ako ng ihi.

oct.28- 6am nagpunta pa ako sa grocery store kasi meron pang kulang. pag uwi nag cr ako, meron parin blood at sumasakit na tiyan ko. every 5mins interval. sabi ko sa husband ko naglabor na pala ako tapos kagabi iniwan mo ako naglalakad. nakunsensya, nagsori.

nag taxi na ako papuntang office kasi may tatapusin pa akong trabaho. when my officemates saw me, sabi nila manganganak na daw ako kasi nakikita nila sa hitsura ko. ewan ko lang, sobrang pangit ko na yata that time. sagot ko naman sumasakit na nga tiyan ko, 5mins interval na, pero tapusin ko muna work ko.

lumabas ako ng office at 10am na, diretso na kami sa hospital. nag hazard ang driver ng taxi ng malaman niyang nag labor nako. pero tolerable lang naman ang sakit.

10:30am- i.e ako, 4cm na. advise to admit nako ni doc, ako naman excited..

11:05am- admitted to the labor room. kayang kaya pa ang sakit. tsika to the max ako sa mga interns, pgi at resident doctors. swerte ko ako lang tao sa LR.

12noon- dumating ang resident doc, sabi niya induce nalang ako but tumanggi ako sabi ko mamaya na doc. so sabi ni doc pag 3:30pm wala pa, induce na ako. nipple stimulation lang muna

3:00pm still at 4cm. pumayag si doc na kumain ako pero bread at water lang..

3:30pm - started induction. dun lang ako nakakaramdam ng sobrang kirot. sabi nila 7pm manganganak na ako. the doc asked me if gusto ko ba mag pain reliever, i said no..

7pm- practice ng push, 7cm pa lang.

every sakit, di ko mapigilang mag ire, pigil hininga sa sobrang sakit. gusto ko i.e every 30mins to check. ang bagal ng progress ko.
di ko kaya inhale/exhale.

pero, madaldal parin ako kada tigil ng sakit..:-)

8-10pm sobrang sakit na

10:30pm- 10cm na ako. ako na nag request ni doc lipat sa DR. dahil gusto ko na manganak sa sobrang sakit.

lumabas si doc at 11:00pm after 30mins of pushing kasi wala nangyari. di ako marunong. dinaganan pa ang tiyan na imbes makapush ako, di ako makahinga. bumalik siya at 12:00am sabi niya pahinga daw muna. nakapikit mga mata ko while praying, calling my late-lola's name for help. then suddenly naaalala ko ang post(i forgot if GT or SP) to look for the crucifix. hinanap ko sa room, nasa harapan ko lang pala tsaka i prayed hard na normal lang dahil ayaw ko ma cs( ni ready na pala nila ang OR).

1:15AM- bumalik si doc at ang mga interns, pgi, nurse, pedia at iba pa. ang dami nila naka surround sa akin. meron nag hawak sa paa, nag push sa tiyan ko 2-3 yata sila. 2nd push nag cut si doc, sabi pa niya mag cut na daw siya sabay ng push ko, eh wala naman akong naramdaman ginunting na ako. pag 3rd long push lumabas si Andi. Napa hiyod ang katawan ko ng lumabas ang shoulders sabay "aray". yon lang, ang gaan ng pakiramdam.

1:25AM, October 29, 2010-lumabas ang baby ko.

1:40-1:50AM- manual removal of placenta kasi di siya sumunod. mas masakit pa kaysa tahi..ramdam ko ang mga daliri ni doc sa matris ko.ewww..

3:00AM labas na ako sa DR. pakantakanta pa ng meet me halfway kasi yon ang tugtog nila dun. napatingin sa akin ang nurse on duty..

4:00AM nagpunta ako ng CR si hubby naka alalay kasi hilong hilo ako at mahina at nagpalit ng maternity pad kasi di ko type ang adult diaper. nagpapabili ako ng makakain, jollibee lang ang meron open. pagbalik ni hubby kwentohan na naman kami until 6:00am. Kung kelan nakaidlip na sana ako, dumating ang boardmate ko sa apartment, tsika na naman kahit mahina pa.


After ng rounds ng painit sa tahi at ng doctor, nag hilamos at nag ready na para punta ng nursery to breastfeed.

8:45AM- breastfeed my baby sa nursery. under observation pa kasi siya since nagka uti ako that day na nag labor ako, naka dextrose pa.. sayang, nahiya kasi akong mag request ng unang yakap sa DR. minamadali kasi nila ang baby ko kc 7 ang initial apgar niya sa tinagal tagal niyang lumabas.


Sa sobrang excitement ko, di ako nakatulog that day. nakatulog lang ako nang nakauwi kami sa bahay after 3days. Excited akong mahawakan ang baby ko at makapag BF.

That was 2years and 4 months ago.. I miss it though.


sorry, sobrang haba...

joannady

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #496 on: March 10, 2013, 11:23:05 pm »
Wow super nakakatuwa magbasa ng labor stories niyo mga sisses! super boring pala ng labor story ko. haha! i gave birth last nov 27, 2010 to a healthy baby boy of 7.2 lbs normal delivery.

Bale scheduled check up ko that day at 3pm. Ina IE ako ni Dra. when she said na 6cm na daw ako. Wala ako naramdaman as in! Tapos diretso na ako sa CGH. Sa may DR, andami ko kasabay sigawan halos lahat ng buntis even at 4cm palang.. I was like.. bakit ganun wala ako nararamdaman.. I waited until 6pm when the nurse told me na 8cm na ako. Aray! Dun na sumakit ng bongga! Pilipit na mukha ko sa sakit pero ungol lang ako. hehe..

After that dinala na ko sa operating room and gave me epid because of my scoliosis. Ire lang ng ire until I gave birth at 7.45pm. Gising na gising ako sa epid tapos dami ko pa kain when i was brought to my room. The next day, I was with my baby boy na.

I am presently 33 weeks baby girl naman. Sana smooth din ang delivery like my first. Diet na ko para hindi ma CS. Good luck saten! Hapy delivery!  :)

ellababy

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #497 on: March 29, 2013, 06:12:34 pm »
hi 19 weeks and 6 days pa lang ako at first time kaya kabado pero nung nabasa ko mga labor stories parang na eexcite na ko :) sana madali din akong mag labor tulad ng ibang mommies. :)

super bratinella

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #498 on: March 30, 2013, 02:15:29 pm »
napakaboring ng labor story ko. mar 22@ 10pm check in sa hospital, waited for mar23 6am for my CS operation.

then 7am lumabas na ang princess namin! pero niligate na rin ako since sobrang nipis na ng matres ko very risky na manganak ulit.

euwie

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #499 on: March 31, 2013, 11:42:23 am »
Wow dami ko natututunan! Kwento pa po kayo! :) medyo natatakot ako manganak kasi low pain tolerance ko, nahihimatay ako kapag di ko na kaya. Naku paano kapag ganon? Cs ba kagad? Going 7 weeks pa lang ako pero eto talagang childbirth ang fear namin ni mister  :-\

 

Latest Stories

Load More Stories
Close