been there last weekend c/o ate grace.
disclaimer: this is an honest review based on my experience.
wala po akong sinisiraan or something, i just want to help my fellow gtalkers.
here goes:
we travelled from manila to palauig via motorcycle (club cb110 ride).
mas malayo sya sa san antonio. pagkaliwa mo sa papuntang port, the road is rough road na.
as in dust, stones, loose gravel. ok lang siguro kung nakakotse, pero since naka-mc kami parusa to.
one of our riders miscalculated his descent and fall pa.
pagdating sa parking, may gate naman. pero parang isang malaking looban. maraming bahayan.
i didn't feel its safe kasi andaming naglalaro at nagtatakbuhan na bata, so kung ayaw mo magasgasan ang kotse mo, bring car cover.
and may bayad nga ang parking. 50 per mc. 100 per car.
the port itself is not so good looking (compared sa pundaquit), i was disappointed sa water, color lumot green. aww
approaching magalawa, what i first noticed was the seaweeds. it is everywhere!
the island itself is parang mejo masukal pa, halatang di pa sikat. dami small plants sa shore.
ignored it at first, i was thinking of finding a seaweed-free spot later na lang.
mabait ang aming welcoming committee. lalo si ate grace. areglado agad ang aming request for additional bed.
we were ushered sa aming kubo. kinda disappointing for its price.
elevated papag, bamboo doors with mini lock, with kutson and beddings and electric fan.
mejo useless lang ang lock kasi madali naman masira yung kawayan and may butas din sa silong.
pero keri na rin kasi at least mejo mahihirapan kung may masamang loob man.
the cr is common cr nga. buhos system from sa nearby poso.
the poso is amoy kalawang ang water. better pa sa anawangin.
come lunch time 11am, we were served:
Limang Isdang Demonyo!! (di ko alam tawag, sabi lang ng friend ko to)
Limang pinggan ng Adobong Manok
Limang pinggan ng sugpo
Tagiisang coke
Soup
At unlimited kanin..

no menu here, eat what is served.
pero mabait ang mga manang. bigay agad ang request namin.
yung isa nahiya pa kasi mabaho na daw sya. sabi ko kebs na te, basta penge extra rice. hehe
siguro specify mo na lang sa nego nyo before going kung allergic ka sa particular food.
so swimming na kami, wala pala spot na walang seaweeds! waaa
the sand is creamy white! pero not fine, mas gusto ko pa ang grayish sand ng anawangin or ang brownish sand ng nagsasa.
maraming nagkalat na stones and shells, so be sure to walk with slippers. or buy aqua shoes!
sobrang daming starfishes! good for picture-taking, bad for barefoot!
may mga twigs din sa ilalim ng dagat, akala ko ahas sa tubig. aww
my friend got pricked by something. akala namin sea urchin pero sabi ng mga locals, fish daw un.
so dinala namin sya kina ate grace. namaga na kasi yung buong paa nya.
binabad nila sa mainit na suka, kwento ng mga locals kahapon daw may natusok din.
umabot gang kili-kili yung maga kasi pinabayaan. aww
so reminder: bring ANTI-HISTAMINE!
in 3hrs naman ok na sya, buti may friend kaming nurse at may dalang mga gamot.
kumain din kami ng halo-halo. 25pesos. di masarap.
gulaman, nata, beans, buko, ube, konting gatas at maraming yelo. yun na.
bring food din, no free food in between. pero may tinda naman sila dun. mejo mahal nga lang.
by dinner (7pm), we were served:
Limang malalaking Lapu-lapu
Limang pinggan ng Menudo
Limang pinggan ng chopseuy
Tagiisang coke
Soup
At unlimited rice!!!!..

after dinner, inuman na!
ang mahal ng alak, malas namin kasi isa na lang yung the bar (100pesos)
tapos puro red horse (40pesos 500ml). pero may tanduay ice!
binigyan pa kami ng banig, baka gusto daw namin sa lapag maginuman!
pede din daw kami magtent kung gusto. wow!
make sure lang na ilista ang mga kukuning alak.
kami kasi may inorder na isang case na pinacancel din, pero lumabas sa bill.
kaya double check.
breakfast kami ng 7am, we were served:
Tigiisang jumbo Hotdog
Tigiisang sunny side up Egg
Tigiisang tuyo
Tigiisang kape
Soup
Unlimited rice!!!..

i exchanged my coffee to coke. pede naman.
after kumain, snorkeling na daw sabi ni ate grace hanggat mataas pa daw yung tubig.
balsa ang gamit nila. cool din.
mejo may kalumaan na yung ibang pang-snorkeling na gamit, sira na yung rubber.
yung saken pinapasukan na ng tubig. aww
buti pumayag makipagpalit yung isa kong friend, bago yung sa kanya e.
di kagandahan ang corals, sabi ng friends ko patay na daw yung iba.
isa lang nakita kong kulay green pa.
wala masyado fish, puro black pa. isa lang nakita kong nemo.
ingat pag bumababa na ang tubig, muntik ko na maapakan yung sea urchin. aww
at may something na nanunusok, pagahon namin puro kami pantal.
pero mabait si ate at kuya sa bangka. pumayag hawakan mga gamit namin. tapos pinipicturan din kami.
sa cam nila at sa cam namin (iuupload daw sa fb).
so swim swim ulet.
binuo namin yung name ng club using starfishes (ganun sila karami). hehe
lunch ulit!
Limang pinggan ng alimango
Limang pinggan ng tuna (di ko alam luto)
Limang pinggan ng isda (di ko ulit alam luto)
Tagiisang coke
Soup
At unlimited rice!!!!..

habang kumakain pala kami, may isang girl sa kabilang table na nakababad din ang paa sa suka.
so 3 days in a row na may natusok. i wonder kung everyday yun.
so nagpasettle na ng bill kina ate grace at sa nanay nya habang nuod ng asap xv.
parang mejo asar yung isang manang na in charge sa bill kasi nga nagquestion kami sa alak.
ayun pahinga lang ng unti tapos larga na kami.
nagpapicture pala muna kami ke ate na kasama namin sa snorkeling.
aba marunong gumamit ng slr! ayus!
pagdating sa kabilang port. natuwa ako sa mga malalaking isda.
sabi ko sa manang, pede po picturan.
sabi nya: pede pero may bayad (seryoso sya)
our mc are intact pa naman. so i guess we can say na safe naman ang parking nila.
over-all, my rating is 2 out of 5.
best point ang mabait na staff at pagiging accomodating ni ate grace and ang dami ng food serving.
the rest, it could have been better.
would i recommend it? honestly no.
kung habol mo swimming sa beach better pa ang anawangin, kahit mabaho na sya.
if you want virgin and less crowded beach, go here. be prepared lang.
or go for nagsasa na lang. mas maganda dun.
pero two thumbs up ako sa service nina ate grace.
sana lang maisipan nila pano linisin ang dagat. heaven na to for sure.