watch now

Author Topic: Magalawa Island (Palauig, Zambales)  (Read 77604 times)

queens

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #220 on: April 29, 2012, 10:33:48 pm »
eto i.t namin before
friday night
2300-Mla Terminal (Victory Liner-Samapaloc)-Sta Cruz,Zambales

saturday

0500-Brgy. Pangolingan,Palauig, Zambales (cor Radio Veritas Road)
0515-Oslet Armada Fishdealer,Brgy Luan,Palauig,Zambales take mini boat
0530-Magalawa Island
0600-Pitch Tent, prepare breakfast or order meal in the island
0700-breakfast
0800-explore the island
0700-dinner,social

sunday

0700-breakfast
0800-break camp
0900-back to mainland

Breakdown expenses :

P 800.00 Bus fare (round trip)
25.00 Trycle per head (min of 4 pax )
100.00 boat fare (2 way) / per head ( min of 5pax)
100.00 entrance fee per head
25.00 Trcyle perhead (min of 4pax )
____________
P 1.025.00 PER HEAD

Rate excluding food

shegothim

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #221 on: April 29, 2012, 11:35:17 pm »
sis walang bayad pag may dala kayong sariling tent? san kayo bumaba papunta sa port?

queens

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #222 on: April 30, 2012, 10:54:07 am »
@shegothim - sorry i forgot na kung siningil kami mag tent sa island.  yun sa port ganito  pinasabi lang namin sa bus driver na ibaba kami sa brgy pangolinan i think napa aga pa nga dating namin around 4am ata tapos ang dilim dilim ng paligid  panay damuhan lang buti nalang may headlamp kami. we contacted ms grace buti sumagot naman at ipapasundo kami sa trycle driver around 30mins nag intay kami sa waiting shed umupo ang daming lamok pinapak ako :) sa waiting area may isang maliit na daan lang sya papasok na pala yun sa looban papuntang port. 

shegothim

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #223 on: May 07, 2012, 10:36:11 am »
sis queens, ang mura ng expenses nyo sa magalawa. halos doble na kasi ngayon ang magagastos at DIY lang din kami.

eto naman ang reviews ko:

ok naman sa magalawa. di ganun fine ang sand pero di naman mapebbles o mabato. magandang magsnorkeling doon. natuwa ako dahil malapit lang meron nang mga corals. sabi ng kaibigan ko may nemo rin daw doon (eto lagi naming hinahanap pag nagsnorkeling, may nakita rin pala ako pero black at white sya. konti nga lang ang isda dito pero keri na rin. malinis din ang shore nila kasi sa umaga nagwawalis iyong mga staff ng ruiz resort. nagpunta rin kami sa marine sanctuary sa san salvador. maganda rin mga corals dito at mas maraming isda. may taklobo (giant clam) din dito. may mga nakita rin akong dead corals pero sabi ni kuya bangkero matagal na raw iyong mga dead corals dahil daw sa cyanide fishing pero ngayon bawal na daw iyon.

mababait ang mga staff ng ruiz resort mula kay mang mulo at lahat ng staff doon. mura din ang paluto sa kanila bale 205 pesos lang 150 sa paluto at 55 sa rekado. pang lunch at dinner din namin iyon pero may kaunti pa ring umabot para sa agahan namin.

very basic naman ang kubo nila. elevated papag, banig, unan at electric fan lang ang sa loob. medyo pricey sya para sa amin (1000 good for 4-5pax) pero dahil wala kaming malaking tent doon na lang kami atsaka mahal din iyong open cottage nila for 700 pesos. nanghiram na lang din kami ng table para dun kami kakain. may floating balsa din sila na open for all. sarap magkwentuhan at magmuni-muni dun ;D

pumunta rin kami sa armada resort na nasa bungad lang ng magalawa island. mas magandang magpicture dito pero pinagbawalan kami ng staff na magpicture.
« Last Edit: May 07, 2012, 11:41:52 am by shegothim »

rocky

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #224 on: May 07, 2012, 11:16:41 am »
^buset ako don sa guy sa armada, pinagbawalan tayong magpicture. pero matigas ulo ko nagpicture pa rin ako with matching sagot ng pabalang sa kanya. hindi naman maganda beachfront nila >:(

sa mga gustong pumunta ng magalawa ito itinerary namin & expense. text nyo lang si kuya mulo para magpareserve ng kubo. ;) kilala na rin yong lugar kaya madaming tao. :-\

Kuya Mulo (Ruiz Resort) - 0929-4670505

MAY 4 (Friday)

10:00pm –   Assembly
11:00pm –   ETD Victory Liner (Sampaloc)

MAY 5 (Saturday)

4:15am –   ETA (Pamolingan-Veritas Road Junction)
4:45am –   ETA (Veritas Beach) via Trike
5:15am –   ETA (Ruiz Resort-Magalawa) via Boat
6:30am –   Pitch Tent
                 Breakfast
8:00am –   Rest
11:00am –   Lunch
2:00pm –   Swimming/Snorkeling (San Salvador)
5:00pm –   Sunset
7:00pm –   Dinner

MAY 6 (Sunday)

6:00am –   Wake up call
7:00am –   Breakfast
8:00am –   Break Tent
9:00am –   ETA (Ruiz Resort-Magalawa)
9:10am –   ETA (Veritas Beach)
9:40am –   ETA (Pamolingan-Veritas Road Junction)
10:15am–   ETD (Palauig)
12:30pm –   ETA (Olongapo)
2:00pm –   ETD (Olongapo)
5:00pm –   ETA (Manila)

Expenses:

                                                     Group    Per head
Manila-Pamolingan                                              396                                    
Pamolingan-Olongapo                                          185                                    
Olangapo-Pasay                                                  225                                               
Entrance                                                             100                                                       
Boat (Roundtrip)                                                  100                                            
Trike (Roundtrip)                                    150        150                            
Kubo (5pax)                                           1,000     172
Tent                                                      200   
Snorkeling                                                           150
Food                                                      1,129     162

TOTAL                                                              1,640

Hot water – 30/thermos
Paluto - 150 (as in lahat na ng ipapaluto nyong kanin & ulam. hiwalay ang charge ng rekado. katuwa sobrang mura) ;D


queens

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #225 on: May 07, 2012, 01:25:33 pm »
@ shegothim and Rocky - nice to have you back mga sis. so under ruiz resort pala kayo. hmmm kala ko talaga before ang may ari ng magawala island ay ang mga Armada so hindi pala, may kahati pala sila duon. musta naka relax ba kayo? how is the weather at that time? :)

know whatn comparing Magalawa island over Potipot island for me mas oki na sakin rito. mas mapuno kasi at mahangin nakakarelax. asiwa kasi ako sa mainit na lugar tsaka andun ang mga may ari mas naaalagaan ang lugar compare sa iniiwan lang sa mga care taker.  budget wise pwede na rin affordable trip  at may marine sanctuary kana rin makikita :)
i rate this island 3star hehehhe

rocky

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #226 on: May 07, 2012, 01:58:52 pm »
^sis ok yong weather pagdating namin, nong hapon umulan buti tapos na kaming mag-snorkeling. enjoy kaming maligo sa ulan saka mainit yong tubig sa dagat para kang nasa hot spring. ;) buti na lang pwede palang magpaluto & manghiram ng mga gamit kila kuya mulo kaya less hassle. pagdating namin bumili kami ng pusit & isda tapos nagpasaing sa wife ni kuya mulo. dahil 11pm kami umalis ng manila wala pa gaanong tulog sleep muna kami, paggising namin breakfast tapos swimming then lunch na. sarap ng adobong pusit. promise :P

mas madaming guest sila kuya mulo kasi ang daming bad reviews sa armada. goodluck sa kanila sana maibaba na yong decision ng court para maipasara na ang armada. masyado silang maaangas sa mga guest ng ruiz, halos lahat inaaway nila. eh yong mga guest sa armada ok lang naman pumunta sa ruiz resort hindi naman sila sinisita ng mga staff don.

one time daw may guest ang armada na napagkamalang guest ng ruiz, ayun sinigaw-sigawan. nag-alsa balutan ang guest, umalis kagad sa sobrang badtrip hindi na nag-overnight >:(

shegothim

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #227 on: May 07, 2012, 02:28:21 pm »
sis queens, yan din akala ko dati. puro armada lang kasi ang nababasa ko sa forums iyon pala may ruiz.

mas gusto ko rin sa magalawa kesa sa potipot. mas swimmable kasi atsaka iyon nga malapit lang may snorkeling site na. pero mas photogenic ang potipot kesa sa magalawa.

queens

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #228 on: May 07, 2012, 03:25:45 pm »
mas madaming guest sila kuya mulo kasi ang daming bad reviews sa armada. goodluck sa kanila sana maibaba na yong decision ng court para maipasara na ang armada. masyado silang maaangas sa mga guest ng ruiz, halos lahat inaaway nila. eh yong mga guest sa armada ok lang naman pumunta sa ruiz resort hindi naman sila sinisita ng mga staff don.

one time daw may guest ang armada na napagkamalang guest ng ruiz, ayun sinigaw-sigawan. nag-alsa balutan ang guest, umalis kagad sa sobrang badtrip hindi na nag-overnight >:(
grabe naman sila.. huwag naman nila idamay mga guest sila rin ang masisira. alin part ba yun kina Ruiz ? sa Armada ang pagkaalam ko yun bungad kng saan andun mga cottages nila hanggang sa pakanan side if coming from mainland. yung likuran ng island hindi na ako umikot dun.

^^ shegothim - buti hindi kayo naka tapak ng sea urchin and starfish hahha ang dami di ba :)

shegothim

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #229 on: May 07, 2012, 03:41:12 pm »
nasa may corals iyong sea urchin at starfish dun sa ruiz side,wala sa aming nakaapak pero may isang guest na nakaapak habang naghahanap ng starfish.

sa may likod ng armada, pagkalagpas ng mapunong part ang ruiz.

ngayon lang ako nakarinig na bawal magpicture kung di ka guest ng resort nila. sa boracay, cebu, bohol, pagudpud kahit saang tapat pwedeng magpicture pero sa armada hindi (kung hindi ka guest).

queens

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #230 on: May 07, 2012, 03:57:35 pm »
tsk tsk tsk...  sad to hear sana huwag naman silang ganyan sa mga guest.   

rocky

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #231 on: May 07, 2012, 04:20:01 pm »
^grabe talaga don. tama nga yong mga nababasa kong blog tungkol sa mga armada. >:( nong sinita kami ni jen na bawal magpic. sabi ko "kaya nga hindi kami nagpabook sa inyo kasi ang daming panget na reviews sa mga blog. saka kuya wag mong pagyabang tong lugar nyo hindi naman kagandahan ang beachfront. mas maganda pa sa coron saka don sa amin sa cebu". tinanong ko sya bakit bawal magpic. sagot lang nya yon daw kasi utos sa kanila ng owner. ::)

queens

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #232 on: May 07, 2012, 04:25:19 pm »
hahahah tama eh mas magaganda pa mga napuntahan natin sana ni inisnob mo si kuya sabay sabi ng che!  :D

rikki21

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #233 on: May 08, 2012, 03:43:28 pm »
my friends and I are planning to go to Magalawa ISland on may 19-20. I thought Armada lang, based on their FB page. Daming pics and may mga artista pa! May Ruiz din pla. I just want to ask if may group packages din ba and Ruiz resort? kasi sa armada may package na meals, transpo, room, snorkeling. group of 8 kami, at wala din may tent so baka mag rent talaga kami ng room.

rocky

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #234 on: May 08, 2012, 04:36:56 pm »
^meron din sila sis. ask mo si kuya mulo kung magkano kasi kami mas gusto namin DIY. bumili lang kami ng isda & pusit then pinaluto namin sa kanila, lahat ng ulam & yong saing ng bigas bale 150 lang charge nya. ;)

Kuya Mulo (Ruiz Resort) - 0929-4670505

rikki21

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #235 on: May 15, 2012, 07:08:18 pm »
pero saan po mas maganda mag stay, Armada or Ruiz? saan mas maganda ang beach front, corals, cottages and food? Verify ko lang kung 2 lang ang common CR sa Ruiz resort? kasi sa Armada, each kubo ata may cr.

shegothim

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #236 on: May 15, 2012, 10:06:53 pm »
i think mas developed sa armada atsaka mukhang mas malalaki mga kubo doon. malinis naman ang common cr pero 2 lang.

mas malumot iyong ibang part ng armada kesa sa ruiz. tingin ko mas ok magswimming sa tapat ng armada. konting langoy lang may corals na. may part kasi sa armada na delikadong languyan. sa food naman ok magpaluto sa ruiz. mura lang kasi doon. di ko sure kung ok ang food sa armada kasi di ko pa natry dun at ayaw ko ring magtry dun dahil sa lame nilang rule na bawal magpicture sa tapat nila. nature kaya yun di naman sila ang gumawa para pagbawalan nila kami.

madiday

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #237 on: May 15, 2012, 10:19:07 pm »
my friends and I are planning to go to Magalawa ISland on may 19-20. I thought Armada lang, based on their FB page. Daming pics and may mga artista pa! May Ruiz din pla. I just want to ask if may group packages din ba and Ruiz resort? kasi sa armada may package na meals, transpo, room, snorkeling. group of 8 kami, at wala din may tent so baka mag rent talaga kami ng room.

sis plan din namin mag magalawa ng may 19-20 pero sabi ni mang mulo dadating daw yung may ari kaya di muna sila tatanggap ng guests.. aayusin ata yung gulo nila with the armadas.. yun kaya potipot ang destination namin this coming weekend :/

danda

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #238 on: May 16, 2012, 10:59:49 am »
^awww sayang naman. naisip ko pa naman na magpunta rito, bad timing pala.

rikki21

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #239 on: May 17, 2012, 05:50:05 am »
nag inquire kami kay Kuya Mulo for 20-21, may available pa naman daw sila. But since gusto ng ibang friends ko na less hassle, sa Armada nalang daw kami. with the comfort of AC and own CR.  na explain ko naman yung sa lumot side at mood ng staff but maybe, most of us want to relax lang talaga..  ayun. super tagal mag reply, like 6 messages sent starting early morning, ang reply after 16 hours pa! I suggest pag nagpapreserve, tawagan talaga. and may down payment nga. but till now hindi pa nabigay yung bank details nila :/

 

Latest Stories

Load More Stories
Close